CHAPTER FOUR

2.1M 61.2K 83.9K
                                    

HINDI NA naalis pa ang ngiti sa labi ko hanggang sa makauwi kami. Hindi ko na rin nabitawan pa ang stuff toy na kinuha ni Maxwell para sa akin.

"'Ganda ng ngiti mo, ah?" ani Zarnaih, hinablot ang stuff toy sa akin.

"Ano ba?" nakangiti kong habol.

"Ano ba?" nakangiwing panggagaya niya. Nakasimangot niyang tiningnan iyon. "Bigay ni Maxwell?" Nakangiti akong tumango. Nandidiri niya namang ibinalik 'yon sa 'kin. "Hindi ka nainsulto?"

"Bakit naman?" mataray kong tugon.

"Palaka iniregalo sa 'yo, insulto 'yon kasi kahawig mo!"

"You're so mean, Zarnaih! Stop killing my self-esteem, I'm still single, please."

"'Arte mo! Psh," inirapan niya ako. "Mabuti pa 'tong leon, kabuhok mo lang. Galing din sa kaniya?"

"It's so cute, right? Maxrill gave it to me," nakangiti kong sagot. Kukunin ko na sana 'yon nang muli niyang angkinin.

"Umamin ka nga sa 'kin, ate?"

"What?"

"May gusto ba sa 'yo si Maxrill?"

Muntik na akong masamid. "Ano? Bakit mo naman naisip 'yon?" Nag-iwas ako ng tingin, pilit itinuon 'yon sa bigay ni Maxwell.

"Hindi ka ba nakakahalata?"

"Saan?"

"'Sus," naupo siya sa tabi ko, sinalubong ang mga tingin ko. "'Wag mo sabihing hindi mo napapansin ang mga kilos ni Maxrill? 'Yong mga actions niya."

"What about his actions?" maang kong sagot.

"Kakaiba ang mga tingin niya sa 'yo, ate. Hindi na 'yon tulad noon, 'no. May gusto si Maxrill sa 'yo, ate."

Napalingon ako sa gawi ni Lee na noon ay napatulog na ang anak. "'Wag ka namang maingay, baka marinig tayo ng asawa mo."

"Hindi mo nahahalata?"

"Ang alin ba?" nag-iwas ako ng tingin.

"Wow, maang-maangan, ah? Trenta ka na, ate! 'Wag kang mag-feeling teenager!"

Hindi ko na siya sinagot pa. Pilit kong hindi ipinahalata ang tunay kong reaksyon sa mga sinasabi niya. Nag-aalala lang ako na baka marinig kami ni Lee.

"Feeling ko nga pati si Maxpein ay nakakahalata na," nakangiwing dagdag niya.

Awtomatiko ko siyang nilingon. "What do you mean?"

"Hindi ba't gusto kang ihatid ni Maxrill kanina? Kahit na alam naman niyang kasama mo kami ni Lee." Sumimangot siya at umiling. "Ang sama ng mukha ni Maxpein, titig na titig sa bunsong kapatid. Kaya 'ayun, imbes na doon siya matutulog sa bahay ni Maxwell. Pilit siyang pinauwi ni Maxpein sa mansyon."

"Sumunod naman siya?" natatawa kong tugon. "I can't believe it. I thought kasama sa maturity niya ang tapang na tumanggi sa mga kapatid niya."

"Well, it seemed he had matured enough to fulfil himself. But still, Maxpein is Maxpein. Takot siya kay Maxpein, lalo na kapag seryoso."

"Hindi na siya 'yong batang Maxrill noon." May kung ano sa 'kin na talagang nami-miss 'yon. Hindi pa rin ako maka-move on sa paninibago.

"I agree, iba na si Maxrill ngayon. Meron nang gusto."

"Kanino?"

"Sa 'yo."

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now