CHAPTER 42

952K 36.6K 50.3K
                                    


CHAPTER 42

PUNO AKO ng sama ng loob nang tawagan si Zarnaih, sapo ang noo at panay ang iyak, ganoong-ganoon sa mga desperadang babae sa palabas. Nakailang ring na pero hindi pa rin niya iyon sinagot. Naisip kong baka naroon pa sila sa show kung live man iyon.

Si Maxpein ang sumunod kong tinawagan. Pero dalawang ring pa lang ay kinansela niya na ang tawag ko.

Damn it!

Tumitig ako sa pangalan ni Maxwell sa cellphone ko. Bago ko pa mapigilan ang sarili ay tinawagan ko na siya. Pero gaya ni Maxwell, matapos ang dalawang ring ay kinansela niya ang tawag ko.

Fuck!

Napatitig ako sa screen ng TV. Gano'n na lang ang galit ko pero nalusaw 'yon nang gumuhit ang sakit sa aking dibdib.

Please, sabihin mong hindi 'to totoo, Maxwell. Sabihing mong hindi 'to totoo!

Magdamag na naman akong umiyak. Hindi ko na naman nagawang kumain. Hindi na naman ako makausap ng mga magulang ko. Nahinto lang 'yon nang tumawag si Zarnaih nang madaling araw.

"Hello, Zarnaih," ngali-ngali kong sagot. "Sila na ba, ha?"

"Hello, ate?"

"Sagutin mo 'ko, sila na ba?"

"Ano ba'ng sinasabi mo diyan?"

Inis kong inihilamos ang mga kamay ko sa mukha saka sinabi sa kaniya ang nangyaring pagpatay ni mommy sa TV.

"Now, tell me, sila na ba?"

"Hindi ako sure, ate," may lungkot sa tinig niya.

Fuck! "So, ano na lang ako, Zarnaih?"

"Ate..."

"Ang sabi niya space lang, Zarnaih..."umiiyak na sabi ko, sobrang sakit no'n. "Ang sabi niya pareho naming kailangan 'yon."

"Ate..."

"Pero bakit naghanap agad siya ng iba?"

"Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang mga tanong mo," nag-aalalang aniya.

"I hate him!" gilalas ko.

"To be honest, wala naman ako sa Palawan, kaya hindi ko alam kung anong ganap nila doon. Pero ayaw kong magsinungaling sa 'yo, ang sweet nila sa isa't isa. Lalo na si Keziah."

Umiling ako nang umiling. Gustuhin ko mang magsalita ay naiyak na lang ako sa sakit na naramdaman. Mas matindi pa yata ang sakit na iyon kaysa no'ng makipaghiwalay sa 'kin si Maxwell!

"Ate..." naroon ang awa sa tinig ni Zarnaih.

"Hindi ko lang matanggap kasi..." panay ang hikbi ko. "Zarnaih, hinihintay ko pa rin siya. Alam kong ang tagal na pero hinihintay ko pa rin siya, Zarnaih."

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon nagsusuntok habang umiiyak.

"Nasaktan ko siya pero...hindi ko matanggap na hanggang doon na lang kami, Naih. Umaasa akong magkakaayos kami. Umaasa akong babalikan niya ako. Hindi ko matanggap na bibitiwan niya ko sa gano'ng pagkakamali. Kasi 'yong pagmamahal na pinaramdam niya sa 'kin ay kayang higitan 'yon at sigurado ako ro'n! Ayoko," humagulgol ako sa pag-iyak. "Ayokong tanggapin, Zarnaih..."

"Gusto mo ba puntahan ka namin ni Zaydie diyan? Pwede naman kaming magbakasyon ni Lee."

Umiling ako nang umiling. "Si Maxwell ang kailangan ko, Zarnaih."

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now