Nocturne Academy: School For...

By suneowara

4.1M 192K 41.4K

GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke... More

Author's Note
PUBLISHED UNDER PSICOM
SELF PUB
Prologue
1. Sickness
2. Nocturne
3. Athena's Heiress
4. First day of Classes
5. Her Familiar
6. Hephaestus' Heir
7. 'What's your gift?'
8. Guilds
9. The uninvited
10. Venus
11. Fire and Wind
12. Deities
13. First Mission
14. Stick to the Mission
15. Find the little girl
16. 'The house was haunted?!'
17. Twins
18. As a Team
19. The queen of the seas
20. Tsunami
21. Waves
22. King
23. Fools
24. Hard Headed
25. S Mission
27. Bet
28. Survive
29. Someone from the past
30. Consequences
31. Save their Ass
32. Trejon
33. Reunion?
34. Reason
35. His Mission
36. Her Identity
37. Back to the Academy
38. Training
39. Her Gift
40. Intruder
41. Trap
42. Change of Plans
43. Thief
44. The Best Team
45. Saving the Raven
46. The Bitch Heiress
47. Mastermind
48. Sacrifices
49. Lost
50. Mourning
51. Hope
52. Change
Epilogue
Familiars
SPECIAL CHAPTER PART 1
SPECIAL CHAPTER PART 2
Author's Note // Announcement//

26. Plan B

56.4K 2.9K 559
By suneowara

"HUH? But you're the heiress of—"

Hindi naituloy ni Eva ang sasabihin niya nang bigla na lamang itong huminto. Parang mabilis na nagbago ang ihip ng hangin at sa isang iglap, naglaho ang emosyon sa mukha niya. Her face went blank.

"Heiress of whom?"

"Sshh."

Sumenyas sa akin si Eva na tumahimik na mabilis kong ginawa. Sinimulan niyang ilibot ang paningin niya na para bang may pinapakiramdaman siya.

She immediately caught my attention. Agad akong napatingin sa paligid namin dahil sa inakto niya. Anong meron?

"They're here," seryosong sambit ni Eva.

The atmosphere suddenly changed. Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. "W-Who?"

Imbis na sagutin ako ni Eva ay inaya ako nito. "Follow me."

She turned into a phoenix. Sinuong niya ang ulan at pumunta sa kung saan. Mariin akong napakagat sa ibabang labi.

Kahit na hindi ko alam ang nangyayari ay dahan-dahan akong lumabas para sumunod sa kaniya. Malamang at sa malamang ay yari ako mamaya kay Aqua kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam.

I tiptoed outside and carefully closed the door. Kumuha ako ng payong at sinuong ko rin ang ulan sa labas ng inn. Mabilis akong napatingin sa magkabilang gilid ko para hanapin ang babaeng sinusundan ko.

Hindi ko alam kung anong oras na. Napakaraming tao pa rin na naglalakad sa labas. Sobrang liwanag ng paligid. I casually walked in the rain to blend in with the crowd. Some neon lights are already blinking as if they never turn it off.

Mabilis na nakuha ang pansin ko nang may nakita akong babaeng hawig ni Eva na pumunta sa isang eskinita. Hindi ako nag-aksaya ng oras at nagmadali akong sumunod sa kaniya. Rinig ko ang bawat pagtapak ko sa mga putik at mga basang sementong natatapakan ko.

Inakala kong isang pamilyar na babae ang bubungad sa akin pero nabitiwan ko na lang ang payong ko sa sumalubong sa akin. The lady that I'm following is biting a guy. Her eyes are color red.

Kahit hindi ko pa sila nababasa sa libro sa academy ay hindi ako tanga para hindi malaman kung ano sila.

She's none other than a vampire.

I was frozen in my place and couldn't utter a word. Natauhan na lamang ako nang tumingin sa akin ang babae habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

"Oh, another food."

Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa narinig. Natagpuan ko ang sarili kong dahan-dahan na humakbang paatras. I can feel my heartbeat pounding fast. Napalunok ako nang malalim at hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya. Natigilan na lamang ako nang may nabangga ako sa likod.

"Saan ka pupunta, miss?" sambit ng isang lalaki.

Mabilis akong napalingon sa lalaking nag-aabang sa likod ko. My eyes widened and my jaw dropped when I saw another pair of red eyes.

"Bakit hindi ka muna sumama sa amin—"

Sinubukang hawakan ng lalaki ang braso ko pero bigla itong natigilan. Agad siyang lumayo sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Fear crossed his face and he gave me a scared look.

"S-Sh*t, she belongs to a guild. A f*cking gifted," nauutal na sambit niya.

Napaismid ang babae sa sinabi ng lalaking kasama niya. Doon ko napagtanto na nakalimutan ko palang takpan ang tattoo ko. Mabilis akong napahawak sa pulso ko.

Yari na talaga ako kay Aqua.

"We don't want trouble. We're just minding our own business," sambit ng babae sa akin.

Walang kaemo-emosyon niya 'kong dinaanan habang sumasabay ang mahabang buhok niya sa hangin. Hindi pa 'ko kumukurap, sa isang iglap ay pareho silang nawala sa paningin ko.

Naiwan akong nakatayo sa eskinita at hindi makapaniwala sa nangyari. Bakit hindi nila ko sinaktan? May alitan ba sila ng mga gifted rito?

Ilang segundo akong nakatayo habang hinihintay ang paggaan ng pakiramdam ko. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang unti-unti itong gumaan, mabilis kong ipinilig ang ulo ko at inalis ko ang mga tanong sa isipan ko. Muli kong kinuha ang payong na nahulog ko kanina.

Bumuga ako ng hangin. She's right, they're minding their own business. Dapat ko nang asahan na magiging pugad ito ng mga bampira dahil hindi naman umaaraw dito. Wala na dapat akong paki kung kumakain sila dahil kami ang hindi nararapat dito.

Marahan akong pumikit bago malalim na huminga. Then, I continued walking as if nothing happened . . . pero nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Muli akong lumabas sa eskinita at nakihalo sa mga taong naglalakad. Pero gano'n pa man, hindi ko pa rin mapigilang mapaisip sa nangyari.

Hindi kaya sila ang ipinunta ng Avelites dito? Pero imposible. Hindi ito magiging S mission kung gano'n lang. At saka mukhang may iba pang guild na nakapuwesto rito dahil may alam ang mga bampira na 'yon tungkol sa amin.

"Ano ba! 'Wag mo 'kong hawakan diyan!"

Habang kaswal na naglalakad ay nakuha ng isang pamilyar na boses ang atensyon ko. Nakarinig ako ng pamilyar na boses sa hindi kalayuan. I paused for a moment to recall who that person was.

Teka, kilala ko 'yon, ah. Don't tell me

Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng boses at bumungad sa akin ang isang pamilyar na babae.

"Dali na kasi, sumama ka na sa amin," sambit ng lalaking kasama nito.

As soon as I saw her bandana, nakumpirma ang hinala ko. Sumalubong sa akin si Kyera at may kasama siyang tatlong lalaki. Kumunot ang noo ko at hindi ko mapigilang magtaka. Teka, bakit siya lang mag-isa? Nasaan sina Helix?

Tiningnan kong mabuti ang mga kasama ni Kyera at parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. My eyes widened and my expression changed when I recalled what I saw.

Those tattoos.

They belong to Trejon guild.

Ano'ng ginagawa ni Kyera?! Ipinapahamak niya ang sarili niya!

"Come on, sumama ka na sa amin."

Todo aya na sa kaniya ang mga lalaking kasama niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa payong at napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ako puwedeng manood lang dito.

I clicked my tongue. Pumunit ako ng tela sa T-shirt ko at tinakpan ang tattoo ko sa pulso. Even though I hate her, kailangan ko siyang tulungan bilang isang Deity. Without thinking twice, binitiwan ko ang payong ko at dere-deretsong pumunta sa puwesto nila.

"Tara na—"

"Ayaw niya sabi, hindi ba?!"

Pare-pareho silang nagulat nang bigla akong sumulpot. Namilog ang mga mata ni Kyera nang masilayan ako.

Nakikilala niya kaya ako?

"O! May isa pang chick, oh!" sambit ng isang lalaki.

Sinubukan akong akbayan ng lalaki pero agad akong umiwas. Kasabay n'on ay ang paghawak ko sa braso ni Kyera.

"Bes, sorry kung nahuli ako. Tara na," ani ko.

Sinubukan kong hilahin paalis si Kyera, pero agad akong pinigilan ng isa sa mga lalaki.

"Ano ba'ng ginagawa mo, ha? Nakikita mong kasama namin, eh," giit nito.

"Aalis pa kami—"

"Kung gusto mo, sumama ka na rin sa amin," dagdag ng isa.

Humigpit ang pagkahahawak sa akin ng lalaki. "B-Bitawan mo 'ko!"

I gasped while trying to remove his hand. Pero nabigo akong alisin iyon. The last thing I saw was his pink eyes before everything turned black.

₪₪₪₪₪₪₪₪

NARAMDAMAN kong gumagalaw ang hinihigaan ko. Mariin akong napapikit bago dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Unti-unting bumungad sa akin si Kyera na kanina pa may malay. Walang-ekspresyon siyang nakaupo sa harapan ko.

"N-Nasaan tayo? Kalesa ba 'to?!"

Mabilis akong napabangon at inilibot ang tingin sa paligid. Todo silip ako sa bintana at tama nga ang hinala ko. Paniguradong nasa Resoir pa rin kami dahil umuulan pa rin. Pero nakasakay kami sa kalesa.

I bit my lower lip as I tried to find a way out. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito. Napaismid ako sa pagkairita. Nalintikan na.

"What the heck are you doing?!" biglang tanong ni Kyera.

Napatingin ako sa kaniya na hindi ko maintindihan kung bakit ang sama ng tingin sa akin. She looks really irritated at me.

"Bakit ako ang tinatanong mo, ha?! Eh, ikaw 'yong may kasalanan nito, eh!" sagot ko rito.

"Excuse me?!"

"Bakit kasama mo 'yong mga taga-Trejon na 'yon, ha?! Alam mo bang masasama sila?!" dagdag ko.

"YES, I KNOW THAT!" sagot sa akin ni Kyera na parang pinagmumukha akong tanga dahil sa mga sinabi ko.

"Then why are you with them?!"

"Uhm, because of our plan? God! You ruined everything!"

I was taken aback by her answer. Napasabunot na lang sa sarili niya si Kyera habang natauhan naman ako. Tumaas ang dalawa kong kilay habang napatulala sa sinabi niya.

"H-Ha?" pagtataka ko.

"Everything was doing fine! Nakiepal ka pa!" muling sabi niya.

"He-he, what do you mean?" Hindi ko naiwasang tumawa nang bahagya.

"Don't f*cking laugh!"

Napayuko ako sa sinabi niya at itinikom ko ang bibig ko. "S-Sorry."

"Jeez! Kasama 'yon sa plano! Nando'n lang dapat ako para kumuha ng mga impormasyon nang bigla kang sumulpot!" inis na sambit niya.

"A-Akala ko kasi kikidnapin ka, eh," pagmamaang-maangan ko.

"Iyon na nga, eh. There are reports about kidnapping. Puro mga babae. We don't know why pero may lead kami. Kaya kami nandito ngayon."

I paused for a moment. Sumagi sa isip ko 'yong mga nakalaban namin noon sa dalampasigan. Nangidnap sila ng mga babae dahil naghahanap daw ng mga babae ang isang guild. Hindi kaya konektado ito?

"Sh*t, wala na 'to sa plano. Malamang at sa malamang ay dadalhin nila tayo sa guild nila. Bakit ka ba kasi nandito, ha?!" tanong ni Kyera.

Hindi ako nakasagot agad at pasimple akong umiwas ng tingin. "U-Uhm, I'm with Aqua and King."

Kyera suddenly got frozen in her place. Namilog ang mga mata ng babaeng kaharap ko. Unti-unting umawang ang bibig niya.

"K-Keon?!" Tila nanlumo siya sa narinig.

Mabilis siyang napaismid at kusang napaayos ng katawan habang inililibot ang tingin sa loob ng kalesa.

"S-Sh*t! It's time for plan B."



Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 1.1K 35
When Raisha's parents transferred her to Kaden High, she kept hearing about the seven wonders, especially the seventh wonder. As she keeps hearing ab...
4.6M 35K 11
Lucy Cardova's not an ordinary girl, that's what she thought she was. With her knowledge and intellect, neither did she knew she's beyond that. One i...
64.4K 2.3K 111
"Kuya, pa-accept!" Epistolary Romance 2020
FS#1: Shaddy By useless

Mystery / Thriller

987 293 39
𝗙𝗥𝗔𝗚𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭 "𝘐'𝘮 𝘴𝘩𝘢𝘥𝘥𝘺, 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘢𝘯𝘵 𝘣𝘶𝘥𝘥𝘺." 𝗦 𝗵 𝗮 𝗱 𝗱 𝘆 | 𝗘𝗣𝗜𝗦𝗧𝗢𝗟𝗔𝗥𝗬 status: COMPLETE...