CHAPTER 55

980K 36K 51.6K
                                    


CHAPTER WHATEVER

NGUMISI SI Hwang saka sarkastikong sinuyod ng tingin ang kabuuan ni Maxwell. "Kung gayon ay simulan na natin," bago pa niya matapos ang linya ay umatake siya na awtomatikong inabangan ni Maxwell!

Gano'n na lang ang kaba ko nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bago ko pa man mapanood si Hwang ay nakatayo na ang isa sa mga tumumbang lalaki at sumugod. Bago pa nito mahawakan ang anumang parte ng katawan ko ay gigil ko iyong tinadyakan! Kabado man at kinikilabutan ay gano'n na lang ang pagkilos ng aking katawan.

Hindi ako makapaniwalang magkatalikod man, pareho man kaming dumedepensa sa alam naming paraan, hindi binitiwan ni Maxwell ang kamay ko. Sa pag-atake niya ay napapasama ako. Tuloy, kahit gusto kong sanggain ang pag-atake ng iba ay napapahabol na lang ang mga 'yon sa t'wing bigla niya akong mahihila.

Hanggang sa marinig ko siyang tamaan.

"Maxwell!" pagtawag ko. Magkadikit ang mga likod namin at kasabay na umiikot ng mga hangal na 'yon.

"Baby, I'm losing my patience," bulong niya.

Hindi pa pala ubos ang pasensya niya? Nakapanlulumo talaga ang ugali nila. Wala na akong magamit na salita para maipaliwanag 'yon. Akong nilalamon na ng kaba ay naiisip na ang aking pamilya. Nakikita ko na sa isip kung ano ang mararamdaman nila, kung gaano katindi ang pag-iyak na gagawin nila kung bawian ako ng buhay sa sandaling ito. Ngunit ang lalaking ito, na siyang mapapang-asawa ko, nauubusan pa lang ng pasensya. At nakuha pang maglambing.

"I don't want you to get hurt, Yaz, please stay close to me," dagdag pa niya.

"Nasaan na ba si Maxpein?" maiiyak nang asik ko.

"Baka maraming flights, hindi pwedeng makipagsabayan ng lipad sa ibang airlines."

Lumaylay ang mga balikat kong handa nang dumepensa sa kung sinumang aatake.

Flights... Airlines...

Nakapanlulumong marinig 'yon sa ganitong sitwasyon. Seryoso siya pero hindi ko matanggap ang kaniyang mga sinabi.

Flights... Airlines... Bahagya akong lumingon sa gawi niya. "You mean, she's in the Philippines?" hindi ako makapaniwala.

"Of course," kaswal lang na tugon niya. "We're one hour ahead there. Maybe she just finished her dinner."

Para akong mahihilo, nasapo ko ang aking noo. Dinner... Iyon ang pinakaimportanteng salita sa kanilang pamilya, dinner.

Gusto ko siyang singhalan, aalamin kung seryoso ba siya o nang-aasar lang. Pero gano'n na lang kabibilis na umatake ang mga rango na 'yon na magkakasunod din naming iniwasan.

Panay man nag pagsangga namin at pagganti sa mga atake, lamang ang pag-atras namin ni Maxwell. Hindi ko na siya masasabayan kailanman, sobrang bilis niyang kumilos! Na tipong sisipa pa lang ako ay nahila niya na ako para masipa rin ang kung sino.

Hindi normal na tao si Hwang at ang grupo nito. Nagagawa nilang lumipad sa ere na para bang normal na nilang ginagawa 'yon. Nakita ko nang gawin ni Maxpein 'yon pero dahil alam ko ang kakayahan niya ay minsan lang akong nagulat.

Sa nakikita ko ngayon ay talaga ngang normal lang yata nilang ginagawa 'yon. Walang kahirap-hirap. Na kahit anong lalaki ng katawan ng ilan sa aming mga kaharap ay madali silang nakakakilos. Mabibilis din, bagaman wala na yatang bibilis pa kina Maxpein at Heurt.

"Napapagod na 'ko, Hwang, ano ba'ng kailangan mo?" hindi ako makapaniwalang itatanong ni Maxwell iyon sa paraan na para bang walang kakaba-kaba sa nangyayari sa harap niya. Iyong siya pa ang galit. Iyong para bang kailangang makonsensya ni Hwang dahil napapagod na siya. Ganoon.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now