Fearless flowers (Mafia S1)

By Erhaneya

3.4K 926 1.8K

Hindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim a... More

NOTICE
Cast
FF#1: Mirai University
FF#2: School of scumbags (KELY)
FF#3: World full of shades (Sofia)
FF#4: Crimes : unknown (Zae)
FF#5: Extra (Marc side story)
FF#6: Side Mission (Clyde)
FF#7: Rape case (CLYDE)
FF#8: Rape case: unresolved
FF#9: Rape Case & Mission (CLYDE)
FF#10: No more badang!
FF#11: Lavender's aching heart.
FF#12: Encounter (Sofia)
FF#13: Hidden enemy (extra chapter)
FF#14: Savior (Zae)
FF#15: That man... (CLYDE)
FF#16: She's in my dreams (Sofia)
FF#17: Zae in danger
FF#18: Lies and truth
FF#19: Piece from Sophie's case
FF#20: Childhood buddy (K x A)
FF#21: Who's the culprit?
FF#22: Let's solve (LAVxFLAME)
FF#23: 하지마
FF#24: A guy named Gian (SOF)
FF#25: Back to operation
FF#26: Who is Mr. black?
FF#27: Who's the real Mr. black?
FF#28: Between two parties
FF#29: Saving clyde
FF#30: His everything (extra chaptie)
FF#31: Suspicious young man
FF#33: Dirty money
FF#34: Dirty Money II
FF#35: What on earth is happening?!
FF#36: Kely in danger
FF#37: Kely in danger II
FF#38: There's something wrong with Zae
FF#39: Friends matters more than anything
FF#40: Is it over?
FF#41: Way back home (Zae)
FF#42: Confused (Sof)
FF#43: Truth is nowhere near
FF#44: Life and death (SOF)
FF#45: Life and Death II (SOF)
FF#46: Comfort
FF#47: Zae making new friends
FF#48: Team Building (Zae)
FF#49: Getting used to it (Zae)
FF#50: Haunted
FF#51: Reminisce
FF#52: What happened that day?
FF#53: Kyohei's life (Explanation)
FF#54: Memory rewind
FF#55: Intuition
FF#56:Tragic party
FF#57: Claudette's reason (explanation)
FF#58: What happened to Lavender?
FF#59: Powerless
FF#60: Love n' hate
FF#61: Goodbye
FF#62:Ill-fated lovers
FF#63: Almost the end
FF#64: Finale

FF#32: Sophie's Life

27 9 29
By Erhaneya

3rd Person's POV

Madilim pa ang langit mula sa balkonahe ng silid na tinutuluyan. Tanaw ni Sofia ang mga ilaw ng syudad sa Baguio. Maging ang hamog ay mapaghahalataan tila ito usok na may sariling ritmo at musika, sumasayaw ito sa bawat nadadaanan.

Matapos magpahangin ay pumasok muli siya sa loob at tumingin siya sa orasan sa tabi ng kama. Alas singko na marahil ay gising na rin sina Kely. Kinuha niya ang laptop at pinihit ang on botton, gamit ang wifi ng hotel ay nakipag video call siya sa tropa. Naunang sumagot sa tawag ay si Kely. Nakangiti at excited na binati siya ng good morning sabay kamusta. Tila iba ang ayos ng kwarto ni mareng Kely, malamang ay wala ito sa condo.

Bukod pa roon ay may coat ng doctor na nakasabit sa bandang likuran ng pinto ni bruha, kung saan nakalagay ang stand na dinisenyo para pagsabitan. May biglang kamay ang sumilip sa camera nakasuot ito ng singsing. Hindi ito masyadong nakita ni Sofia dahil pinalis na ito palayo ni Kely.

'Sino yun?!!! bf nya???'

Bigla namang nahati sa apat ang screen sumilip ang bagong gising na sina Lav at Clyde. Mabuti naman at nag-online na ang mga ito.

"Kumusta? Inaasikaso ka ba nila riyan?" Bungad ni Lav.

"Upakan mo agad pagbinastos ka niyang Tristan na iyan?  or kahit sino riyan," singit ni Clyde.

"Si Zae?" Takang tanong ni Sof.

Biglang lumungkot ang itsura ng mga ito.

"Hindi ko na siya nakikita madalas ako di umuuwi sa condo," sagot ni Kely.

"Hindi ko siya naabutan sa condo or hindi pa siya umuuwi? Hindi ko na alam anong nangyayari sa kanya," saad ni Lav.

"Huling balita ko ay apat na beses na siyang hindi pumapasok. Ayon sa prof niya, hinihingi rin nito sa akin ang absent slip niya," dugtong ni Lav.

Akmang magsasalita si Kely nang biglang may kumatok sa pinto nito.

"Tao," wika ng kung sino man sa linya ni Kely, halatang tinatamad ang kasama ni Kely. Tinaas pa nito ang kamay para ituro ang pinto.

Hindi lang si Sof ang nagtataka at pilit na inaalam kung sino ang kasama ni Kely. Ang boses nito parang pamilyar sa kanila.

"May kausap ako diba, buksan mo baka si mommy iyan." Mataray na sagot ni Kely.

Talagang nagtalo pa sila sa screen ah, nakalimutan ata na nag-uusap pa silang magkakaibigan. Samantala naenjoy naman nila Lav ang pagtatalo ng dalawa, nakalimutan ata ng mga ito na on-cam pa rin.

"Sino ba kasi 'yang kausap mo?" Ani ng lalaking kasama ni Kely.

"Paki mo ba?! Buksan mo iyong pinto! Umalis ka nga. Bumalik ka nga sa kwarto mo."

Tumayo ito at sumilip sa screen.

Si Aldrich yun diba??? Namamalik mata ba sila?

"luh?!! Epal!! Alis na!" Galit na wika ni Kely.

Bago umalis ay kinuha muna nito ang doctors coat, nakatalikod na ito. Pinihit nito ang pinto pabukas at bago lumabas ay binilinan niya si Kely na sumunod na sa baba dahil mag-aalmusal na. Nang makaalis ito ng tuluyan ay nakatulala pa rin silang tatlo nina Lav.

"Sorry ang epal kasi ng kurimaw na iyon." Hinging paumanhin ni Kely.

"Alam ko si Sof dapat ang reason ng video call pero ididivert na namin sa'yo," wika ni Lav.

Ayan binuhay mo kasi Kely ang tsismosang si Lav.

"HOY BAKLA KA BA'T KASAMA MO SA BAHAY IYONG POGING UNIVERSITY DOCTOR?!"

Isa pa itong si Clyde na tsismosa. Talagang ang laki ng buka ng bibig ni gaga animo gulat na gulat eh.

"Secret lang toh ah, foster brother ko siya. Well, pareho kaming ampon ni mommy."

"Weh?! Foster brother mo si sungit? Kumusta naman siyang kasama sa bahay?" Kuryos na tanong ni Sof.

Bakit ngayon lang nila nalaman? Naintriga rin siya sa nalaman. Paanong naitago sa kanila at hindi rin nila halata ni hindi nga ata naguusap yung mga 'yun? Hindi talaga sila makapaniwala kung paanong tratuhin ng bruhang si Kely ang masungit na Doctor na si Aldrich.

Kinakatakutan sa university ang kasungitan ng isang iyon, idagdag pa ang mukha nito na wala man lang emosyon. Gayunpaman hindi maitatangi na gwapo nga ito hindi nga lang ganun ang tipo ni Sof.

Si Gian, ganun ang tipo niya. Speaking of tatawagan niya nga pala ito mamaya, baka kasi tulog pa ang binata.

"Panay utos, apaka sungit kamo sarap itapon!" Reklamo ni Kely.

"Sa condo ka kasi natin maglagi para iwas sa kuya mong pokerface." Sabay kantyaw nilang magkakaibigan.

"Ewan ko ba kay mommy pinababantayan ako kay korimaw."

"Edi sabihin mo magbbf ka na para may tagahatid sundo sa'yo para 'di umepal iyang kuya mo," sabat ni Clyde.

"Hmmm..oo nga noh? By the way, baba na ako baka hinahanap na ako ni mommy see yah soon. Sof, ingat you pasalubungan mo ako ng pogi ah jowain ko lang."

Lukaret talaga!

'Di na rin nagtagal ang paguusap, dahil kanya-kanyang panhik na sila. Hindi na pala nila namalayan ang oras akala ni Sof saglit pa lang silang naguusap, iyon pala dalawang oras na mula pa pagkagising.

Totoo nga kapag gusto at mahalaga sa iyo ang mga kausap mo ay hindi ka maboboryo. Kahit pa walang kwenta ang topic basta andoon ang kulitan at pagkamiss sa isa't - isa ay hindi na mamalayan ang galaw ng orasan.

Gumayak na rin si Sofia, sa pagkakataong ito ibig niyang kumain sa malapit na coffee shop imbes na magpacater lamang. Nakasuot siya ng simpleng puting round-neck shirt, pinaresan niya ng black stretchable pants at itim na ankle boots. Ito na ang outfit niya para sa pagpunta sa area mamaya, kung saan sinasabing itatayo ang bagong campus ng Mirai. Dalawang oras na lang naman din nakakapagod magpalit ng damit.

Inabutan niya na nagngingitian si Mr. Topaz at ang barista, nakaupo malapit sa bintana bandang dulo.

Aapat pa lang ang tao sa coffee shop kaya hindi pa abala ang barista. Nakatayo lamang ito sa gilid may hawak na tray ng umuusok na venti size na kape at bagel. Marahan nitong nilapag ang order ni Mr. Topaz.

Lumakad na si Sofia papuntang counter, binati siya ng magandang umaga nang lalaki sa counter, kahero ng coffee shop. Binati niya rin ito pabalik. Alam kasi niya na nakakagaan sa loob ng nagtatrabaho kung mabait din ang customer kaya nga dapat ugaliin na ngumiti man lang sa mga ito at huwag silang maliitin.

"Venti white chocolate add milk, and, cookies."

Marami pa naman space kaya kahit saan siya maupo.

"Sof!"

Balak niya pa naman na lampasan lang ang guro at magkunwaring hindi niya nakita. Kung bakit ba kasi tinawag pa siya.

Fine, lalapitan niya ito pero para batiin lang. Tumayo pa talaga ang guro para ipaghila siya ng upuan, hindi naman siya makikisama sa lamesa nito. Akmang tatanggi siya dahil gusto niya ngang mapag-isa muna, kasama lamang ang aking tsokolate at cookies. Nahiya na rin siya dahil ipinaghila na siya nito ng upuan. Wala siyang nagawa kung hindi ang makisama.

"Good morning, sir."

"Morning!"

Dumating na ang order niya, lumingon muna ang barista kay Mr. Topaz bago nito inilapag sa lamesa ang order. Napatingin siya sa guro at napansin niya na nakaputi rin pala ito ay may dala ring sumbrero. Mukha itong estudyante lang na gagala dahil sa vibes ng binata.

"After this punta na tayo sa Hyatt terraces Hotel."

Bibisitahin nila ang mismong site na pagtatayuan ng bldg. Ang Hyatt terraces Hotel ay matatagpuan sa John Hay, Baguio. Isang abandonadong hotel na nasira na at ipinagbili nang may-ari. Nagpatay lamang sila ng oras sa coffee shop bago tumungo sa nasabing lugar. Nakarating na sila sa mismong site, malawak nga ito at unti-unti nang nililinis ang mga natibag na semento.

Kasalukuyan nilang kausap ang magiging principal matapos itayo ang university, walang iba kundi si Mr. Harsce. So far wala namang ibang pinag-uusapan tungkol lang sa pagpapatakbo ng university.

Sa susunod na linggo pa ang iba pang detailed na meeting ng ilang kaguruan at board of director at si Sofia ang magmiminutes ng meeting para sa guro. Samantalang si Lav ang para sa gurong si flame.

Habang naglalakad-lakad silang dalawa ng guro na si Tristan ay nakatanggap siya ng mensahe sa cellphone, isang magandang balita.

"Sir, Aalis po muna ako pupunta lang ako sa ***** village."

"sige, Ihahatid na kita."

"Huwag na po. Magrerent na lang ako ng vehicle."

"I insist, if its really something personal I'll wait inside the car or go somewhere nearby and wait for you."

Bumuntong hininga na lamang siya, kailangan din talaga na may siguradong maghahatid sa kanya at maguuwi pabalik sa hotel.

"fine, nahihiya ako sa'yo eh."

"I'm protecting you as my student, worry not."

"T-thank you."

Kinakabahan at excited siya, sana may malaman siya kahit kunti lang. Inihatid siya ng guro sa mismong tapat ng bahay. Nagmaneho na palayo si Tristan. Naghabilin ito na tumawag na lamang kung magpapasundo na. Hindi ko alam kung talagang mabait ang guro o parte ito ng pagiging babaero niya. Alin man sa dalawa ay labas na siya roon ang mahalaga ay natutulungan siya ng guro.

Nakatatlong doorbell si Sof bago mapagbuksan ng pinto ng isang babae tantya ay mahigit 30 na ang edad.

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon din ija, ano ang sadya mo?"

"May itatanong lang po sana ako, may kilala po ba kayong Sophie Chrysanthemum?"

Nanlaki ang mata ng ginang luminga ito sa paligid, pinapasok siya nito sa loob at dinala sa sala.

"Kanino mo nalaman ang address ko?"

"Ibinigay lang po sa akin pero wag po kayong mag-alala wala po ako balak na manggulo. Gusto ko lng malaman ang tungkol sa kapatid ko hindi ako naniniwalang nagpakamatay siya."

"K-kapatid mo si Sophie??? matagal na akong walang balita sa kanya matapos kong tumakas sa night club."

"N-night club? anong ibig sabihin mo sa night club?"

Sana hindi totoo ang konklusyon na tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi iyon gagawin ni Sophie, alam niya na matigas ang ulo ng kanyang ate at may galit ito sa kanya at sa kanilang magulang pero hindi nito magagawa ang bagay na iyon, mahal ni Sophie ang sarili nito.

Ano nga ba ang pinaggagawa mo Sophie?

"Hindi pa rin ako makapaniwala...wala na siya. We have been friends until mabili siya ni Don. Braganza," hindi makapaniwalang saad ni Alice.

Gumuhit ang lungkot sa mukha ng dalaga gusto nito maiyak pero pinigil niya.

"What do you mean?" Naguguluhan na tanong ni Sof.

"Nagkakilala kami noon dahil sa human trafficking," pagbubukas nito ng kwento.


FLASH BACK ******

Nakipagsapalaran ang dalaga na magpunta sa Pilipinas at umasang makakahanp ng hanap-buhay hindi niya kailangan ang pera ng kanyang mga magulang. Papatunayan niya sa mga ito na kaya niya buhayin ang sarili ano naman kung hindi siya kasing talino ng kapatid.

Sawa na siyang maikumpara sa kapatid na si Sofia ...siya na lang lagi ang magaling...siya lang ang pwede nilang asahan sa negosyo. Siya na ang walang kwentang anak hindi siya babalik sa Japan na wala siyang maibubuga gagawin lang niyang katatawanan ang sarili niya oras na bumalik siya na walang napupundar pinatunayan niya lang na wala nga siyang kwenta.

Puputulin na rin niya ang koneksyon sa lahat ng kakilala, pati ang kapatid niya.

Totoong may galit din siya sa kapatid niya dahil hindi niya alam kung sinasadya nitong magpakitang gilas sa kanilang magulang o sadyang ang mismong magulang nila ang bias. Malapit naman silang magkapatid noon ngunit ng tumanda ay nagkalayo ang loob nila siya na ang kusang lumayo.

Mahal naman niya ang kapatid kaya siya lumayo ay upang maiwasan na ang pagmamahal na iyon ay mapalitan ng galit. Never silang nagkaroon ng sumbatan at away, lumisan siya na pagmamahal ang iniwan sa kapatid.

Babalik siya na baon pa rin ang pagmamahal na iyon.

Magsasama silang muli ng kapatid ilalayo niya ang kapatid mula sa kanilang magulang na ang sinasamba ay kayamanan.

Isang tao ang pinagkatiwalaan niya na magbibigay sa kanya ng trabaho ngunit ito rin ay isa biktimang gaya niya na hindi na rin makawala sa kadena ng sindikato...

Sa isang lugar na kung saan ang ilaw ay patay sindi, dinanas nila ang buhay na kailan man hindi nila pinili makailang beses sila tumakas ngunit ni hindi man lang sila makaalis parati silang kamuntik na mahuli. Nakilala niya si Alice, ang kaisa-isang naging kaibigan niya parati siyang tinutulungan mula sa bully nilang kasamahan.

Kailanman hindi siya hihingi ng tulong sa pamilya, para ano pa? Ipamukha lang sa kanya na hindi niya kayang pangatawanan ang desisyon.

Imbes na tumakas ay pinagbutihan niya ang pagtatrabaho, katunayan ang naging paborito siya ng may-ari ng bar at marami ring parokyano ang nahihilig sa kanya gusto ng mga ito ang kanyang pagkanta at pag-indayog sa entablado.

Hindi gaya ng iba na maaring i-table ng mga kalalakihan iba siya dahil sa iisang tao lng siya napupunta. Sa isang may edad na lalaki na ubod ng yaman katunayan ay binili siya nito kaya naman nakalabas siya sa impyernong iyon.

Naiwan lamang ang kanyang kaibigan na si Alice nawalan sila ng komunikasyon ni hindi nalaman ni Sophie na tagumpay itong nakatakas.

Ang totoo ay inakala niya na maganda ang naging bunga nang pagpayag niyang makipagrelasyon sa ginoo iyon pala ay ikukulong lamang siya nito sa malapalasyong mansyon.

Malungkot wala siyang makausap wala siyang kasama, malungkot kahit pa nakukuha o nabibili niya ang lahat ng luho niya ay malungkot pa rin tila isa siyang ibon na nasa hawla bagamat may pagkain at tubig ay nagnanais pa rin itong umalpas at lumipad sa kalawakan.

Nasanay na lamang siya sa buhay niya sa loob ng pamamahay ng ginoo mahal naman siya nito at alagang-alaga lahat ng gusto niya ay uradang binibili nito.

Ngunit hindi niya wari sa sarili ayaw niya itong pagkatiwalaan dahil nakakapagtaka ang pagiging sobrang yaman nito ni hindi niya alam kung ano ang trabaho o negosyo ng ginoo.

Sa tuwing naisisingit niya ay sumeseryoso ang mukha ng ginoo kaya naman tumatahimik na lamang siya, pinili niya na makuntento na lamang sa ganitong buhay. Aniya ay kumpleto na sana kung makakausap niya ang kapatid na si sofia....ngunit paano? Gayong hindi siya makalabas ni hindi siya makahawak ng telepono.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa kanya. Nakakilala siya ng isang binata lagi ito sa kanilang mansion. Mabait at gwapo ito bukod tanging ito lang ang pinagkakatiwalaan ng ginoo.  Inihabilin siya ng ginoo sa binata dahil ito ay mangingibang bansa ngunit nangako ang ginoo na babalik ito matapos ang negosyo, mga 3 buwan lamang itong mawawala.

Sa loob ng tatlong buwang iyon ay nagkalapit ang kanilang loob hanggang sa....

"Buntis ako."

*******End of flashback


Hindi makapaniwala si Sofia sa nalaman mula kay Alice. Ayon sa dalaga ay dati silang nagtrabaho sa isang bar at ang ate niyang si Sophie ay binili ng isang ginoo, ngunit ang nakakalungkot ay hindi niya nakita ng personal ang ginoo ang balita ay narinig lamang niya mula sa ibang katrabaho. Sa kabilang banda matapos  makatakas at magtago ni Alice, wala na ring balita pa ang dalaga patungkol sa kaibigang si Sophie. Ang huling balita lamang talaga nito ay ang pagkakabili sa isang Don.

"Maraming salamat po. Sobrang laki ng tulong nang pagsasabi ng ilang kaganapan sa buhay ng aking kapatid."

"Walang anuman nawa'y gabayan ka ng diyos sa paghahanap mo ng hustisya."

"Sana nga po."

"Balitaan mo ako ibig ko rin makamit ni Sophie ang hustisya, kilala ko siya bilang matapang hindi ako naniniwalang magagawa niya iyon."

Kung mahahanap lamang niya ang ginoo na bumili sa kanyang kapatid mas mapapalapit siya sa pagtuklas ng katotohanan.

Sino at Saan niya ito mahahanap?

Ipinagbukas siya ng pinto ng ginang muli siyang nagpasalamat sa tulong na naibigay nito. Hindi niya natanaw ang kotse ng binata inisip niya na baka nainip ito at umalis na. Bigla na lamang nagring ang kanyang telepono. Napangiti siya ng makita ang pangalan ng tumatawag.

"Hello Gian."

"Naistorbo ba kita?"

"Huh? Hindi ano ka ba namamasyal lang ako actually pauwi na nga ako"

"I miss you."

Muntik na siyang matisod sa paglalakad ng marinig ang winika ng kausap. Hindi niya iyon inaasahan, hindi agad siya nakasagot. Bukod sa nagulat din siya dahil pagkalabas niya ng main gate ng subdivision ay nakaparada ang sasakyan ng guro. Nakababa ang binatana ng kotse kaya naman kitang-kita niya ang gwapong mukha ng guro mula sa mahaba nitong pilik...sa matangos na ilong...sa mapula nitong la---

Hindi na natapos ng dalaga ang pagtitig sa mukha nito dahil bigla na lamang itong lumingon sa kanyang diriksyon. Sa kanyang gulat ay naibagsak niya ang kanyang cellphone, namatay ito at nagkaroon ng malaking basag sa screen, dahil sa malakas na pagtama nito sa lubak na bahagi ng daan at dahil na rin sa mataas na pagkahulog.

Oh shit! Sa isip-isip ng dalaga ay baka isipin ni Gian na kanya itong pinatayan ng tawag.

"Napaka clumsy, let's go."

Hindi na napansin ng dalaga na lumabas pala ng kotse ang guro at nakalapit na pala ito sa kanya.

"It's your fault, ginulat mo ako."

"Lumingon lang ako nagulat ka na?"

Ngumiti ito ng pilyo, ang masaklap ay imbes na magalit lalo siya sa mukha nitong mapang-asar ay tila natutuwa pa siya na makita ang mukha ng guro.

"Baka naman kasi tinititigan mo ako kaya nataranta ka nang lumingon ako."

"Wow! Lalong lumamig sa Baguio," hindi magkamayaw na wika ni Sofia.

Sabay irap niya at pasukdol na lumakad. Patakbong humabol ang binata at naabutan siya nito. Saktong bubuksan na niya ang pinto ng kotse akmang hahawakan niya, sakto ring hahawakan ng binata ang bahaging iyon ng kotse.

Ang ending sumayad ang kamay ng binata sa itaas na bahagi ng kamay ni Sofia. Agad na pumiglas ang dalaga sa pagkakahawak sa pinto ng kotse.

Ipinagbukas siya ng guro. Agad naman siyang sumakay sa passengers seat.

"Let's eat somewhere nagutom ako sa paghihintay sa'yo."

Sa isip ng dalaga ay gusto niya itong sumbatan. Sino ba kasing nagsabing maghintay ito? Ngunit pasalamat rin naman siya sa kagandahan ng loob nito nang paghahatid at sundo sa kanya.

"Sure, pasensya sa pagsasayang ng oras mo and thank you nga pala sa ride."

"No worries, maalaga talaga ako sa mga estudyante ko."

Bakit parang nadisappoint siya sa narinig? Ewan marahil ay pagod lang kaya hindi na balanse ang hormones na kumokontrol sa kanyang emosyon.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 75 35
Isa lang naman yung gusto ko sa buhay.. Isa lang.... Yung tratuhin ako ng asawa kung mahal na mahal ko. Di ko alam kung kailan yung araw na yun? K...
17.5K 573 19
Mula pa noong sinaunang panahon, pinaniniwalaang nakapagkukulong ng masasamang espiritu ang malalaking salamin. Pero paano kung ang matagal nang naka...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
338 128 15
A book of my Random One-Shot Stories. © All Rights Reserved.