LOVE WITHOUT LIMITS

By maxinejiji

93.7M 2.8M 4.6M

Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS
SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK
PAG-IBIG SA 'YO (Love Without Limits Official Theme Song)
GUGMA KANIMO (Pag-Ibig Sa 'Yo Bisaya Version)

CHAPTER 15

1.4M 37.5K 49K
By maxinejiji


WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS. 

BAGO TULUYANG pumasok kinabukasan ay huminto ako sa harap ng ospital para ayusin nang todo ang sarili ko. Humarap ako sa glass door at sinigurong maayos ang buhok at hitsura ko. Dahil sa ginawang pag-aanunsyo ni Maxwell na girlfriend niya ako ay nasisiguro kong ako na ang usap-usapan sa buong ospital.

For sure pinagsabi na 'yon ng mga doktor na nakarinig sa announcement niya kahapon!

Inayos ko pa nang minsan ang uniform at tindig ko saka ako tuluyang pumasok. "Good morning, Mister Guard!" magiliw kong bati.

Nagulat pa ito saka ngumiti. "Good morning din po, Ma'am Yaz!"

Namilog ang bibig ko sa gulat, alam niya ang pangalan ko! Pati ba siya ay alam nang ako ang girlfriend ni Maxwell? 'Sabagay, si Maxwell mismo ang nag-announce na girlfriend niya ako, hindi ko na dapat ipagtakang alam na ng buong ospital 'yon.

Palihim akong natawa, nakatakip sa bibig. Saka ko inayos sa likod ng tainga ang buhok ko. "Good morning po ulit," mas mahinhin ko nang sabi sabay kaway.

Agad na gumala sa kaliwa't kanan ang mga mata ko. May kung anong alon akong naramdaman sa dibdib nang makitang maging ang cleaners at orderly ay nakatingin sa akin. Ang ilan sa mga ito ay inihinto pa ang ginagawa para lang bumati sa akin. Habang nakangiti ay muli kong inayos sa likod ng tainga ang buhok ko, bagaman nakatali iyon. Saka ako mahinhin na kumaway at ngumiti sa mga ito.

Nang dumapo sa mahabang information desk ang paningin ko ay muli akong nakaramdam ng pag-alon sa dibdib. Maging ang mga naka-assign doon ay maganda ang ngiti sa akin, tila kumikislap pa ang mga mata habang pinanonood akong maglakad. Pakiramdam ko ay noon ko lang sila nakitang ganoon kasaya na makita ako. Dati-rati ay natatawa ako dahil sa hotel lobby lang ako nakakakita nang ganoon kahabang information desk, madalang akong makakita nang ganoon sa hospitals na napag-duty-han ko na. Pero ngayon, napakagandang tingnan niyon sa 'kin.

My gosh, hindi ko akalaing malalaman talaga ng lahat! This is so fetch, but kind of awkward! Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nakaramdam lalo ako ng excitement na makita si Maxwell.

"Good morning!" magiliw kong bati nang makapasok sa dental area.

Napakaganda ng ngiting ibinungad ni Doc Caleb sa 'kin. "Good morning, Nurse Yaz, you look extra pretty today."

Mahinhin akong tumawa. "Thanks, doc." Saka ko kinindatan si Susy. "Alam kong may itatanong ka." Nag-assume na ako.

Lalo kong nasigurong may alam na siya nang ngumiti rin siya nang maganda gaya ng iba kanina. Pero hindi nagsalita si Susy. Panay lang ang pagtawa niya, 'yong para bang tuwang-tuwa sa akin, habang umiiling.

"Ako na diyan, Susy!" nakangiti kong presinta.

Sa sobrang saya ko nang araw na 'yon ay halos akuin ko ang lahat ng trabaho. Mula umaga hanggang tanghali ay wala ako ni isang mali. Partida nang puyat pa ako sa lagay na ito dahil hindi ako nakatulog kaiisip sa ginawang pag-amin ni Maxwell kahapon.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ginawa niya 'yon. Mula kahapon, hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ako. Nabura lahat ng isipin ko, lahat ng hinanakit at pagtatampo. Lahat 'yon ay nahalinhinan ng pang-intindi, pang-unawa at kilig. Noon ko lang naisip kung gaano siya kaabala, at pilit na gumagawa ng paraan para makasama ako. Noon ko lang naisip sa tindi ng kaniyang pagod, ako ang pinipili niyang pahinga. Na kung tutuusin...ikinapapagod din niya.

"Mukhang inspired na inspired kang magtrabaho, ah?"nakangiting tumabi sa akin si Doc Caleb. "Alas dose na, wala ka bang balak na magpahinga?"

Napakamot ako. Pakiramdam ko ay noon ko lang hindi namalayan ang oras. Marahil ay dahil sunod-sunod ang mga araw na parati kong hinihintay na matapos 'yon. Lahat 'yon ay dulot ng hindi makatwirang pag-iinarte ko.

Niyaya ko si Susy sa cafeteria. Napakarami na naming napasyente pero hindi pa rin ako nakararamdam ng gutom. Nakakatuwa talaga. Gano'n ang epekto ng confession ni Maxwell. Gano'n katindi ang pagtingin ko sa kaniya.

"Ah, Susy," nakangiti, animong kinikilig pang sabi ko. "Mm, wala ka bang itatanong sa 'kin?" gusto kong matawa sa sarili ko.

For sure she's just shy to ask me about it. I'm sure she already knows the tsismis.

Parang natatawa niya akong nilingon. "Gaya ng ano?"

Ngumiwi ako kunyari ngunit sa huli ay napangiti pa rin. "Kunyari ka pa."

"Hahaha, ano 'yon, Yaz?"

"Wala ka bang nahahalata sa 'kin?"

"Napansin kong kanina ka pa masaya, may maganda bang nangyari?"

Nakangiti, iniiwasang mapahiya, akong tumingin sa kaniya. "As in...hindi mo alam?"

"Ang alin ba?" nakangiti man ay inosente niyang itinanong 'yon. Gustong mawala ng ngiti ko ngunit pinigilan ko 'yon upang hindi tuluyang mapahiya. "So may nangyari ngang maganda?"

Pigil ang kilig akong tumango. "Kahapon."

"Ano naman 'yon?"

Natatawa akong luminga-linga. "For sure malalaman mo rin 'yon," may pagmamalaki sa tinig kong sabi.

Nasisiguro kong mabilis pa sa segundong kakalat ang balita, na ang gwapong doctor na pangarap ng halos lahat ng babae sa ospital na ito ay boyfriend ko.

Baka nga pinag-uusapan na ako ng mga nurse at doctors sa area nila. For sure karamihan ay magugulat, syempre, hindi naman nila kami nakikitang magkasama ni Maxwell. Kung meron man, madalang lang. Then, 'yong iba, kikiligin. Obviously, bagay naman talaga kami ni Maxwell. Syempre rin, hindi mawawala 'yong mga inggiterang fan ng love team nila ni Keziah. But do I need to care? Of course not. Palihim akong napangiti dahil sa sarili kong naisip.

Bago kami makapasok sa cafeteria ay inalis at itinapon ko ang mask ko. Saka ko inalis sa pagkakatali ang buhok ko at bahagya lang iyong sinuklay ng kamay ko. Gaya ng inaasahan ay naaagaw ko ang atensyon ng nakararami nang makapasok kami ni Susy. Bigla ay nagbago ang lakad ko, naging mas pino. Bawat malingunang nakatingin sa 'kin ay ginagawaran ko nang tipid ngunit sweet na ngiti. Sa gilid ng mga mata ko ay hinahanap ko si Maxwell sa kanilang pwesto.

"Hi, Yaz!" 'ayun na ang bati ng pamilyar na tinig ng residenteng doktor. Nasisiguro kong ito rin 'yong nagtanong kay Maxwell dahilan para mag-confess siya kahapon.

I need to thank him for that. Halos pasayaw akong lumingon dito. Walang kasingtamis ang ngiti ko. "Hi, doc! How's your day?"

Kung inaakala kong maganda na ang ngiti ko, mas maganda pa ang ngiti ng residenteng doktor na 'yon, nanunukso. Maging ang mga kasamahan nito na nasisiguro kong naroon din kahapon ay pawang may mga nanunuksong tingin ngayon.

"I'm good," nakakaloko talaga ang ngiti ng residenteng doktor. "Enjoy your lunch!" dagdag niya.

"Thanks, doc," muling ngiti ko sabay talikod sa mga ito.

Hindi ko na pinalis pa ang magandang ngiti sa labi ko. 'Ayun at nakatuon na kasi sa 'kin ang paningin ng karamihan ng naroon sa cafeteria. Hindi na talaga ako magugulat kung maging ang mga ito ay alam nang ako ang girlfriend ni Maxwell. Imposibleng hindi kumalat iyon. Ganoon naman kahit saang ospital, may tsismisang nagaganap, maging sa iba pang lugar. Pero sa lahat ng tsismis ay iyon yata ang higit kong ikinatuwa.

"Ganda mo, beh!" nangibabaw ang tinig ni Raffy.

Natatawa ko siyang nilingon. "Mas maganda ka."

"Ay, ganda, oh!" pabiro niyang tugon. "Ngiting bagong sahod, ah?"

Mahinhin akong tumawa. "Of course, ibig kasing sabihin ay makakapag-shopping na ulit ako."

"Sarap naman ng buhay," natatawang biro ni Mitch. Um-order din ang dalawa at sumalo sa table namin. "Siguro sa shopping lang napupunta ang lahat ng sahod mo, 'no, Yaz?"

"Hm," nakangiti akong napaisip. "Parang gano'n na nga,"natawa ako.

"Wala kang sinusuportahan?"

Nakangiti akong ngumiwi. "Wala, e."

"'Swerte! Mayaman siguro kayo?"

"Hindi naman," nakangiting tanggi ko. "Successful ang family business namin, parents ko ang umaasikaso. May sariling family na ang sister ko, so...'ayun."

"Mayaman nga kayo."

"'Sakto lang," humble kong sagot. "Mas mayaman si Doc Maxwell."

Nagugulat at natatawa akong tiningnan ni Raffy. "May pagbanggit?"

"Hahaha! Bakit, bawal ba?"

"Hindi naman siya ang topic, ikaw!"

"E, sa gusto ko siyang banggitin, hindi naman masama,"ngiwi ko, saka muling natawa. "Wala ba kayong itatanong sa 'kin?"

Natawa si Susy. "Kanina mo pa tinatanong 'yan, Yaz. Ano ba'ng meron? Sabihin mo na."

"'Oy, ano 'yon, ah?" tsismosang ani Raffy.

"Kunyari pa kayo," humahalakhak kong sabi. "Gusto niyo lang sigurong ako mismo ang magsabi, pero ang totoo ay may alam na kayo."

Natawa man ay unti-unting sumeryoso sina Susy, Raffy at Mitch. Noon ay nawala rin ang ngiti ko at napalitan ng pagnguso.

So wala talaga silang idea? Weird! "What?" tanong ko, nag-iwas na ng tingin.

"Anong pinagsasasabi mo diyan, beh?" natatawang ani Raffy. "Hindi kami maka-relate, hahaha! Nakaka-relate kayo, beh?" baling niya sa dalawa na agad namang umiling. "Anong eksena mo?" tumawa ulit silang tatlo.

"Wala," nakangiwi kong tugon. Gustuhin ko mang mainis ay hindi ko magawa, masyadong maganda ang pakiramdam at mood ko.

"'Ayan na 'yong love birds!" bigla ay sabi ni Mitch.

Napalingon ako sa tinitingnan niya. Awtomatikong umarko paitaas ang kilay ko nang makitang sabay na maglakad papasok sa cafeteria sina Keziah at Maxwell. Parehong tumatawa na animong may nakakakilig na binanggit ang sinuman sa kanila.

"Nasa iisang area na naman sila kaya nakakapag-break si Doc Maxwell," dagdag pa ni Mitch. "Gustong-gusto ko talaga kapag nag-tandem ang dalawang 'yan."

"Bakit naman?" naunahan akong magtanong ni Susy.

"Wala masyadong pasyente kapag 'yang dalawang 'yan ang nagsama sa iisang area," si Raffy ang sumagot. "T'wing nagkakahiwalay naman, dagsa ang pasyente. Parating gano'n!"

"Baka naman nagkataon lang," ani Susy.

"Beh," nakangiwi siyang nilingon ni Raffy. "Natural, nagkataon lang. Kasi wala namang anting-anting ang dalawang 'yan para mag-cast ng spell at mawalan ng pasyente. Kami lang itong nag-iisip na lucky charm nila ang isa't isa. Nakakakilig kaya!"

Padabog kong inilapag ang spoon na hawak ko, wala sa sarili. Saka inis na sinulyapan ang gawi nina Maxwell at Keziah. Ganoon nga yatang katawa-tawa ang pinag-uusapan nila dahil hanggang ngayon ay tumatawa sila, kahit umo-order na.

"Sa t'wing nasa ibang area si Doc Keziah, mapapansin mong wala si Doc Maxwell dito," ani Mitch. "Hindi makapag-break kasi tambak ang trabaho."

"Hindi ba't hinahatiran naman 'ka mo?" ani Susy. "Nabanggit mo 'yan noon, natatandaan ko."

"Oo! 'Ganda pa ng ngiti ni Doc Maxwell kapag dumarating si Doc Keziah no'n, kaya lahat talaga sa ward tinutukso sila. 'Yong dalawa naman, kinikilig din. Hahaha!"

"Feeling ko nga mag-jowa na 'yang dalawang 'yan talaga, hindi lang umaamin," ani Raffy.

"True! Naalala mo 'yong may nagpadala ng white roses and chocolates kay Doc Keziah? Grabe 'yong tuksuhan sa ward no'n! Lahat ay tinutukso si Doc Maxwell!" kwento ni Mitch.

"Kay Doc Maxwell galing ang white roses and chocolates?" curious namang tanong ni Susy.

"Hindi sila umamin," ani Raffy. "Pero sa kilos pa lang no'ng dalawa, 'yong ngiti at the way sila kiligin sa isa't isa, enough na sagot na. For sure kay Doc Maxwell galing ang mga 'yon. Sobrang nakakakilig talaga sila!" Inis akong tumayo. "Tapos ka na?" tanong niya.

"No, iinom lang ako ng water," sagot ko na inirapan pa siya.

"'Eto ang botelya ng tubig mo, beh!" pahabol na sabi ni Raffy nang makatalikod ako. Ngunit hindi ko na siya nilingon.

Sinadya kong dumaan sa pwesto nina Maxwell, doon sa siguradong mapapansin ako. Sa drinking fountain ako dumeretso at uminom.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang salubungin ni Maxwell ang mukha ko at makiinom sa mismong fountain na iniinuman ko. Batid kong sinadya niyang maglapat hindi lang ang mga labi namin, kundi higit pa ro'n. Naramdaman ko nang mabilis niyang simsimin ang labi ko at agad ding bitiwan 'yon.

"Maxwell!" Nangibabaw ang tinig ni Keziah mula sa malayo, nanunuway. Paniguradong nakita niya ang ginawa "namin" ni Maxwell.

Awtomatiko akong napaayos ng tayo, hindi magawang tingnan ang sinuman sa kanila. Kabado kong inisip kung sino-sino ang nakakita sa amin, bagaman wala akong magawang tingnan sinumang naroon.

Lalapit na sana si Keziah nang tatawa-tawa siyang pigilan ni Maxwell at humarap sa 'kin. Nanatili naman akong nakaiwas.

"Bakit diyan ka umiinom?" tanong niya.

Agad na kumalabog sa kaba ang dibdib ko ngunit hindi ako nagpahalata. Hinarap ko siya. "Bakit, bawal?" mataray kong tugon. "As if I'm gonna get a disease naman from it. Besides, mas masarap ang...tubig dito."

Sandali siyang tumitig sa 'kin saka tumawa. Iyong tawa niyang kahit na sino, mapababae o lalaki, mapapatitig sa mangha. "'Yong tubig...o ako?"

"Sinabi ko nang 'yong tubig, 'di ba?" pagtataray ko.

Halatang nabigla siya sa sagot ko, ngunit ayaw ring magpahalata. "Do you want me to get you a drink?"

"I'm okay," nag-iwas ako ng tingin.

"Kumain ka na?"

"Yeah, katatapos lang," mataray ko pa ring sagot.

"Hey," hinawakan niya ako sa braso. Batid kong nakahalata na siya sa pagsusungit ko.

Agad kong iniwas ang braso ko. "Kumain ka na."

"Join me."

Umiling ako. "Hindi ko naman ka-close ang mga kasama mo."

"I'll join you, then."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Gagawin mo 'yon?"

Sandali siyang natigilan sa tanong ko saka natawa. "Why not?" pinisil niya ang braso ko. "I don't always get the chance to eat on time. But when I do, I eat with these people. Ikaw ang gusto kong makasabay ngayon."

Napalunok ako. "Maraming tao..." napalingon ako sa mga naroon sa cafeteria. At kung kanina ay ang kapal ng mukha kong mag-assume, ngayon ay nahihiya ako dahil nasa amin ang paningin ng karamihan.

"Hindi nawawalan ng tao rito, Yaz."

"Oo nga, pero..."

"Pero?"

"Baka kung ano ang isipin nila."

"Like?"

"Ano..." hindi ko mabigyan ng dahilan ang alinlangan ko. May kung ano sa 'kin na gusto ring makasabay siya, pero mayroon ding nagsasabing hindi magandang may masabi ang iba kapag sabay kaming kumain. "Sumabay ka na lang sa friends mo."

"Ayaw mo 'kong kasabay?" nahimigan ko ang lungkot sa tinig niya.

Awtomatiko akong napangiti nang dahil do'n. "Gusto..." pigil ang ngiting sabi ko. "Ayaw ko lang na may masabi sila sa 'tin. Syempre, empleyado ako at ikaw ang boss dito."

"Ikaw naman ang boss ko."

Natitigilan ko siyang tiningala saka ako natawa. "Ang korni mo, ha?"

Natawa rin siya. "Alam na ng mga kasama kong girlfriend kita, alam na ba ng friends mo?"

Nagugulat ko ulit siyang tiningnan. "Pwede ko bang sabihin 'yon?"

Humalakhak siya, nakagat ko ang labi ko sa paghanga. "Do you want me to tell them?"

Lalo pa akong nagulat. Ano pa bang ikinagugulat mo, e todo assume ka nga kaninang alam na ng lahat! "Nakakahiya,"mahinang sabi ko.

Namilog ang bibig niya sa gulat. Pinagkrus niya ang braso saka nangingiting pinaglaro ang dila sa gilid ng kaniyang labi. Nakagat ko na naman ang labi ko. Gusto kong mainis sa sarili ko dahil kung saan-saan agad napunta ang isip ko.

"So, ikinakahiya mo 'ko?" naghahamon kunyaring tanong niya.

"Hindi, ah!"

"Bakit hindi mo sabihin sa kanilang boyfriend mo 'ko?"

"Dahil..." natigil ang akma kong pagtataray. Saka ako nakangusong nag-iwas ng tingin. "Dahil iniisip nilang kayo ni Keziah ang bagay. Iniisip nilang kayo ang may relasyon."

"At ikaw ang proof na hindi kami bagay at wala kaming relasyon," seryoso niyang sabi.

Muling napaangat sa kaniya ang tingin ko. "E, kasi..."

"It's fine. If you're not ready to tell them, then, don't,"nakangiti niyang dagdag. "They don't need to know."

"Sige na," ngumiti na ako. "Kumain ka na."

"Wait," nangilabot ako nang kunin ni Maxwell ang kamay ko nang sabihin 'yon.

Awtomatiko kong binawi ang kamay ko. Napalingon ako sa mga naroon, at bagaman walang nakatingin ay may nagsasabi pa rin sa 'king may nakakakita sa ginagawa namin.

"Let's have a date later."

"Later?" nagugulat kong tanong.

"Magkita tayo after duty." Natulala ako sa alok niya. "Susunduin kita sa area niyo."

"Sure ka?"

"Sa 'yo? Oo."

Natigilan ako bago natawa. "Ewan ko sa 'yo."

"I'm serious."

"Sige na nga." Nakagat ko na naman ang labi ko sa sobrang pagkakangiti.

"See you later, then," ngiti niya. "Go back to your friends."

Nilingon ko pa siya bago tuluyang lumayo, sinisigurong nakatingin siya sa 'kin. Saka ako bumalik sa mga kaibigan ko.

"'Oy, beh! Anong eksena 'yon? Anong pinag-usapan niyo ni Doc Maxwell?" agad na tanong ni Raffy.

Tiningnan ko silang tatlo, pulos curiousity ang mababasa sa kanilang mga mata kaya nasiguro kong wala silang nakita. Nang sulyapan kong muli ang table nina Maxwell ay nakita kong nakatingin si Keziah, kaya agad akong nagbawi ng tingin.

"Wala 'yon," nangingiti pa ring tugon ko.

"Ano nga 'yon?" pangungulit pa ni Raffy.

"Wala nga, kumain ka na," pagtatapos ko sa usapan.

Iiling-iling kong tinapos ang pagkain. Talagang hindi ko na dapat pang paghinalaan si Maxwell. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama, at nagpapadala sa mga naririnig ko. Ginugulo lang ng mga iyon ang isip at binabago ang damdamin ko.

"Yaz," nangibabaw ang tinig ni Keziah nang pabalik na sana kami ni Susy sa area. "Can we talk for a minute?" seryoso niyang sabi.

"Mauna ka na," pilit ang ngiting pakiusap ko kay Susy na sinagot nito ng tango. Saka ko hinarap si Keziah. "Yes, doc?"

Pinagkrus ni Keziah ang mga braso saka pabuntong-hininga akong tiningnan. "You're not supposed to do that here," may diin niyang sabi. "I know you know what I mean."

"Keziah." Bago pa ako makasagot ay nangibabaw na ang tinig ni Maxwell.

Hinarap ito ni Keziah, seryoso pa rin. "Maxwell," wala pa man ay nananaway na ang pagtawag niya rito. "What do you think you're doing?"

"Kez," humihingi ng dispensa ang tinig ni Maxwell. Sinubukan niyang lapitan si Keziah ngunit awtomatiko namang umiwas ang doktora.

"There are certain lines that should never be crossed in public, and what you did just a while ago is one of them. Wala kayo sa park. Nasa ospital tayo, for heaven's sake, Maxwell."

"Tsk." Matunong na bumuntong-hininga si Maxwell, hindi malaman ang sasabihin.

"What the two of you did only shows lack of respect and general etiquette skills," seryoso pa ring dagdag ni Keziah, tinitingnan kaming dalawa ni Maxwell. "You should probably hold off until you're both in a more private situation. Please be considerate of others, never do that again, and put a little space between you, please. This can damage your reputation."

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maxwell. "I'm sorry," sinserong aniya. Ngunit hindi na siya sinagot ni Keziah. Tinapunan kami ng tingin nito saka iniwan. "I'm sorry," bumaling si Maxwell sa 'kin.

Gusto kong mainis, pero hindi kay Maxwell. Alam kong mali ang ginawa niya, mali ang ginawa namin. Hindi ko maintindihan kung bakit, tama lang naman na pagsabihan kami ni Keziah, concerned lang siya, pero naiinis pa rin ako. Hindi ko matukoy kung dahil ba 'yon sa tono ng pananalita niya, maayos at pormal pa rin naman kasi 'yon. O dahil sa karapatan nitong sawayin kami, gayong sa aming tatlo, si Maxwell ang may pwesto.

"I'm sorry rin," pilit man ang ngiti ay sinserong sabi ko. "Sige na, bumalik ka na sa post mo. See you later."

Lumabi siya. "Gusto kong hawakan ang kamay mo pero baka magalit na naman si senyora," hindi ko inaasahan ang biro niya.

Hindi ko napigilang matawa. "Ang sama mo. Isusumbong kita kay Keziah."

"Go on," mayabang na sagot niya. "Hindi ako takot sa kaniya, sa 'yo, pwede pa."

"Really?" mataray kunyari na sagot ko.

"I'll see you later." Isinenyas niyang pumasok na ako sa area ko. Nakangiti akong tumango saka sumunod.

Hindi pa rin mawala ang inis sa isip ko, kahit pa nakaka-guilty na maramdaman 'yon. Hindi ko napigilang isipin na nagseselos lamang si Keziah kaya nasabi ang mga 'yon. Pero sa kabilang banda, naisip ko ring mali ang masamain ang mga sinabi niya. Kahit pa anong inis ang maramdaman ko, mali kami ni Maxwell at tama lang ang pagsabihan kami ni Keziah.

Sineryoso ni Maxwell ang sinabi. Limang minuto bago matapos ang shift ko ay pumasok siya sa area namin at nakipagkumustahan kay Doc Caleb. Nag-panic ako nang mangibabaw sa buong area ang pamilyar na pabango niya. Nagulat ako nang masilip na bihis na bihis na si Maxwell, halatang bagong ligo pa.

Hindi na ako magkandaugaga. Nakakahiya na ako ay haggard at siya ay fresh na fresh! Nang ma-busy kami after ng lunch break ay hindi na ako nagkaroon pa ng chance na tingnan sa salamin ang sarili ko.

"Yaz! Let's go?" nakangiting anyaya ni Maxwell.

"Sandali lang," mabilis akong nagtago sa likod ng wall at pasimpleng nanalamin. Napangiwi ako nang makita ang hitsura ko.

Inalis ko sa pagkakatali ang buhok ko at sinuklay iyon gamit ang kamay ko. Naglagay ako ng kaunting lipstick saka nag-spray ng perfume. Naghugas ako ng kamay pagkatapos at saka lumabas.

"Aba, aba, aba," nanunuksong bungad ni Doc Caleb. "Ikaw ba ang driver ni Yaz ngayon, Doc Maxwell? Where's Sir Maxrill?"

Nakita ko nang magbago ang reaksyon sa mukha ni Maxwell. "I haven't seen him the whole day, I'm sure he's busy. We'll go ahead, Caleb."

"Alright," nanunukso pa rin ang tingin ni Doc Caleb.

"I love your smell," mahinang ani Maxwell habang naglalakad kami palabas ng ospital.

Palihim akong natawa. "Amoy alcohol ba?" biro ko, natawa siya. "'Buti nakalabas ka nang maaga? Wala ka nang pasyente?"

Nakangiwi siyang umiling. "Marami pero pinipilit na 'kong magpahinga ng mga junior ko."

"Bakit nagyaya kang mag-date? Bakit hindi ka na lang magpahinga?"

"We still have time to eat outside."

"Hm, that does not answer my question. I mean, pwede ka namang magpahinga na lang."

"I'm tired but I'm fine. We can rest later."

"Huh? We?" biro ko.

"Alam mong ikaw ang pahinga ko," ngiti niya saka ako inalalayan pasakay sa kotse niya.

Napalingon ako sa paligid, may ilang empleyadong nakasunod ng tingin sa amin. "Baka kung ano ang isipin ng mga nakakakita sa 'tin."

"I don't care," ngiti niya. "Mas gugustuhin ko kung iisipin nilang may relasyon tayo." Seryoso niyang sinabi 'yon.

"Really?" nakuha ko pang magbiro. "Sige ka, baka magalit si...senyora." Natawa talaga ako.

"Hindi 'yon magagalit dahil nasa labas na tayo ng ospital." Nanatiling seryoso si Maxwell. "Alam kong marami rin ang nakakakitang inihahatid at sinusundo ka ng kapatid ko. Mas gugustuhin ko nang isipin nilang may relasyon tayo, dahil 'yon naman ang totoo."

"Psh, sino naman ang mag-iisip na may relasyon kami ni Maxrill? Funny."

"Marami," seryoso pa rin niyang sabi. "And I don't like it."

Napatitig ako sa kaniya, sinimulan niyang magmaneho. Seryoso siyang tutok sa daan. "Bakit naman nila iisipin 'yon, e, ang bata-bata pa ni Maxrill. Mas matangkad man siya ay halatang mag-ate kami, hindi man bilang magkapatid."

"Gaya ng pag-iisip ng iba sa 'min ni Keziah, gano'n din sila sa inyo ni Maxrill."

"Psh, parang wala naman akong naririnig na issue tungkol sa 'min ni Maxrill."

"Ikaw, wala. Ako, meron."

Ngumiwi ako. "'Selos ka naman?"

"Oo." Mahihimigan ang lungkot sa seryoso niyang tinig. "Nagseselos ako dahil mas may oras siyang ihatid at sunduin ka. Mas madalas ka niyang nasasabayang mag-lunch kaysa sa 'kin. Mas madalas ka niyang nakikita. Mas madalas nakakasama, nakakausap."

"Ah, so, nagseselos ka sa oras na meron siya. Hindi dahil iniisip ng iba na may relasyon kaming dalawa."

"Nagseselos ako dahil alam kong gusto ka rin niya."

Natigilan ako at dahan-dahang napalingon sa kaniya. "Walang gusto sa 'kin si Maxrill."

"Tsh," nameke siya ng tawa saka bumuntong-hininga. "I'm also a guy, Yaz."

Gusto ko sanang ipilit na walang gusto sa akin si Maxrill. Pero magagawa ko nga kayang ipilit 'yon gayong ako mismo ay ganoon ang pakiramdam? Hindi ko lang matanggap pero alam kong may gusto nga si Maxrill sa akin. Hindi man iyon katulad o kasinglalim ng nararamdaman ko kay Maxwell, alam kong meron. Nararamdaman at nakikita ko na 'yon. Hindi ko lang talaga tinatanggap.

"Hm, is it okay if I take a shower first?" sabi ko kay Maxwell nang makarating kami sa unit ko. "Nakakahiya, ang fresh mo."

Natawa siya. "Go ahead, I'll wait for you here."

Naupo si Maxwell sa sofa, pinagkrus ang mga hita at braso saka pinanood ang ginagawa ko. Gusto kong mailang sa mga titig niya ngunit ang mapaglarong parte ng isip ko ang nagsasabing hayaan ko lang siya. Nag-iwas ako ng tingin, doon sa gawing makikita ko pa rin siya, at isa-isang inalis ang pagkakabutones ng blouse ko. Inaasahan kong may gagawin siya, lalapit sa 'kin at hahalikan ako, o siya na ang magpapatuloy sa ginagawa ko. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip ay inihilig ni Maxwell ang sentido sa kamao at sa ganoong posisyon ipinagpatuloy ang panonood sa akin hanggang sa makapasok ako sa kwarto.

Manhid talaga. Psh! Bantay ka lang!

Mabilis akong naligo saka namili ng bestidang isusuot. Iyong kakulay ng balat ang napili ko, may kanipisan iyon at paniguradong hapit sa katawan. Kaya ko namang isara ang zipper niyon sa likod pero sinadya kong bitinin iyon hanggang sa gitna.

Gamit ang pinakamabangong lotion na meron ako, pinahiran ko ang aking likuran. Gamit ang pinakamabango kong moisturizing cream, nagpahid ako sa mukha at sa leeg. Dinampian ko ng pinakamabango ko ring cologne ang mga nakalabas kong balat. Saka ko dinampot ang kwintas ko at lumabas ng kwarto.

"Maxwell...uhm, pakisuot naman 'to sa 'kin," iniabot ko ang kwintas sa kaniya.

"Sure," tumayo siya.

Ang basa kong buhok ay itinali ko gamit ang kamay saka tumalikod sa kaniya. Iyong pagtalikod na dadausdos ang parte ng bestida pababa sa balikat ko. Narinig at naramdaman ko ang pagsinghap ni Maxwell. Gusto kong tumawa ngunit sa halip ay palihim akong napapikit. Nasisiguro kong nakita niya sa batok ko ang nanayong mga balahibo.

"You smell's always sexy to me, I don't understand. It's so freaking good, like a powerful drug," sinabi niya sa namamaos na tinig. Palihim akong ngumiti. "There," aniya, sinasabing naisuot niya ang necklace ko.

Nilingon ko siya nang may nanunuksong tingin, saka ko marahang isinuot ang dumausdos na parte ng dress ko. "Pakitaas 'yong zipper," maarte kong sinabi. At gusto kong manlumo nang sundin niya lang 'yon habang nakatingin sa akin.

Gusto kong umirap, pero hindi ko magawa dahil hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

"Let's go?" anyaya niya.

"Magbo-blower lang ako," pigil ang inis kong sabi.

Gusto kong mainis sa sarili ko para gawin 'yon. Lalo akong nainis dahil hindi tinablan si Maxwell sa mga panlalandi ko. Samantalang sa t'wing ito ang gagawa niyon, sa natural pang paraan at hindi halata, epektibo sa akin.

"Sasakay tayo diyan?" nagugulat kong tanong nang dalhin ako ni Maxwell sa tabing-dagat kung saan naghihintay si Mang Pitong. 'Ayun at nakangiti itong kumakaway sa 'min sakay ang may katamtamang laki na yate. Napaawang ang labi ko nang makitang nakasulat sa itim na kulay ang pangalang Maxwell Laurent, patunay lamang na sa kaniya iyon.

"Thanks, Mang Pitong," ani Maxwell matapos akong alalayang tumuntong sa deck.

"Enjoy your date, ma'am, sir!" magiliw, nanunuksong ani Mang Pitong saka tumalong pababa ng yate. "Tawagan mo na lamang ako kung pabalik na kayo, doc."

Nakangiting tumango si Maxwell. "Let's go?" nakangiti pa ring baling niya sa akin. Excited akong tumango bilang tugon.

Naroon ako sa tabi ni Maxwell at namamanghang pinanonood siyang paandarin ang yate. Hindi na yata talaga matatapos ang paghanga ko sa mga kaya niyang gawin, simple man iyon o malaking bagay.

Hindi naman na 'yon ang unang beses kong sumakay sa yate, kasama man siya o hindi. Pero pakiramdam ko ay iyon na ang pinakaswabe kong sakay. Ni hindi ko maramdaman ang alon, gaano man kabilis ang andar, gaano man kalakas ang hangin.

Nakangiti, nakapikit akong tumayo at sinalubong ang malamig na hangin. "Sana ay sinabi mong sasakay tayo rito, para nag-prepare ako."

"I like surprising you," hindi ko man nakikita ay batid kong nakangiti siya nang sabihin 'yon. "I'll take you to my island."

Lalo pa akong na-excite, kahit pa hindi na rin iyon ang unang beses na makararating ako doon.

Walang tigil ang kilig ko, hindi lang dahil magkasama kami o dahil magde-date kami. Bukod sa totoong masaya ako, iba't iba at pulos bago ang ipinakikita at ipinararamdam ni Maxwell sa akin ngayon. Nariyan 'yong aalalayan niya ako habang nakatayo, nag-aalalang baka matumba ako sa t'wing daraan kami sa malakas na alon. Halos hindi maalis ang kamay niya sa 'kin, parati iyong nakaalalay sa baywang ko o kung hindi man ay nakahawak sa kamay ko.

"We're here," aniya nang marahang patigilin sa pagtakbo ang yate.

Inasikaso niya ang makina saka marahang tumayo at pumuwesto sa likuran ko. Hinawakan niya ng parehong kamay ang baywang ko at bahagya akong binuhat para makaakyat muli sa deck.

Gusto ko sana siyang lingunin ngunit naagaw na nang papalubog na araw ang atensyon ko. Napapamaang kong pinanood na mamaalam ang mamula-mulang araw.

"It's so beautiful," wala sa sarili kong sabi.

"Hm," sang-ayon niya. "But nothing beats watching a beautiful girl enjoying the beauty of sunset."

Napalingon ako sa kaniya at napangiti nang makitang sa akin siya nakatingin. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Halo-halong emosyon ang idinudulot sa 'kin ng pagkakatitig ni Maxwell. Para bang nakikita ko roon ang lahat ng nararamdaman niya. Para bang ang mga matang iyon ang nagpaparamdam sa 'kin ng pagmamahal niya. Hindi ko akalaing posibleng mangyari iyon. Hindi ko inaasahang posibleng makita ko iyon sa kaniya.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko saka niya ako ginawaran ng halik sa labi. Iyon na yata ang pinakasinserong halik na ibinigay niya, at wala nang paglagyan ang tuwa ko dahil do'n. Sino ba naman ang mag-iisip na ang dating crush ko lang ay hinahalikan at yakap-yakap pa ako ngayon?

Kahit pa anong ganda ko, masyadong matayog ang del Valle na ito sa paningin para maabot ko.

"I asked Wilma to prepare dinner for us," pabulong niyang sabi. "Let's eat?" ngiti niya.

Pinanood ko siyang ihanda ang dinner. Hahanga na sana ako dahil akala ko ay siya ang isa-isang maglalagay ng foods sa plate. Pero natawa ako nang makitang naka-ready na ang lahat sa plate, ipapatong niya na lang sa table. Nagsindi siya ng candles at itinabi ang mga 'yon sa parehong gilid ng maliit na vase na may ilang piraso ng pulang rosas na pinutol ang tangkay. Kahanga-hangang meron siyang sariling wine serving cart, kung saan nakapatong decanter at wine glass.

Gusto kong matawa dahil kitang-kita ko sa mukha ni Maxwell kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa, na para bang isa iyong operasyon na hindi maaaring maalisan ng kaniyang atensyon. Sinusuri niyang maigi kung may kulang, at kung paanong pupunuan 'yon. Sinisiguro niyang malinis ang mesa, pagkain at lahat ng kagamitang naroon.

Kaya naman hindi ko na napigilang pagtawanan siya nang matapos at mukhang napagod siya. "You're so cute," sabi ko.

"What, why?" inosenteng tanong niya.

"Basta, cute ka. Mag-dinner na tayo, for sure, nagutom ka," nang-aasar ang tinig ko.

Iba't ibang seafoods ang nakahanda, at hindi ko maitatanggi ang husay ni Wilma sa pagluluto. Kahit ano yatang lutuin nito ay pang-world class ang lasa.

"Chef ba si Wilma?" tanong ko, hindi maitago ang paghanga sa lasa ng pagkain. "Napakagaling niyang magluto."

"Mm," nakangiting tango niya. "She came from a family of chefs. She was once an executive chef."

"Talaga?" hindi makapaniwalang tugon ko. "Mataas na posisyon 'yon para talikuran at magluto para lamang sa 'yo. Ang lakas mo, ah?"

Humalakhak siya. "Gusto niya noon na pakasalan ko ang anak niya."

"What?" nagugulat, dismayadong tugon ko.

Tumango siya. "Me and my family disagree to it."

"Bakit naman?"

"Dahil may iba kaming gusto ng pamilya ko," nakangising tugon niya.

Nakanguso kong inihinto ang pagkain ko. "Sino?"

"Sino sa tingin mo?"

"Si Keziah?"

Doon lang siya nag-angat ng tingin sa 'kin. "Seriously?"naubos agad ang pasensya niya.

Nagpakawala ako ng nakakalokong tawa. "Just kidding! Alam ko namang ako lang ang nagustuhan ng family mo para sa 'yo. Mommy't daddy mo pa nga lang, botong-boto na." May pagmamalaki sa tinig ko.

Ngumiti siya bilang tugon, sa paraang para bang sinasabing tama ang sinabi ko at sumasang-ayon din siya ro'n. Wala na namang paglagyan ang tuwa at kilig ko.

"Hindi mo ba nagustuhan si Keziah?" mayamaya ay tanong ko. Nakangiwi siyang umiling. "So si Dein lang ang nagustuhan mo?"

"Ikaw."

"Well, bukod sa 'kin," naiilang man ay natatawang tugon ko. Nakangiwi naman siyang tumango. "Bakit hindi mo nagustuhan si Keziah? Maganda naman siya, mas maganda nga lang ako. Sexy, maputi at mabait naman siya, medyo...lamang nga lang ako." Hindi ko intensyong magmalaki, katotohanan lang ang sinabi ko. "Pareho kaming matalino. I mean, marami kang pwedeng magustuhan kay Keziah, bakit hindi mo siya nagustuhan?"

"Dahil dumating ka."

Natigilan ako, nawala ang nakakalokong ngiti sa mukha. Bigla ay hindi ko malaman kung ano ang ire-react, kung ano ang sasabihin.

"So kasalanan ko pa?" bigla ay biro ko nang matapos doon ang sasabihin niya.

Natigilan siya sandali bago natawa. "I didn't say that."

Sandaling natahimik ang pagitan namin bago muli akong nagsalita. "Ano namang nagustuhan mo sa 'kin? Dati, akala ko, ayaw mo sa 'kin. Naiinis ka dahil maingay ako. Naiinis ka dahil makulit ako. Naiinis ka dahil may gusto ako sa 'yo."

"Pero ang totoo, lahat nang iyon ang dahilan kung bakit nagkagusto ako sa 'yo."

Sinimangutan ko siya. "Matapos mo 'kong sungit-sungitan."

"Normal sa 'kin 'yon."

"Parati mong kasama si Keziah, 'buti, hindi ka na-fall sa kaniya?"

Nangunot ang noo niya. "Nangyayari ba 'yon?"

Natawa ako. "Of course! Mas madalas pa ngang mangyari ang gano'n." Hindi ko naiwasang may maalala pero sinikap kong huwag ipahalata.

Tumayo siya at kinuha ang decanter. "Wine?" alok niya habang nagsasalin, saka iniabot ang glass sa 'kin. Inalalayan niya akong tumayo at iginaya sa dulo ng deck.

Mula sa likuran ay niyakap niya ako. "Not every woman is qualified to love or date me. I'm a one-woman man with a terrible mood and attitude, Yaz. I'm complicated," hindi ko inaasahang ibubulong niya iyon. "Corny as it may sound, but I want a lifetime commitment. I always find flaws in perfection, but your consistency..." tiningnan niya ako nang deretso sa mga mata. "It's something no woman has ever given to me."

Kung kanina ay hinihintay kong halikan niya ako, ngayon ay ginawa niya 'yon nang hindi ko inaasahan. Paulit-ulit akong ginugulat ni Maxwell sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung karapat-dapat ba akong makatanggap nang ganoong kasasarap na salita. Everything he said is just too good to be true.

Palibhasa'y puro ako doubt sa sarili ko, at sa totoong nararamdaman niya sa 'kin. Tuloy ay hindi ko nakikita ang katotohanan sa mga kilos at salita niya.

"Please don't hurt me," pabulong, nakapikit niyang pakiusap.

Umiiling akong tumitig sa kaniya ngunit hindi ko nagawang magsalita. Hindi ko mapangalanan ang pakiramdam. Hindi ko talaga inaasahang magkakaganito ang isang Maxwell Laurent del Valle dahil sa akin. Masyado siyang imposible para mangyari.

Dahil sa halo-halong nararamdaman ko ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan nang buong puso. Iyon 'yong halik na masasagot ang lahat ng magagandang sinabi niya. Iyong halik na mabibigyan ng kasiguraduhan ang hiling niya. Iyong halik na hinayaan kong palalimin niya.

Pareho kaming nagpadala sa damdamin, ang halik ay mas lumalim at naging mapusok sa paraang pareho rin naming ginusto. Ilang saglit lang ay pareho na naming yakap ang sarili at tinutunton ang cabin. Pinagtulungan naming hubarin ang suot ng isa't isa nang hindi naghihiwalay ang mga paningin.

Hiniling kong pangunahan siya, ako ang naroon sa kaniyang ibabaw ngunit pinigilan niya ako. Gusto kong mahiya lalo na nang dampian niya ng halik ang bawat parte ng katawan kong madaanan ng labi niya. Napakislot ako ng pagtanggi nang subukan niyang halikan ang pinakasensibong parte ng katawan ko. Ngunit nang maramdaman ko ang pag-iingat niya ay saka ako nagparaya.

"You taste so good," bulong niya, umarko ang likod ko at hindi na napigilan ang sarili. Halos mapasigaw ako sa pakiramdam. Naramdaman ko siyang gumapang at pumantay sa akin. "I could eat you forever," bulong niya habang naghahabol ako ng hininga, narinig ko nang tumawa siya sa huli. "I don't think you'll ever understand what your body does to me."Naramdaman ko ang kabuuan niya matapos sabihin 'yon.

Bago pa ako makapagsalita ay sinakop niya na ang labi ko at saka kami kumilos bilang isa. Iyon 'yong sarap na gustong-gusto kong pagsaluhan naming dalawa. Na hindi ko na hihilingin matikman pa nang iba ang kasama.

Pabagsak niyang inihiga ang sarili. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Pipikit na sana ako nang maramdaman ko ang yakap niya.

"Ito 'yong pagod na masarap ipahinga," muling bulong niya.

Natawa ako at tinapik ang braso niya. "Sshh..."

"Do you want to sleep here?"

Nagmulat ako. "Hindi ka makapagpapahinga dito."

"But I want to spend the night with you."

"It's okay with me," sagot ko habang inaayos ang nagulong buhok niya. "Lulutuan kita ng breakfast bago ka pumasok."

Umiling siya. "I need to be there by six in the morning. I don't want to wake you up."

"Ang aga naman."

"Kailangan kong mag-rounds." Bumangon siya at dinampot ang damit ko. Saka niya isinuot 'yon sa akin. "Let's go home," ngiti niya. "Salamat sa masarap na dinner." Ang matamis na ngiti niya ay napalitan ng nakakalokong ngiti.

Nakayakap ako kay Maxwell habang minamaneho niya ang yate pabalik. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi ko akalaing mangyayari iyon. Na mayayakap, makakasama, mahahalikan ko siya nang ganoon, lalo na ang mga higit pang nangyayari sa pagitan naming bukod sa mga iyon.

~ To be continued. . . ~

Continue Reading

You'll Also Like

39M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
7.3M 198K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
3.5K 231 17
Zyxn Khyzer Costavian is a STEM and student leader at Central Mindanao University. Being young and naive never hinders Khyzer from having a feeling o...