CHAPTER 43

991K 37.3K 49K
                                    


CHAPTER 43

"ATTENTION NURSES!"

Sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang nurses na nasa station ng ward nang dumating ang chief nurse. Tumuloy siya sa loob ng station at may dinikit sa bulletin board namin. Napalingon kami ni Katley sandali saka nagpatuloy sa charting.

"May mga darating na mga doctor at Red Cross main representatives, early next month, galing sa Maynila," muling sabi ng chief nurse. "Magse-seminar sila sa 'tin tungkol sa updates ng health care system at ng basic life support at advanced cardiac life support."

"Naay bayad 'yan for sure, ma'am," angal agad ni Katley.

"Hahay," ngumiwi ang chief nurse. "Of course. Oh, pakilinis na lang ang inyong station, baka masita tayo ng directress." Iyon lang at iniwan na niya kami.

Tinapos namin ni Katley ang charting saka nagpatuloy sa trabaho. Sobrang busy na wala na halos kaming oras para magdaldalan ni Katley. Kaliwa't kanan ang admissions, bukod sa mga humihiling na sa bahay na lang mananatili. Napakaraming paperworks no'n. Paroo't parito ang attending physicians na may tanong. Panay ang akyat-baba ng mga nurse, kahit na kami, kung may kakailanganin sa ibang area. Napakaraming pasyente ang kailangan naming tingnan kada kalahating oras.

Sa matagal na panahon, naranasan ko ulit magtiis ng ihi, uhaw, gutom, pagod at iba pa. Dahil sa pumapatak na minuto, kailangan naming unahin ang mga pasyente.

Nagpatuloy ang ganoon hindi lang nang araw na 'yon, kundi nang mga sumunod pang araw at linggo. Paulit-ulit man, totoong nalilibang ako.

Napakaraming sandali na pumasok sa isip ko si Maxwell. Lalo na kapag dalawa o higit pang pasyente ang kailangan kong takbuhin sa parehong oras. Nakababaliw ang gano'ng pakiramdam, nangingibabaw ang takot ngunit hindi iyon pwedeng umiral, hindi ako pwedeng matalo ng kaba. Sapagkat sa bawat pasyenteng hinahawakan ko, parang sa 'kin nakasalalay ang buhay nila.

Hindi ko malilimutang may araw na nagtakbuhan kami nang may mag-code sa mga pasyente, hindi lang isa kundi tatlo sila. Apat na nurse ang naka-duty pero hindi lang apat na pasyente ang nangailangan ng tulong namin. Para kaming mga hangin na nagsipagkilusan. Kakatwang iisang station at hallway lang ang aming tinatakbuhan, hindi pa kami nagkakakitaan.

Nang araw na 'yon ay halos marindi ako sa magkakasunod na tawag sa telepono ngunit hindi ko 'yon magawang sagutin. Nang araw na 'yon ay namatayan kami ng dalawang pasyente at walang humpay ang iyak ko dahil sa magkahalong sama ng loob at pagod.

Magkakasunod na araw kaming nag-straight duty ni Katley sa kagustuhang 'wag iwan ang isa't isa. Hindi bayad 'yon kaya talagang sakripisyo dahil mahal namin ang aming propesyon, dahil kailangan kami ng mga pasyente.

Naulit 'yon nang sumunod pang araw, may nag-code na pasyente at kaliwa't kanan ang tulong na hinihingi ng iba pang pasyente. Pero hindi ko malilimutang nang araw rin na 'yon ay isinugod ang daddy ko sa emergency room pero hindi ko siya magawang puntahan. Hindi ko siya magawang tingnan. Hindi rin ako maaaring magpalamon sa pag-aalala. Kailangan kong ituon ang buo kong atensyon sa trabaho. Dahil nang oras din na iyon ay naroon ako sa ibabaw ng pasyente at nakikipag-unahan kay kamatayan na magsalba ng buhay ng ibang tao. Kahit pa ang daddy ko mismo ay kailangan ako.

Aaminin kong habang dumaraan ang araw, sa t'wing maaalala ko si Maxwell, unti-unti kong nare-realize ang sitwasyon niya. Napakaraming tanong ang nangonsensya sa 'kin. Ako ay nasa iisang area lang habang siya ay nasa iba't ibang area na nga, pinatatatawag pa maya't maya. Nilamon ako ng aking konsensya, binagabag ako ng mga tanong. Bago ako maubos no'n ay nagkwento na ako kay Katley.

LOVE WITHOUT LIMITSOn viuen les histories. Descobreix ara