Sweet Scheming Playgirl (TOG...

By FGirlWriter

3.7M 87.9K 8K

Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen (Part 1)
Chapter Fifteen (Part 2)
Finale Chapter
Epilogue

Chapter Two

186K 4.9K 337
By FGirlWriter

CHAPTER TWO

"MAMAYANG gabi na lang po ako uuwi ng Manila, Ma, Pa," aniya sa mga magulang habang sabay-sabay silang kumakain ng agahan.

"O, sige, hija. Basta ipapahatid kita sa mga bodyguards mo."

Nginitian niya ang ama. "No problem, Papa." Sinubo niya ang huling subo ng kanyang vegetable salad. "By the way, I enjoyed last night's party. It was a blast!"

"Nako, hija. Halatang-halata naman na nag-enjoy ka kagabi," mapanuksong wika ng ina habang nakatingin sa kanya. "Aba at ikaw lang ang nakasayaw ng bagong vice-mayor."

Napangiti siya at bahagyang kinagat ang ibabang labi. Kahit pa nang matapos ang sayaw ay nagpatuloy sa pagsusuplado sa kanya si Gideon, mas naging curious at interested siya sa lalaki. Hanggang sa pagtulog niya nga ay hindi ito mawala sa isipan niya. Obviously, sa mga huling sinabi nito sa kanya, Gideon was broken-hearted.

Iyon kaya ang rason kaya madamot na sa ngiti ang bago at charming na bise-alkalde ng Amora?

"May gusto ka ba sa kanya, Haley?" pasimpleng tanong ng ama sa kanya.

Napangiti siya. "Yes, Papa. Sino naman po kasing hindi magkakagusto sa kanya, right? Halos nasa kanya na ang lahat. Kaso..." bahagya niyang hinaluan ng kalungkutan ang boses. "sabi niya sa'kin ay broken-hearted daw siya."

Nagkatinginan ang mga magulang niya.

"Bakit siya broken-hearted? I mean, iyong mga kagaya niya, nasasawi sa pag-ibig?" Hindi talaga siya makapaniwala nang sabihin iyon ng binata. Bigla siyang parang natakot at napaurong sa mga plano niya sana. Parang ayaw na lang niya na akit-akitin ang lalaki at pagkatapos ay iiwanan sa ere kapag hinahabol-habol na siya... tila gusto niyang pawiin ang pagiging broken-hearted nito...

Oh! She might be crazy to think that she can heal his broken heart. Pero, isa lang naman ang sigurado niya-ang makuha ang buong atensyon ng isang Gideon Napoleon.

Naisip niya nga na baka sa binata pa siya magseryoso kung gusto niya talaga makuha ang atensyon nito. He's different from all the guys she used to hang out or go on a date with. Alam niyang sa agwat pa lang ng edad nila ay hindi niya ito basta-basta makukuha.

Haley loves all the attention and adoration she got from her countless suitors. She may be a temptress or a tease or "paasa" because she never really wanted a relationship with the kind of guy that would easily fall for her charms. Dahil alam naman niya kung ano ang totoong habol sa kanya ng mga iyon. Hinahayaan niya lang na habul-habulin siya. Kapag sa tingin ng mga ito na bibigay na siya, saka niya iiwan ang mga ito sa ere. The thrill was only on the chasing part. Kapag wala nang habulan, wala nang thrill.

Pero kay Gideon... alam niyang iba. He's not just a guy. Why, he's every inch a man!

"Sa tingin ko ay sariwa pa rin para kay Gideon ang nangyari sa kanya noong isang taon. Isang linggo na lang at ikakasal na siya pero umurong pa ang mapapangasawa niy-"

"Luzon," awat ng Papa niya sa kanyang ina.

Natakpan ng Mama niya ang bibig nito. "Pasensya na. Ako rin naman kasi ay nalulungkot para kay Gideon. Napakabuting tao tapos tatalikuran lang ng ganoon?"

Napakunot-noo si Haley. "Bakit naman siya iniwan ng mapapangasawa niya dapat?" nagtatakang tanong niya.

"Modelo ang nobya ni Gideon, hija. Base on what I heard, may modeling offer daw sa ibang bansa. Hayun, tinanggap ang trabaho at piniling umurong sa kasal. Okay lang sana kung i-delay muna ang kasalan, kaso pinili ng babae na tuluyan na daw talagang makipaghiwalay," kuwento pa ng ina.

Biglang nakaramdam ng lungkot si Haley para kay Gideon. She could imagine how painful it was for Gideon. Mas pinili ng kung sino mang babae na iyon ang career kaysa sa buhay kasama ang lalaki. That's a real stupid girl!

Well, her loss is my gain. "Isang taon na rin iyon, ano, Mama? Kung apektado pa rin si Gideon, ibig sabihin, love niya talaga 'yung girl?"

"Ang pagkakaalam ko ay limang taon ang relasyon nila," Papa niya ang sumagot. "Nakikita ko ang babae noong tumatakbo pa lang na councilor si Gideon noon. Todo suporta at mabait naman talaga. I can see how they really loved each other."

"Taga-Amora din ba 'yung girl?"

"Ang mga kamag-anak lang. Lumaki ang babae sa Manila."

Tumangu-tango lang siya at pagkuwa'y nagpaalam sa mga magulang.

"Saan ka naman pupunta, Haley?" tanong ng ama.

"Gonna play with a broken-hearted man," pilyang tugon niya at saka lumabas ng mansyon.

***

DAHIL KAPAPANALO pa lamang ay hindi pa opisyal na nakaupo ang mga nanalong kandidato sa mga puwesto nito. Kaya naman pagdating ni Haley sa munisipyo ng Amora ay hinanap niya agad kung saan ang opisina ni Gideon Napoleon na kasalukuyang councilor pa rin hanggang sa susunod na buwan, bago ito umupo bilang bagong bise-alkalde ng probinsiya.

Pagkarating ni Haley sa tapat ng opisina ni Gideon ay hinanda niya na ang pinakamatamis niyang ngiti at lumapit sa sekretarya nito.

"Hi, good morning!" masiglang bati niya sa isang matandang babae na sekretarya marahil.

"Magandang umaga rin po sa inyo," bati nito at ginantihan ang kanyang mga ngiti. "Ano pong maipaglilingkod namin?"

"Gusto ko sanang malaman kung nandyan po ba si Councilor Napoleon?" tanong niya agad rito.

Tumango ang ginang. "Nasa loob na po si konsehal. Meron po ba kayong scheduled meeting sa kanya?"

Nakagat niya ang ibabang labi at napailing-iling. "Kailangan ba iyon, Ma'am?" kunwa'y di niya alam na tanong. "Sabi kasi ni Papa ay puwede daw akong dumiretso agad rito kung gusto kong makausap si Gideon."

"Nako, Miss, kailangan po talaga ang schedule. Sino po ba ang ama ninyo?"

"Si Mayor Gonzaga po."

Nanlaki ang mga mata ng ginang at napatayo. "Kayo po pala ang anak ng bagong gobernador! Pasensya na po, Miss Gonzaga, hindi ko po al-"

"No, no, it's okay. Alam ko naman po na sumusunod lang po kayo sa proper procedures. So... puwede po ba akong magpa-schedule?"

"Ay, Miss Gonzaga, huwag na po kayong magpa-schedule. Puwede niyo na pong makausap si konsehal. Sandali po at ipapaalam ko na nandito kayo," natatarantang sabi nito at saka may pinindot sa telepono nito.

Lihim naman na napapangiti si Haley. Alam niyang agad siyang i-e-entertain sa munisipyo kapag nalaman na siya ang kaisa-isang anak ng kasalukuyang alkalde at magiging gobernador ng Amora sa susunod na buwan.

"Miss Gonzaga, puwede na po kayong tumuloy."

Nagpasalamat siya sa ginang at saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ni Gideon. Naabutan niya itong nakaupo ng kampante sa swivel chair nito sa likod ng isang mahogany desk. Magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay nito habang nakatutok sa kanya ang maiitim nitong mga mata. Wala ring kahit anong ngiti na makikita sa senswal nitong mga labi.

"Good morning," magiliw na bati niya pa rin rito pagkasara niya ng pinto. Pasimpleng ni-lock niya rin iyon bago ito nilapitan.

"What do you want now, Haley?" diretsang tanong nito.

"Grumpy in the morning?" nakalabing wika niya habang lumalapit rito. Imbes na huminto siya sa harap ng lamesa nito ay nagpatuloy siya hanggang sa kinauupuan nito. Ipinatong niya ang dalang bag sa ibabaw ng lamesa nito at doon rin siya mismong umupo.

Napailing ito sa ginawa niya. "Anong sadya mo rito?"

Ikiniling niya ang ulo. "I just want to apologize for last night. Naisip kong baka napikon ka sa mga naughty acts ko."

"You can't seduce me, Haley."

"I know, I know. I must admit, iyon talaga ang plano ko..." mahina niyang sabi na naririnig naman nito. "Pero, alam ko naman na iba ka sa lahat ng lalaki na gustong makuha ang atensyon ko at handang magpalaro sa mga kamay ko."

Namamanghang tinignan siya nito. "At talagang inaamin mo at mukhang pinagmamalaki mo pa ang ginagawa mo!"

She pouted her lips. "Hindi sa ganoon. But my point is, I'm really sorry. Nalaman ko na kung anong nangyari sa'yo last year..."

Hindi ito sumagot bagkus ay hinintay ang mga susunod niyang sasabihin. Wala rin siyang mabasang kahit anong reaksyon sa mukha nito.

"And you're right. I shouldn't play with a broken-hearted man like you." So, let's just play another game. "Will you forgive me?"

"If you'll sit properly on a chair, I will."

Ginawa nga niya na umupo ng maayos sa upuan sa harap ng desk nito. "So?"

"You're forgiven."

She sweetly smiled. "Thank you, Gideon. Ahm...can I ask a favor?"

"Ano naman iyon?"

"Let's have lunch. My treat!" excited na aya niya rito. "Pagbigyan mo sana ako. Uuwi na kasi agad ako ng Manila tonight." Bahagya niyang niyuko ang ulo at umarteng nahihiya. "Alam mo naman kasi na gusto talaga kita. Katulad ng sinabi ko kagabi. That's true and gusto ko lang sana talaga na makasama ka sa lunch."

Wala siyang narinig na kahit ano kay Gideon kaya nag-angat siya ng tingin rito. She silently gasped when she saw him quickly smile! Tila siya nabato sa kinauupuan.

"It's my first time to get invited by a woman for lunch. How can I say no?"

"You cannot say 'no'. The woman is also the new governor's daughter and she can really be persistent until you can't resist her."

"Mukhang hindi ka sanay na tinatanggihan."

"Dahil hindi ako pumapayag na tanggihan ako. Sa tingin ko nga, I should have a reward for never giving up sa mga bagay na gustung-gusto kong makuha."

"Makulit ka lang talaga na bata." Umangat pa ang gilid ng labi nito at naramdaman na naman ni Haley ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Bigla siyang dinalaw ng takot para sa sarili dahil sa bagong laro na inuumpisahan niya.

***

"BAKIT KA pala napasok sa politika?"

Mula sa pagkain at nag-angat sa kanya ng tingin si Gideon. "Ang lolo ko sa father's side ay isang frustrated politician. Highschool ako nang mamatay siya. Naghihingalo na siya noon at sa'kin niya hiniling na sana subukan ko daw na pumasok sa politika at makatulong sa maraming tao. I took up Political Science in my college. Nag-masteral din ako. Then, here I am. Dito sa Amora pinanganak at inilibing ang lolo ko, kaya dito 'ko pinilingang manungkulan."

"So, parang napilitan ka lang because of your grandfather's wish on his deathbed?"

Umiling ito. "I love serving the people. Sa tingin ko ay nakita na iyon ng lolo ko sa'kin noon pa kaya sa lahat ng apo niya ay ako ang hinilingan niya ng ganoon."

Napangiti si Haley. Sa buong oras na kasama niya si Gideon ay napatunayan niyang hindi naman pala talaga ito masungit o suplado. Maganda ang pag-uusap nila. At kahit hindi ngumingiti, sa pakikipag-usap pa lang ni Gideon ay alam na niyang matalino ang lalaki.

"How about you? You finished what course?" tanong naman nito sa kanya.

"Fine Arts. I specialized most in studio arts."

"Painting, huh?"

Tumango siya. "Bata pa lang ako mahilig na 'kong magpinta. I like to mix or blend colors. I love drawing horizons, landscapes, breathtaking views, and so much more..." tuluy-tuloy ni Haley sa pagkukuwento.

Dati kapag may ka-date siya ay hindi niya nakukuwento ang tungkol sa mga sinasabi niya ngayon. Halata naman kasing hindi interesado sa ganoong bagay ang mga nakaka-date niya. But with Gideon, matamang nakikinig ito sa kanya at parang interesado talaga itong malaman ang mga sasabihin niya pa. Hindi talaga kaila kung bakit gusto ito ng mga tao sa Amora.

"Nagpa-plano sila Papa na sponsor-an ang una kong exhibit. Pero sa tingin ko ay matagal pa iyon," aniya pa. "Nahihirapan kasi akong maghanap ng modelo para sa gagawin kong pinakahuling painting na magiging sentro ng exhibit ko."

"Ano bang gusto mong ipinta?"

"Nude painting sana. But, like what I've said, wala nga akong mahanap na perfect model." Pilyang sinuri niya ito kunwari. "Gusto mo, ikaw na lang?"

Bigla itong naubo na ikinatawa niya.

"I'll pass," anito at saka uminom ng tubig.

Napangiti lang siya at tinitigan ito. "Gideon..."

"Yes?"

Nilaro-laro niya ang tinidor. "Ahm... puwede ka ba next next week?"

Ikiniling nito ang ulo. "Bakit?" he curiously asked.

"Gusto sana kitang makasama sa party ng kaibigan ko sa Manila... Wala kasi akong magiging escort..." Totoong may party ang isa sa mga socialite friend niya sa susunod na dalawang linggo. Hindi siya sanay na walang nakakasamang date sa mga party na pinupuntahan. Puwede naman siyang makahanap pa ng ibang lalaki na makakasama... pero gusto niya si Gideon lang at hindi niya rin alam kung bakit. Basta mula ng magsimula silang magtanghalian, she wanted to be with him forever.

"Bakit ako pa?"

Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata. "Please, Gideon? After that, hindi na talaga kita kukulitin."

"Marami akong trabaho," tanggi pa rin nito.

"Please?" nagsusumamo ang tinig pati ang mga mata ni Haley. Kailangan niyang mapapayag ito. Kasama iyon sa mga laro niya. She really wanted Gideon that bad.

Matagal bago ito nakasagot. Ngunit maya-maya pa'y sumusukong tumango ito. Parang pumalakpak ang puso niya- if there's such a thing, sa pagpayag nito.

"Great! Let's keep in touch!" Inabot niya ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa ngunit marahang binawi nito iyon.

Napailing-iling na lang siya at saka nangalumbaba. "You know, Gideon, I think I really want to have you."

Seryosong tinignan lang siya nito. "I don't date little brats."

She pouted her lips. "Oh, Gideon," she sighed. But a playful smile curved in her lips at nagsalubong naman ang mga kilay nito.

You'll forget about being broken hearted, pagkatapos ng larong 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
3.2M 88.1K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
2.3M 76.9K 28
A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️ 2018 (Published 2019 by PHR)
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...