Into You

By AnnyeongMaria

73.1K 2.9K 417

Paris, the daughter of Martin and Hera in Meant to be Yours is now a full-grown young lady. She's now a 3rd y... More

Author's Note
First Day
Likhaan
Uyyy!
Happy weekend
Tatak Salazar
I fell
Liwanag sa dilim
Flashlight at buwan
Paul Martin meets Daddy Martin
One down
Second task
Gail x Chianti
All out support
Soju session
Lunch with the Salazars
Pink skies
Intense Monday
Courageous Paul
Bawal tumawa
FO
Photography sesh
Photo Exhibit day
Paris to the rescue
Take a chance on love
P
Pressured Paris
Pageant ready
Double celeb
Walang bitawan
Sunset
Proud boyfriend
Paris' post celeb
πŸ’‹
LQ
1st year
Itlog
Hangover
Graduation day
Yuppies
Beach
πŸ’”
Letter
Dealing with the pain
πŸ’”
πŸ’Œ
New chance to live
First love
Good Morning
Dark days
Reunited
Kuya
Ouch
Phone call
Dalaw
Career growth
LA
Catching up
Tope X Chianti
Assurance
Selos
Chat
Kuya
Birthday
Fever
LA
chat
Back to Pinas
Tagpuan
enjoy
Dinner
Photo shoot
Cover
Reserved
chat
Together again
tipsy
Yes
Ready
Icy
Bugbog
New workmate
Bisita
chat
Birthday
1 Corinthians: 4-13
Chat
Chat 2
Pasta
Surprise gift
Sick
Secret
Fireworks
get well
Magical night
LA
Baby Love
Kabado
Video call
Apo
Favor
Announcement
Gender reveal
Recovering
Coming out
Madam Baby Love
Ezra
Bothered
Recurrence
Laban
Part title
Surprise
Wedding
Posts
Surprise
Engaged
Wedding
Sayo lang Ma-PaPaul
Paris
Breakfast
Moments
Back home
INTO YOU
SPECIAL CHAPTERS
SC 1
SC 2
SC 3

Flashbacks

749 38 6
By AnnyeongMaria

Paul's POV

Maaga akong nagising ngayon, maaga akong naligo at nagbihis para sunduin na si Paris sa kanila, paalis na ko ng bigla kong maalalang Monday pala ngayon. Kuya nya ang maghahatid at magsusundo sa kanya.

Kainis! Gusto ko na ulit kasi syang makita after what happened dun sa party.

Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Paris yun sa harap ng mga kaibigan  namin, at masaya ako na ginawa nya yun sa harap ni Xander. Hehe

Di ko naisip na sya pa yung unang gagawa nun samin. Akala ko talaga ako eh. Pinaplano ko palang kung pano pero nagawa na nya sa isang iglap lang. What a great surprise!

Naalala ko, grabe yung sigaw nila Aya when Paris kissed me. It lasted for 5 seconds, nakapikit lang si Paris the whole time tapos ako dilat na dilat at hindi nakagalaw. Tumigil yung mundo ko ng 5 seconds.

That was the best 5seconds days of my life, yet. Kung kaya ko lang pahintuin yung oras nung gabing yun ginawa ko na. Yung puso ko parang sasabog sa sobrang saya.

Nung bumitaw sya after our kiss, nakita kong sobrang pula ng mukha nya, hindi rin sya makatingin kila Aya dahil sa sobrang hiya nya kahit sakin hindi sya makatingin kaya yung ginawa ko niyakap ko na lang sya, siniksik ko yung namumulang muka nya sa dibdib ko.

Sobrang cute talaga ng girlfriend ko, ang tapang nyang nag dare tapos biglang tiklop after. Hahaha

Di parin ako maka-get over sa kiss na yun, kaya excited na kong makita sya kasi gusto kong gawin ulit pero this time ako na mag-initiate. Iniisip ko pa lang kinikilig na ko.

Pano kaya ako  makakasingit sa sched nya ngayong araw? Hindi sabay sched namin, pag break ko may class sya tapos yung uwi nya mas maaga kesa sakin.

Habang tumatagal mas lalo ko syang gustong makasama. Ganto siguro talaga kapag hulog na hulog ka na.

Tumayo na ako at tumigil sa pagmumuni-muni para maghanda ng umalis para pumasok.

At dahil maaga ako sa first class ko dumerecho na muna ako sa gym, sakto namang andun sila Chino nagpa-practice

Heeey! Captain! Maglalaro ka? Bati ni Chino

Hindi, napadaan lang, maaga kasi ako for my first class sagot ko

Bakit ang aga mo kasi? Hinatid mo ba si Paris? Tanong ni Gab

Hindi, kuya nya maghahatid at sundo sa kanya ngayon. Nagising kasi ako ng maaga kaya nagdecide na lang akong pumasok ng maaga.

Tumigil muna sila sa paglalaro at umupo sa tabi ko, biglang nagsalita si Gab Kumusta pala yung party nyo nung Saturday  night?

Ayos naman, ang saya typical na night with friends. Sagot ko, naisip ko kasi na hindi ko dapat sabihin sa kanila yung nangyari dahil siguradong aasarin lang ako ng mga 'to maghapon.

Eh ikaw, Captain na-treat mo na ba si Paris? Nag celebrate na ba kayo ng kayong dalawa lang? Tanong ni Chino

Oo naman, ako pa ba? tsaka palagi naman din kaming may date kapag monthsary namin. Sagot ko habang chine-check ang fone ko, kanina pa kasi ako nagtext pero hindi parin nag rereply si Paris.

After a few minutes tumayo na ako at umalis para pumasok sa first class ko.


Paris' POV

Ewan ko pero buti na lang talaga hindi si Paul ang maghahatid at magsusundo sakin ngayon. Haha nahihiya parin talaga ako sa kanya, alam kong hindi naman dapat ako mahiya pero hindi ko kasi talaga mapigilan.

Wala pa kong napagsasabihan about dun, di ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Tokyo o kay Ate Gail. Nakakahiya kasi. Haha

Ngayon ko lang nabasa yung message ni Paul. Hindi nga pala kami magkikita ngayon. Mabuti na siguro yun hahaha hindi ko nga alam kung pano haharapin sila Magi eh. Message sila ng message sakin hindi pa ko nagrereply kasi naman puro pang-aasar lang yung ginagawa sakin.

On time akong dumating for my first class and as usual as I enter the room yung tingin sakin nila Magi parang nakakaloko. Hay naku talaga 'tong dalawa na 'to.

Mabuti na lang halos kasabay ko yung Prof namin kaya hindi na sila naka-hirit sa pang-aasar.

Sabay-sabay kaming nag-lunch nila Magi and as expected ung ganap nung party yung topic nila

Musta naman yung pa-reward mo Paris? Hahahaha grabe hindi ako nakahinga sa sobrang kilig. Ang cute nyo! Tawang-tawang hirit ni Magi na sinundan naman ni Tala
Grabe kaya! Tawang-tawa ako kay Paul eh, sobrang pula ng muka lalo na yung tenga hahahaha pero in fairness kay Paul I really admire him, I mean nakita ko kung pano ka nya alagaan that night Paris, sobrang boyfriend goal nya. At nakikita ko na he really respect and love you! You're lucky to have him. Kaya wag mo na syang pakawalan, okay?

Na-feel ko rin naman yun. Feeling ko talaga hindi ako nagkamali sa pag-sagot sa kanya. Akala ko noon pa-fall at puro pa-cool lang ang trip nya sa buhay yun pala sobrang maalaga sya sa mga mahal nya, and I'm blessed to be one of those he dearly loves. Kaya deserve nya yung reward na yun.

Kumusta naman kayo after? I mean nasundan ba? Pangungulit na tanong ni Magi

Sinagot naman sya ni Tala ikaw talaga Magi! Enough! Haha kung nasundan man yun we don't need to know it. Iwan mo na sa kanila yun. Ikaw nga dyan hindi mo naman si-neshare yung sa inyo ni Marc diba? Hahaha

Okay fine. Hahaha baka nga masyado na kong OA haha ang cute nyo kasing dalawa ni Paul eh. Pero seryoso, masaya ako para sa inyo Paris. You're in good hands. Haha saludo ako kay Captain Paul.
Sagot ni Magi with matching salute pa


Natapos na ang last class ko kaya dumerecho ako sa cafe para hintayin si kuya at si Tokyo, una kasing nag end ang class ko sa kanya kaya tumambay na muna ko dito sa cafe, hindi parin nakakapag-reply si Paul sa message ko, busy din kasi talaga sya kapag Monday.

Habang naghihintay nakita kong pumasok si Xander sa cafe, nag Hi ako sa kanya kaya sa table ko na lang din sya naupo

Hi Paris! Are you waiting for Paul?

Hindi, am waiting for my Kuya and Tokyo, sabay-sabay kaming uuwi. Ikaw?

Feel ko lang mag coffee ngayon. Hindi ba kayo magkikita ni Paul ngayon?

Hindi eh, hindi tugma yung sched namin.

Tinitignan ko si Xander habang hinahalo nya  yung coffee na inorder nya. Ang ganda pala ng mata nya, gwapo talaga sya at mabait pa.

Bakit kaya hanggang ngayon wala parin syang girlfriend O nagugustuhan man lang? Ayy! Nasabi na pala nya na meron syang crush,  umamin na kaya sya?

Hindi ko napigilan na tanungin sya

Xander, kumusta yung crush na sinabi mo sakin noon? Umamin ka na ba?

Biglang sumeryoso ang mukha nya, umayos sya ng pagkakaupo aaah! Yun ba? Wala na yun!

Bakit? Anong nangyari?
Yumuko sya at nakita ko na nalungkot sya sa tanong ko. Expressive kasi yung mata nya makikita mo kung anong nararamdaman nya, and now nakikita ko yung lungkot.

Nilalaro nya yung spoon ng cup nya ng bigla syang nagsalita
Wala na, hindi na ko umamin kasi may mahal syang iba eh. Ayoko ng makisingit pa at paguluhin yung isip nya. Kaya nagparaya na lang ako, ang mahalaga she's happy.

I'm sorry to hear that Xander. Dapat pala hindi ko na tinanong. Pasensya ka na ah! Pero kung sino man yung girl na yun maswerte sya kasi may taong nagmamahal sa kanya na kagaya mo na walang ibang hangad kundi maging masaya sya. Sayang lang kasi napalampas nya yung kagaya mo.

Napangiti sya sa mga sinabi ko
Talaga?! Tingin mo good catch ako?

Oo naman! Bakit kasi inantay mo pa na magmahal sya ng iba? Dapat kasi umamin ka na noon pa! Malay mo mahalin ka din nya, edi sana kayong dalawa ngayon yung magkasama, diba?

Wala eh, naduwag  ako noon tsaka di pa kasi pwede that time tapos nung pwede na may bagong dumating tapos yun yung nagustuhan nya.

Nangingiti nyang sabi pero feeling ko kahit naka-ngiti sya alam kong nasasaktan parin sya, sino ba namang di masasaktan sa ganun diba?

Kaya hinawakan ko yung kamay nya, at sinabi na Xander, balang araw makikita mo rin yung tamang tao para sayo. Kung nag fail ka ngayon for sure may dadating na worthy sa love na ibibigay mo. Darating din yun. Baka na-traffic lang hehe kaya smile ka na, okay?

Kaya ikaw next time na may magustuhan ka ulit umamin ka na kaagad ah! Para di ka na maunahan.

Natawa sya sa sinabi ko matagal pa ata bago ako may mahanap ulit, mahirap makalimot eh, nag mo-move on pa ko. Ayoko namang maghanap ng iba para makalimot kaya ngayon dadamhin ko na muna yung sakit hanggang mawala. Mahal ko parin kasi sya eh, high school palang kasi sya na yung gusto ko.

Nagulat ako sa sinabi nya, wow! Grabe naman, unrequited love ang peg nun ah. Ibang klase din talaga 'tong si Xander
What? Ang tagal na pala tapos hindi mo nagawang umamin. Grabe!

Nakikita ko na natatawa na sya sa mga sinasabi ko, bigla syang ngumiti ng nakakaloko Hay naku Paris, kung alam mo lang. haha Tama na nga, wag na nating pagusapan. Ang mahalaga masaya na sya. Okay?

Okay. Bata whenever you need someone to talk to, am just here! Makikinig ako.

Salamat, Paris!

Kaylangan maging maganda ulit yung mood nya kasi naman bakit ko pa na-bring out yung topic na yun eh, naalala nanaman tuloy nya.

May pinagdadaanan pala syang ganun hindi ko man lang nahalata. Totoo nga yung sinabi nila Magi may pagka-mysterious nga si Xander, madalas naman kaming magkasama pero naitago nya sakin yun?

Sana maging okay na talaga sya at kung  sino man yung babae na yun, sayang girl, pinalampas mo lang naman ang isang kagaya ni Xander, mabait, gwapo, matalino tsaka wagas magmahal. Maswerte yung babae na mamahalin nya kasi mabuti ang puso nya.

After ilang minutes nagpaalam narin sya at sakto rin namang dumating si Tokyo
Ate, nag-check ka ba ng fone?

Hindi pa, bakit?

Nag-message si Kuya, di nya daw tago masusundo kasi may biglaang meeting yung thesis adviser nila. Nag message na ko kay Dad na magpasundo kay Kuya Lito kaso umalis pala sila ni Mommy, may event na pinuntahan sa Bulacan. Si Daddy naman nasa site. Mag-grab na lang tayo pauwi.

Okay, sige.

Nag-try kaming mag-book ng grab kaso wala kaming mahanap na available car nataon kasi na rush hour, naka-ilang try na ko pero wala parin.

Ate, what time ba last class ni Kuya Paul?

5PM pa.

That's 15mins from now. Hintayin na lang kaya natin sya? Unless may gagawin pa sya after class

Try ko syang tanungin, kaso kasi hindi pa sya nagrereply sa mga message ko kanina pa eh, mag try ka nadin mag book ng grab baka meron na

Sinubukan kong i-message si Paul

Sinubukan ko rin syang i-text pero wala parin syang reply buti na lang nakita namin si Xander at nagdecide na  sumabay na lang sa kanya.


Nasa loob na kami ng car ni Xander pumwesto ako sa shot gun seat si Tokyo naman sa back seat. Walang nagsasalita sa amin naalala ko kasi yung conversation namin kanina, tsaka ang seryoso ng mukha nya baka ayaw nya ng kausap buti na lang binasag ni Tokyo ang katahimikan

First time ko dito sa car mo Kuya Xander. In fair ang bango ng freshener mo parehas pala kayo ni Ate na mahilig sa vanilla scent.

Ah, oo actually sinadya ko talaga na vanilla scent,  influenced by your ate, nung naamoy ko din kasi yung vanilla na re-relax ako kaya yun na lamg yung ginawa kong scent ng car.

Naalala nya pa na vanilla yung gusto kong scent? Eh random ko lang naman na nasabi yun sa kanya, matandain din pala 'tong si Xander.

Bigla ulit na nagsalita si Tokyo
Ah, yung car din ni Kuya Paul vanilla nadin yung scent pero not influenced by ate Paris, he was forced to haha sinabihan ni ate haha ayaw kasi ni ate yung peppermint na scent

Masunurin palang boyfriend si Paul noh, Paris?

Haha oo. Pero grabe yung forced ah. Sinabihan ko lang na i-try nya yung vanilla. Ayun, nagulat na lang ako na vanilla na yung scent ng car mya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang mag-ring ang fone ko. Pag-check ko tumatawag si Paul kaya sinagot ko agad ito

-phone convo-
Hello, Love! Bakit ka napatawag?

Love, sorry now ko lang nabasa mga messages mo. Nakasakay ka na sa car ni Xander?

Oo, malapit na kami sa house.

Sana hinintay mo na lang ako. Nung nabasa ko yung message mo nagmadali akong lumabas kaso di ko na kayo naabutan

Okay lang, Love. Sakto din kasi yung dating ni Xander. No need to worry, sorry kung di na kita nahintay

Okay, sige. Akala ko pa naman makikita kita ngayong araw. Pakisabi kay Xander salamat at mag-ingat sya sa pag-da-drive. Message me kapag nasa bahay ka na. Okay? I miss you! I love you!

Okay sige. Bye!

Bat walang I love you too?

Mamaya na lang

Bakit? Okay lang na marinig ni Xander, mas okay nga na marinig nya eh, nag kiss na nga tayo sa harap nya eh hahaha

Ayan ka nanaman. Ba-bye na! Mamaya na lang ulit. Bye!

-call ended-

Si kuya Paul ba yun, ate?

Oo, thank you daw Xander sa paghatid samin tsaka mag-ingat ka daw sa pagdrive!

Wala yun, di na iba sakin ang mga Salazars!

Xander's POV

Naihatid ko na sila Paris sa house nila, hindi na ko pumasok, sa tingin ko hindi naman na dapat. Sa ngayon kasi ayoko na munang ma-attach sa mga tao na malapit sa kanya. Kahit na kilala naman na nila ako, mas pinili ko na wag na muna. Mabuti na siguro 'to para mas madaling lumimot.

Sobrang sakit kasi ng nangyari nung party. Ngi-ngiti ngiti lang ako pero durog na durog ako. Para akong ginago ng mundo, bakit kaylangan makita ko yun? Para ipamukha sakin na hindi ako ang mahal nya? Alam ko naman na ah. Pero bakit kaylangang saktan ako ng ganito?

Alam ko naman na hindi ako yung pinili bakit kaylangan pang ipamukha?

Gusto kong umalis nung time na yun kaso ayokong makahalata sila. Kaya tiniis ko na lang. So far, yun ang pinakamasakit na 5 seconds ng buhay ko. Yung seconds na yun enough na para durugin ako.

Masakit pala talaga kapag nakita mo yung taong matagal mo ng minamahal na may mahal ng iba. Nung una kinakaya ko pa, pero nung gabing yun dun nag-sink in lahat, masakit pala talaga hindi ko pala kaya.

Hindi ko alam yung sasabihin ko kanina nung tinanong nya ko kung sino yung crush ko, kung alam nya lang.

Ibang klase din talaga si Paris, kahit konti hindi sya nakahalata, hindi ba nasagi man lang sa isip nya na baka sya yung sinasabi kong crush ko? Hindi lang siguro talaga sya assuming.

Pero grabe na hindi talaga nya nahalata haha ibang klase ka talaga Paris. Kung sarili ko lang yung iisipin ko sinabi ko na sayo noon pa or baka tama din sya na dapat noon pa umamin na ko, kung nagawa kong umamin sa kanya noon baka siguro kami ang magkasama ngayon.

Kaso wala eh. Ang duwag ko. Tignan mo ngayon, talo. Move on? Pano? Bahala na. Aasa na lang ako na sana pag-gising ko bukas hindi ko na sya mahal.

Ang hirap mag-move on kapag maraming what ifs kasi may side sa utak mo na nagsasabi na umasa ka at maghintay. Na malay mo maghiwalay din sila.

Oo,  susubukan ko na kalimutan sya pero may part sakin na patuloy na maghihintay sa panahon na ako naman yung mahalin nya.

Mali bang hilingin parehas? Na sana magtagal sila at sana may pagasa pa ako sa kanya.

Mabuti akong tao, Paris, pero nagiging gago pagdating sayo.



Paris' POV

Parang malungkot talaga si Xander, bakit nagu-guilty ako? Haaay! Yung bibig ko talaga misan pahamak eh. Bakit ko pa kasi tinanong yun eh, lumungkot tuloy sya.

Humiga na ako para makapag-pahinga, tinatamad akong mag dinner. Nasanay na ko na di masyadong kumakain sinula ng mag-try akong mag diet for Ms. DLSU.

Hinihintay ko ang tawag ni Paul. Palagi kasing tumatawag yun kapag gantong oras. Kumuha ako ng mababasa habang naghihintay ng tawag ni Paul ng biglang may ingay akong narinig sa baba.

Boses palang alam ko na kung kanino. Ingay talaga ni Ninong Dave kahit kelan. Bakit kaya may pa-surprise visit sya?

Dali-dali akong tumayo para puntahan sya, baka may gift sya sakin kasi nanalo ako sa pageant haha.

Pagbaba ko hindi nga ko nagkamali si Ninong Dave nga kasama si Ninong Santi at Ninong Gino, bakit biglang parang may pareunion bigla sila Daddy?

Ah oo nga pala nakabalik na pala si Ninong Santi from his 2year stay sa Texas. Kumpleto na sana kaso wala si Ninong Perci

Nakita agad ako ni Ninong Dave at agad na lumapit sakin
Kumusta naman ang beauty queen kong inaanak?

Hello Ninong! Eto maganda parin hehe

Mas lalong gumanda, long time no see Paris! Bati ni Ninong Santi

Hi Ninong! Asan po si Ninang Khizzy?

Hindi sya nakasama pano hindi nya maiwan yung bunso namin. Dadalaw na lang daw sya one of these days.

Ah, Hi Ninong Gino! Ang saya naman halos kumpleto mga Ninongs ko, christmas feels hahahaha

Nagtawanan silang lahat, biglang sumingit si Dad

Hindi ikaw ang pinunta nila dito anak, ako, okay? Right mga Bro?

Oo pero syempre dahil din sa team Salazars, kaso tulog na pala sila Currie. Nga pala Paris congrats ah, Ms. DLSU! Nagdecide kami na bilhan ka ng gift kaso sabi ng Daddy mo mag-deposit na lang kami sa bank acct mo, mautak talaga 'tong tatay mo kahit kelan eh pangaasar ni Ninong Santi

Yey! Marami na kong savings! Hahaha thank you Ninongs! The best talaga kayo!

Apaw na ata savings mo, 3M ata nilagay ko dun.

Seryoso yun Ninong?

Syempre joke lang hahahaa 500 pesos lang hahahhaa

Lalong lumakas ang tawanan na natigil bigla dahil dumating na si kuya Chianti

Aba! Ginagabi na yung katas ng Chianti ah. Hirit ni Ninong Gino

Binatukan naman sya ni Ninong Santi
Nagulat si Kuya Chianti na makita sila Ninong
Sabi na mga kotse nyo yung nasa labas eh! Na-miss ko kayo Ninongs!
Lumapit sya at niyakap sila isa-isa

Binata ka na ah! ano, ilan na napaiyak mong babae? Tanong ni Ninong Santi

Hindi ko napigilang sumabat
Ninong sya po yung pinapaiyak

Sinamaan ako ng tingin ni Kuya kaya lumapit ako kay Mommy para makaligtas

Ikaw Paris, may boyfriend ka na daw. Nakita ko yung picture parang Daddy mo lang lamang nga lang yung boyfriend mo ng 3 paligo pang-aasar ni Ninong Gino

Sumangayon naman si Ninong Dave at nagsabing nagulat nga ako eh, akala ko sila ng pamangkin ko ang magkakatuluyan

Sinong pamangkin yung Xander na nirereto mo noon pa? Tanong ni Ninong Gino

Oo, akala ko liligawan na ni Xander si Paris hindi pala. Alam ko kasi crush nya si Paris dati pa sagot ni Ninong Dave pero bigla syang napatakip sa bibig nya
haaaay! Secret pala dapat yun, yung bibig ko talaga pahamak. Kunyari na lang di mo narinig Paris ah! Yari ako dun kapag nalaman nya.

Yung bibig mo talaga hindi na nagbago. Parang wala namang crush si Xander sa anak ko, edi sana nagpaalam na sya sakin, hinayaan nya nga lang na magpaligaw si Paris kay Paul eh.

Hahaha makati talaga bibig nyan ni Dave. Wag mo na lang pansinin Paris. Tsaka ikaw wag puro boyfriend ah magfocus din sa school, okay?

Oo naman Ninong Santi. Akyat na po muna ako sa room ko.

Nagmadali akong umakyat ng room ko. Totoo ba yun? Crush ako ni Xander? So ibig sabihin ako yung sinasabi nyang crush nya?

Shocks! Bakit hindi ko nahalata? Ako ba talaga yun? Hala! Anong gagawin ko? Hindi ko na dapat pa na alamin kung ako talaga yun diba? Tama hindi ko na dapat alamin kasi wala ng point kung malaman ko pa.

MAY PAUL NA AKO.

OMG! I'm sorry Xander.

Chineck ko ang fone ko at nakita kong may 5 missed calls from Paul, I messaged him


-Video call-

Paul: My Love! I miss you! Grabe bakit ini-emphasize mo yang lips mo? Hahaha gusto mo ba ng kiss?
Paris: hindi naman ah! Ang sabihin mo yan talaga ang tinitignan mo! ayan ah makakatulog ka na, nakita mo na ko hehe
Paul: hahaha baka nga! Ang cute ng lips mo Love, bagay sa lips ko. Saktong-sakto lang diba? Aminin mo na, gusto mo na ulit ako i-kiss!
Paris: baka ikaw!
Paul: and since nagawa na natin ang cuddles and kisses, anong mas gusto mo? Para yun ung madalas nating gagawin hahahaha
Paris: huh? Matulog ka na nga!
Paul: ayaw pa, gusto pa kitang titigan tsaka answer me first, ano pili ka na cuddles or kisses?
Paris: kahit ano!
Paul: eh anong mas gusto mo?
Paris: love naman
Paul: sagutin mo na pleaseeeee
Paris: okay fine cuddles, I like warm hugs, tsaka gusto ko yung feeling ng hugs mo, I feel protected and loved. Your hugs are my favorite! And I love your scent! Happy?
Paul: ah, okay! But I think we can do both, we can hug and kiss at the same time. Gusto mo i-try? Masaya yun for sure!
Paris: ewan ko sayo! Matulog ka na!
Paul: hahahhaa seryoso ako, gawin natin tomorrow ah? Hahaha
Paris: Matulog ka na!
Paul: I can't wait for tomorrow hahaha I love you!
Paris: I love you too! Tulog na!
Paul: kantahan kita gusto mo?
Paris: anong kanta?
Paul: 🎶 Oh my heart hurts so good, I love you, Love, so bad, so bad 🎶
Paris: hahaha bakit may pagpalit ng lyrics?
Paul: version ko yun, ang title ILYLSB para lang sayo yan
Paris: hahahahaha okayyy ILYLSB too! Hahaha good night na! End call mo na
Paul: ikaw na
Paris: okay, byeeeee
Paul: teka lang, 5secs
Paris: whyy?
Paul: tititigan lang kita hehe
Paris: 1, 2, 3, 4............. 5 okay na po ba?
Paul: bitin pero sige na nga. Bye! Good night My Love!
-end call-

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 66.8K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
3.6M 290K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
17.6K 735 35
Are you still willing to fight destiny when everything is keeping you apart?
4.5K 90 36
Angela Celestine Hernandez, is taking different path compared to her cousins. Her main goal is to make her parents proud on her and to prove them all...