Surrexerunt Academy

נכתב על ידי kcxtreme

604K 15.3K 1.5K

1 Babae 10 Prinsipe Si Liezel ay may normal na buhay, sa pagkasabi niya. Pero mula nang mabunot siya para mak... עוד

Disclaimer
Dedication
Prologue
Lily
Poppy
Cyclamen
Bells of Ireland
Wisteria
Bachelor's Button
Plumeria
Chrysanthemum
Crocus
Periwinkle
Geranium
Gladiolus
Lilac
Acacia
Fuchsia
Snowdrop
Acanthus
Canterbury Bells I
Canterbury Bells II
Coffea
Flax
China Pink
Amaryllis
Rosemary
Bluebell
Bonus: Oak Tree
Agrimony
Carnation
Petunia
Marigold
Narcissus
Sampaguita
Hyacinth
Angelica
Hydrangea
Bonus: Yew Tree
Aster
Begonia
Gazania I
Gazania II
Stock
Bonus: Brazilwood Tree
Delphinium
Cherry Blossom I
Cherry Blossom II
Poll
Cherry Blossom III
Dahlia
Bonus: Olive Tree
Gardenia I
Gardenia II
Apple Blossom
Nasturtium
Heather
Bonus: Sakura Tree
Mistletoe
Poinsettia
Author's Note (Book 2)

Holly

6.8K 242 26
נכתב על ידי kcxtreme


Ang sumunod na linggo ay sembreak namin at nandito ako sa bahay ngayon. Mag-isa lang ako at ang kasama ko lang ay ang aso namin.

"Hindi Hunter, hindi 'to pagkain." sabi ko habang kinakagat niya ang basura. Lumabas ako ng gate at nilagay 'to sa gilid. Napansin ko may pinagkakaguluhan ang mga tao kaya nilapitan ko kapit-bahay namin. "Aling Mers, ano po meron?"

"Ah Liezel, may mga pumaradang kotse dito. Mga mamahalin daw, ayun oh."

Napatingin ako sa limang luxury cars. "San po sila?"

"Kararating lang niyan. Hindi pa sila bumababa- ayan! Malalaman na natin."

Nagsibukasan nga ang mga pinto at biglang sumama pakiramdam ko. Parang slow mo, nagsibabaan ang mga sakay nito, at nang makita ko sila kulang na lang himatayin ako.


ANONG GINAGAWA NILA DITO?!


Nagtanggalan ng mga shades ang prinsipe at nag-ayos-ayos pa. Lalong dumami ang mga usi at kinikilig ang mga babae.

"Ang gagwapo nila! Naiiyak ako!"

"Si Daniel ba 'yun?"

"Ano ka ba! Halatang si Logan Lerman 'yun oh!"

"'Lika Liezel! Baka maka-selfie tayo sa kanila! Sakto at dala ko selfie stick ko." sabi ni Aling Mers habang hawak ang walis-tambo niya.

"Ah, ok lang po. Kayo na lang...pasok na po ko." at dahan-dahan akong bumalik sa gate namin, pero narinig kong magsalita si Malcolm.

"Excuse me po! Matanong lang namin, san po ba nakatira si Liezel Diaz?"

Konti na lang eh. Isang hakbang na lang nasa sanctuary na ko, pero-

"Ay dito! Ayun nga siya oh! Liezel! Liezel ikaw hinahanap ng mga gwapito!"


ANAK NG RUMBA!


"Zelda!" 

Napaharap ako at nakita silang papalapit sa akin.

"Hi ate Zelda! Namiss ka namin ni Liezel bunny!" sabi ni Spencer.

 May mga lumapit na tao, at tinanong ni Aling Mers "Liezel, sino sila?"

"Mga schoolmates ko po."

Nag-react sila. "Kaya pala! Taga-Tsusesurant Academy sila!"

"Mayayaman! Bili kayo sa tindahan namin! May libreng kiss bawat bili!"

"Baka manliligaw sila ni ate Liezel!"

"Grabe naman Zel! Pasampu-sampu tayo ah!"


Magiging tsismis of the year 'to!


"Napabisita po kami kay Liezel." sabi ni Diedrich. 

"Ahh~ Eh nako! Wag na namin kayo paabalahin pa." sabi ni Aling Mers. "Papasukin mo na sila Liezel."

Labag sa kalooban kong sinabi "...Pasok kayo." Pumasok nga sila, at nang pagsara ko ng gate, sabi ko "Anong ginagawa niyo dito?!"

"We just wanted to visit you." sagot ni Vitale. 

"Tsaka sabi nga ni Spencer, namiss ka namin." sabi ni Malcolm.

"Hindi ba tayo nagsasawa-sawa sa mukha ng isa't-isa? At teka, pano niyo nalaman address ko?"

"I have every personal information of the students, even yours, Liezel." sagot ni Katashi.

Bigla akong nakaramdam ng lamig.


Gusto ko silang paalisin!


Napansin ko gumagala na sila sa garden at nilapitan ako ni Spencer. "Ang ganda ng bahay mo ate Zelda! Iba kasi naiisip ko."

"Ano 'yun?"

"Yung bahay kubo."


Sumakit ulo ko. 


"Uhaw pala kami ni Liezel bunny." sabi niya.

"Ah sige. Pasok na tayo." Pumasok kami ng bahay at sumalubong si Hunter sa amin. Inamoy-amoy niya mga 'to. "Hindi Hunter, hindi sila pagkain." 

Tsaka baka malason ka lang.

"That's a nice dog you have there." sabi ni Jae-Eun. "Can I?"

"Sige lang."

Hinimas niya 'to at mukhang nagustuhan siya ni Hunter. 

Natawa si Jae-Sun. "Mahilig si hyung sa aso."

Pinaupo ko sila sa living room at kumuha ng inumin. Pagbalik ko gumagala na naman sila, si Henrique tinitingnan family picture namin.

"May kapatid ka pala?" sabi niya.

"Oo. Nasa New Zealand siya."

"Ano ginagawa 'dun?"

"Gumagatas ng baka-este nagtatrabaho sa isang TV station." Ngayon ko lang napansin tinitingnan nila Vitale photo album ko. "Wag niyong galawin 'yan!" 

"May curves ka pala, my Liezel." wika ni Vitale. "You look nice in a swimsuit." 

"Akin na 'yan!" 

"Tingnan niyo 'to oh! Baby pics ni Zelda!" wika ni Malcolm. 

Biglang naalala ko may nakahubad akong baby picture 'dun. "Wag niyong tingnan 'yan!" Hinabol ko si Malcolm pero nagpasa-pasahan sila. Napunta kay Alejandro yung album at hahampasin ko na ng unan nang biglang narinig ko pagbukas ng pinto.

"Liezel, may pasalubong kami- Hay!"

Napatunganga parents ko sa nakita nila. Sabagay, sinong magulang hindi magugulat na makikita ang unica hija nila kasama ang sampung lalaki, na malapit na rin hampasin yung isa sa kanila.

___________________________________________________


"Anak, nang sinabi ko ok lang magdala ng lalaki sa bahay, hindi ko inexpect na isang van ang ihahakot mo."

"Pa naman."

Kung kanina ang gulo ng living room, ngayon parang may misa na nagaganap. Tahimik na nakaupo ang mga prinsipe habang isa-isa silang pinagmamasdan ng tatay ko sa upuan niya. Akala ko nga wala silang kinatatakutan, pero tingnan mo sila ngayon. Kulang na lang may baril si papa.

"Nililigawan niyo ba anak ko?"

"Pa! Hindi!"

"Ahh...type niyo ba siya?"

"Pa!"

Mahinang sagot ni Jae-Sun "Na-napadalaw l-lang po k-kami."

"Bakit, may patay ba?"

"Ikaw talaga sweetheart." Dumating si mama na may dalang merienda. "Pagpasensyahan niyo na asawa ko, nakakatakot siya sa una pero mabait 'yan. O eto kain muna kayo. Yung cupcake gawa ni Liezel kaya masarap 'yan." Isa-isa niya 'tong inabutan. "Hay ang gagwapo niyo talaga! Matanong ko lang, may Diedrich ba sa inyo?"

Tumayo siya. "Ako po 'yun, Mrs. Diaz."

"Ay! Ang gwapo mo! Liezel bakit hindi mo sinabi ang gwapo ng boyfriend mo!"

"Hindi ko po siya boyfriend!"

"Payakap nga!" Niyakap nga ni mama 'to. "Gwapo na sa personal, ang bango pa!"  

Natawa si Diedrich. "Thank you po. Now I know kung saan nanggaling ganda po ni Liezel."

"Ikaw naman! Kinikilig ako sa'yo~"


Sobrang kahihiyan na 'to! Ayaw ko na!


"Kilala mo pala siya?" tanong ni papa.

"Ay oo. Siya yung nakwento ko sa'yo minsan." napalingon siya kay Diedrich. "Kelan kasal niyo?"

"Ma naman!" 

"Ikaw naman, of course bago 'yun may engagement party muna. Ay teka, kailangan ko lang umakyat sandali. Kain lang kayo." 

Pag-kaalis niya bumalik sa kanila ang judging eyes ni papa. "Nasan na ba tayo...ah, ano pala mga pangalan niyo?"

Nagpakilala sila at ngayon ko lang napansin kulang ng isa.


Teka, nasan si-


"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! SWEETHEART MAY PATAY SA KWARTO NATIN!"


Constantine!

__________________________________________________


"Constantine po."

Umupo na 'to at kumain ng cupcake na parang walang nangyari.

"I apologize for our friend over here. He sleeps anywhere he wants." sabi ni Katashi.

"Hay ok lang. Nagulat lang talaga ako." sagot ni mama, at napatingin siya kay Alejandro. "Matanong ko lang, ikaw ba yung bumunot nung lottery?"

Tumango siya. "Ako nga po. Ako ang president ng student council."

"Ahh pamilyar kasi mukha mo. Ikaw pala 'yun~ Kung hindi dahil sa'yo hindi makakapag-aral anak ko sa school niyo." Tumingin siya sa akin. "Nagpasalamat ka na ba sa kanya Liezel?"


Bakit naman ako magpapasalamat dyan?!


"Pano niyo pala nakilala anak namin?" tanong ni papa. "Hindi kasi siya pala kwento."

Naalala ko yung first meeting namin, two words:


Abs guys.


"Nung first week po niya sa academy 'dun na kami nagkakilala." sagot ni Vitale. "She handed us some papers at the Student Council and that's how we met her."

Nakahinga ako ng malalim.

"Nakilala ko naman po si ate Zelda sa puno." sabi ni Spencer.

"Sa puno?" tanong ni papa.

"Naglalaro po kasi siya 'dun kaya nagkita kami." sabi ko. 

"Mabait po si ate Zelda! Siya nga po nagbigay sa akin si Liezel bunny." Tinaas niya ang manika.

"Ang cute mo talaga Spencer~ Sana anak na lang kita~" sabi ni mama.

"Pero pag naging anak niyo po ko hindi ko na mapapakasalan si ate Zelda."

"Pero magiging ate mo na siya."

Kuminang mga mata nito. "Ampunin niyo na po ko!"

Ginulo ni Henrique buhok niya. "Ikaw talagang bata ka, uunahan mo pa ko." 

Isa-isa silang tinanong ni papa, na parang nasa Ms. Universe kami, at nang mukhang satisfied na siya, sabi niya "Pano ba 'to anak. Mukhang matitino naman sila. Eh sino ba gusto mo sa kanila?"

"A-Ano po?"

"Hindi naman pwede lahat sila. Kailangan isa lang piliin mo."

"Pa naman, ano ba sinasabii niyong pumili eh wala naman po kong pinagpipilian dyan."

"Ibig sabihin ba may second batch pang pupunta dito?"

"Hi-hindi! Mga kaibigan ko lang po sila. Diba?" tiningnan ko sila, pero ni isa sumagot.


Pinapahirapan ako ng mga 'to!


"Harapan ba tayong nafriend-zone ni ate Zelda?" wika ni Spencer.

Pumasok si Hunter sa living room at dumiretso kay Jae-Eun. Mukhang naging mag-best friends na 'tong dalawa.

Ngumiti si mama. "Mukhang si Hunter may napili na."


Bakit niyo pinapapili yung aso?!


"Basta, kung sino man sa inyo piliin ng anak ko, ang masasabi ko lang maswerte kayo. Mabait siya, matulungin sa kapwa, masipag sa gawaing bahay, at masasarap mga luto niya! Marunong din siyang kumanta! O, ano pa say niyo, all-in-one siya!"


Binebenta ba ko ng sarili kong nanay?!


"Mga bata pa naman kayo. Wag kayong magmadali. Lalo ka na anak, marami ka pang time para pumili." Tumingin si papa sa kanila. "Ang hiling ko lang sa inyo alagaan niyo anak ko. Siya lang ang unica hija namin."

"Hayaan niyo po! Wala pong mangyayari o magpapaiyak sa anak niyo hanggang nandito po kami." sabi ni Malcolm.

"Good luck na lang Liezel, at approve sila lahat sa akin."


100% Tatak Ni Itay!


At least naging smooth ang usapan nila. Akala ko talaga papatayin ako ng magulang ko!


Sabi ni mama "Wag muna kayong umalis ha! Nagluluto ako ng espesyal at kailangan niyong matikman 'yun~ Kwento ko muna sa inyo yung time na bata pa si Liezel, tumakbo siya dyan sa kalye na nakahubad habang sumisigaw "Ibalik ang Teletubbies!"

"Ma!"

______________________________________________________


Nang kakain na, nagbago ang mundo ng mga prinsipe.

"Gagamitin po kamay namin?"

"Masaya siya, Alex." sabi ni mama. "Lalo na seafoods pa hinanda ko. Masarap isawsaw 'yan sa toyo't suka."

"Kaming Pinoy mahihilig sa sawsawan kaya pagligpit ng mga plato may mga nagsitapon nito. Kaya mas ideal sa amin ang magkamay." sabi ni papa.

"Yes! Makakapagkamay na ko!" wika ni Malcolm. "Matagal ko ng gustong magganito!"

Natawa si mama. "Eh ano pa hinhintay niyo, kainan na!"

Nagsimula kaming kumain at halatang naninibago sila. 

"Ate Zelda, tama ba ginagawa ko?" Sinusubo ni Spencer kamay niya. 

"Hindi, ganito." Tinuro ko ang tamang paraan at nanood na rin 'yung iba. "Yan, ganyan." 

Tumayo si mama. "Sandali lang, groufie tayo para sa friendster~"

"Ma, wala ng nagpe-friendster po ngayon." sabi ko.

"Meron kaya. Mga friends ko kagaya ni Aling Mers."


Mga pinag-iwanan na ng panahon.


"Ok, ready! 1, 2, 3, Keso!"

"KESO!"

Bumalik si mama sa tabi ko. "Ayan ang ganda! Gusto rin kasi makita ng kuya mo mga boylet mo."


Hindi ko sila boylet!


"Diedrich, mukhang hilig mo ang hipon." sabi ni papa.

Kanina pa kasi 'to nagbabalat at puno na platito niya. "Ah hindi po. Pinababalatan 'to ni Malcolm."

"Ok na 'yan, bespren! Salamat~"

Nakita ko naman si Henrique umaapaw plato niya sa sarsa. "Dahan-dahan lang sa Mang Tomas, Henrique."

"Ito ba tawag mo dito? Ansarap ah. Kahit saging masarap isawsaw."

"Liezel, ano 'to?" tanong ni Jae-Sun.

"Dinuguan 'yan."

"Bakit itim?"

"Gawa kasi sa dugo."

"D-dugo?! As in blood?!" namutla 'to.

"Don't worry dongsae, it's made from the blood of a pig." sabi ni Jae-Eun.

Lalo lang 'to namutla at mukhang hihimatayin na.

In fairness, masaya ang kainan nung gabi na 'yun, yung nga lang halos mga kwento ni mama tungkol sa akin at mga kahihiyan na nagawa ko kaya buong life story ko alam na nila.

Pagkatapos kumain, sabi ni Katashi "Thank you for the food Mrs. Diaz. It's delicious." 

"Hay wala 'yan. Kung alam ko lang pupunta kayo mas marami pa niluto ko at magpapa-lechon pa ko. Buti naman at nagustuhan niyo luto ko, pero mukhang hindi nag-enjoy si Constantine." 

Nakasubsob mukha nito sa lamesa.

"Nabusog din po 'yan." sabi ni Vitale. "He's just sleeping it off."

______________________________________________________


"You have really nice parents, Liezel."

Gabi na ng matapos kami at papaalis na ang mga prinsipe.

Napangiti ako kay Diedrich. "Nakakaloka ba si mama?"

Umiling siya at napangiti rin "Not at all."

Paglabas namin ng gate, nandun pa rin ang mga usi. Buong barangay ata nandun na at naghiyawan sila ng makita ang mga prinsipe. Nakipag-selfie-selfie pa sila at autograph.

"Salamat po sa pagtanggap niyo sa amin." wika ni Jae-Eun.

"Wala 'yun. Basta, welcome na welcome kayo dito." sabi ni mama.

May mga binigay sa amin ang prinsipe at pasalubong daw 'to. "We almost forgot to give these." sabi ni Katashi. "We hope you'll like them."

"Nag-abala pa kayo! Thank you~ Pasensya na at wala kaming mabigay sa inyo."

"Ok na po 'tong cookies niyo!" sabi ni Spencer, dala-dala ang isang balot nito.

"Kung gusto mo pa, wag kang mahiya magpagawa sa ate Liezel mo."

"Mauna na po kami." sabi ni Alejandro. Nagpaalam na sila bago sumakay ng mga kotse at umalis na, hinahabol ng mga usi. Medyo lumungkot nga si Hunter ng umalis si Jae-Eun.

Pagpasok namin, sabi ni mama "Kung ako tatanungin mo gusto ko si Diedrich. Ang cute ng dimples niya~" Nauna na siya sa loob. "Magiging cute mga apo ko~"

Natawa si papa. "Hayaan mo na 'yung mama mo. Pero kung ako papipiliin, gusto ko 'yung Vitale."

"Bakit naman po?"

"Pag tinitingnan ko kasi, naalala ko sarili ko nung high school."

"Playboy po kayo dati?"

Umiling siya. "Kagaya niya, hindi ako mapakali sa buhok ko."

המשך קריאה

You'll Also Like

6.1K 410 27
Magnolia... Such a beautiful white flower. What would happen if this white, calm, and pretty flower would go for a disaster? Maybe this white flower...
30.9K 1.2K 36
What if you fall for someone with the same sexual preference as you? Will opposite sides attract or repulse?
655 297 58
Echo Monterrey, a simple guy with a simple life. He has a best friend named Twilight, and he secretly likes her, but sadly, Twilight already has a bo...
2.9K 1.1K 27
❝ Hanggat kaya kitang pasayahin. Iyon ang mas importante Valora. Mahal kita ng sobra. ❞ - Marion Forge. Nagkaroon ng issue tungkol sa bandang pinapa...