✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57.2K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

SEPTEMDECIM

827 73 10
By NoxVociferans

"Teka, pare.. pakiulit nga. 'Yong lenggwaheng maiintindihan ko naman kasi pakiramdam ko ibang version ng Tagalog ang ginagamit mo." Naguguluhang sabi ni Desmond sabay kumagat ulit sa kanyang sandwich.

Napabuntong-hininga ako. "Nakakaintindi ka naman ng Tagalog 'di ba? Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Langya, ang haba-haba ng paliwanag ko eh!" Naiinis kong sabi at sumandal na lang sa upuan.

Ilang oras bago ang first period namin sa umaga, naisipan kong ayaing pumasok nang maaga ang kaibigan ko. Nang makauwi ako kagabi galing sa pang-aalipin sa'kin ni Medusa, nakahinga ako nang maluwag nang mapansin kong nawalan na ng bisa ang pana ni Eros kay Desmond. In fact, he woke up with no memories of the creepy things he told me! Mabuti na 'yon dahil ayoko na ring balikan. Para akong na-trauma sa panlalandi sa'kin ni Desmond.

Anyway, I dragged him to school early because I wanted to tell him all about the madness happening in my life eversince he sold me to Medusa. Ilang araw pa lang ang nakakaraan, pero pakiramdam ko malapit na akong mabaliw. At dahil sa kanya naman nagsimula ang kalokohang ito, mukhang ayos lang namang malaman niya.

Ang hindi ayos ay noong binayaran ko pa siya kanina para lang pumasok siya nang maaga. Nanghingi pa ng ₱100 para bumangon siya sa higaan niya. He argued that since I was violating his "human rights", kailangan raw may bayad-pinsala ang panggigising ko sa kanya.

Yup, he's back to normal.

Huminga ako nang malalim. 'I wonder what will happen today.. aatakihin na naman kaya ako ng isang minotaur, maloloko sa mga pana ni Eros, o pagbabantaan ng mga diyos na naghahanap kay Medusa?'

Matagal-tagal rin bago nakapagsalita si Desmond. Napansin niya sigurong hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. Langya, dahil sa pagbenta niya sa akin noon kay Medusa, gumulo lalo ang buhay ko!

"Err.. so let me get this straight: magmula nang maging personal assistant ka ni Medusa, nagpapakita na sa'yo ang mga Greek gods and goddess na pinag-aaralan lang natin dati noong junior high?"

"Oo."

"Tapos binabayaran ka na pala ni Medusa pero hindi mo pa ako binibigyan ng porsyento?!"

Tumalim ang mga mata ko, "DESMOND!"

He laughed nervously and scratched the back of his head. "Hahaha! Just kidding, 'tol. Pero seryoso, baka kasama talaga yung abilidad na makakita ka ng mga diyos at diyosa sa pagiging tauhan ni Medusa? Parang promo sa mga grocery na kapag bumili ka ng pasta noodles, may kasama nang spaghetti sauce. Tapos dahil sa spaghetti sauce na 'yon, nakapag-spaghetti ka kahit wala ka naman talagang planong mag-spaghetti dahil yung noodles lang talaga dapat ang bibilhin mo. Pero dahil nanghihinayang ka sa kasamang sauce sa promo, napilitan ka tuloy magluto ng spaghetti."

"Summary, pre. Nagutom lang ako."

Napasimangot si Desmond, "Ang summary nito, Rein... Ay baka noong 'aksidente' kitang naibenta kay Medusa para maging tauhan niya, kasama na talaga doon sa kasunduan na magkakaroon ka ng powers na makakita ng mga diyos at diyosa. At dahil kasama na talaga ito sa trabaho mo, no choice ka na lang."

"Geez. Salamat sa napakabuting advice. Nakatulong talaga. Tsk!" Oo, nagiging sarkastiko na ako ngayon. Nagutom kasi ako sa spaghetti-spaghetti na sinasabi niya. Ni hindi pa man din ako nag-aalmusal.

Napalingon ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nagtaka ako dahil unregistered number ang naroon.

From: +63911....

Hi kuya rein! Caprissa to. May pinapagawa po sayo c lady medusa. Wait lng send ko sau.     (✿^‿^)

"How the hell did they get my number?"

Napaubo si Desmond.

I turned to him suspiciously. He raised his hands up in defense, "May emo kasing nagpunta sa dorm noong isang araw! Tinatanong kung updated na daw ba yung number mo doon sa resume, tapos sabi ko hindi pa. They paid me to give them your new number! Dapat nga maawa ka pa sa'kin eh. Dahil sinamantala nila ang kahinaan ko sa pera."

Napasapo na lang ako ng noo ko. Sa madaling salita, "marupok" talaga ang gagong ito pagdating sa pera. Siguro nga kung babayaran siya ni kamatayan, baka ibenta na rin ni Desmond ang kaluluwa ko eh. Seriously, how the hell did he became my childhood friend?

Ilang sandali pa, tumunog ulit ang cellphone ko.

From: +63911....

Kuyaaaaaa! Eto na po:
-pumunta sa night raven's park para kumuha ng bulaklak ng asphodel
-bumili ng acetone kasi maglilinis ulit ng kuko c lady medusa
-isa-isahin ang mga hotel at alamin kung nag-check in ba doon si linae
-i-restock ang catfood dito sa warehous kasi naubos na po ni lady medusa ung binili mo po
Wag ka daw po aabsent mamaya kasi marami pang ipapagawa sau c lady medusaaaaa

From: +63911....
*waehouse

From: +63911....
*WAREHOUSE     (╯°□°)╯︵ ┻━┻

From: +63911....
Sorry po typo haha peace!   (≧▽≦)

"Damn it." Sumasakit na ang ulo ko. Mukhang mas mahirap pa palang maging PA ni Medusa kaysa sa inaakala ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa bench at nag-inat muna.

I checked the time and sighed.

"Uy, Rein! Saan punta mo?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Desmond.

Pagod lang akong ngumiti. "May oras pa ako para dumaan ng catfood sa grocery at bumili ng acetone ng boss ko. Gotta go." At nakapamulsa na akong naglakad papalabas ng campus namin. Mabuti na lang pala at malapit lang ang ECU sa kabihasnan. I don't need to be worried with being late to any of my classes.

Habang naglalakad, sinilip ko muna sa wallet ko kung nandoon pa ang ATM card ko. Sinigurado nina Markus na may sapat na pera dito para panggastos ng mga luho ni Medusa. Mabuti na lang at bukod pa nilang ibibigay ang sahod ko kada linggo. At least all the craziness I have to endure will be payed off. Makakapagbayad na ako sa dorm at makakabili ng mga kakailanganin sa school.

College life really sucks.

"REIN!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Pamela. Pero dahil dito, aksidente kong nabunggo ang isang lalaki na sinamaan agad ako ng tingin. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Psh." Singhal niya bago siya naglakad papalayo.

Sinundan ko siya ng tingin dahil iba ang pakiramdam ko sa kanya. He has this weird aura that is surely not human. 'Posible kayang isa na naman sa mga nagha-hunting kay Medusa?' Ngayon ko lang siya nakita dito sa campus at mukhang nakakakuha na agad siya ng atensyon, lalo na sa mga kababaihan. He had these god-like features and charisma that can be of a model's.

Confident bastard.

May basa ako noon sa psychology. We have a psychological effect called "body negative".

Ipinapaliwanag sa "body negative" na kung paano nakakaapekto ang self-confidence mo sa buhay mo. Halimbawa, kapag may sinabihan kang "pangit", bababa ang self-esteem ng taong iyon at negatibo ang magiging epekto nito sa buhay niya dahil palagi niyang iisiping pangit siya. How you perceive yourself greatly affects how this reflects on your life.

Kaya't iwasan natin ang pambubully o pamba-bash ng mga kapwa natin dahil mas malaking pinsala ang maiiwan kung maniniwala sila sa mga negatibong kumento ng ibang tao.

Physical flaws do not define us as humans.

Anyway, I smiled nervously as Pamela Lavista ran towards me. 'Mukha namang walang physical flaw ang crush ko,' bias na kumento ng boses sa isipan ko. Nang maabutan na niya ako, hindi pa rin nawawala sa mga labi niya ang ngiting laman palagi ng mga panaginip ko.

She's so damn beautiful.

"Hey."

"H-Hey, Pam! M-Musta?"

Kung may gamot sana sa pagiging torpe, baka noon pa sana ako nag-order ng isang sako nito.

"Still the same! Hahaha! Nga pala, Rein, may favor sana akong hihingin sa'yo..." Nahihiya niyang sabi.

'Sure! Anything!'

Tumikhim ako, "Um.. sige. Ano ba 'yan?"

"Medyo mababa kasi ang results ng quizzes ko sa Advanced Algebra. Ang sabi ng prof ko, mas okay daw sana kung magpapatulong ako sa'yo."

Hindi ko alam kung tuluyan na ba akong nabingi o talagang nagmimilagro ang langit ngayon at binibiyayaan ako ng swerte? I blinked and stared at Pamela for a long time. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Mabuti na lang talaga at nakapaglagay na ako ng deodorant kanina!

"Does this means...?"

She nodded. "Magpapa-tutor sana ako sa'yo, kung okay lang? Pero kung hindi naman---"

"OO! SIGE!" I cleared my throat. Damn, baka naman isipin niyang atat ako? Tsk. Act cool, Rein. Act cool...

"K."

Smooth.

Ngumiti naman nang malawak si Pamela. Ilang sandali pa, bigla niya akong niyakap. "Thank you, Rein! So, I'll meet you at your place tonight, around 7:00 p.m., okay lang ba?"

Hindi ko alam kung paano ako nakasagot dahil pakiramdam ko nasa langit pa rin ako. Still, I managed to croak out a soft "O-Okay." Before I completely embarrass myself again. Nang bumitaw na sa yakap si Pamela, nagpaalam siyang pupuntahan ang mga kaibigan niya at kumaway muna sa'kin bago tuluyang humalo sa mga estudyanteng ngayon pa lang nagsidatingan. Naiwan akong nakatulala sa kawalan hanggang sa maisip ko ang isang mahalagang bagay...

"Teka, m-may trabaho pala ako mamaya!"

Kabilin-bilinan pa man din ng malditang 'yon na bawal akong umabsent.

Oh, shit.

---

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
6.1M 267K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
135K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...