CHAPTER 25

989K 32.5K 53.3K
                                    

CHAPTER 25

EMOSYONAL AKONG yumuko at dinampian ng halik si Maxwell sa labi. Matagal at puno ng pagmamahal. Nakapikit pa ako nang paglayuin ang mukha namin saka marahang nagmulat. Nakababa ang paningin niya ngunit hawak ko ang parehong pisngi niya kaya 'ayun at nakikita ko ang lahat ng kaniyang emosyon.

"Kahit hindi mo hilingin..." pabulong kong sabi. "Paulit-ulit kitang pipiliin, Maxwell."

Doon siya nag-angat ng tingin sa 'kin at napapangiting nakahinga nang maluwang at niyakap ako. "I've never felt this sure to fight for what I feel, Yaz," bulong niya.

Humigpit ang yakap niya. "I don't care if this will hurt the ones I also love," batid kong si Maxrill ang tinutukoy niya. "I can't give you up just because the situation is not ideal, I refuse to give up."

"I'm sorry if I'm hurting you, Maxwell," mahinang sabi ko.

Kumalas siya at hinarap ako. Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko, may kung anong haplos sa puso ko ang salubungin niya ang mga mata ko.

"No matter how hard the situation gets, choose me," puno ng kasiguraduhan ang tinig niya. Kasiguraduhang hindi ako magsisisi kapag siya ang pinili ko.

Nakangiti akong umiling. "Hindi mo na kailangang sabihin but...yes, I'll choose you..." paniniguro ko rin. "I chose you before, I choose you now and I will keep choosing you," emosyonal kong sinabi.

Pakiramdam ko ay ganoon na katindi ang pinagdaanan namin ni Maxwell nang maayos naming tapusin ang araw na 'yon. Kahit na ang totoo ay alam kong mas marami pa kaming pagdaraanan na higit pa ro'n.

Nakahinga ako nang maluwang kahit papaano. Hindi lubusan sapagkat kahit nagkaayos na kami, patuloy pa rin akong nilalamon ng konsensya ko. Hindi dahil sa nalilito ako sa nararamdaman ko. Sigurado akong si Maxwell ang mahal ko. Nakokonsensya ako dahil sa kabila ng katotohanang siya ang mahal ko, hinalikan ko ang kapatid niya. Paano ko ipaliliwanag sa kanilang pareho na wala lang sa akin 'yon at hindi ko 'yon sinasadya? Sa parteng 'yon, walang makaiintindi sa 'kin, kahit sarili ko.

"Mukhang okay na kayo, ah?" nakangiting bulong ni Zarnaih sa 'kin kinabukasan habang nagluluto ako ng agahan.

Sinadya kong itali ang buhok ko nang araw na 'yon at nag-iwan ng ilang hibla para may istilo. Saka ako nagsuot ng oversized white longsleeves para magmukha pa rin akong modelo. Pero hindi ang suot, buhok o ang natural kong ganda ang nais kong ipagmalaki. Kundi iyong iniregalo sa 'kin ni Maxwell kagabi.

Bahagya kong itinabingi ang aking ulo upang lumadlad ng bahagya kay Zarnaih ang dibdib ko. Sinadya ko ring buksan ang tatlong unang butones ng damit ko upang mas mabigyang pansin ang aking kwintas.

"Kuyaaaw ba!" halos mapatili si Zarnaih. "Dawbi! Regalo ni Maxwell 'yan?"

"Ah-huh..." maarte kong sabi saka mas hinawi ang gawing iyon ng kwelyo, halos lumantad ang buto sa balikat ko. "Harry Winston," pagtukoy ko sa isa sa pinakamamahaling brand ng jewelries.

"Naku, kaya naman pala! Masipag ka na ulit at masigla, mukha ka na uling tao kahit hindi ka pa naliligo, ate."

"Manahimik ka nga."

"Iba talaga magmahal ang del Valle! Bibilhin ang mundo, maangkin ka lang."

"Naangkin na!" ngiwi ko. "Paulit-ulit pa!"

Ngumiwi siya sabay kurot sa tagiliran ko. "Kigwa!"muli pa niya akong kinurot.

"Aray! Samok ka! Tabi nga!"

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now