✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

56.9K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEX
SEPTEM
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

OCTO

881 95 8
By NoxVociferans

Sa lahat ng mga bagay sa mundo na hindi ko alam, malamang ito na ang nasa pinakaunahan ng listahan:

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng isang mythological creature sa debut ni Pamela Lavista.

"Call the police!"

Sigaw ng organizers sa kanyang mga kasama. Pero mukhang mas pipiliin pa nilang tumakbo papalayo at iligtas ang kanilang mga sarili kaysa sumunod sa utos ng boss nila. Lahat ng tao nagpa-panic, at nang makita kong papasugod na sa direksyon namin ang minotaur, mabilis kong hinila sa likuran ko si Pamela. I glared at the monster in front of me.

I guess when it comes to the person we love, we instantly become wanna-be heroes. Malala na talaga ang pagiging "Pamelaphile" ko. A person who loves Pamela, get it? Yeah.

"TAKBO!"

Nanginginig ang mga kamay niya. Her innocent eye were filled with fear at mukhang anumang oras ay iiyak na siya sa takot. "A-Ano?! Rein, I just can't leave you here!"

I smiled in a (what I hope is) reassuring manner. Huminga ako nang malalim, "Just run. Ako nang bahala dito."

Napasigaw ang ilang mga bisita nang ibalibag ng minotaur ang mga mesa. Papalapit na ito nang papalapit sa amin. Shit! Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. But how do you fucking do that when there's a ten-feet mythological monster that's about to attack you?! I clenched my jaw in frustration.

"Re--"

"TUMAKBO KA NA!"

Pamela hesitantly did what I said. Medyo nakahinga na ako nang maluwag nang makita kong kasama na niya si Professor Lavista na para bang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. They vanished with the others and exited the pavillion.

I was left alone with the beast.

'Gago ka talaga, Rein. Ni wala ka pa ngang bachelor's degree sa engineering, magpapakamatay ka na agad?!' Saway sa'kin ng lohikal na bahagi ng utak ko. Pagak akong natawa kasi naisip kong tama nga naman siya. Para na rin akong nagpapakamatay dito. "Sana pala bachelor's degree sa bull fighting ang kinuha ko."

Mabilis akong umilag nang hinagisan ako ng upuan ng halimaw.

I sprinted away and cursed under my breath. Hindi pa man ako nakakabawi, inatake na ako ng minotaur. Napasigaw ako sa sakit nang halos bumaon ang mga sungay niya sa tiyan ko. Pero wala pa ring tatalo sa sakit na naramdaman ko nang tumama sa pader ang likod ko.

"GAAAAH!"

The minotaur's eyes that resembled a pair of black holes stared back at me. 'Sana pala nakinig ako sa Greek myth lessons namin noon. Paano nga ba patayin ang isang minotaur?'

I never knew I needed that info until this very moment.

"Stupid monster.."

I slumped on the ground and spat out blood. Nanghihina akong tumayo at naghanap ng pwedeng panlaban sa minotaur nang may biglang sumipol mula sa kabilang dako ng dancefloor. Kasabay nito, may malaking tipak ng tinapay ang tumama sa ulo ng halimaw.

"HEY! Over here, you oversized cow!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko doon si Desmond. May hawak-hawak pa siyang mga tinapay habang kumakaway-kaway pa sa halimaw. Akala ko ba tumakbo na rin siya kasama 'nong ibang mga bisita?!

'Idiot! Anong ginagawa ng isang 'to, nagpapakamatay rin?!'

"YUHOO! PANGIT NA BAKA! KAPAG NAPATAY KITA, IBEBENTA KO ANG PATA MO SA PALENGKEEEE!"

'Shit, Desmond!'

Pero mukhang tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ng minotaur. Namalayan ko na lang na ang kaibigan ko na pala ang bagong "target" ng halimaw na ito. The moment Desmond saw his plan of 'getting the minotaur angry' was working, namutla siya at agad na kumaripas ng takbo papalayo habang nagsisisigaw ng "MAMAAAAA!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa "tapang" niya o maiinis sa katangahan niya. I sighed and tried to stand up, but my legs feel like shit. Kailangan kong iligtas si Desmond!

"Mas madali sana ang lahat kung may baril sana ako. Damn this!"

"REEEEEIN! PARE, TULONG!"

Natataranta akong naghanap ng pwedeng panlaban sa minotaur. Nang makakita ako ng kutsilyo sa may food buffet, agad akong tumakbo papalapit doon. Pero bago ko pa man makuha ang patalim, napaatras ako sa gulat nang may biglang sumilip mula sa ilalim ng tablecloth.

The twelve-year-old girl with pigtails smiled innocently at me.

"Hi, Kuya Rein!"

"C-Caprissa?! Anong ginagawa mo diyan?" This day is getting even crazier!

Pero mahinang natawa ang bata at gumapang papalabas. "Hindi uubra ang mga patalim ng mga mortal, kuya. Buti na lang dinala ko ang laruan ko!" Ilang sandali pa, may kinuha siya sa ilalim ng mesa. When my eyes saw the baby armalite in her hands, tuluyan na yatang nalaglag ang panga ko.

"C-Caprissa, ibaba mo 'yan! Baka masaktan k---!"

Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang umalingawngaw sa buong pavillion ang nakabibinging ingay na likha ng armas. Napatakip ako ng tainga habang wiling-wili naman si Caprissa sa pagtira nito sa minotaur na patuloy pa ring hinahabol si Desmond...

Teka!

"DESMOND!"

Parang anumang oras maiihi na sa pantalon niya ang matalik kong kaibigan nang halos tamaan na siyang bala ng baby armalite. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo at halos tumambling na sa takot.

"TULOOOONG! KANINA MINOTAUR LANG, NGAYON PATI ARMALITE?! PUNYEMAS, AYOKONG MA-DOUBLE KILL!"

Agad kong pinigilan si Caprissa at pilit inagaw sa kanya ang armas. Saan niya ba nakuha 'to?!

"Caprissa, stop! You're gonna kill my bestfriend, for pete's sake!"

Napasimangot naman ang bata sa'kin nang tuluyan ko nang ilayo sa kanya ang baby armalite. She crossed her arms over her chest. "Kuya naman eh! Nage-enjoy pa ako."

Ano bang pinadede sa batang 'to noong sanggol siya?

Nang balingan ko ulit ang direksyon nina Desmond at ng minotaur, malutong akong napamura nang mapansin kong sinasakal na ng halimaw ang kaibigan ko. Walang pagdadalawang-isip akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila, wala na akong pakialam sa panghihina ng mga binti ko.

"BITIWAN MO SIYA!"

Kinuha ko ang microphone stand mula sa stage at pinaghahampas ito sa minotaur. Nang hindi pa rin niya binibitiwan si Desmond, agad kong dinambahan ang halimaw. I attempted to give him a headlock but it just shook me off. Napadaing ako sa sakit nang naibalibag niya ako sa sahig.

In a split second, just when I thought Desmond is a dead man, bigla akong nakarinig ng kakaibang tunog. It was like something slashing through the air.

"What the hell...?"

Gulat kong pinanood ang mga sumunod na pangyayari. The minotaur's arms were cut off! Dumanak ang itim na dugo sa paligid at tumalsik pa ito sa pisngi ko. Nakatulala kong pinagmasdan pagbagsak ng mga braso, kasama si Desmond. My bestfriend immediatly broke free of its hold and scrambled away upon seeing the mutilated limbs.

Sa kabilang dako, nagwawala naman sa sakit ang halimaw.

Just then, I heard it.

The sound of heels against the marble floor.

Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko agad ang bulto ng babaeng may hawak pang wineglass. Medusa's hairs made of snakes hissed at me. A smirk broke free from her ruby red lips. Mukhang sinadya rin niyang magpalit ng damit. She was now wearing a pastel pink long gown that revealed too much of her cleavage.

Huminto siya sa harapan ko.

"You looked stressed, baby. Gusto mo ng wine?" Pag-aalok niya sa'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinong hindi maii-stress kung bigla na lang may susulpot na minotaur?!"

Medusa calmly rolled her eyes and snapped her fingers. "Markus, pakitapos na ang trahabo. Linisin niyo na rin ang kalat pagkatapos. I don't want to see a drop of blood or dirt on this floor, okay?"

Mabilis akong lumingon sa direksyon ng minotaur. Ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala sa harapan ng minotaur si Markus. The lazy emo genius yawned and brandished his katana. "Masusunod, Lady Medusa." At sa isang kisapmata, isinaksak na niya ito sa dibdib ng halimaw. Markus weilded the sword like a pro, and I suddenly wondered if he's an aichmophile (a person who loves sharp or pointed objects)?

Amidst the bloody mess, Caprissa was already using a vacuum cleaner and mop to clean the bloody floor. Ngumiti at kumaway sa'kin ang bata na para bang normal na ito para sa kanya.

I forced myself to wave back.

What the heck is happening?

"Ngayong nagtatrabaho ka na sa'kin, Rein.. sa tingin mo ba magiging normal pa ang buhay mo? The Greek monsters will chase after you, sometimes those silly gods and goddesses will try to trick you to turn your back against me. Kung wala ka pang ideya, pwes sasabihin ko na sa'yo.. I escaped Hades' detention room and now I'm considered a wanted criminal in both the Underworld and in Olympus. At dahil tauhan ko kayo, madadamay kayo. Your loyalty should be mine and you will only have faith in my decisions.. Got it, mortal?"

Napalunok ako.

'Ano ba 'tong pinasok ko?'

Nang hindi ako sumagot, dumilim ang mga mata ni Medusa. Nabasag ang hawak niyang wineglass at nakasimangot niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Bahagya siyang nakayuko dahil nakaupo pa ako sa sahig, so I tried my very best to keep my eyes away from her showing chest.

She wiped the blood stains on my cheek and grazed the skin with her sharp fingernails.

"Maaasahan ko bang magiging loyal ka sa'kin, Mr. Rein Aristello?"

Shit.

Kinakabahan man, dahan-dahan akong tumango. May magagawa pa ba ako? Medusa blackmailed me to accept this job! There's no turning back now.

"Yes, Lady Medusa."

---

Continue Reading

You'll Also Like

27.2M 694K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
471K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
1.7M 75.2K 53
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING | "Lives in exchange of one life." Every year, the Olympus Gates opens for mortals who dreams to become a Semideus...