CHAPTER 41

1.1M 39.9K 82.1K
                                    


CHAPTER 41

"ZAIMIN YAZ, hija? Lumabas ka naman, anak. Nag-aalala na si mommy sa 'yo, e," nangibabaw ang nagmamakaawang tinig ni mommy sa labas ng aking kwarto.

Hindi niya ako sinundan, mommy...

Isang linggo na siyang ganoon, nakikiusap na lumabas ako. Walang oras sa bawat araw na hindi siya nakiusap. Walang sandaling hindi niya ako hinahatiran ng inumin at pagkain. Ngunit tubig ang madalas kong tanggapin, bukod sa biskwit sa t'wing hinihilo ako ng gutom.

Hindi siya sumunod sa 'kin...

Wala na talaga akong pag-asang mabuhay. Mawala lang ang tinig ni mommy sa labas ng pinto ay paniguradong tutulo na naman ang mga luha ko.

Ilang araw na ang lumipas pero hindi niya pa rin ako pinupuntahan...

"Zaimin, anak," muling pakiusap ni mommy.

Pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Gaya ng mga nakaraang araw mula nang makabalik ako sa Cebu, umiyak lang ako.

Hindi mo na ba ako mahal, Maxwell?

Inilabas ko ang cellphone at pinakatitigan ang picture niya. Wala pa man akong naiisip ay tumulo na naman nang tumulo ang aking mga luha.

"How are you, Maxwell?"

Pakiramdam ko ay muli kong nakita sa isip kung paano siyang sumubsob sa dibdib ng kaniyang ama nang araw na 'yon. Maging ang paghagulgol niya ay biglang umalingawngaw sa pandinig ko. Ilang saglit lang ay humahagulgol na rin ako.

I miss you so much, baby... Umiiyak kong sabi.

I can't believe it. Hindi na ito ang unang beses na dumaan ako rito. Ang sabi ko ay kilala ko na ang sakit, pamilyar na sa 'kin ang lungkot, kaibigan ko na ang pagtitiis. Pero hindi pa rin pala. Nagkamali na naman ako nang ganoon ang isipin ko. Dahil lahat sa nararamdaman ko ngayon ay bago. Higit na mas masakit ang lahat ngayon, hindi mapantayan ng nakaraan.

"Zaimin Yaz, si mommy mo ito, labas ka na, anak, hmm?" hindi talaga nagsasawa si mommy. Kinabukasan lang ay 'ayun na naman siya.

Pero gaya kahapon at nang mga nakaraang araw, hindi ako tumugon. May susi naman siya sa kwarto ko pero inirerespeto pa rin niya ang kagustuhan kong magkulong. Siya talaga ang pinakamapagmahal, pinakamaintindihan na nanay sa buong mundo.

Maxwell...hindi mo ba ako naiisip?

Luhaan kong iginala ang paninign sa kabuuan ng kwarto ko at muling napaluha nang maalala kung alin sa mga parte niyon ang may alaala ni Maxwell.

Maxwell...

Paulit-ulit na gumuhit ang mga luha ko. At bago pa ako makapag-isip nang bago ay magkakasunod nang tumulo ang mga iyon.

Ikaw lang ang laman ng isip ko, Maxwell...

Dumaan pa ang mga araw at linggo nang paulit-ulit lang ang takbo ng buhay ko. Ni hindi ko na namalayan ang dumaraang araw. Tubig na lang talaga ang bumubuhay sa 'kin. Pinaghihingalo ako ng kaiiyak ko.

Kung sakaling iniisip mo ako, mahal na mahal pa rin kita, Maxwell...

Pinipilit kong lumaban. Bumabangon ako para maligo at pinipigilang may maalala. Peor sa sandali pa lang na tumulo ang tubig sa buhok ko ay napakarami nang alaala ni Maxwell ang dumaraan sa isip ko.

Iisipin ko pa lang na magbasa ng libro, para maaliw ang sarili, humihikbi na ako. Ang katotohanang iyon ang unang minahal niya ay lalong dumudurog sa puso ko.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon