✔Sold to Medusa

By NoxVociferans

57K 5.2K 481

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristell... More

PROLOGUS
UNUM
DUO
TRES
QUATTOUR
SEX
SEPTEM
OCTO
NOVEM
DECIM
UNDECIM
DUODECIM
TREDECIM
QUATTOURDECIM
QUINDECIM
SEDECIM
SEPTEMDECIM
DUODEVIGINTI
UNDEVIGINTI
VIGINTI
VIGINTI UNUM
VIGINTI DUO
VIGINTI TRES
VIGINTI QUATTOUR
VIGINTI QUINQUE
VIGINTI SEX
VIGINTI SEPTEM
DUODETRIGINTA
UNDETRIGINTA
TRIGINTA
TRIGINTA UNUM
TRIGINTA DUO
TRIGINTA TRES
TRIGINTA QUATTOUR
TRIGINTA QUINQUE
TRIGINTA SEX
TRIGINTA SEPTEM
DUODEQUADRAGINTA
UNDEQUADRAGINTA
QUADRAGINTA
QUADRAGINTA UNUM
QUADRAGINTA DUO
QUADRAGINTA TRES
QUADRAGINTA QUATTOUR
QUADRAGINTA QUINQUE
QUADRAGINTA SEX
QUADRAGINTA SEPTEM
DUODEQUINQUAGINTA
UNDEQUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA
QUINQUAGINTA UNUM
QUINQUAGINTA DUO
QUINQUAGINTA TRES
QUINQUAGINTA QUATTOUR
QUINQUAGINTA QUINQUE
QUINQUAGINTA SEX
QUINQUAGINTA SEPTEM
DUODESEXAGINTA
UNDESEXAGINTA
SEXAGINTA
SEXAGINTA UNUM
SEXAGINTA DUO
SEXAGINTA TRES
EPILOGUS

QUINQUE

1.1K 96 1
By NoxVociferans

"B-Bakit naman dito ang opisina ng boss nila?"

Binasa ko ulit ang address na nakasulat sa papel at sinilip ang abandonadong bodega sa harapan ko. It was a large building with broken windows and moss already eating up the good portion of its exterior. May vandalism pang nakapinta sa kulay abo nitong mga pader at nagkalat ang basura sa lote nito.

Sa isang gilid, nakatabinging nakalagay ang karatulang "Cella Warehouse". It was hastily painted in red letters against a wooden surface. May ilang sapot ng gagamba pang nakapalibot sa karatula na para bang setup sa isang horror movie.

"Arachnophile, a person who loves spiders."

Napapitlag ako nang makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa loob ng warehouse. Hindi ako naniniwala sa mga multo, pero lalong mahirap paniwalaan na may taong mag-oopisina sa lugar na 'to!

It was already 6:00 pm. Ilang sandali na lang at magsisimula na ang party ni Pamela.

"Baka hindi na ako umabot sa oras. Next time ko na lang kaya siya bigyan ng regalo?"

Pero nakakahiya. Sa pagkakarinig ko, maraming pupuntang mga manliligaw niyang mula sa mga elitistang pamilya. They will surely show off their rich asses to impress Pamela tonight. And what do I have to impress her with? Nothing but a mouthful of philias.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang bumukas nang kusa ang pinto ng bodega.

"M-May tao ba diyan?"

Mayamaya pa, bumungad ang nakangiting mukha ni Caprissa. Teka, paano naman niya ako naunahan dito? Kumaway siya sa'kin, "Kuya Rein! Kanina ka pa hinihintay ni Lady Me---este, ni boss! Pumasok ka na po dito."

Biglang nawala ang takot ko. I sighed in relief. Siguro naman hindi ako ipapahamak ng batang ito, 'di ba? Ngumiti ako sa kanya at tumakbo papasok sa nakakatakot na warehouse.

"Caprissa?"

The moment I stepped inside, the door slammed shut. Shit! Baka naman multo pala ang boss nila? Mabilis kong inilibot ang mga mata ko sa lugar. Mabuti na lang pala at may flourescent lamps pa dito. Wala namang kakaiba sa bodegang 'to maliban na lang sa babaeng may kulay berdeng buhok na nakatitig sa'kin habang nakangi---WTF?!

My eyes widened in recognition. Kilala ko ang babaeng ito!

"I should turn you into stone for making me wait, mortal. Tsk! Pasalamat ka na lang at papakinabangan pa kita."

"M-MEDUSA?!"

Nanindig ang balahibo ko nang kalmado siyang naglakad papalapit sa akin. Mahina akong napamura at kabadong tatakbo na sana papalayo nang tisurin ako ng isang paa. I groaned in pain as my face hit the floor. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking tumisod sa'kin.

"Hahaha! Ayaw ni Lady Medusa sa mga bastos na kausap, pare. Kaya't wag mo na subukang tumakas."

'Lady Medusa?'

Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang emo na nagbigay sa'kin ng pusa noon. He smirked sadistically as I tried to get away. Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang, bigla namang pumulupot sa katawan ko ang ilang lubid. Napadaing ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakatali ng mga ito sa katawan ko. Kasabay ng paghihirap kong kumawala, umalingawngaw ang pagtawa ng isang batang babae.

She tied the knot and grinned at me.

"There! Para hindi ka na makatakas, Kuya Rein. It's bad to keep our Lady Medusa waiting. Hahaha!"

'T-They're crazy!'

Tuluyan na akong nawalan ng balanse. Napasalampak na ako sa sahig. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako makatakas sa mga lubid na ito. That's when I saw a pair of black heels stop in front of me. Ilang sandali pa, hinawakan ni Medusa ang baba ko para tumingin ako sa kanya.

"Your aggressiveness is attractive, mortal. Pero nakakainit ng ulo ang pag-iwas mo sa'kin!"

There's something different about her. With the risk of getting turned into stone, matagal-tagal kong tinitigan ang babae bago ko napagtanto kung alin ang nagbago sa histura niya.

"Walang mga ahas sa ulo mo.."

"Obviously." Umirap siya.

"Ophidiophile."

"Huh?"

"A person who loves snakes."

Bahagyang namula ang pisngi ko. Damn, nasa bingit na nga ako ng kamatayan, pero hindi ko pa rin maalis ang mannerism kong dumaldal ng philias? I seriously need a check-up if I ever survive tonight.

Napapailing na lang sa'kin si Medusa.

Though, it was true! Napalitan ng kulay berdeng buhok ang mga ahas sa ulo niya. The strands of her hair looked like silk, and it framed her flawless face well. Deep brown eyes stared back at me. 'Hindi naman nagbibiro si Mond nang sinabi niyang maganda si Medusa..' Still, this girl is a monster. Malamang pakana niya ito para akitin ako. Ngumisi si Medusa at hinaplos ang labi ko. I shuddered under her mere touch.

"Stupid mortal. Don't you know I can change my hair? O gusto mo bang 'yong mga ahas ang nasa ulo ko?"

Naalala ko na naman ang nangyari noong isang gabi. Kamuntikan na talaga akong matuklaw ng mga "babies" niya! I laughed nervously. "Nah. You look better with normal hair."

But it doesn't make her less dangerous.

Tumango si Medusa at nagsalita ulit. This time, her tone became more serious. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi mo ako pwedeng takasan, Rein Aristello. That mark I gave you lets me track you wherever you go.. you can run, but you can never hide from your new boss." Ngayon ko lang napansin ang suot niya---isang kulay berdeng business attire at ilang mamahaling alahas sa katawan.

Mukhang hindi talaga niya ako tatantanan sa pagiging personal assistant niya. Tsk! Napasimangot ako.

"At paano kung ayaw ko?"

She smirked, "Eh 'di gagawin kong bato ang lahat ng mga kalalakihan dito sa Eastwood. Lahat ng mga kakilala mo, pati ang matalik mong kaibigan na nagbenta sa'yo, magiging mga estatwa habambuhay. Then, you'll have to live the rest of your boring mortal life in guilt because you know you could've done something to save them. Simple as that. Nakakalungkot, 'di ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naalala kong bigla ang mukha ni Mang Rico sa harapan ng mga dyaryo. Ibig sabihin, kung tatanggi ako sa pagiging PA niya, lahat ng mga lalaki sa Eastwood, gagawin niyang bato?

"HOY! Bina-blackmail mo na ako eh!"

"Sa mundong ito, para makuha mo ang gusto mo, kailangan mong idaan sa alinman sa dalawa: pang-aakit o sa pamba-blackmail. Iyan ang prinsipyo ko, mortal."

"Tsk! Parang mali-mali rin ang mga prinsipyo mo, Medusa. You're not giving me much of a choice, are you?"

"Stop complaining, Aristello. Trabaho na ang lumalapit sa'yo, pero ikaw pa 'tong lumalayo? Stupid mortal." Medusa sighed. "Alam ko rin namang gipit ka ngayon."

"S-Sinong nagsabi sa'yo?"

"Bukod sa madaldal mong bestfriend? Ayang dalawang alalay ko. Kilala mo naman na siguro sila." Walang-gana niyang tinuro sina Markus at Caprissa. The emo just nodded at me, habang masiglang kumaway-kaway naman si Caprissa. Mukhang planado nga nila itong lahat!

Deep brown eyes turned to me, "So, do we have a deal?"

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Maybe this is all just some crazy nightmare? 'Pero baka nga totohanin ni Medusa na gawing bato ang kalalakihan ng Eastwood kung hindi ako papayag sa alok niya.' my mind argued again. At kung tutuusin, nakakahiya man talagang aminin, pero hindi pa rin talaga nanganganak ang bente pesos sa bulsa ko. I need money and I guess desprate times call for desprate measures.

Pero isa pa rin talaga ang concern ko.

"Paano ako makasisiguradong hindi mo ako papatayin o gagawing bato?"

Medusa sat cross-legged on an old chair and frowned at me. Mukhang malapit na rin siyang maubusan ng pasensya sa'kin.

"Pakikinabangan pa kita, 'di ba? Plus, wala naman akong rason para patayin ka. Ngayon kung sasayangin mo lang ang oras ko sa kakareklamo mo, baka magkaroon na ako ng rason, Aristello." Her eyes turned sharp. Napalunok ako nang biglang bumalik sa pagiging mga ahas ang buhok niya, "Keep in mind that I am short-tempered. Magtrabaho ka sa'kin kapalit ng kaligtasan ng Eastwood. Do we have a deal, Mr. Rein Aristello?"

Natahimik ako.

Hindi naman ako masamang tao para hayaan na lang madamay ang iba sa galit ni Medusa. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kung may matutulad pa kay Mang Rico. Isa pa, paano kung ito na nga ang swerteng hinihintay ko? I'll get a job with good salary. Madali lang naman siguro ang ipapagawa ni Medusa, hindi ba?

Huminga ako nang malalim.

Sana hindi ko ito pagsisihan balang-araw.

"Deal."

---

Continue Reading

You'll Also Like

105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
283 83 13
Arayathena Maffer, the girl whoever would think is just a simple teenager who lived in the kingdom of Celestia. But to the opposite of it, despite of...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
471K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...