CHAPTER 63

777K 34.7K 63.7K
                                    


CHAPTER 63

"MRS. MOON..." Nakangiti iyong binulong ni Maxwell habang nakatitig sa akin, matapos akong gawaran ng halik sa labi.

Gano'n na lang ang pagguhit ng ngiti sa aking labi saka ako yumakap nang mahigpit sa kaniya. Mabilis na namuo ang aking mga luha. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Para pa rin akong nananaginip. Para akong nasa langit.

Natatandaan ko pa ang lahat, mula sa una ko siyang makita, hanggang sa sandaling ito. Parang kailan lang nang magustuhan ko siya, ngayon ay ikinasal na kami sa isa't isa.

"I love you, Maxwell."

"I love you, baby," pabulong na tugon niya.

Napatalon ako sa gulat nang muling dambahin ang gong. Pero muling namangha nang magsipagtanguhan sa amin ang mga taong naroon. Nakangiti kong iginala ang aking paningin. Naririnig ko silang batiin kami, bagaman wala akong naintindihan bukod sa aking pangalan at salitang maji.

"Ngitin mo lang sila at tanguan," ani Maxwell na awtomatiko kong sinunod.

Batid kong nag-iingat siya kaya gano'n na lang kahina at katipid kung magsalita siya. Napakarami kong gustong sabihin pero kailangan kong iisantabi ang mga 'yon ngayon. Kahit sa daan pabalik sa Pilipinas ay pwede kong sabihin 'yon, 'wag lang ngayon na narito kami sa bansang ito kung saan may napakakomplikadong batas.

Magkakasunod na paputok ang umere sa labas ng palasyo ng parlyamento nang makalabas kami. Hindi pa rin ako maka-move on na pink lahat 'yon.

"Alam mo, na-realize kong mas maganda pala talaga kung hindi ka nag-e-expect sa taong mahal mo," mahina kong sinabi, sinasabayan ang ingay ng fireworks para wala masyadong makarinig sa amin.

Lalo na at paulit-ulit akong pinagbawalan ni Maxpein na magsalita ng ibang lenggwahe rito. Bukod sa paninita niya sa mga maling ginagawa ko.

"Kasi kapag wala kang expectations, mas masu-surprise ka," dagdag ko. "Mas makikita mo ang efforts niya." Nakangiti akong tumingala sa kaniya. "Lalo mo siyang mamahalin."

"Alam kong hindi ito 'yong kasal na gusto mo, Yaz. Sorry kung ito lang ang..."

"Sshh," pinigilan ko na siyang dugtungan ang sinasabi. "Hindi ito ang pinangarap ko pero masaya ako sa naibigay mo."

Napatitig siya sa 'kin at napangiti, talagang hindi niya yata inasahan ang sinagot ko. Gusto kong malungkot sa isiping baka binagabag siya ng kaiisip na hindi ko magugustuhan ang kasal na kaya niyang ibigay sa ngayon.

Nakangisi siyang nagbaba ng tingin sa akin. "Hmm."

Ngumuso ako nang 'yon lang ang isinagot niya. Pero agad din akong napangiti nang makita kung gaano karami ang pasulyap-sulypa sa amin. Lahat nang 'yon ay nginitian ko. Pero itong asawa ko, wala man lang yatang tiningnan ni isa sa mga 'yon.

Asawa... Para akong luka-luka na bigla na lang natawa. So fetch!

Ang hirap talagang paniwalaan. Kahapon lang ay nasa Pilipinas ako at nagmamakaawang ipagluto ng pancake. Nainis pa ako dahil walang strawberry syrup dahil pulos chocolate ang meron sa bahay. Pero ngayon, narito ako sa komplikadong bansang ito, katabi ang lalaking matagal kong pinangarap, hinabol, kinabaliwan at minahal nang sobra.

Hindi ganito ang kasal na pinangarap ko. Aaminin kong sa sobrang arte ko ay magarbo ang nasa plano ko, iyong maipagmamalaki ko sa lahat. Iyong maibabalita sa buong bansa dahil sa sobrang en grande at ganda.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon