CHAPTER NINE

1.8M 44.4K 44.5K
                                    

CHAPTER 9

"ARE YOU okay?" tanong ni Maxwell nang makabalik kami sa unit ko. Natutuliro akong lumingon sa kaniya saka may pilit na ngiting tumango. "Kanina ka pa tahimik sa daan. Hindi ako sanay. You're that tired?"

Napatitig ako sa kaniya. Syempre, hindi ko pwedeng sabihin ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Maxrill. At aaminin kong iyon ang gumugulo sa isip ko ngayon. Mali iyon. Iniisip ko pa lang na may gusto sa akin si Maxrill ay kinakabahan na ako. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan.

"I'm sorry," nagbaba ako ng tingin sa magkahawak at hindi mapirmi kong mga daliri.

"No," bakas ang pag-aalala sa tinig niya. "Is there something wrong? What's bothering you?" Hinawakan niya ang baba ko at pinagpantay ang mga tingin namin.

"Nothing," agad akong ngumiti upang mawala ang pag-aalala niya.

Tumitig siya sa 'kin na tila inaalam kung totoo ba ang sinabi ko. Lalo pa akong ngumiti. Bumuntong-hininga naman siya at hinaplos ang buhok ko.

"Bakit hindi ka muna magpahinga bukas? Sa susunod na araw ka na lang pumasok sa trabaho."

"What? I'm fine, Maxwell. Excited na akong mag-start, 'wag mo nang i-delay, please?"

"You're not fine."

"I am fine."

"Baka makasama sa 'yo kung pipilitin mo ang katawan mo, Yaz." He's serious.

Lumabi ako, umaarte. "Kaya ko naman, eh. Don't worry."

"So what's bothering you?"

"Nothing," nakangiti akong umiling. "Believe me, I'm fine."

"Are you sure?"

"Of course," lumapit ako at yumakap sa braso niya. "I'm fine." Bumuntong-hininga siya. "Umuwi ka na para makapagpahinga ka na."

"I can stay a little longer. Diyan lang naman sa 'taas ng ospital ang bahay ko," ngiti niya.

Ngumiwi ako. "Gagabihin ka lang kaya huwag na. I know you're tired. Para makapagpahinga ka na."

Hinila niya ako papalapit sa kaniya. "Susunduin kita nang maaga bukas."

"Why?"

"I wanna make sure you're fine."

Ngumiwi ako at nagpigil ng ngiti. "Okay, I'll wait for you."

"Bye for now," yumuko siya at hinalikan ako sa labi.

Napapikit ako. Hanggang sa sandaling iyon, sa dinami-rami nang nangyari sa amin, hindi pa rin ako makapaniwalang ginagawa niya ang lahat ng ito para sa 'kin. Hindi pa rin ako makapaniwalang ganito na kami ni Maxwell ngayon. Pinangarap kong mangyari ang lahat nang ito noon. Hindi ko akalaing posible at magkakatotoo.

Inihatid ko siya sa pinto, hindi mawala ang mata namin sa isa't isa, ang mga ngiti ay naroon sa aming mga labi. Nawala lang iyon sa akin nang isara kong muli ang pinto. Muling pumasok sa isip ko ang ginawa ni Maxrill. Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan dumampi ang kaniyang labi. Napapikit ako sa lungkot. Mali iyon. Maling-mali. Sa hindi malamang dahilan ay natakot na naman ako.

This is wrong, Maxrill. Anong nangyari sa 'yo? Ano na lang ang sasabihin sa akin ng pamilya mo kapag nalaman nila iyang nararamdaman mo?

Naihilamos ko ang palad sa mukha ko. Alam kong mali ang isipin iyon, lalo na't sinabi kong obligasyon kong irespeto ang nararamdaman niya. Hindi ko makitaan ng tama ang nararamdaman niya. Para ko na siyang kapatid, itinuring ko talaga siyang nakababatang kapatid. Hindi man ganoon kabata, nakita ko siyang lumaki. Nakita ko ang kahinaan, kakulangan, lakas at abilidad niya sa maraming bagay. At lahat nang iyon ang naging dahilan para ituring ko na siyang pamilya. Ni minsan ay hindi ko naisip na posibleng magkaganito ang nararamdaman niya, sa dinami-rami nang pinagsamahan namin. Pakiramdam ko ay mas imposible pa ito sa kung anumang maitatawag sa relasyon namin ni Maxwell ngayon.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon