The following morning
Paul Martin's POV
I'll make sure na she'll like me not because I look like her Dad but because I am worthy of her love.
Plus points na lang siguro na I look like her Dad.
Handa akong mahalin ka Paris, sana bigyan mo ko ng chance
Eto na, magsisimula na ko.....
Yung love story ng parents mo, hindi ko man mapantayan yun, sisiguraduhin ko na I will give you the love you deserve.
Alam ko it is too early to say na I really like you, pero yun ung nararamdaman ko ngayon. Handa ako kahit masaktan man sa huli.
Ngayon ko lang 'yo naramdaman. Ready na ako na i-figure out kung hanggang san ako dadalhin nang nararamdaman ko na 'to.
Masaktan na kung masaktan. Sanay naman ako sa sakit na dulot ng iniwan.
___________
Tala: Balita ko tapos na yung dokyu nyo! Congrats Paris! Let's celebrate, this weekend, G?!
Paris: G!!!
Tala: Yehey!
Magi: Next na si Marc diba? Sabihan ko sya na dalian lang yung task sayo haha
Paris: thank for your concern Magi, pero wag na, let him decide. Excited na nga ko sa next task eh.
Tala: For sure you can finish it ng walang hirap. May partner ka kaya ulit this time?
Magi: I think, solo task 'to or gusto mo ba ulit ng help ni Paul?
Paris: Hindi na, this time I'll make sure na I can finish it on my own
Tala: Naks, strong independent woman
Paris: I am. Haha
Magi: So, dahil tapos na kayo sa dokyu, no reason na para magkita kayo
Paris: Oo, pero baka madalas din kaming magkita dahil magka-org tayo diba?
Tala: So, nilu-look forward mo pa na makita sya
Paris: Oo naman, we're friends diba?
Magi: Totoo naman magkaibigan naman talaga kayo
Tala: Hahaha oo nga naman, so ni-lu-look forward ko narin yung friendship nyo haha
Paris: Kayo talaga! So ano ng plan this weekend?
Tala: Let's celebrate! Pwede ka bang uminom Paris?
Paris: Huh? I think pwede naman pero wag lang masyado
Magi: Good! Ako din naman bawal eh
Paris: This Saturday na ba? Para makapag-paalam ako kila Dad, san pala?
Magi: May alam ako, ako na bahala mag-set
Paris: Okay
Magi: Save the date ah
_________________
At Likhaan HeadQuarters
Lara: We're all here today para panoorin yung dokyu na ginawa ni Paris syempre with the help of Paul!
Paris: Thank you everyone! Excited na ko na mapanood nyo!
Paul Martin: Ako din, pinaghirapan naming dalawa ni Paris yan!
After watching the dokyu, they decided to order lunch at i-deliver na lang at their headquarters
Mara: In fairness, ang ganda ng pagka-edit pinsan! And Paris magaling ka pala talaga mag-host!
Paris: Thank you!
Lara: Congrats Paris! One down. Marc will give your next task in the coming days
Xander: If you need help Paris, I can help you
Paris: Thanks, Xander
Paul Martin: Me too, Paris. Sabihin mo lang, I'll help you.
Paris: Thanks Paul!
Magi: Paul, andito ka narin lang sabihin mo nga samin kung sino si I fell
Marc: Babe! Pasimuno ka talaga ng mga spill the tea dito eh haha
Aya: Pabayaan mo sya Marc haha Sino ba yun? In love ka na Captain? Sinong inspirasyon mo ngayon ah?
Paul Martin: Syempre dapat sya muna maka-alam diba! Hintayin nyo muna akong umamin sa kanya bago ko sabihin sa inyo, okay?
Mara: Go Pinsan! Support kita dyan!
Aya: So in love ka nga?
Tala: Clue naman dyan!
Paul Martin: Sayaw ka muna ng tala
Tala: Gagawin ko talaga basta sabihin mo sa amin kung sino si I fell, ano, deal?
Lara: Si I fell ba at liwanag sa dilim ay iisa?
Magi: Sa tingin mo Paris? Iisa lang kaya sila?
Paris: Huh? Ewan! Antayin na lamg natin na kay Paul manggaling
Aya: Kahit yun lang sagutin mo
Paul Martin: Secret. Basta malalaman nyo rin!
Lara: Kelan ka ba kasi aamin?
Paul Martin: Soon!
After eating lunch, nakahanap ng way si Paul na maka-usap si Paris
Paul Martin: Paris, congrats! Tapos ka na sa unang task mo!
Paris: Thank you sayo! Kundi dahil sayo hindi yun matatapos. Sorry pala last night ah yung sinabi ko na nag dinner ka na, ayoko lang kasi talaga na magkita kayo ni Kuya, baka kasi paghinalaan ka nya, ayoko namang ma-awkward ka dahil doon
Paul Martin: okay lang, ready rin naman ako if ever na ma-meet ko yung kuya mo. Let's celebrate! May lakad ka ba this weekend? Bawi ako dun sa hindi tayo nakapag dinner dahil sa pag-eedit!
Paris: okay lang, ako nga dapat yung bumawi sayo kasi task ko yun pero very hands on ka.
Paul Martin: Edi bumawi ka na, this weekend pwede ka?
Paris: May lakad na kami nila Magi ng Saturday eh
Paul Martin: Sunday?
Biglang lumapit si Magi
Magi: Paris, Let's go, ma-late na tayo sa next class natin
Paris: Okay
Paul Martin: Wait, Paris ano? Sunday?
Paris: Let me think about it first Paul ah, papaalam din kasi ako kila Daddy eh
Paul Martin: Okay, sige.
Paris: Bye!