Legend of Divine God [Vol 5:...

By GinoongOso

936K 92K 12K

Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalar... More

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter I

18.2K 995 122
By GinoongOso

Chapter I: The New Aurora Town

Isang karaniwang araw para sa mga mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom. Abala pa rin ang mga maharlika sa pamamahala ng mga bagong teritoryo. Maraming trabaho ang kailangang asikasuhin kaya naman abalang-abala ang pamunuan ng Sacred Dragon Family.

Burado na ang Crimson Blood Kingdom at Crimson Blood Family sa mapa ng Ancestral Continent. Ang naiwan nilang teritoryo ay naging bahagi na ngayon ng dating Third Rate Kingdom na Sacred Dragon Kingdom.

Tungkol naman sa mga Noble Clans at Aristocrat Clans ng dating Crimson Blood Kingdom, nanatili pa rin silang maharlika, pero ang kanilang katayuan sa Sacred Dragon Kingdom ay hindi na gaya ng dati.

Hinayaan lang sila ng Sacred Dragon Family na umiral dahil mas magiging komplikado lang ang lahat kung walang mamamahala sa mga malalaking bayan at lungsod.

Kahit na may ilang angkan na ayaw sa bago nilang sitwasyon, wala silang magagawa dahil ang Sacred Dragon Kingdom ay may suporta ng Adventurers Guild. Maraming nakamasid sa kanilang mga kilos. At pinagbantaan din sila ng Sacred Dragon Family na isang maling hakbang lang nila, susunod na sila sa Crimson Blood Family.

Lahat ng faction na nasa ilalim ng Crimson Blood Kingdom ay nabuwag na rin. Gayunpaman, ang mga techniques at skills na pagmamay-ari ng mga ito ay kinumpiska na ng Sacred Dragon Family para isubasta. Pinaplano nila itong isubasta sa mga faction na nasa ilalim ng kanilang pamahahala.

Tungkol naman sa kasumpa-sumpang technique ng Crimson Blood Family, iniharap at ipinaliwanag na ni Haring Nicolas kung gaano ito kasama sa kanyang mga mamamayan. Inihayag niya rin kung gaano karaming buhay ang nawala dahil sa paggamit ni Syr ng kasumpa-sumpang technique na ito.

Dahil sa galit ng publiko, ang lahat ng kopya, maging ang orihinal ay sinunog sa harap ng maraming tao.

Hindi na nila gustong umiral pa ang isang napakasamang technique na maaaring magdala ng takot sa milyon-milyong mamamayan. Kailangan na rin itong mabura kasama ang mga adventurer na gumagamit at nag-aaral nito.

Kasabay ng anunsyong ito, nag-anunsyo rin si Haring Nicolas ng ilang mahahalagang bagay. Isa na riyan ang pagiging opisyal na faction ng Black Chain Organization.

Marami ang tumanggap sa anunsyong ito ni Haring Nicolas dahil nabalitaan din nila ang pagtulong ng mga miyembro ng Black Chain Organization sa nakaraang digmaan. Marahil nakagawa ang dati nilang pinuno ng malaking kasalanan sa mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom, gayunpaman, matagal na ang pangyayaring iyon.

Tumulong at nakilahok ang mga miyembro ng Black Chain Organization sa digmaan kaya naman karamihan sa mga mamamayan ay tanggap na ang Black Chain Organization bilang isa sa kanilang mga protektor.

Sa kasalukuyan, mayroong pitong faction ang nasa ilalim ng pinalawak na Sacred Dragon Kingdom. Ang Immortal Sword Pavilion, Alchemist Association, Burning Heaven Sect, Soul Puppet Sect, Cloud Soaring Sect, Black Chain Organization at Ancient Darkness Island.

Ipinamahagi na ni Finn Doria ang natitira niyang Limbs Regeneration Pill sa mga adventurer na naputulan ng braso't binti. Maging si Eliseo ng Adventurers Guild ay nakatanggap nito.

Sa mga nakatanggap ng Limbs Regeneration Pill, sobra silang natuwa. Kailan man ay hindi nila inaasahan na babalik pa ang kanilang mga braso't binti. Marahil magtatagal ito pero hindi na mahalaga 'yon. Buhay na ng ilan ang pagiging adventurer, at ang mawalan ng isang braso o binti ay isang malaking dagok sa kanila.

Kahit na interesado silang malaman kung saan nagmula o kung sino ang gumawa ng kahanga-hangang Limbs Regeneration Pill, hindi na sila nangahas na magtanong pa kay Finn Doria. Isa ito sa kanyang sikreto at wala silang magagawa kung hindi kusang ipapaalam sa kanila ng binata ang tungkol sa kahanga-hangang pill na ito.

Isa pang balita ay napalitan na ng bagong pinuno ang Ancient Darkness Island. Hindi na maaaring maging pinuno pa ng Ancient Darkness Island si Selena dahil sa kanyang totoong pagkatao. Miyembro siya ng Adventurers Guild at hindi tama na maging pinuno siya ng isang faction ng isang kaharian.

Tungkol naman sa Adventurers Guild, sinigurado nila sa Sacred Dragon Kingdom na hindi na sila mangangahas na magtanim pa ng espiya sa kaharian.

Hindi ito dahil kinatatakutan nila ang Sacred Dragon Kingdom. Ito ay dahil kinatatakutan nila si Finn Doria at ang protektor nito. Hindi pa rin mawala sa lahat ang matinding takot na idinulot ni Leonel sa kanila. Noong mga oras na yun, akala nila ay katapusan na nila. Isang salita lang ni Finn Doria, siguradong wala ni isa sa kanila ang makaliligtas sa lugar na 'yon.

Ang Adventurers Guild na ngayon ang namamahala sa Ancestral Continent. At kahit na sila na ang namamahala, wala silang balak na pag-isahin ang buong kontinente. Ang layunin ng kanilang mga ninuno ay kapayapaan at kalayaan para sa bawat isa.

Hindi na rin sila nag-abala pa na palitan ang pangalan ng kontinente. Ninuno rin nila ang nakatuklas ng kontinenteng ito at dumadaloy rin naman sa kanilang mga ugat ang dugo ng isang Ancestral Family.

Inanunsyo rin ni Haring Nicolas ang pagkawasak ng Ice Feather Sect. At hanggang ngayon, nananatili pa rin itong misteryo sa karamihan. Hindi nagbigay ng gaanong pahayag si Haring Nicolas tungkol sa pangyayaring ito dahil maging ang Adventurers Guild ay hindi nakahanap ng sagot sa kanilang ginawang mabusising imbestigasyon.

Sa lahat ng anunsyo ni Haring Nicolas, ang kanyang huling anunsyo ang nagbigay ng matinding gulat sa lahat. Mabilis na kumalat ang balitang ito sa buong kaharian.

Opisyal nang ibinibigay ng Sacred Dragon Family ang kalayaan ng Azure Wood Family at Golden Lion Family. Ibinibigay na rin ng Royal Clan ang buong bayan ng Aurora kasama ang katabi nitong kagubatan sa Azure Wood Family bilang kanilang pribadong teritoryo.

Nasurpresa ang lahat sa anunsyong ito ni Haring Nicolas. Gayunpaman, hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na sila makapaniwala. Napakalakas na ng Azure Wood Family, at hindi na nakakagulat kung makakawala na sila sa kontrol ng Sacred Dragon Family.

Para sa mga eksperto, kahit pa angkinin ng Azure Wood Family ang buong Sacred Dragon Kingdom, hindi magkakaroon ng malaking problema. Sa isang salita lang ni Finn Doria, maaari niyang utusan ang kanyang protektor na sakupin ang buong kaharian. Ito ang nasa isip ng ibang adventurers.

Sa ngayon, opisyal nang hindi na basta-basta pwedeng utusan ng Sacred Dragon Family ang Azure Wood Family at Golden Lion Family. Hindi na rin nila kailangang magbigay ng buwis sa Royal Clan. Mayroon na silang pribadong teritoryo at kahit ano pang gawin nila sa buong bayan ng Aurora, hindi makikialam ang Sacred Dragon Family.

Kahit na malaya na mula sa pamamahala ng Sacred Dragon Family ang Azure Wood Family at Golden Lion Family, nilinaw naman ni Haring Nicolas na mamamayan pa rin ang mga ito ng Sacred Dragon Kingdom. Maaari pa ring makibahagi ang dalawang angkan sa mga aktibidad at mahahalagang kaganapan sa Sacred Dragon Kingdom.

--

Sa isang iglap lang, mahigit tatlong buwan na ang lumipas mula nang maganap ang digmaan. Isang buwan na rin ang nakararaan mula nang opisyal na ianunsyo ni Haring Nicolas ang kalayaan ng Azure Wood Family at Golden Lion Family.

Sa kasalukuyan, napakalaki na nang pinagbago ng bayan ng Aurora. Lumawak na ito dahil sa katabi nitong kagubatan. Pinutol na ang mga puno rito at nagtayo na ng mga imprastraktura. Sa kabuuan, hindi na maikokonsidera bilang bayan ang Aurora, isa na itong lungsod, isang napakalaking lungsod.

Araw-gabing abala ang mga manggagawa ng Azure Wood Family at Golden Lion Family. Napakabilis nilang magtayo ng mga imprastraktura dahil unang-una sa lahat, hindi naman sila ordinaryong mga tao lamang. Ang ilan sa kanila ay mga Profound Rank at karamihan ay Scarlet Gold Rank. Hindi na nila kailangan ng sobrang kagamitan dahil sapat na ang kanilang lakas at sandata para gawin ang trabahong iniatas sa kanila.

Sa mga miyembro naman na walang karanasan bilang manggagawa, karamihan sa kanila ay pinili na lamang na maging negosyante. Nagtitinda sila ng iba't ibang mahahalagang bagay na kailangan ng isang adventurer gaya ng kasuotan.

Sa loob ng silid-pagpupulong ng Azure Wood Family, nagpupulong ngayon ang pinagsamang pamunuan ng Azure Wood Family at Golden Lion Family. Nanatili silang tahimik na para bang mayroong hinihintay.

Sa pinaka dulo ng malaking lamesa, nakaupo sa kaliwa't kanang bahagi sina Neleos at Augustus. Naroroon din sina Creed, Caesar, Sig, Earl, Gregory at ang iba pang mga Elders. Karamihan sa mga naroroon ay 9th Level Profound Rank habang ang ilan naman ay nasa Sky Rank.

Makikita sa bawat mukha ng isa ang matinding pagod. Marahil mga adventurers sila, gayunpaman, ang pamamahala ng isang malaking lungsod ay hindi ganoon kadali. Karamihan sa kanila ay mas gugustuhin pang makipaglaban kaysa pamahalaan ang pag-aayos ng isang napakalaking lungsod.

CREAAK!!

Pagkatapos ng ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng silid at isang binatang mukhang pagod na pagod ang pumasok sa silid. Magulo ang kulay-pilak nitong buhok at makikita sa pares ng ginintuang mga mata ng binata ang labis na pagod.

Ang binatang ito ay walang iba kung hindi si Finn Doria.

Tamad na tamad na naglakad si Finn Doria sa dulo ng lamesa. Mapapansing wala ang pamilya ni Leonel sa tabi ng binata. At ang dahilan, ipinapatawag sila ni Munting Black sa loob ng Myriad World Mirror kada linggo upang turuan ng mga bagong bagay.

Pabor ito sa binata dahil hindi siya masyadong komportable 'pag laging nasa tabi o likod niya ang tatlo.

Nakarating si Finn Doria sa dulo ng lamesa. Nakaupo sa kaliwa niya si Neleos habang nakaupo naman sa kanan niya si Augustus. Nanatili lang siyang nakatayo at hindi na rin siya nag-abala pa na umupo.

Nang makita ni Creed ang kalagayan ng kanyang anak, agad na bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nag-aalala siyang tumingin dito at marahang nagtanong, "Anong nangyari anak? Kamusta ang pagtanggap mo sa mga panauhin?"

Nang marinig ni Finn Doria ang boses ng kanyang ama, parang gusto niya na lang umiyak at bumalik sa pagkabata. Mas gusto niya na lang maging batang adventurer na hindi nakakakuha ng atensyon ng napakaraming adventurer.

Sa nakaraang isang buwan kasi, bukod sa pagtuturo sa mga adventurer na nais maging Blacksmith, Formation Master at Inscription Master, tumatanggap din ang binata ng mga panauhin na nagmula sa iba't ibang dako ng kontinente.

Pilit na ngumiti ang binata sa kanyang ama at huminga ng malalim, "Sa totoo lang, hindi naging madali, ama... Nakakapagod dahil sa sobrang dami nila."

Habang inaalala ng binata ang mga panauhing dumagsa sa bagong bayan ng Aurora para makita siya at makilala, lalo lang siyang nanlulumo. Isa iyong hindi makakalimutang karanasan para sa kanya. Hanggang ngayon ay pinanlalamigan pa rin siya habang iniimahe sa kanyang isip ang iba't ibang panauhin na pumasok sa kanyang inihandang silid para sa mga panauhin.

Mayroong iba't ibang dahilan ang mga panauhin ng binata. Karamihan sa kanila ay nais magbigay ng iba't ibang regalo, ang iba naman ay walang tigil na pinuri ang binata sa puntong nakakainis na. Gayunpaman, sa lahat ng ito, pinaka kinilabutan ang binata ay ang mga panauhin na ang rason sa pagbisita ay upang magpakasal.

Karamihan sa gustong ipakasal kay Finn Doria ay magagandang prinsesa mula sa iba't ibang kaharian. Mayroon ding kontento na sa pagiging alipin na lang ng binata.

Gusto nilang pagsilbihan si Finn Doria, personal man o sekswal na pagsisilbi.

Mayroong mga sobrang agresibo na bigla na lamang maghuhubad ng kasuotan sa kanyang harapan. Inaakit nila ang binata at umaasa sila na maaakit nila ang binata gamit ang hubad nilang katawan. Gayunpaman, lahat sila ay walang pakundangang tinanggihan ng binata.

Kahit na oras-oras na tumutulo ang dugo sa ilong ni Finn Doria, at kahit na malinaw naman na naaakit siya sa ilang mga magagandang dilag, mas pinili niya ang kanyang prinsipyo kaysa sa tukso. Hindi siya ordinaryong binata lamang, isa siyang adventurer na mayroong alaala ng isang lalaking hindi na naapektuhan ng tukso.

Pagkatapos ng sandaling pag-iisip at katahimikan, bumaling ang binata kay Augustus at bahagyang ngumiti.

"Nagpapasalamat ako ng sobra sa inyong desisyon. Naiintindihan kong hindi ganoon kadali para sa inyo na iwanan ang inyong teritoryo lalo na't doon nagsimula ang inyong mga ninuno," marahang giit ng binata.

Pagkatapos kasing makausap ni Finn Doria si Munting Black isang buwan na ang nakararaan, kinausap niya si Augustus tungkol sa bagay na ito. Magka-alyansa ang dalawang angkan at mas makabubuti kung nasa iisang lugar lamang sila.

Noong una ay nag-aalinlangan pa si Augustus. Hindi siya nakapagbigay ng malinaw na sagot sa alok ng binata, bagkus, hiniling niya kay Finn Doria na bigyan pa sila ng ilang araw para mapag-usapan ang kanilang desisyon.

At ngayon, nakapagdesisyon na ang Golden Lion Family. At malinaw naman sa mga salitang binitawan ni Finn Doria ang desisyon ng Golden Lion Family. Pumayag sila sa alok ng binata at sinisimulan na nila ngayong itatag ang panibago nilang teritoryo sa bagong bayan ng Aurora.

Ibinalik ni Augustus ang ngiti sa binata at marahang tumugon, "Nakapaloob ang ating dalawang angkan sa alyansa at napakarami na ninyong nagawa para sa Golden Lion Family..."

"At ngayon, isang napakalaking oportunidad ang ibinibigay niyo sa amin. Para isali niyo kami sa isang pambihirang faction, isa itong malaking karangalan para sa amin. Sigurado naman ako na maiintindihan ito ng aming mga ninuno," dagdag pa ni Augustus. "Kailan man ay hindi namin inaasahan na matututo kami ng panibagong mga bagay nang dahil sa'yo at sa'yong mga pambihirang karunungan. Matanda na ako pero binigyan mo ako ng pagkakataon na maging isang Formation Master."

Marahan namang tumawa si Finn Doria gayundin ang mga naroroon. Maliban kay Sig, halos lahat ng naroroon ay matatanda na at hindi na umaasa na matututo pa sila ng mga bagong bagay. Gayunpaman, binago ng binata ang kanilang paniniwala. Sa mga libro pa lang ng binata, marami na agad silang natutunan, lalo na sa t'wing ipinaliliwanag ng binata ang iba't ibang kaalaman tungkol sa tatlong propesyon.

Naging guro nila ang binata. Kahit hindi opisyal, labis na respeto pa rin ang nararamdaman nila para sa kanya.

"Gaya nga ng sabi niyo, Faimily Head Augustus, mag-kaalyansa tayo. Dapat lang na magtulungan ang ating bawat angkan na umunlad," nakangiting giit ng binata. Bumaling si Finn Doria sa mga naroroon at muling nagsalita, "Isa pa, gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi pa huli ang lahat para matuto ng panibagong bagay. Marahil napag-iwanan na kayo ng panahon, pero ang karunungan ay hinding-hindi kayo iiwanan. Andyan lang iyan palagi. Naghihintay sa inyo."

Lahat ay namangha sa binata. Makikita ang matinding paghanga sa mga mata ng naroroon. Kung mayroon man silang hinahangaan ng sobra, iyon ay walang iba kung hindi ang binata. Masyado silang maraming alam sa iba't ibang larangan. Napakalakas niya rin at napaka misteryoso. Mapagkumbaba rin ito at hindi umaabuso o nagmamataas.

"Alam mo, Finn Doria. Hanggang ngayon ay hindi talaga ako makapaniwala na isa ka pa lamang labing-walong taong gulang na binata. Ha ha ha," humalakhak ang lahat sa sinabi ni Augustus. "Para kang isang hermitanyong daan-taon nang nabubuhay dahil sa iyong karunungan."

Lumakas ang halakhakan habang si Finn Doria naman ay napakuskos na lang sa kanyang ilong at nahihiyang ngumiti. Hindi naman sa kanya ang mga karunungang ito. Mula ito sa alaala ni Kurt at sa System. Pero dahil masyadong sensitibo ang paksang ito, hindi niya ito masabi sa kanila, kahit pa sa kanyang sariling pamilya.

"Ha ha ha," nakitawa na rin si Finn Doria. Pagkatapos ng ilang saglit, huminto siya at mahinang umubo, "Sa ngayon, kailangan muna nating pag-usapan ang tungkol sa kasalukuyang pagbabago sa bayan ng Aurora. Maaari niyo ba akong bigyan ng impormasyon sa kasalukuyang nangyayari sa loob ng bayan ng Aurora?"

Huminto sandali ang binata sandali. Pilit siyang ngumiti bago magpatuloy, "Marahil alam niyo naman na sobrang abala ako dahil sa mga panauhin at pagtuturo na rin."

Napatango naman si Neleos at marahang nagsalita, "At dahil diyan kaya kami sobrang nagpapasalamat sa'yo, Finn Doria. Tungkol naman sa mga pagbabago sa bayan ng Aurora.."

"Hindi mo kailangang mag-alala dahil malaki na ang pagbabago sa buong bayan. Sa aming pamamahala, nagpapatuloy ang konstruksyon ng iba't ibang imprastraktura para sa itatatag nating Craftsman Alliance," hayag ni Neleos.

Tumango si Caesar at nagsalita rin, "Tama ang sinabi ni Family Head Neleos. Sa ngayon, naitatag na ang iba't ibang imprastraktura na kakailanganin ng Craftsman Alliance. Naitayo na ang Punishment Hall, Contribution Hall at Admission Hall."

"Sinunod namin ang payo mo na hatiin sa tatlong bahagi ang Craftsman Alliance. At nagbotohan na rin kami sa kung sino ang maaaring maging pinuno ng bawat larangan," dagdag pa ni Caesar. "At dahil matanda na ang karamihan sa amin, ibinigay na lang namin kina Elder Creed, Family Head Augustus at Elder Earl ang pamamahala."

Bumaling si Finn Doria sa kanyang ama, kay Augustus at Earl. Matatandaang si Earl ay isa sa mga Rogue Adventurer na tumulong sa kasagsagan ng digmaan sa pagitan ng Nine Ice Family, Azure Wood Family at Golden Lion Family.

Isa siyang Guest Elder sa Azure Wood Family pero ang kanyang posisyon ay sobrang taas na. Matapat at maayos na magtrabaho si Earl. Sa katunayan pa nga niyan ay mayroon itong karanasan sa pagpapanday kaya naman madali na lang para sa kanya ang intindihin ang Blacksmithing na itinuturo sa kanila ni Finn Doria.

"Kung gano'n, isa itong magandang balita. Si Ama ang magiging pinuno ng mga Inscription Masters, si Family Head Augustus sa mga Formation Masters at si Elder Earl sa mga Blacksmiths. Ilang linggo na lang marahil ay maaari na nating ipakilala ang Craftsman Alliance sa buong kontinente. Maaari na rin tayong tumanggap ng mga miyembro kung ganoon," masayang komento ni Finn Doria.

Nakahinga naman ng maluwag ang karamihan. Mabuti na lang at nagbubunga na ang kanilang magdamag na pagtatrabaho at pag-aaral. Ipakikilala na rin sa wakas ang faction na hihigit sa lahat ng pwersa sa buong kontinente, ang faction na magiging isang malaking kasaysayan sa buong Ancestral Continent.

Sandaling nag-isip si Finn Doria. Mayroon siyang naalala kaya naman bumaling siya sa kanyang ama. Napansin niyang tahimik pa rin ito at para may malalim na iniisip. Tatanungin niya sana ito kung anong problema pero ipinagpaliban niya muna ito. Inuna niya muna ang pagtatanong tungkol sa pagbabagong nagaganap sa bayan ng Aurora.

"Ama, kamusta ang pamilihan at mga negosyante? Sumusunod ba sila sa mga alituntunin at gusto nating mangyari?"

Bigla naman natauhan si Creed at napalingon sa kanyang paligid. Lahat ay kasalukuyang nakatingin siya kaya naman nahihiya siyang tumango sa kanyang anak.

"Sa ngayon, oo," humuntong hininga siya at nagpatuloy, "Nagtayo na ng iba't ibang negosyo ang ating mga kasapi. Gayunpaman, mayroong ilang makulit ang humihingi ng permiso na payagan sila na magtayo ng pasugalan, bahay-aliwan at iba pang negosyo para sa pag-aaliw."

Nang marinig ito ni Finn Doria, napasimangot siya at napakunot ang noo, "Tanggihan niyo sila, ama. Hindi natin kailangan ng mga kayamanan. Hindi rin natin kailangan ang buwis nila dahil hindi tayo nagkukulang sa kayamanan. Upang mas mapalawig pa ang kapayapaan sa ating teritoryo, kailangan nating iwasan ang mga ganitong negosyo. Sisirain lang ng mga negosyong ito ang buhay ng mga adventurers na pamilyado na."

Tumango si Creed at ang ilan bilang pagsang-ayon sa sinabi ng binata. Napakayaman na ng Azure Wood Family at Golden Lion Family. Hindi nila kailangan ng pondo na nagmumula sa mga negosyong itinatayo ng mga negosyante. Gayunpaman, kinukuhanan pa rin nila ang mga ito ng buwis upang ipaalala sa kanila na kailangan pa rin nilang gawin ang kanilang obligasyon bilang negosyante.

Bumaling naman si Finn Doria kay Gregory at ito naman ang tinanong, "Elder Gregory. Kamusta ang pagtuturo sa mga batang adventurers sa larangan ng pakikipaglaban? Maayos ba ang kanilang ginagawa?"

Kahit na napakataas at napaka-yaman na ng Azure Wood Family at Golden Lion Family, hindi pa rin nila nakakalimutan na turuan ang mga nakababatang henerasyon na lumaban. Binibigyan pa rin nila ng mga pagsasanay ang mga ito upang sa hinaharap, sila naman ang maging magiting na mandirigma ng Craftsman Alliance.

Ngumiti si Gregory at marahang tumugon, "Sa paksang ito, hindi mo kailangang mag-alala, Finn Doria. Napakaraming pursigidong batang adventurer ang nais matuto at lumakas, at ito ay dahil lubos ka nilang hinahangaan. Gusto nilang maging kagaya mo kaya naman determinasyon ang nakikita ko sa kanilang mga mata habang sumasabak sila sa mga pagsasanay."

Nakahinga muli ng maluwag ang binata. Isang magandang bagay ang ganito. Kailangan din nilang maging malakas para naman maprotektahan nila ang kanilang sarili kung sakaling mayroong hindi inaasahang pangyayari ang maganap sa hinaharap.

Habang nag-iisip pa ang binata ng maaari niyang maitanong sa pamunuan, muling nagsalita naman si Gregory na nakakuha sa atensyon ng lahat ng naroroon.

"Finn Doria, oo nga pala. Dapat mong malaman na sumagot na sa wakas ang pamunuan ng Nine Ice Family sa iyong tanong. Ligtas si Cleo Frois at kasalukuyan siyang nasa loob ng kanilang teritoryo," giit ni Gregory.

Natigilan ang binata. Hindi niya inaasahang buhay pa si Cleo Frois. Hindi naman sa gusto niya itong mamatay, gayunpaman, masyadong naging misteryoso ang pagkawala nito kasama si Kiara ng Poisonous Insect Palace. Hindi rin nagbibigay ng pahayag ang Nine Ice Family at nananatiling tikom ang kanilang bibig sa nakaraang tatlong buwan.

"Mayroon ba silang ibang nabanggit kung anong nangyari kay Family Head Cleo Frois? Bakit bigla na lamang siyang nawala kasama ang Palace Mistress ng Poisonous Insect Palace?" tanong naman ni Finn Doria.

Umiling si Gregory at marahang tumugon, "Hindi sila nagbigay ng pahayag. Ang tangi lang nilang sinabi ay patay na si Palace Mistress Kiara, yun lang at wala ng iba."

Natahimik ang lahat. Gayunpaman, muli itong binasag ni Gregory sa isa niya pang ulat.

"Ang sangay ng Adventurers Guild ay nagbigay rin ng pahayag na nagmula sa Sacred Dragon Family," huminto si Gregoryo at seryosong nagsalita, "Mayroong natuklasan na bangkay ng kakaibang nilalang ang Sacred Dragon Family sa kailaliman ng teritoryo ng Soul Serpent Sect."

Napataas ang kilay ni Finn Doria at gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha, "Kakaibang nilalang?"

"Mm. Ayon sa Sacred Dragon Family, isa itong napakalaking kulay pulang ahas. Hindi matukoy ng Sacred Dragon Family at Adventurers Guild ang kakaibang nilalang kaya naman hinihingi nila ang iyong tulong sa bagay na iyon," marahang tugon nj Gregory. "Napakalaki ng katawan ng ahas at hindi nila ito magalaw. Kaya naman umaasa sila na baka alam mo kung ano ang nilalang na iyon at kung ano ang gagawin doon."

"Abala pa tayo ngayon at hindi pa ako makakapaglakbay... pero matanong ko lang, sinabi rin ba nila kung ano ang ginagawa ng bangkay ng nilalang na iyon sa ilalim ng teritoryo ng Soul Serpent Sect?" nagtatakang tanong ni Finn Doria.

Lahat ng mga mata ay napabaling kay Gregory. Maging sila ay nahihiwagaan din sa natuklasan na ito ng Sacred Dragon Family. Nais din nilang malaman kung ano ang ginagawa ng isang kakaibang nilalang sa lugar na iyon. Kung napakalaki nga nito at hindi ito kayang buhatin ng isang adventurer, siguradong hindi ito karaniwang Vicious Beast lamang.

Seryoso namang ibinalik ni Gregory ang mga tingin ng naroroon. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Ayon sa nakalap na impormasyon ng Sacred Dragon Family, ang dugo ng kakaibang nilalang na iyon ay may kaugnayan sa pagbabagong nagaganap sa pisikal na anyo at kakayahan ng mga miyembro ng Soul Serpent Sect," tugon ni Gregory.

Nagulat ang binata at napakunot ang kanyang noo, "Hm? Anong ibig mong sabihin, Elder Gregory?"

Naguluhan ang binata sa kanyang nalaman. Mayroon na siyang ideya pero gusto niya muna itong kumpirmahin. Isa itong malaking sikreto at interesado ang binatilyo na malaman kung ano ang sikretong ito.

--

Continue Reading

You'll Also Like

684 91 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the m...
376K 72.9K 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn...
565K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
145K 6.6K 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyo...