Legend of Divine God [Vol 5:...

Autorstwa GinoongOso

935K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... Więcej

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter XI

17.5K 885 217
Autorstwa GinoongOso

Chapter XI: Preparation for the Opening Ceremony

Pinagmasdan ni Finn Doria ang palayo nang palayong pigura nina Zed at Seventh sa himpapawid. Nakangiti siyang kumakaway sa mga ito hanggang sa tuluyan nang mawala ang dalawa sa paningin niya.

Umalis na ang dalawa dahil kailangan pa raw nilang ipaalam sa kanilang kapitan ang pagkamatay ng miyembro ng Demon Mountain. Nangako si Zed na babalik siya upang makausap at makasama pa ng matagal si Finn Doria.

Nakatayo ngayon ang binata kasama si Eon sa harap ng kanyang tinutuluyang bahay sa Azure Wood Family. Nakatingin pa rin siya sa himpapawid habang si Eon naman ay nakatingin sa kanya.

"Eon. Gusto mo bang magpunta sa Dark Continent?" humarap ang binata kay Eon at seryoso itong nagtanong, "Gusto ko sana silang tulungan kung ano mang gulo ang mayroon sa kontinenteng iyon. Madali mo lang mareresolba ang gulo na iyon. Maaari kang sumama sa kanila habang ako naman ay mananatili muna rito upang panoorin ang pag-unlad ng aking pamilya't angkang kinabibilangan."

Wala na ang ngiti ni Eon sa kanyang labi. Maaliwalas na ang kanyang mukha at inosente lang siya na nakatingin sa binata. Pumikit-pikit pa siya bago magsalita, "Bakit mo ito sinasabi sa aking ngayon, master?"

Ngumiti naman ang binata at nagsalita, "Isa kang Adventurer at hindi patas kung makukulong ka lang sa lugar na ito. Bilang adventurer, alam kong kailangan mong maglakbay, makipaglaban at pumaslang. Mararanasan mo ang mga ito sa kabilang kontinente, sa Dark Continent."

Natigilan si Eon at seryoso siyang napatingin kay Finn Doria. Namula ang mata niya at mayroong namuong luha sa kanyang mga mata. Agad niya naman itong pinunasan at naging mayabang ang kanyang ekspresyon.

'Inaalala ako ni master... nag-aalala siya para sa akin...' sa isip ni Eon.

Naluluha si Eon dahil sa pag-aalalang nararamdaman ni Finn Doria sa kanya. Tama naman ang binata noong sinabi nito na kailangan ni Eon bilang adventurer na maglakbay at makipaglaban. Kailangang-kailangan niya ito para sa sarili niyang pangangailangan.

"Master... totoong kailangan kong maglakbay at makipaglaban para mapunan ang sarili kong pangangailangan... pero hindi ang mundong ito ang lugar na iyon," pailing-iling na giit ni Eon. Bahagya siyang ngumiti sa binata, ngiting puno ng sinseridad at walang halong yabang bago magpatuloy, "Magiging totoo ako sa'yo master. Ang mga adventurer o nilalang sa mundong ito ay Heaven Rank lang ang hangganan dahil sa kakulangan ng kayamanan at dahil na rin sa manipis na natural na enerhiya. Isa nang himala kung mayroong makakatapak sa ranggong Heavenly Knight sa mundong ito. Isa akong Heavenly Lord Rank at hindi na ako interesadong makipaglaban sa mas mahina pa sa akin, mas gusto ko yung malakas."

Inisip nang mabuti ni Finn Doria ang paliwanag ni Eon. Tama naman ang batang ito, masyadong mahihina ang mga adventurer na nasa mundong ito. Pero naisip niya ring kailangan niya lang naman tulungan ang Dark Crow na matupad ang kanilang layunin. Napansin niya namang mabuting adventurer sina Seventh at Zed. Hindi naman siguro masama ang layunin ng Dark Crow para sa Dark Continent.

"Pero... gusto ko sanang tulungan sina Zed at Ginoong Seventh. Bibisitahin at tutulungan mo lang naman silang lutasi-"

"Master, paumanhin pero gustuhin ko mang gawin ang gusto niyong mangyari, hindi maaari," putol ni Eon kay Finn Doria. Nakayuko siya ngayon at hindi makatingin ng diretso sa binata.

'Dahil ba kay Munting Black...?' agad na pumasok sa isip ni Finn Doria. Napapansin niyang nagiging ganito ang ekspresyon ni Eon sa t'wing may kaugnayan kay Munting Black ang mga bagay-bagay. Hindi na rin siya nagtataka kung si Munting Black nga ang nagbawal kay Eon, nasanay na ang binata na lagi siyang hinahadlangan ng munting nilalang.

"Huling tanong na lang, Eon," seryosong sabi ni Finn Doria. Huminga muna siya ng malalim at muling nagpatuloy, "Gusto niyo bang pumunta sa Middle Realm? Naroroon ang malalakas na Adventurer at iba't ibang nilalang. Doon kayo nababagay hindi sa maliit na mundong ito."

Napatitig si Eon at muli na naman siyang naluluha. Pinunas niya muli ang kanyang luha at umiling, "Hindi kami aalis sa tabi mo, master at kung magtutungo man kami sa Middle Realm, dapat ay kasama ka namin at sama-sama tayong makikipagsapalaran doon."

"Kung gayon, aabutin pa marahil ng ilang dekada ang bago tayo magkakasamang magtutungo sa ibang mundo. Ito ang mundo ko, andito ang mga kaibigan at pamilya ko kaya wala pa akong mahanap na dahilan para magtungo sa mas mataas na mundo," pilit ngiting tugon naman ni Finn Doria kay Eon.

"Hindi na mahalaga kahit pa ilang dekada o siglo pa ang pananatili namin ng aking pamilya sa maliit na mundong ito, master. Nariyan naman ang Myriad World Mirror at lingid sa iyong kaalaman, mayroon kaming paraan upang makapagsanay at makakalaban ng malalakas na nilalang," nakangiting giit naman ni Eon.

Hindi gaanong inintindi ni Finn Doria ang lahat nang sinabi ni Eon. Nabanggit ng bata ang tungkol sa Myriad World Mirror kaya naman agad na pumasok sa isip ng binata ang tungkol kay Munting Black at sa dambuhalang ahas.

'Kamusta na kaya ang dambuhalang ahas...?' tanong ni Finn Doria sa kanyang isip. Bumaling siya kay Eon at marahang nagsalita, "Nga pala, gusto mo bang pumasok muna sa Myriad World Mirror, Eon?"

"Paano ka, master? Para sa kaligtasan mo, papasok lang ako kung papasok ka sa loob," inosenteng giit ni Eon.

Napailing naman si Finn Doria at marahang nagsalita, "Hindi mo na ako kailangan pang alalahanin. Maraming nakakaalam na mayroong malakas na adventurer ang narito sa ating teritoryo kaya naman sigurado ako na walang mangangahas na kumalaban sa atin."

"Sa totoo lang, gusto sana kitang samahan sa loob dahil nais ko sanang tingnan ang dambuhalang ahas na ikinulong natin sa loob ng salamin pero makikibalita muna ako sa paghahanda para sa pagsisimula ng kasiyahan kaya naman maaari bang ikaw muna ang tumingin kung ano na ang nangyayari?" dugtong pa ng binata.

"Pero..."

"H'wag kang mag-alala. Sa oras na magsimula ang kasiyahan, maaari kayong sumali sa kasiyahan. Mas magiging masaya ako kung naroroon kayo," tapik sa balikat na sambit ni Finn Doria.

Itinuon ng binata ang kanyang atensyon sa pagbubukas ng Myriad World Mirror. Makalipas ang ilang minuto, nang magbukas ito, iminulat ng binata ang kanyang mga mata at marahang nagsalita, "Ikamusta mo na lang ako sa iyong mga magulang."

Ibinuka ni Eon ang kanyang bibig at may sasabihin pa sana pero hindi na niya naituloy pa. Sandali siyang tumingin kay Finn Doria hanggang sa pumasok na lang siya sa loob ng Myriad World Mirror nang walang iniiwang salita sa binata.

Nang makapasok si Eon, agad rin namang isinara ni Finn Doria ang lagusan patungo sa Myriad World Mirror. Agad siyang lumipad at pinalibot ang kanyang pakiramdam upang hanapin sina Creed at ang iba pang mga Elders.

Sa loob lamang ng ilang minuto, agad na natagpuan ni Finn Doria ang kanyang ama at ang mga Elders. Nasa loob ang mga ito ng Craftsman Alliance sa loob ng Auction House na ipinagawa nila.

Ang pangunahing silbi ng Auction House ay dito magaganap ang pagsusubasta ng mga pambihirang produkto na magagawa ng mga miyembro ng Craftsman Alliance. Napagdesisyunan ng pamunuan ng Craftsman Alliance na magkakaroon ng taunang subasta para sa mga mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom.

Ang gusaling ito rin ang magsisilbing lugar na pagdaraosan ng mga pagdiriwang at kasiyahan dahil malawak ito at kayang umukupa ng maraming tao.

"Ama," bati ni Finn Doria nang makalapit siya kay Creed.

Dahil abala si Creed, hindi niya agad napansin ang binata. Napansin niya lang ito nang tawagin siya nito, "Anak. Malapit na kaming matapos sa paghahanda. Umarkila rin kami ng mga Soul Chef sa malapit na lungsod para magsilbing tagaluto ng mga pagkain ng bisita."

"Talaga?" hindi mapigilang tanong ni Finn Doria. Dahil kagigising niya lang mula sa halos isang linggong tulog, hindi niya na alam ang detalye ng mga kaganapan sa Craftsman Alliance. Ngumiti siya at nagsalita, "Kailangan nga natin nang masasarap na putahe sa pagdiriwang ng pagbubukas ng Craftsman Alliance... kung ganoon, ako naman ang bahala sa alak. Mayroon akong napakaraming alak at sigurado akong magugustuhan nilang lahat ang kalidad at sarap ng mga alak na iyon."

Habang nagsasalita si Finn Doria, si Creed naman ay nakatitig lang sa kanya. Nakangiti si Creed na para bang pinagmamasdan niya ang saya sa mukha ng binata. Napansin ng binata ang mga tingin ng kanyang ama kaya naman nailang siya at agad na nagtanong.

"Mayroon po bang problema, ama?" nag-aalalang tanong ni Finn Doria.

Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Creed at dahan-dahang umiling. Tinapik-tapik niya ang balikat ng binata at marahang nagsalita, "Anak, salamat. Kailan man ay hindi ko inaakala na aabot tayo sa puntong ito, sa punto kung saan aangat ang estado ng Azure Wood Family sa buong Sacred Dragon Kingdom. Lingid sa iyong kaalaman, si Family Head Neleos at ang mga Elders ay masayang umiyak sa aking harapan kagabi lamang. Marahil may inom sila ng mga oras na 'yon pero kitang-kita ko na labis ang kanilang pasasalamat sa kasalukuyang nangyayari sa ating angkan."

"Ama..." hindi alam ni Finn Doria kung ano ang kanyang sasabihin.

"Noon, nakapasok ako sa Sacred Dragon Institute pero hindi rin ako naging matagumpay dahil hindi sapat ang aking talento para makapasok sa isa sa pitong faction ng Sacred Dragon Kingdom. Hiyang-hiya ako noon kay Family Head Neleos pero ipinilit niya na malaki na ang naitulong ko sa ating Azure Wood Family..."

Nakinig lang si Finn Doria sa sinasabi ng kanyang ama. Nakikita niyang namumula na ang mga mata nito at para bang maiiyak na ito habang nagkukwento. Gayunpaman, nanatili siyang tahimik at nakinig na lang.

"Noong si Altair ang makapasa, alam namin na malaki ang pag-asa niyang makapasok sa isa sa pitong faction kung walang aksidenteng mangyayari. Talentado si Altair, siya ang pinaka talentadong miyembro ng Azure Wood Family na isinilang sa kasaysayan ng ating angkan. Nakitaan din siya ng potensyal noon ng Sacred Dragon Institute pero nangyari nga ang insidente na kumitil sa kanyang buhay..."

"Hanggang sa paglibing namin sa kanyang katawan, hindi pa rin namin tanggap ang nangyayari. Si Altair na lang ang aming pag-asa, ang aking inaasahan na tutupad sa pangarap ko para sa ating angkan. Napakabuting kapatid ni Altair, sobrang nagsisikap siya para sa ating angkan pero hindi naging patas ang tadhana sa kanya.."

Nang marinig ito ni Finn Doria, naalala niya rin ang mga sandali niya kasama ang kanyang tiyuhin. Sobrang bait nito sa kanya at ito ang kanyang tagapagtanggol sa t'wing may nang-aapi sa kanya. Laging pinapagalitan noon ni Altair sina Sig at Damian sa tuwing pinagkakaisan nila si Finn Doria, at dahil dito, sobra ring iniidolo ng bata pa lang noon na si Finn Doria ang kanyang tiyuhin.

'Si Tandang Xuan... Ang Black Tiger Family... ang Nine Ice Family at si Sect Mistress Sheeha...' sa isip ni Finn Doria. Ito ang mga sangkot sa pagkamatay ni Altair. Wala na ang Black Tiger Family, patay na rin sina Xuan at Sheeha. Nagbago na rin ang pinuno ng Nine Ice Family pero kahit na ganoon, nagiwan pa rin ang lahat ng sangkot na ito ng malaking sugat kay Creed.

"Finn, anak... hindi mo lang kami binigyan ng pag-asa. Ibinigay mo rin sa amin ang labis naming pinapangarap para sa angkang ito. Ang lahat ng ito ay dahil sa'yo, kung wala ka, wala rin ang lahat ng ito, kaya naman sobrang ipinagmamalaki kita, aking anak," pinahid ni Creed ang kanyang luha at ngumiti sa binata.

Ramdam na ramdam naman ni Finn Doria ang sinsiredad sa boses ni Creed. Sobrang saya niya dahil kahit na hindi siya totoong anak nito, hindi naman nito pinaparamdam na iba siya.

At sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin nalilimutan ng binata na hindi siya ang anak nina Creed at Olivia, at ito ang nagpapalungkot sa kanya.

--

Sa loob ng Myriad World Mirror, kasalukuyang pinagmamasdan ni Eon ang nakapikit na si Munting Black. Nasa harapan sila ngayon ng katawan ng dambuhalang ahas at kasalukuyang hinihintay ni Eon na bumalik na ang kamalayan ng kanyang guro sa katawan nito.

Ilang sandali pa nga ang lumipas, iminulat ni Munting Black ang kanyang mga mata. Agad namang sumaludo si Eon sa kanyang guro at malakas na sumigaw, "Guro!"

"Eon," tumango si Munting Black kay Eon.

"Guro, nasa Tower of Ascension pa rin ba sina ama't ina? Naramdaman kong mayroong gumagamit ng tore..." agad na tanong ni Eon sa kanyang guro. Hinanap niya kanina ang kanyang ama't ina upang ibalita na iniimbitahan sila ng kanilang master sa kasiyahan pero hindi niya makita ang mga ito. Naramdaman niya lang na aktibo ang Tower of Ascension kaya naman naisip niyang naroroon ang mga ito. Dahil abala pa ang kanyang ama't ina, si Munting Black naman ang kanyang hinanap para magtanong.

"Oo. Bakit mo naitanong? Mayroon ka bang kailangan sa iyong ama't ina?" taimtim na tanong ni Munting Black.

"Opo, guro!" agad namang tugon ni Eon. "Nais ni master na naroroon kami sa kasiyahan sa susunod na buwan. Gusto ko sanang tuparin ang gusto ni master kaya naman sasabihan ko sana sina ama't ina pero mukhang abala sila sa pagsasanay..."

Naging seryoso naman ang mga mata ni Munting Black at sinabing, "Hindi mo kailangang mag-alala. Dalawang linggo mula ngayon, sigurado akong lalabas na sina Leonel at Loen mula sa pagsasanay. At sa paglabas nila, pareho na rin silang Heavenly Lord Rank."

"Talaga, guro?! Kapantay ko na rin ang aking mga magulang?!" masayang tanong naman ni Eon. Ilang buwan na rin siyang Heavenly Lord Rank, at ilang buwan na rin mula nang huli siyang pumasok sa Tower of Ascension.

"Iba ka, Eon. Mataas na porsyento ng aking dugo ang kaya mong gamitin kaya naman hindi hamak na mas malakas ka sa iyong mga magulang. Magagawa nilang makatapak agad sa Heavenly Lord Rank dahil sobra silang nagsisikap ngayon kumpara noong nakalipas na mahigit na dalawang taon. Kung sana ay ganito na kayo kapursigi noon pa man, Heavenly King Rank na sana kayo pare-pareho," paliwanag ni Munting Black habang pinapangaralan si Eon.

Pilit na napangiti naman si Eon. Hindi niya gusto ang pumasok sa Tower of Ascension dahil sa rahas ng pagsasanay sa loob nito. Pero higit pa roon, ayaw niyang pumasok sa tore dahil kapag nasa loob siya, hindi niya masusubaybayan ang pakikipagsapalaran ng kanyang master.

Napabaling si Eon sa katawan ng dambuhalang ahas at marahang nagtanong, "Guro, kamusta ang Divine Beast na ito, nakausap niyo na ba siya? Magigising ba ang ahas na ito?"

Sandaling natahimik si Munting Black. Napansin naman ni Eon ang pagbabago sa kanyang guro kaya kinabahan siya. Akala niya ay mayroon siyang maling nasabi kaya naman hihingi sana siya ng kapatawaran pero naunahan siya ni Munting Black.

"Nagkamali ako. Hindi natutulog ang Divine Beast na ito. Isinumpa siya at ang kanyang kasalukuyang sitwasyon ay komplikado at kalunos-lunos. Kahit ako ay walang magawa upang mapawalang bisa ang sumpa," taimtim na paliwanag ni Munting Black kay Eon. "Hindi ko inaakalang mayroong nilalang sa mundong ito ang nagtataglay ng ganitong pambihirang kakayahan."

"Pero guro... ikaw ang hari ng mga Divine Beast! Ikaw ang isa sa dating Emperor, at kabilang ka sa pinaka malakas na adventurer sa buong kalawakan!" hindi makapaniwalang giit ni Eon. Hindi siya makapaniwala na maging ang kanyang guro ay hindi makayanang tanggalin sumpa ng dambuhalang ahas.

"Malawak ang mundo, Eon. Isa pa, matagal na panahon na ang tinutukoy mo. Marami nang nagbago at malaki na rin ang inihina ng kapangyarihan ko. Gayunpaman, kahit pa siguro nasa akin ang dati kong lakas, hindi ko pa rin magagawang tanggalin ang sumpa sa kanya," taimtim na paliwanag ni Munting Black habang nakatitig sa dambuhalang ahas. "Hindi na ako magsisinungaling sa iyo, sa oras na malaman ng nilalang na yun ang ginawa nating pag-alis sa Divine Beast na ito sa dati nitong puwesto, siguradong delubyo ang dulot ng ginawa natin..."

Nagulat muli si Eon. Agad siyang nakaramdam ng kaba dahil mismong ang kanyang guro na ang nagsabi ng mga salitang ito. Isang malakas na adventurer at Divine Beast ang kanyang guro, kaunti na lang ang kinatatakutan nito, gayunpaman, nararamdaman ni Eon na maging ang kanyang guro at nangangamba para sa kanilang kaligtasan. Magsasalita sana si Eon pero nakita niyang umiling si Munting Black kaya nanahimik na lamang siya.

"Pagkatapos ng pagsasanay ng iyong mga magulang, sasama ako sa inyo sa kasiyahan. Kailangan niyong maging handa dahil nararamdaman kong mayroong pagbabago ang mangyayari anumang oras mula ngayon," sabi ni Munting Black.

Nasiyahan si Eon sa sinabi ng kanyang guro pero naguluhan din siya. Hindi niya lubusang naintindihan ang sinabi nito kaya hindi niya na lang masyadong pinagtuunan pa ito ng pansin.

Ang mahalaga ngayon sa kanya, sasama ang kanyang guro sa magaganap na kasiyahan sa Craftsman Alliance!

--

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
376K 72.9K 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn...
104K 4.3K 137
Rafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to...