The Lucky 6 and I

By KuyaMart

19.1K 797 267

. We are now accepting for a new enrolee's in Academy University School. Requirements : 1. Rich (the most imp... More

Prologue . . .
Mga Bida-bida
Chapter 1: The Start / First Day of School
Chapter 2 : First Day-Bully
Chapter 3: First Day Stupid
Chapter 4: Personal Tutor? Ako?
Chapter 5: Ms. Sungit
Chapter 6: She's Back
Chapter 7: Secret On
Chapter 8: New Friends <3
Chapter 9: Muling Pagtatagpo
Chapter 10: He Talk To Stranger
Chapter 11: Romantic Prince
Chapter 12: First Kiss
Chapter 13: Secret Lovers
Chapter 14: Taong Poste
Chapter 15: Something Fishy
Chapter 16: Ice Candy
Chapter 17: Girlfriend
Chapter 18: With HIM
Chapter 19: The Scandal
Chapter 20: Bestfriend
Chapter 22: I'am BULLIED.
Chapter 23: Happiest Day
Chapter 24: Kundiman
Chapter 25: Problem ^_^
Chapter 26: Break Up </3
Chapter 27: The Enemy
Chapter 28: Suitor
Chapter 29: Mom Vs. Dad
Chapter 30 : Comeback
Chapter 31: OMG
Chapter 32: Levi VS. Cj
Chapter 33: Jealous
Chapter 34: The Revelation
Chapter 35: By Accident
Chapter 36: Taken
Chapter 37: Revenge

Chapter 21: A DATE ???

226 12 5
By KuyaMart

Aubrey POV

"Aubrey?" ,napalingon ako ng marinig ko sina Shaina, Jaymie at Angel habang nagliligpit ako ng gamit ng lumabas na ang teacher namin.

"Do you want to join us?" ,tanong ni Shai.

"San?"

"We will go to the mall before we go home?"

"Kayo nalang siguro." ,sabi ko at inilagay na ang bagpack ko sa likuran ko.

"Haler. Libre na kita." ,sabi naman ni Angel.

"Hindi na talaga. Kailangan kong maaga umuwi." Sagot ko. Pero yung totoo ay iniiwas ko narin ang sarili ko sa mga kaibigan ko dahil sa mga  naririnig ko. Sa pkikipagkaibigan ko sa kanila na binibigyan ng isyu ng iba. Haist.

Ganyan ba talaga? Bawal ba talagang makipagkaibigan ang mga mahihirap na tuad ko sa mga mayayamang kagaya nila?

"Okey." Sabi nila.

Kaya sabay na kaming apat naglakad palabas. Nang makalabas kami ay napansin namin ang nagumpukang mga estudyante sa labasan. Napatingin kami.

"May artista?" tanong ni Angel.

"Haler! Hindi kapa nasanay girl." sabat ni Shaina.

"OH my gosh! Papa Allen is here." ,napatiling sabi ni Jaymie.

As usual, pinagkakaguluhan na naman ang Lucky 6. Pero may napansin ako. Lima lang sila. Wala ata si Levi?

"Bye guys. I need to go." ,narinig kong sabi ni Pj. Kumaway siya sa apat bago pumasok sa kulay itim niyang kotse tsaka umalis.

Nang may kulay gray na van na huminto. May bumabang driver at binuksan yung pinto. Nakita kong nakipagbeso si Eloisa kina Anjely at Renalyn bago pumasok sa loob ng van. Kumaway siya kay Allen na nakangiti bago niya isinara ang pinto tsaka umalis.

"Hindi pa ba kayo uuwi? Mauna na ako?" ,narinig naming sabi ni Allen. Kinikilig naman sa tabi namin si Jaymie na may crush kay Allen.

"May hinihintay pa ako, you can go if you want." ,sagot ni Renalyn.

"Okey."at sumakay na si Allen sa kulay asul niyang kotse.

"Hey girl, I need to go. See you tommorow." sabi naman ni Anjely. Nakipagbeso kay Renalyn at sumakay na rin sa kulay pink niyang kotse. Naiwan nalang si Renalyn na nakatayo.

"Aubrey, mauna na kami." ,sabi ni Shai at nakipagbeso silang tatlo sa akin bago ako iwan.

Aalis nadin sana ako ng may kulay puting van ang huminto sa tapat at kasunod nito ang isang kulay pulang kotse na pinagtilian ng maraming kababaihan. Napatingin ako. Nakita kong lumapit si Renalyn sa may pulang kotse.

Pero saglit lang ay napatingin ako sa babaeng nakatayo sa may pinto ng puting van na hindi pa pumasok. Si Jamie. Nakatingin siya sa may pulang kotse. Nakita kong nagkatinginan sila ni Renalyn pero tinaasan lang siya ng kilay nito.

Mas umingay pa ng bumukas ang pinto at pati ako ay naitulak sa likod ng magsilapitan ang karamihan ng mga babae para makita ang lumabas.

Nasa likod lang ako na hindi ko na narinig at nakita kung anong meron sa harapan. Bigla akong na curious kung ano na nagyari kina Renalyn at Jamie. Kung nagsapakan o nagsabunotan na ba sila. Iba kasi ang tingin ni Renalyn kay jamie. Ewan. Baka imagination ko lang yun.

Pinilit kong isiksik ang sarili ko hanggang sa makita ko ang nasa harapan. Nakita kong kinakausap ni Renalyn si Levi pero para bang hindi siya pinapakinggan nito na nakatingin lang kay Jamie.

Biglang tumahimik ang lahat ng maglakad si Levi at iniwanan si Renalyn. Papalapit ito sa sa direksyon ni Jamie ng matulak ako at natumba kaya napa-aray ako.

Napaupo ako sa sahig at nagulat nalang ako ng may kamay na inabot sa akin. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nagulat nalang ako ng makita ko si Levi.

"S-salamat." sabi ko ng tulungan niya akong makatayo.

"Hey you." nakita ko si Renalyn na nakasimangot na lumapit sa amin.

Nagulat nalang ako ng hilain ako ni Levi. Nalagpasan na namin si Jamie at nabigla nalang ako ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Napatingin ako sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Nakita ko ang pagkagulat nila at narinig ang ilang bulungan tungkolsa akin. "Totoo nga yung chismis na nangyari sa canteen." Narinig kong sabi nila.

Naalala ko ang nangyari sa canteen nung isang araw nang sabihin ni Levi na girlfriend niya ako.

Nagulat nalang ako ng inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. Naramdaman ko ang hininga niya. Medyo malamig. "Sumakay kana, hahatid na kita." , sabi niya.

"Levi?" ,napalingon ako ng magsalita si Renalyn.

"Sumakay kana." ,utos ni Levi kaya sumakay narin ako dahil sa sinabi niya.

Pagkasakay ko ay sumakay  narin agad si Levi tsaka isinara ang pinto ng kotse na hindi pinansin si Renalyn. Napatingin ako kay Renalyn at ang sama ng tingin niya sa akin na napasigaw pa ata sa inis.

Umalis na kami at naiwan namin si Renalyn na naiinis. Si Jamie na natutulala at ang mga estudyante ng AUS na pinag-usapan kami.

Napatingin ako kay Levi. Seryoso ang mukha niya. Nakakatakot. Gusto ko siyang kausapin at tanongin kaso baka bigla nalang ako sigawan.

Ngunit naglakas na ako ng loob para kausapin siya. "Hey? Bakit mo na naman ginawa yun?"

Napalingon siya. "Yung alin?"

"Baka yung kanina po. Ang weired mo. Nakakainis ka. Paano kong mas lalo talaga ako pag-initan ng mga yun? Haist." ,napacross arm nalang ako at nakatingin sa harapan.

"Salamat pala."  Napatingin ako sa kanya.

"For what?" Napaisip ako.

"Kasi andun ka kanina."

"Huh? Anggulo mo Mr. Fuentes. Pwedi bang deretsohin muna?" ,nakakainis na ewan. Pero napapangiti rin ako kasi bumabait na nga siya talaga sa akin.

"Ayaw mo ba umuwi?." ,sabi niya. Bigla niyang hininto yung sasakyan niya.

"Huh? Akala ko ba ihahatid mo ako?"  Nang mapatingin ako sa labas ay nasa amin na pala ako.

Napangiti ako. "Okey bye." Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko. Disadvantage din talaga para sa mga malalapit ang bahay kung may moment na ganito.

"Teka!" Narinig kong pigil niya nang buksan ko na yung pinto ng sasakyan para lumabas.

Humarap ako sa kanya. "May pupuntahan tayo." Nakangiti niyang sabi. Napakagat nalang ako sa kuku ko at napangiti sa kilig. Ewan. Pero kinikilig ako. Hmmmm.

Umalis na kami at sandali pa'y hininto na niya ang kotse niya sa isang tabi. Madilim narin ng makarating kami. Napatingin ako sa labas. Anong gagawin namin dito sa park? Napaisip ako.

Lumabas siya at ganun din ako. Napatingin ako sa paligid. Napapangiti ako sa mga nakikita ko. Ang ganda ng mga makukulay na light post sa paligid. May musikang nakakarelax. Ngunit napaisip ako ng may makita akong ilang mga couples na naglalakad. What the . . .

"Hey, let's go." Sabi niya at naunang maglakad. Napatingin lang ako sa kanya ng nilingon niya ako. "Ano?" Ngumiti lang ako at sumunod na sa kanya.

"Levi, gagawin natin dito?" ,pangungulit ko sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot at nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi ako nakaimik at tahimik lang na nakasunod sa kanya.

Nang bitawan niya ang kamay ko. "Anong ginagawa natin dito?" ,tanong ko. Umupo siya sa may stone chair ng park at napatingin sa itaas.

"Ang ganda ng mga bituin" ,sabi niya. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko ang mga magagandang bituin sa kalangitan. Napangiti ako. "Oo nga." ,nasabi ko at naupo sa tabi niya.

"Bakit ba tayo andito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ayoko pa kasing umuwi. Gusto ko mapag-isa."

Napatingin ako sa mukha niya at napakunot ang noo ko. "Eh, bakit mo ako sinama?"

Napatingin siya sa akin. "Masama ba?"

"Hindi naman! Sabi mo kasi gusto mong mapag-isa." ,sagot ko at inilayo na niya yung tingin sa akin. "Nga pala, bakit mo ulit ginawa yun?"

"Yung alin?"

"Yung kanina sa school."

"Dahil gusto ko." ,sabi niya na nakatingin lang sa taas.

Naalala ko si Jamie kanina kaya naintriga akong tanongin siya. "Nakapag-usap na ba kayo?"

"Nino?"

"Ni Jamie?"

"Para saan pa? Diba sabi ko naman na hindi na kailangan yun." sagot niya.

"Si Renalyn? Magkaaway ba kayo?", pag-iba ko ng mapansin kong hindi niya pinapansin kanina si Renalyn.

Nang magulat kami ng biglang nalang lumiwanag ang paligid. Napatingin kami sa taas at nakita namin ang makukulay at maliwanag na fireworks.

Napangiti ako habang pinapanood iyon. Nang maramdaman ko nalang ang kamay ni Levi na nakapatong sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa taas.

Dahan dahan kong tinanggal yung kamay ko ng hawakan niya ito. "You know? I missed this." ,sabi niya.

Napakagat ako sa ibabaw na bahagi ng labi ko. "Na hawakan ang kamy ko?" ,nasabi ko.

Napatingin siya. Napangiti tsaka niya binitawan ang kamay ko. "Anong nakaktawa? Ikaw nagsabi diba?"

"That's not what I mean." ,bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi ko. "I missed the girl na lagi kong kasama na magpalipas ng oras at sabay na magbibilang ng mga bituin."  ,dugtong niya.

Kahit hindi man niya sabihin ay alam kong si Jamie ang ibig niyang sabihin. "Yung magkahawak ang kamay namin. Yung masaya kami. Siya kaya,na miss niya iyon?" ,napatingin siya sa akin.

"Huh? E-ewan." ,nasagot ko. Napatingin nalang ako ulit sa taas pero puro usok nalang ang nakikita ko.

"Tara!" Sabi niya at tumayo siya at naglakad. Tumayo narin ako at sumunod sa kanya.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko ng pumasok kami sa isang restaurant. Malaki, maganda at alam kong mamahalin.

"Treat kita kasi sinamahan mo ako ngayon." ,sabi niya. May babaeng waitres na lumapit sa amin at sinamahan kami sa mauupuan namin.

Pagkaupo namin ay binigyan kami ng menu ng waitres at nakatayo lang siya sa harapan para kunin ang order namin. Nakatingin lang si Levi sa may menu. Ako naman ay hindi komportable. Hindi ako sanay sa ganitong sosyal at pangmayamang kainan. This is my first time to eat in this kind of restaurant.

"May napili kana ba?" ,tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

"Ikaw n bahala. Mukhang lahat naman masarap." ,sabi ko. Napansin kong napangiti yung waitres.

Anong meron? Ano nakakatawa sa sinabi ko? Adik lang si ate?

"Ang cute naman ng girlfriend mo sir." sabi ng waitres na ikinagulat ko.

"Hindi ko siya . . ." ,magsasalita palang sana ako ng unahan na ako ni Levi.

"Yes! That's the thing I like her." Sabi niya na ikinabigla ko.

Napatingin lang ako sa kanya. Ibinigay na niya ang order niya sa waitres tsaka ito umalis.

"Hey, anong pinagsasabi mo?" ,tanong ko pagkaalis ng waitres.

Napangisi siya. "Don't give a meaning on it." Sabi niya.

"Anong wag bigyan ng meaning e, pano kung ano isipin nila. Kaloka ka naman MR. Fuentes."

Ilang minuto pa ay dumating na yung pagkain namin. Pagkakita ko palang ay naglalaway na ako. Akala ko sa mga picture ko lang makikita ang mga pagkaing ganito pero ito na, nasa harapan ko na. Hmmmm.

Kaya hindi na ako nagpatumpek tumpek pa at kumain na ako. Nang abotan niya ako ng tissue. "May pagkain sa labi mo." ,sabi niya at kinuha ko iyon tsaka pinunasan.

"Salamat." ,nasabi ko at napainom ng tubig.

"Boss, salamat sa libre ah? Nabusog ako." ,sabi ko pagkalabas namin ng restaurant na napahawak pa sa tiyan ko dahil sa busog.

"Boss?" Ulit niya.

"Oo, boss kita diba?" Sagot ko.

"Kanina lang, tinatawag mo ako sa apilyido ko. Minsan, levi at ngayon naman boss?"

"Eh, hindi ko kasi alam kung ano itatawag ko sayo. Diba sabi mo hindi tayo friend at mga kaibigan mo lang ang tumatawag sayo ng levi?" Napangiti siya sa sinabi ko.

"Noon yun."

"So, ibig mong sabihin na we're friends now?"

"Hindi parin." ,nakangiting sagot niya.

"Huh?" Angulo naman ng lalaking to. Hindi na siya sumagot at iniwanan na naman ako. 

"So ano ang itatawag ko sayo?" ,tanong ko na nakasunod sa kanya.

"Kahit ano, wag lang boss. Ang baduy kasing pakinggan." Napatawa ako sa sinabi niya.

Pagkakita namin sa kotse niya ay pinatunog na niya ito. Pagkalapit niya ay binuksan niya yung pinto at pumasok. Sumunod naman ako.

Pagkarating namin sa amin ay lumabas na ako ng tawagin niya ako. "Yes?" ,napalingon ako sa kanya at nakita kong lumabas din siya.

"May ibibigay lang ako sayo." ,sabi niya at may kinuha siya sa loob.

Nang makuha niya ay lumapit siya sa akin at may inabot na notebook. "What's this?" ,tanong ko.

"Notebook." ,sagot niya.

"Nge! Bumabawi?" ,nakangising sabi ko.

"Andyan lahat ng mga project ko and I need it next week." sabi niya bago siya pumasok sa sasakyan niya at umalis.

Nang buksan ko yung notebook niya ay walang nakasulat. Napaisip ako. Mali ata ang naibigay niya.

Kinuha ko ang phone ko at tenext siya.

Hey, salamat ulit ah? Pero by he way mali ata ang naibigay mong note book.

Sabi ko sa text ng esesnd ko na ay ang lumabas ay CHECK OPERATOR.

Ay. Wala pala akong load. Napangiti nalang ako sa SLIGHT na katangahan ko.


*···*

A/N.

Hey guys. I missed you all. Kumusta.?? Sorry sa sobrang tagal na update. Sorry hindi ko din na update nung sembreak may ibang pinagkakaabalahan lang. Pero thank you sa paghihintay at pag-aabang. Mag-uupadate na talaga ako pagmay free time.

Enjoy ¡!

Pls  VOTE and leave your COMMENTS.

KUYA Mart.

Continue Reading