Paul's POV
Hindi ko na maintindihan si Paris. Ang gulo nya lately, I don't know what's going on on her mind. Iniintindi ko pero ang hirap din minsan.
Kapag naiinis sya sakin hindi ko alam kung pano sya susuyuin, ang hirap talaga kapag malayo sya.
Tapos ngayon, may balak pa syang mag entertain ng ibang suitors. Eh pano kung may magustuhan sya? Pano na ko? Alam ko at nararamdaman ko na mahal nya parin ako pero mas makakampante siguro ako kung sa kanya mismo mangagaling.
If she really wants to accept suitors other than me, gagawin ko na lang ang best ko na ako padin yung piliin nya. I love her at di ako papayag na mapunta sya sa iba.
Nakahiga ako ngayon sa kama ng biglang kumatok si Dad sa room, tumayo agad ako at pinagbuksan sya ng pinto
Anak, are you feeling well now? Are you sure na kaya mo maiwan dito, hindi na lang ako papasok para bantayan ka.
Hindi na Dad, pumasok ka na okay lang po ako. Hangover lang po 'to, andyan naman si ate diba?
Off nya ngayon anak, kaya nga nagdadalawang isip ako na pumasok eh.
Ah, wag na Dad okay lang po ako. Marami kang scheduled meetings today. Hangover lang po talaga 'to
Pero anak, you have a fever
Uminom na po ako ng gamot kanina Dad. Itutulog ko na lang po 'to. Don't worry about me Dad! Okay lang po talaga ako!
Okay, basta message me kung may mangyari na di okay sayo ah
Opo Dad!
Nagprepare ako ng food for you kapag nagutom ka initin mo na lang ah. I'll go ahead, get well Son, see you later!
Okay, Dad. Thank you!
-Video call-
Hello, Paul! Okay ka na ba?
Love, kanina hindi ngayon okay na!
Seryoso yung tanong ko
Seryoso din yung sagot ko, okay na talaga ako nung nakita ka. Love, bat sobrang ganda mo naman, ganyan ba lagi itsura mo pag pumapasok?
Huh? Si Ate Sola yung kasama ko dito, fashionista kasi yun, sya stylist ko dito.
Sobrang ganda mo.
Tumawag ako kasi gusto kitang kamustahin bakit ka ba kasi nagkasakit?
Under the weather lang siguro, stressed din. Nagtatampo sana ako sayo kaso hindi ko kayang palampasin yung video call eh
Paul ang OA, bakit ka naiiyak dyan?
Ewan ko, naiiyak ako kasi masaya ako na finally nakita na kita, 3months, 1week, 1 day and 12hours din yun. Love di biro yun sakin, hirap na hirap na nga ako eh
Hala! Grabe, binilang mo pati oras?
Oo, OA diba? Na-touched ka ba?
Oo, di ko inexpect eh. Salamat sa paghihintay
Always Love, always
Teka, yung sinabi mo kanina na nagtatampo ka, bakit?
Wala, kalimutan mo na!
PAUl!!!!
Eh kasi nalungkot lang ako nung sinabi mo na mag-e-entertain ka pa ng ibang manliligaw, di pa ba ako sapat? Kulang pa ba lahat ng effort? Bakit kaylangan mo pa maghanap ng iba? Ayun, I can't help but feel sad kapag naiisip ko
I'm sorry kung nasaktan ka dun, naisip ko lang kasi na kung mag bibigay ako ng second chance bakit di ako magbigay ng chance din sa iba, diba?
Naiintindihan ko, gaya ng sabi mo wala naman na kong karapatan ngayon sayo. Kung yan ang gusto mo sige sasabayan ko na lang yung mga gustong sumubok. Hindi kita susukuan, kasi diba nga hindi mo dapat sinusukuan yung taong mahal mo!
Mas seryoso ka pala kapag may sakit, noon kapag may sakit ka natutulog ka lang sa lap ko ah, ngayon ang lalim na ng mga sinasabi mo
Marami lang akong natutunan sa mga nangyari. Sorry ah, sumuko ka dahil sa katangahan ko noon. Pero Love, ako kahit na sukong-suko na ko sa mga nangyari sakin noon, hindi ko sinuko yung pagmamahal ko sayo. Oo napagod ako pero di bumitaw at kumakapit parin hanggang ngayon.
Tama na Paul, pinapaiyak mo na ko eh.
Seryoso yun Love. Ganto yung effect mo sakin eh. Mahal talaga kita kaya gagawin ko lahat bumalik ka lang ulit sakin.
Kakamustahin lang dapat kita eh bakit ang dami mo ng sinasabi dyan? Magpahinga ka na! Uminom ka na ba ng gamot?
Oo, don't worry, okay na talaga ako ngayon
Andyan ba si Tito?
Oo kanina pa Love, 10:30PM na dito, tulog na nga sya eh
Okay, sige na. Kumain ka ng fruits and drink meds tapos uminom ka ng maraming tubig ah. Aalis na ko, tawag na ko ni ate Sola.
Okay sige, salamat sa video call ah, salamat sa pakikinig, magpapahinga na ko, have a good day! I love you!
Naku, napuyat ka pa pala. Matulog ka na. Sige na, bye!