CHAPTER 34

875K 30.9K 41.1K
                                    

CHAPTER 34

"WAKE UP, baby," boses ni Maxwell ang gumising sa 'kin kinabukasan. Panay ang ikot ko sa kama dahil sa sobrang antok. Namulatan ko ang nakangiting mukha niya. "Get up, I cooked breakfast."

"Good morning," bati ko saka bumangon at dumeretso sa bathroom.

"Your uniforms are ready," dinig kong sabi niya mula sa labas. "Do you need anything?"

"What about my stamp?"

"Ready," batid kong nakangisi siya nang isagot 'yon.

Napabuntong-hininga ako. Kaya niya talagang gawin ang lahat, ora mismo. Kung gugustuhin niya...'Ayun na naman ang naghihimutok kong isip at kalooban. Pero ang bagay na mas dapat naming pinag-uusapan...Idinaan ko na lang ulit sa buntong-hininga ang sumunod na isipin.

Nang araw na 'yon ko nasubok kung gaano talaga kaabala si Maxwell. Biruin mong nasa iisang area na kami, halos hindi pa kami magkita nang ma-assign kaming pareho sa magkakaiba at magkakasunod na operations. Nariyan iyong tapos na ako pero pasimula na siya sa panibago. Nandiyan din iyong katatapos niya lang pero kami naman ang magsisimula. Nagkikita kami ngunit saglit lang at pulos sulyap lang ang nagagawa sa isa't isa. Nagkaganoon ang sitwasyon dahil nagpresinta akong tumulong sa mga visiting doctors. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit mas mabilis akong magtrabaho kompara sa mga nakasama ko sa nakaraan doon sa area.

Bukod doon ay hindi lang OR ang inaasikaso niya. Nariyan 'yong pabalik-balik na nurses mula sa iba't ibang area dahil kailangan nila si Maxwell sa area nila. Batid kong nakakailang tawag muna ang mga ito bago sadyain si Maxwell sa OR, kapag kailangang-kailangan na talaga.

"Kapag ganito ka-busy ang shift mo, paano ka kumakain?" tanong ko habang pinaghahanda siya sa plate ng pagkain.

"That's why I have Wilma," nakangiting aniya. "Kung wala siya, hindi ko maaalalang kumain. I'm glad you're here as well."

"Psh. Doktor ka pero ikaw mismo ay hindi pinahahalagahan ang health mo."

Bumuntong-hininga siya. "If I get sick, I can take care of myself."

"Doc," sa hindi mabilang na pagkakataon ay lumapit si Nurse Lisah.

"Hm?" nag-angat ng tingin si Maxwell dito.

"Doc, ang daming pasyente sa ER,"napapakamot sa ulo nitong sabi. Nangunot ang noo ni Maxwell. "Sa tingin daw po ni Doc Keziah ay food poisoning. Lahat po sila ay galing sa Balabac." Sumulyap ang nurse sa 'kin.

Umawang ang bibig ko. "What?"

Nagkatinginan kami ni Maxwell. "That's impossible." Tumayo siya at kinuha ang coat.

"Sasama ako sa 'yo," sabi ko na agad inilapag lahat ng hawak.

Tumitindi ang kaba ko habang naglalakad kami pababa sa ER. Gano'n na lang ang gulat namin sa dami ng taong naroon at karamihan ay pare-parehong sumusuka.

Agad na sumalubong si Keziah at dumeretso kay Maxwell. Sapo nito ang noo at halatang namomroblema.

"Lahat sila ay sinasabing nagkaroon kayo ng feeding program doon," nasapo ni Keziah ang noo.

"But that was two days ago," hindi makapaniwalang ani Maxwell. "How come?"Sinuyod niya ng tingin ang mga naro'n saka awtomatikong nilapitan ang isang matandang hinang-hina.

Nasapo ko ang aking noo at sinuyod din ng tingin ang hindi mabilang na pasyente. Sa laki ng area, kinulang ang space sa bilang nila.

Nalingunan ko si Maxrill na noon ay kasama sina Susy at Doc Caleb nang kumuha ako ng gloves at bagong face mask.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon