CHAPTER 21

1.3M 37.3K 48.4K
                                    

WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.

CHAPTER 21

WOW...

LITERAL na umawang ang bibig ko nang tuluyang pumasok ang aming bangka sa pagitan ng mga nagtataasang batong nababalutan ng mangilan-ngilang mga puno at halaman.

Sa isip ko na lang nasabi ang matinding paghanga na bumalot sa 'kin nang marating namin ang Twin Lagoon. Halos hindi ko na maitikom ang bibig ko sa paghanga. Maging ang paningin ko ay hindi matuon sa iisang parte ng napakagandang paraiso dahil kung saan-saan dumarapo iyon. Hindi matapos ang paghanga ko sa makapigil-hiningang tanawin.

Kahanga-hangang nakikita ko ang parte ng tubig at nasasabing kulay berde iyon gayong nakikita ko ang ilalim niyon sa sobrang linaw ng tubig. May isa pang parte ang katubigan na kulay asul naman. At kakatwa ring nakikita kong asul iyon gayong malinaw ko ring nakikita ang kailalim no'n. Unbelievable!

Hindi ko namalayan ang paglapit ni Maxwell. Sandali ko lang siyang sinulyapan dahil ang paningin ko ay naroon sa napakalinaw na tubig. Hindi ako makapaniwalang nakakakita ako nang ganoong kalinaw na tubig ngayon.

Marami na akong napuntang beach, islands at kung ano-ano pang maipagmamalaki ng isang lugar sa na parte ng kalikasan. Nagkamali ako nang isipin kong ang Pamalican na ang pinakamaganda. 'Ayun at naroon pa pala ang lugar na iyon.

"What can you say?" tanong ni Maxwell.

Nakangiti niyang inilahad ang kamay sa 'kin at inalalayan akong tumayo sa bangkang sinasakyan namin. Hindi ko inaasahang yayakapin niya ako mula sa likuran at isisiksik ang mukha sa pagitan ng pisngi at leeg ko. Gustong-gusto ko sa t'wing gagawin niya 'yon pero hindi doon nakatuon ang atensyon ko ngayon. Talagang hindi malubayan ng mga mata ko ang napakagandang lugar.

"This place is perfect," halos pabulong kong sinabi ang paghanga.

Sa ingay at daldal kong ito, ngayon lang ako naubusan ng komento at masasabi sa isang lugar. Ni hindi ako makahanap ng akmang salita na magbibigay ng mas magandang deskripsyon sa nakikita ko. Hindi ko maisatinig ang magandang pakiramdam na naroon sa dibdib ko na dulot ng matinding paghanga.

"Mabuti at ito ang panahong napili ni Sir Maxwell," ani Mang Pitong. "Wala masyadong turista sa ganitong panahon."

Kami nga lang talaga ang tao roon, halos isipin ko na kaninang pinasara ni Maxwell ang lugar na iyon para sa akin. Masyado na yata akong ambisyosa para isipin 'yon.

"I knew you'd like it here," masaya ang tinig niya, ramdam ko ang pagkakangiti.

"Kung hihilingin ng lugar na 'to na angkinin ang atensyon at paningin ko, ipagkakaloob ko," pakiramdam ko ay puso ko ang nagsalita para sa 'kin. 'Yon lang ang nakayanan kong sabihin.

Naramdaman ko nang lumuwag ang pagkakayakap niya. Nakita ko nang tunghayan niya ako, palibhasa'y matangkad talaga, halos nadungaw niya ang mukha ko.

"Mm-mm," iling niya. "Wrong decision, baby. Those are mine, too," aniya, seryoso.

Napamaang ako saka natawa. Gusto ko sanang i-explain ang nais kong sabihin pero talagang naagaw ng tanawin na 'yon ang atensyon ko. At sa ginagawa kong pagtitig doon, nauubos ang mga salitang dapat ay sasabihin ko.

"I've never seen any place as beautiful as this," muling sabi ko. Pakiramdam ko ay sinabi ko nang mabagal at isa-isa ang bawat letra ng salitang beautiful para masabi lang nang tama ang aking paghanga. Ang paningin ay hindi pa rin mapatuon sa iisang lugar, nililibot ko nang todo ng tingin ang buong lugar.

"Let's swim?" alok niya.

Nilingon ko siya at parang akong magkakasunod na tumango. Inabutan kami ng lifevest ni Mang Pitong pero sabay naming inilingan ni Maxwell 'yon.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now