THiS GiRL (Book 1, This Girl...

By JanelleVhie98

25.7K 3.2K 4K

Meet Jaeger Araneta isang bad boy and asshole extraordinaire. Jaeger has it all-looks, heir to a wealthy and... More

Prologue
The Adventure Begins
Hindi Interesado
Pabibo
Under
What A Day
Join The Club
Libre lait
Palag
Huwag kang makulit!
Selos Ka?
Show Time
Iyak
Bad Boy
Patay Gutom
Sapak
Pakiusap
Fuck Boy Alert 101
As You Said
Disguise
Gago Is Real
Muntikan Na
Together Again
Wala Sa Ayos
Bagsak Sa Standard
Buraot
Bawal Ka Dito
Duda
Nag-uumapaw
Wag Mo Hamunin
Partner In Crime
Bakit?
Pride
Pabor
Dinner Date
Fake News
Judgemental
Busted
Just Stop
Kapal Mo
Palayain
Birthday Bash
Attention Sucker
Tikiman Time
Kaba
Naked Truth
Share
This Girl
First Dance
Gaya Gaya Ka
Sweet Thought
Damn You
Hatid Sundo
Jealousy Or Envy?
How Dare You
Truce Na This?
Give or Take
Ano Daw?
Duwag
Pagkalito
So Many Layers
Unexpected Details
Uncertainty
Selfless
Curiousity
Self-Control
Confused
Complicated
Affected Much
Information
Rough Confrontation
Conflict
Intension
Clueless
To The Rescue
Instinct
Declaration
Sumbat
Hurt
Master Of Trickery
He's Smitten
This Boy Confessed
Shady Situation
Secret Revealed
More Revelation
Face Your Fears
Real Feelings
Dangerous Mind
Seeing Red
Scattered Truth
Beggining Of The End

Huwag Ka Nang Umiyak

271 46 18
By JanelleVhie98


JAEGER'S POV

PARA bag lang naglulupasay na siya sa kakaiyak habang yakap yakap niya yun. Akala ko ba matapang ang babaeng 'to? Tapos ngayon iiyak iyak siya?

Ang OA naman talaga!

Medyo nakonsensya at naawa din ako ng slight sa naging itsura niya ngayon. Humahagulgol kasi talaga siya ng iyak.

"Para bag lang iniiyakan mo ng ganyan?" nang iinsulto kong tanong, hindi siya sumagot. Nakayuko lang siya at tuloy pa din sa pag iyak. "Akala ko ba matapang ka, bakit iyakin ka?"

"Alam mo ba kung gaano kahalaga sa'kin ang bag na ito?" Sabay wagayway nung bag niya, still not looking up. "Mas mahalaga pa ito sa buhay mo. Wala kang alam." Dun lang din siya nag angat ng tingin.

I looked away, nung makita ko ang naging itsura niya. Hindi ko siya matignan. Gusto ko na sana umalis. I must admit na hindi ko gusto ang ganitong scenery. Alam ko na bad boy ako pero ayaw ko ng may umiiyak na babae, pero nakakainis naman kasi ang babaeng 'to at ayaw ko sa kanya. I fucking hated her down to my core. To be brutally honest I hated her guts.

"Eh di bumili ka ng bago, gusto mo ako pa magbayad. Napaka OA mo." She ignored me completely kaya mas lalo akong nabadtrip sa ginawa niya.

"What's happening in here?"

I flicked my eyes in the direction of the voice to see Reid, storming in the locker hall like a fucking super hero.

"Ayan dumating na yung night and shining armor mo, to the rescue," I said sarcastically, clapping my hand slowly.

Sakto ang dating ng tatlo galing sa Gym. Hindi na kasi ako sumama pa sa kanila dahil alam kung sasabihin naman sa'kin ni Wynston kung bakit kami ipinatawag. Isa pa, nagdududa na din ako kina Reid at Pangit.

"What did you do to her?" Reid asked, his jaw clenching repeatedly.

Nilapitan naman ni Brannie si Pangit upang tulungan iyon na makatayo sa kinasasadlakan nito.

I cocked my head to the side. "Nothing. Nalaman ko lang naman ang pagsisinungaling ninyo sa'kin."

Bumuntong hininga siya at napailing. "Napakaliit na bagay Jaeger."

Alam niya na agad ang tinutukoy ko.

"You fucking lied to me because of her!" I snapped, gesturing Pangit. "I can't believe you Reid!" I exclaimed in dismay while glaring at him.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata na para bang nababawan sa sinabi ko. "Napakawalang kwentang bagay Jaeger, pinalaki mo?"

"Para sa'yo oo maliit na bagay, pero para sa kin hindi!" sigaw ko. "How could you Reid?" Napuyuko siya at hindi nakasagot sa naging tanong ko, kaya ibinaling ko kay Pangit ang aking tingin. "Oy, Pangit huwag ka nang umiyak. Gusto mo ako na magbayad? Siguro kaya ka umiiyak ng ganyan kasi wala ka nang pambili ng bago, noh? Sige sagot ko na ang pambili, nakakaawa ka naman kasi."

Nag angat naman siya ng tingin at puro luha pa rin ang mga mata niya. Medyo nakaramdam na naman ako ng slight na guilt dahil dun. Pero agad niya pinahid yung mga luha gamit ang likod ng kanyang palad.

"Kahit ilang libo o ilang milyon pa ang kaya mong bilhin." Napalunok siya. "Hindi nun matutumbasan ang halaga ng bag na ito at pati na ang halaga ng taong nagbigay nito sa'kin, gunggong ka. Puro ka pera, sa pera lang umiikot yang buhay mo palibhasa kulang ka sa tunay na aruga." Nagulat ako bigla sa mga pang iinsultong sinabi niya. Kung pagsalitaan niya ako para bang kilalang kilala niya ang buo kung pagkatao ko. Matapos niya sabihin yun ay nagmamadali siya na tinalikuran kaming apat.

"Hey, wait," pigil ni Reid sa braso ni Pangit pero inilingan lang siya nito. He finally took the hint and let go of her. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang labis na panlulumo sa mukha ni Reid na tinanguan at hinayaan na makaalis si Pangit.

"Ano ba kasing pinagagagawa mo? Have you gone crazy?!" Brannie asked angrily, throwing murderous look at me.

"Do I look like I fucking care about your opinion?!" I yelled back, challenging them all.

Namulsa ako sa pants at agad na nilagpasan ang nakatayong si Reid habang nakatanaw pa din sa papalayong si Pangit. Sinadya ko din na bungguin siya sa balikat niya. Pero hindi siya umalma. Hindi ko na din hinintay na may makapagsalita na kung sinuman sa kanilang tatlo baka hindi ako makapagpigil sa sarili ko at masuntok ko sila isa isa.

"Par, wait," dinig kong sabi ni Wynston pero nagtuloy lang ako sa paghakbang sa gawi ng elevetor na para bang wala akong narinig. Sumigaw pa siya ulit. "Par, I said wait!"

"Fucking, what?!" asik ko sa kanya pero hindi ako huminto sa paglakad. Nahabol niya naman ako at agad na inakbayan sa balikat ko. "Hands off, Wynston," I complained and he complied immediately.

"Par, nagtext si Maia sa'kin kanina at pati na kay Brannie, may problema ba kayong dalawa?" usisa niya.

Kaya pala ganun ang mga tanungan ni Brannie, nagdududa na pala sila sa status namin ni Maia.

Natigil ako sa paghakbang at nilinga siya. "A-Ano daw?" gulat at nauutal na tanong ko.

Sa kanila nagtetext siya tapos sa'kin puro ignore yung mga text messages ko.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ko sa naisip kong yun. Hindi ko maikubli ang selos ko kahit pa mga kaibigan ko sila Wynston.

"She asked me for some advice about you." Sabay silip sa mukha ko.

Bakit pa siya nanghihingi ng advice?
Siya naman 'tong nakipag cool off sa'kin.
Mga babae talaga ang hirap intindihin.

"Don't tell Maia about this shit, Wynston," I warned. Tumango naman siya bilang pagsang ayon.
Wala sa loob na naihilamos ko na lang sa mukha yung mga palad ko sa sobrang badtrip at tsaka nagtuloy sa nahintong paglalakad.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

ZEYN'S POV

GUSTO kong bugbugin si Totoy Bibo dahil sa ginawa niya sa bag ko. Pero hindi pwede, kailangan kong pigilan ang galit ko. Kaya dumeretso na lang ako sa room ko, bitbit yung bag na ginunting niya. Agad akong sumalampak ng upo sa upuan ko.

"Hala anong nangyari dyan sa bag mo?
Ayos pa yan kahapon ah?" takang tanong agad ni Rishy. Nakaakyat na pala sila galing sa cafeteria.

"Ginupit nung halimaw," mahinang sagot ko, nagulat naman siya.

"Hala, bakit namumugto yang mga mata mo?" aniya, bakas sa mga mata niya ang pagtataka. Siya lang din ang tanging nangungulit sa'kin. Busy din kasi sina Summer at Tessa sa pag uusap.

"Wala, may nangyari lang sa baba," pagpapalusot ko at agad nag iwas ng tingin sa kanya. "Hayaan mo muna ako Rishy wag mo muna ako kausapin, gusto ko ng katahimikan." Tinaguan niya naman ako ngunit bakas sa mukha niya ang pag aalala dahil sa naging itsura ko.

Itinuon ko na lang sa labas ng bintana ang tingin ko tsaka namang dating ni Mister Affable.

Napag initan pa ako. Sabi na nga ba. Natapos ang buong maghapong klase at  nagkakanya kanya na kami. Nauna namang umalis ang tatlo at nagpaiwan pa ako sa room. Dahil wala akong ganang umalis sa kinauupuan ko gusto ko lang magmukmok habang hawak yung bag na ginupit ni gunggong.

"Hey," sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong nag angat ng tingin.

Si Reidley.

"Bakit?" tanong ko

"Ahm... are you okay?" nag aalangan na tanong niya sabay lapit sa desk ko.

"Hindi ako okay dahil sa ginawa ng pinsan mo dito sa bag ko," deretsa kong sagot sabay angat ko dun sa bag.

"I thought, I've known him all my life. Pero minsan hindi ko pa din mahulaan ang tunay na pagkatao niya. Hindi ko din maintindihan ang ikot ng pag iisip ng pinsan kong yun, paminsan," seryosong pahayag niya.

"Malamang magkaiba kayo ng utak kaya magkaiba kayo ng iniisip."

"Nambabara ka na naman." Napakamot siya sa ulo niya. "Pababa ka na ba? Tara sabay na tayo," aya niya sa akin.

"Bakit ka ba kasi nandito?" may iritasyon sa boses na tanong ko.

Napakamot siya sa kanyang batok. "Nakasalubong ko kasi si Tessa sa hallway ng ground floor. Then I asked her kung bakit wala ka, she told me na nagpaiwan ka nga raw sa room niyo kaya pinuntahan kita agad dito," mahabang litanya niya.

"Ano naman ngayon?" pabalang na tanong ko.

Tumikhim siya at umayos sa pagkakatayo. "Gusto kitang puntahan, masama ba?"

"Reidley layuan mo ako, wag kang dikit ng dikit sa akin," babala ko sa kanya.

"Bakit naman? Wala naman akong ginagawang masama," kunot noong sabi niya.

"Kaaway ko yong pinsan mo at ayaw kung dumidikit dikit ka sa'kin dahil kapag nagkataon, madadamay ka sa gulo naming dalawa," pahayag ko at kinuha ang isa kong bag bago tumayo.

"I don't care, damay na nga ako. Besides, mali din naman kasi yung mga pinaggagagawa niya."

"May mali din ako at yun ang patulan siya."

"Kaya nga tumigil na kayo. Para hindi na kayo magkasakitan pa."

"Pagsabihan mo din kaya yong pinsan mong kamunggo ang utak. Sige aalis na ako," paalam ko sa kanya sabay talikod pero bigla niya akong napigilan sa braso ko.

"Ihahatid na kita sa inyo," alok niya pa.

"Teka lang ah, magkalinawan nga tayo. May gusto ka ba sa'kin?" prangkang kong tanong sa kanya, agad namilog ang singkit niyang mga mata.

Aaminin ko kahit hindi ako bihasa sa pagkilatis ng mga gwapo, pero gwapo talaga itong lalaking ito. Wala nga lang akong pakialam.

Tumawa siya. "Gusto ko lang naman kasi na ihatid ka, may gusto na ba agad yun?"

Hinarap ko siya at pinameywangan. "Sa pagkakaalam ko kasi, kapag pinaglaanan mo ng oras ang isang tao at hinatid hatid mo, may gusto ka. Tried and tested ko na yan.
Di na bago sa akin ang mga ganyang galawan."

"G-grabe ka sa'kin ah," nauutal at nangingiti na sagot niya.

"Tara na huwag ka na magpakipot dyan," aya ko sa kanya. "Ihahatid mo ako di ba? Oh di tara na." Pinangunahan ko siyang maglakad. Patungo sa hagdan at dumeretso pababa. Wala kaming kibuan hanggang marating namin ang parking lot.

"Can I see your bag?" Inabot ko naman sa kanya yung bag ko, na ginutay nung pinsan niya.

"Tindi ng pinsan mo ano?" Habang nasa bag ang aking tingin. "Laki ng saltik sa utak... tsk!"

"I'm s---"

"Whoops." Pigil ko agad sa sasabihin niya sabay lapat ko ng hintuturo sa labi niya. "Wag kang mag sosorry, sinabi ko na sa'yo."

Ngumiti siya ng pilit. "O- okay, pagbubuksan na lang kita ng pintuan ng kotse."

"Huwag na, hindi naman ako inutil eh," tanggi ko agad.

Natawa siya, umikot ako sa gawi ng passenger seat, binuksan ko ang pinto, agad din akong naupo at isinara yun.

Ang gara, ang bango ng sasakya at leather pa ang mga upuan. Convertible at Matic pa . Iba na talaga pagmayaman.

"So, saan ba ang address ng bahay mo?" tanong niya at inis-start ang makina ng kotse niya.

"Idaan mo na lang ako sa MacKinley road, doon mo ako ibaba." Itinuon ko agad ang aking tingin sa unahan.

"Sa highway?" Bakas sa tono ng boses niya ang pagtataka.

Nilinga ko siya at tinanguan. "Oo sa may sakayan ng jeep."

"Okay, medyo malapit na din naman pala yun sa bahay namin."

"Okay," maikling tugon ko. Doon niya lang din pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis ng parking lot.

Kaskasero din.

"Diyan lang pala kami sa may Bel-Air village," basag niya sa katahimikan namin.

Bigtime nga.

"Okay," sagot ko.

Sinulyapan niya ako at bahagyang nginitian. Ipinagpatuloy at itinuon niya ang kanyang atensyon sa pagmamaneho. Dumating kami agad sa may MacKinley Road dahil malapit lang naman yun sa school namin at doon ako mismo nagpababa sa may sakayan ng jeep.

"Sure kang dito kana lang?" paninigurado niya.

"Oo," tangong sagot ko habang inaunbuckle ang seatbelt. "Medyo malapit lapit na lang din naman ang lalakarin ko."

"S-sige, thank you at hinayaan mo ako na ihatid ka."

"Geezz... ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo dahil nakatipid ako sa pamasahe,
8 pesos din yun ahh." Bahagya naman siyang natawa sa sinabi kong yun.

Bumaba ako sa kotse niya. Binuksan niya pa ang bintana ng kotse niya, sumilip doon at nakangiti na kinawayan ako. Kinawayan ko din siya at inantay ko pa muna na makaalis siya bago ako naglakad pauwi ng bahay. Medyo may kalayuan pa ang lalakarin ko. Sayang naman kung mag jejeep pa ako, gastos pa.

Panigurado mananakit at magkakapaltos ang mga paa ko nito. Pero mas masarap maglakad, exercise na din.

Pagdating ko sa bahay nasa labas ng front door ng bahay si Pads naninigarilyo ng cigar, kasama ang kanyang personal assistant na si Asya at may hawak na naman itong ipad sa isang kamay. Sinalubong naman ako agad ni Pads.

"Bakit?" takang tanong ko.

"I'm going to Russia this coming Saturday, may kailangan akong asikasuhin doon. Ibinalita sa akin ni Asya na tumawag si Zenadia at nagkaproblema sila sa isang buyer dahil ayaw tumanggap ng NO ang buyer na yun. Kaya kinailangan nila ako," mahabang paliwanag niya.

"Okay," walang ganang sagot ko.

"Ikaw na muna ang bahala dito."

"Okay." Bigla akong inatake ng katamaran na sagutin siya.

Gumuhit ang labis na iritasyon sa kanyang mukha at pati na sa kanyang boses. "What the hell is going on with you? I feel like I'm talking to a brick wall here."

"Pagod ako pads."

"Anong nangyari dyan?" tanong niya sabay nguso sa bag na bitbit ko. Agad ko naman yung ikinubli sa may gawing likuran ko.

"Wala ito," pagsisinungaling ko.

"What?!" Galit na agad ang boses niya.

"Hindi mo gugustuhing malaman, aakyat na ako," paalam ko. Nilingon ko siya. "Ikamusta mo na lang ako kay Zenadia at Kramer."

Si Zenadia ang kakambal ng nanay ko at si Kramer naman ay asawa niya na step brother ng tatay ko. Kasalukuyan kasing nasa Russia silang dalawa ngayon.

"Yung deal natin huwag mo kalimutan at gawin mo nang maayos," paalala niya na naman.

"Wala kang dapat ikabahala sa deal natin pads."

"Wag mo hahayaan na malingat ka sa pagbabantay kay Jaeger."

"Alam ko na ang mga dapat kong gawin." Matapos ko sabihin yun, nagmadali ako na tinalikuran siya, nagkataon naman na hindi niya na ako kinulit pa. Yumukod naman si Asya sa akin bago ko sila nilagpasan.

Pagkatapos ko maligo, inaya ko agad si Frankie na pumunta sa Training Room. Si Frankie ang driver bodyguard ko na walang silbi sa akin kundi pang display lang.

"May kailangan daw kayo sa akin ma'am Zeyn?" magalang na tanong ni Frankie habang papasok kami sa loob ng Training room.

"Di ba sinabi ko na sa'yo, wag mo na ako tatawaging ma'am," gigil na bigkas ko.

"Baka kasi magalit si big boss kapag Zeyn lang ang itinatawag ko sa'yo," nag aalangan na sabi niya.

"Ako na ang bahala magsabi sa kanya. Tara na, pumasok kana sa loob," aya ko sa kanya sa loob ng training room, sumunod naman agad siya.

Kailangan ko si Frankie bilang sparring partner dahil gusto kong ilabas lahat ng galit at poot na nararamdaman ko ngayon sa pamamagitan ng pagsuntok at pagsipa. Para mabawasan at maibsan din ang lahat ng nararamdaman kong galit para kay Totoy Bibo dahil sa ginawa niya sa bag ko.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 2.8K 44
• C O M P L E T E D • Lumaking may magandang kalooban si Mia, nag iisang anak ng mga magulang niyang walang ginawa kundi mag ayaw palagi. Bata ang is...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
28.5K 1.2K 54
SECRET SERIES 1 Collyne Keigh Fuentabella, a nerdy, childish and slow minded girl who has multiple secrets. Sa kabila ng maamo niyang mukha nakatago...
14.1K 592 83
Prologue Habang nag lalakad ako dito sa bagong school ko ay may nabangga ako na isang lalaki-- bakla pala paano ba naman kasi kung mag lakad parang b...