✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57.2K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
QUINQUE
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

SEX

1K 94 9
By NoxVociferans

Hindi ako 'yong tipo ng taong magaling magdesisyon.

Anak ng pusa, ni hindi ko nga kayang magdesiyson kahit pa yata nakasalalay na ang buhay ko! Noong Grade 6 ako, ni hindi ko pinag-isipan ang isusuot kong medyas kaya't madalas magkaibang pares ang suot ko. One time, I decided to try eating lunch at our canteen. Sa kasamaang palad, puro panis pala ang mga napipili kong ulam, kaya't isang linggo ako noong absent dahil sa pagtatae at pagsusuka.

To sum it up: I suck at decision-making.

'And I guess old habits die hard.'

Napabuntong-hininga ako't walang-ganang tinitigan ang babaeng abala sa pag-iisip kung paano niya pahihirapan ang miserable kong buhay. I glanced at my cellphone. "Shit!" Pamela's pary starts in two hours! Iritable kong binalingan si Medusa na may binabasa pa ring files sa isang folder.

"Rein Aristello, 19 years old, freshman student ng kursong Civil Engineering. Isang ordinaryong mortal na nag-aaral sa isang ordinaryong paaralan. Tsk! What a boring life you have!" Humikab si Medusa. Her sharp brown eyes turned to me, "You should really be thankful that I employed a boring mortal like you."

"Um.. thank you?" Sarkastiko kong sagot sa kanya.

'Pero totoo naman ang sinabi niya. I do have a boring life.'

Nakakainsulto pala talaga kapag nagmula sa ibang tao ang katotohanang matagal mo nang alam. I sighed in defeat. Bumaling ako kina Markus at Caprissa na abala sa pagtsi-tsismisan. "Can you guys untie me now? Napipisa na ang muscles ko sa higpit ng mga lubid na 'to!"

Pero tinawanan lang ako 'nong dalawa.  Inis kong ibinalik ang atensyon ko sa halimaw na bumili sa'kin. 'Damn, hindi ako pwedeng ma-late sa party ni Pam!'

"Ano ba talaga ang ipapatrabaho mo sa'kin?"

Ngumisi si Medusa at ipinitik ang mga daliri. Sa isang iglap, biglang naging marupok ang mga lubid na nakatali sa'kin. The ropes easily broke off. Napabuntong-hininga ako't mabilis na umayos ng tayo. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng coat ko (delikado na at baka ipatapon ako sa Jupiter ng pinaghiraman ko) nang magsalita ulit si Medusa.

"Base sa walang katuturan mong files, mortal, bukod sa pagdadaldal ng philias, magaling ka rin sa mga de-pindot na may TV screen, at patay na daga,'di ba?"

What the fuck? Sandali akong napaisip.

De-pindot... TV screen... Patay na daga?

"Ah! You mean a computer?"

Napasimangot si Medusa habang pinipigilan ko namang matawa. Hindi pala alam ng isang mythological creature ang computer? Geez, that's new. I smugly smiled at her.

"Want me to spell that for you? C-O-M-P-U----"

"Mananahimik ka o gagawin kitang estatwa?!"

Napaatras na ako nang akmang tutuklawin na ako ng mga ahas sa ulo niya. I sighed and scratched the back of my head. Dapat pala kinakasuhan ko 'tong bago kong boss. Masyadong pikon eh! Buti pa si Pamela, hindi makabasag-pinggan.

Well, not that I'm comparing them. Pamela is incomparable.

Napasimangot ako. "Ano naman ang kinalaman ng pagiging maalam ko sa mga computer sa pagiging personal assitant mo?"

Sumeryoso ang ekspresyon ni Medusa. "Follow me." Huminga siya nang malalim at naglakad papunta sa kabilang bahagi ng warehouse. Hinanap ko sina Caprissa at Markus, pero bigla na lang silang naglaho na parang pera. 'For the second time this evening, I am left with no choice!' inis kong isip at sinundan si Medusa sa kung saan.

We passed through the dark and abandoned hallways. Nanindig ang balahibo ko sa lamig ng lugar at kamuntikan na akong mapakapit kay Medusa nang may marinig akong kaluskos na nagmumula sa likuran namin!

"Shit!"

This place feels like it was ripped out of the pages of a horror novel!

"Psh! Walang multo dito, mortal. The only thing you should be afraid of is me. Kaya't tumigil ka na diyan bago ka pa maihi sa salawal mo." The noise of Medusa's black heels came to a stop. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, pero nahuhulaan kong nakangisi na siya nang pang-asar sa'kin.

"H-Hindi ako natatakot sa multo.."

"Good. Baka pwede mo nang bitiwan ang braso ko?"

Mabilis akong umayos ng pagkakatayo at inayos ang damit ko. I cleared my throat and calmed myself. "I.. I was just making sure that you're here! Baka kasi tumakbo ka na pala papalayo. Minabuti kong humawak ang braso mo para hindi ka na matakot."

Smooth, Rein. Real smooth.

Just then, I heard a soft "click" in front of us. Kasabay nito, bumulwak ang liwanag na nagmumula sa isang silid. Nang makita ko na ang ekspresyon ni Medusa, napansin kong walang emosyon na pala siyang nakatigin sa'kin. It somehow made me wonder if her eyes were always this emotionless..

Nang silipin ko ang loob ng silid, bumungad sa'kin ang computer unit na nakatambak doon. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong gulo-gulo ang mga kable at mali ang pagkaka-assemble ng mga ito. The spacious room had a desk and chair. Mukhang matagal nang nakatago dito ang computer dahil nababalutan na rin ng alikabok ang ibabaw nito.

I walked inside the room and scanned the mess.

Nakasandal sa may pinto si Medusa habang nakahalukipkip. Her red lips tugged into a frown. "Bilang personal assistant ko, kailangan mo akong tulungang hanapin ang isang tao. Nabanggit sa'kin ni Markus na mas mapapadali sana ang paghahanap kung may computer at internet connection, but that lazy-ass emo doesn't even know how to operate any of the two. Hindi rin alam ni Caprissa, at lalong hindi ko matututunang gamitin ang ganyan dahil sa sumpa ko. Don't worry, I'll pay you in advance after you get that thing working for me."

I started wiping some of the dust off the CPU (central processing unit) when I turned to her, "Nagiging pusa ka, 'di ba? That's your curse?"

Nag-iwas ng tingin si Medusa at mataray na nagsalita. "Basta paganahin mo na 'yang bagay na iyan. I really don't get why you mortals invented such a complicated device like that! Ang hihilig niyong pahirapan ang mga buhay niyo."

Hinubad ko muna ang coat ko at inilihis ang manggas damit ko. Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Medusa, "Actually, computers do the opposite. Pinapagaan nito ang buhay naming mga tao. It helps us with stuff like research and connects us with other people. Nagkakaroon lang ng problema kapag walang disiplina ang gumagamit nito."

She waved her hand dismissively. "Just make that thing work. Naiinip na ako, at ayaw mo rin naman sigurong ma-late sa debut ng crush mo, 'di ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Paano mo nalaman?"

Wala namang akong natatandaang binanggit ko 'yong debut ni Pam sa kanya ah!

Medusa smirked. "It's for me to know, and for you to never find out, Mr. Aristello."

Nababaliw na talaga ang isang 'to. Pero siguro nababaliw na rin ako dahil pumayag akong maging PA niya. 'Kung matatapos ko 'to agad, may oras pa akong bumili ng regalo kay Pamela.' Huminga na lang ako nang malalim at sinimulan nang ayusin ang computer.

"Technophile, a person who loves technology."

*

Click!

Click!

Click!

"WAAAAAH! Ang galing!" Natutuwang sabi ni Caprissa habang abala sa pagpipindot. Kanina pa siya nawiwiling maglaro 'nong dinosaur na tumatalon. 'Bakit ba kasi hindi pa pala nakakapagpakabit ng internet si Medusa dito?' Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at pinanood na mag-agawan sina Caprissa at Markus.

"Kanina ka pa diyan, ako naman! Hayaan mong ipakita sa'yo ng isang henyo ang paglalaro niyan!"

"Henyo? Hmph! Umusog kaaaaa! Lady Medusa oh! Inaaway ako ni Markus!"

"Sumbungera!"

Sabay kaming napabuntong-hininga ni Medusa sa pag-aaway ng dalawa. I glanced at my wristwatch again and cursed under my breath. Thirty minutes na lang! Mabilis kong binalingan si Medusa at inilahad ang kamay ko. "Look, I'm gonna be late for an important party at dahil wala pa namang internet, kailangan ko na munang umalis."

"Aw. That's too bad."

She smirked and pulled me by my necktie. Halos magkalapit lang ang mga mukha naming dalawa. Her lips curled in a smirk. "Dati-rati, nagmamakaawa pa ang ibang mga lalaki na 'wag ko silang paalisin. Tapos ikaw itong lalayasan ako para lang umattend ng debut ng pangit mong crush? You're really getting on my nerves, Rein."

What the heck did she just say?

Tumalim ang mga mata ko sa kanya. "Hindi man kasing-ganda mo si Pamela, at least she's not a monster who can heartlessly turn people into stone. Mas pipiliin ko siya palagi kaysa sa'yo, Medusa."

Namuo ang tensyon sa pagitan namin ni Medusa. Damn, Rein! Kailan ka ba matututong manahimik? Huminga ako nang malalim. Dapat pala nakapagsulat ba ako ng suicide note bago ako pumayag na maging personal assistant ng babaeng ito. Being with her is suicide!

Pero agad akong natigilan nang mapansin ko ang lungkot sa mga mata ni Medusa.

'Are monsters suppose to be sad?'

But it vanished as quick as it appeared, like a glimpse of something that I'm forbidden to see.

"You're lucky I'm sparing your worthless life, Mr. Aristello. Kung wala ka lang silbi sa'kin, baka kanina ka pa naging estatwa diyan. Tsk!" Umirap siya sa'kin at kumuha ng pera mula sa wallet niyang tadtad ng emerald gems. Nakawin ko na lang kaya ang wallet niya? Parang kaya na akong buhayin ng hanggang afterlife eh.

'Gago ka talaga, Rein! Hindi ito ang oras para isipang pagnakawan ang bago mong boss!' My mind reminded me.

Hindi ko na namalayan na may inilagay na palang pera sa bulsa ko si Medusa. She smiled seductively and traced my jaw. "From now on, you'll call me 'Lady Medusa'."

"F-Fine."

"Oh, and bring me cat food every morning." Seryoso nitong sabi sa'kin.

Pinigilan kong matawa. 'Cat food? Oo nga pala, nagiging pusa nga pala siya tuwing araw.' Naalala ko na naman tuloy ang unang pagkikita namin. No, not a good memory. Kahit pa sabihin nating 90% ng mga lalaki sa mundo ay matutuwa pa kung magigising na lang silang may nakadagang babae sa kanila sa kama. Especially someone as charming and as sexy as Medusa. She's every man's dream---well, minus the snakes.

'But unfortunately, she's not my dream. Pamela is.. she will always be.'

Trabaho lang 'to. Hindi ako dapat magpadala sa karisma ng isang halinaw. Humakbang ako papalayo sa kanya at bahagyang yumuko.

"Noted, Lady Medusa. Is there a specific brand of cat food you'd like?"

Nag-iwas siya ng tingin. She looks embarrassed with the question. "Ikaw nang bahala. Just taste test every damn cat food you find."

"Note---W-What the hell?! Anong taste test?!"

"You heard me, darling. Gusto kong i-taste test mo muna ang lahat ng cat food na mahahanap mo."

"You must be crazy if you think I'll be doing that for you!"

Nababaliw na siya kung inaakala niyang ite-taste test ko nga ang pagkain ng pusa! Pero agad rin natigil ang pagprotesta ko nang bumalik ang matatalim niyang mga mata sa'kin. Her death glare is enough to shut me up. Dahil ano pa nga bang magagawa ko? She's the boss. Damn it.

"Kapag hindi ko nagustuhan ang cat food na ibibigay mo sa'kin bukas, gagawin talaga kitang bato at ipapahagis kita South China Sea! Understood, Rein Aristello?!"

Her snakes hissed at me.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Do I really have a choice?

---

Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
17.9K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...