Lights! Camera! I've Fallen...

By TheLadder89

61.2K 4.7K 3.4K

Lance Muriel Scott is one of the Scott triplets, full-time CEO, stand-in model. He's smart, handsome, and cha... More

Introduction
LCIF 1
LCIF 2
LCIF 3
LCIF 4
LCIF 5
LCIF 6
LCIF 7
LCIF 8
LCIF 9
LCIF 10
LCIF 11
LCIF 12: It's Not Time.
LCIF 13: Let's Go
LCIF 14: Wagas Magmahal
LCIF 15: Outreach
LCIF 16: Habilin
LCIF 17: Nakaraan
LCIF 18: Ampon
LCIF 19: I Love You
LCIF 20: One-sided
LCIF 21: I Love You
LCIF 22: Bahala Na
LCIF 23: The Goddess
LCIF 24: Diyosa
LCIF 25: Mr. Possessive
LCIF 26: Kamusta Na, Kuya?
LCIF 27: Ama
LCIF 28: Relax
LCIF 29: Sementeryo
Owtor's Nowt
LCIF 30: Gentleman
LCIF 31: Blessings
LCIF 32: Sleepover
LCIF 33: Justice
LCIF 34: Kasal
LCIF 35: Munisipyo
LCIF 36: Feeling at Home
CLIF 37: Destiny
LCIF 38: Singapore
LCIF 39: Huli Na
LCIF 40: Secret's Out
LCIF 41: Sundo
LCIF 42: Charizard & Pikachu
LCIF 43: Hospital
LCIF 44: Trust
LCIF 45: Babies
LCIF 46: Where?
LCIF 47: Pamilya
LCIF 48: Discovery
LCIF 49: Which
LCIF 50: DNA
LCIF 51: Alaala
LCIF 52: Hospital
LCIF 53: Fool
LCIF 54: Young Heart
LCIF 56: The Death Of Me
LCIF 57: Can't Help It
LCIF 58: Future
LCIF 59: It's Time
LCIF 60: The Plan
LCIF 61: Model
LCIF 62: Stress
LCIF 63: Get-away
LCIF 64: Ginhawa
LCIF 65: Pictorial
LCIF 66: Finally
LCIF 67: The Pale Moonlight
Coming Soon
A Very Special Chapter
Coming Soon!

LCIF 55: Realization

587 74 54
By TheLadder89








SA OSPITAL, nagising si Lance sa isang tahimik na kwarto na natatanglawan ng malamlam na ilaw na nagmumula sa apat recessed lights sa kisame.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng malaking pribadong kwarto na para sa mga Scott at Villasis. May isang stretcher sa kabila niya na malapit sa pinto. Pinindot niya ang up button sa gilid niya kaya automatic na tumaas ang ulunan niya hanggang kung gaano niya gustuhin.

Nakita niyang tulog na tulog na nakakakumot ang tatlong. Ang isa sa tatlong ay sigurado siyang si Leland dahil tangkad nito, lampas ang paa sa pullout couch.

Sa mahabang sofa na ay may dalawa ding nakahiga. Hindi man niya makita ang mga mukha nito ay sigurado siyang ang magpinsan yun.

Nakita ni Lance ang mansanas sa fruit bowl sa katabi niyang side table. Dumampot siya ng isa at ibinato ito sa kapatid. BOOM! Pagbubunyi ng isip niya. Sapul sa noo si Lance. Napabalikwas ito ng bangon.

"What the fück, Lance!" Sigaw nito habang hinhimas ang noo.

"Shut the fūck up, asshole!" Pabulong ngunit pasinghal na saway ni Lance sa kapatid. "Everyone is asleep, moron." Bigla naman itong napakalma.

"Can't you just call? You don't have to chuck me with that apple, douchebag!" Hindi talaga ito natutuwa sa ginawa niya. Napangisi siya.

"Big baby!" Usal niya. "How long I've been out?" Tanong niya dito.

"Well, you were in there for a good five hours. They brought you here late in the afternoon almost evening, straight to the cardio department and it is four in the morning now. You're out for... uhm let say, give and take, twelve hours." Sagot ni Leland.

*Why do we have two beds here?" Muli niyang tanong. Nakaturo siya sa hospital bed na malapit sa pinto. Napansin niya kanina pang magising siya. Bahagyang napalakas ang boses niya.

"Ssshh... willl you lower your damn voice down?"  Asar na saway ni Leland sa kanya. "Majz is on that one, sleeping." Dugtong pa ni Leland sabay higa. Halatang naaburido sa kanya. Sinipat niya ang kama.

"Jaise? Here? On this bed?" Mas itinaas pa niya ang kanyang ulunan para makita si Majz.

"Yes, so please go back to sleep, it's only four in the morning. Magpatulog ka naman." Sabi ni Leland na pumikit na uli. Natahimik siya.

Nilingon ni Lance ang hospital bed. Hindi ganun kapayat si Majz para hindi niya ito kaagad makita. Kinakabahan man ay pinilit na kalmahin ang sarili.

"Land?" Pagtawag niya sa kapatid. Umungol ito

"Hmm?" Antok itong sumagot.  Bahagya siyang natawa.

"Where is Jaise?" Kalmado niyang tanong.

"She's asleep on that bed next to you." Parang lasing itong nagsalita. Huminga muna siya ng malalim ang banayad na bumuga.

"Well, she's kind of not here, unless she was flattened out where I can't see her?" Narinig niya ang mabilis na pagkilos nito. Sa isang iglap nakatayo na kaagad ito sa harap ng kama sa tabi niya.

"Damn it!" Usal ni Leland. Walang sali-salitang nilapitan ang mga nakahiga sa pull up na sofa.

"What are you doing?" Kalmado pa rin siyang nagtatanong. Nagtataka siya bakit yung mga natutulog sa sofa ang ginigising nito. "Did she move there?" Nilingon siya ni Leland. Makikita ang frustration sa pagod at antok nitong mukha.

"No. She didn't moved. She's not here."  Paharabas na isuklay ni Leland ang kamay na buhok nito. "She's not here at all!" Dugtong nito.

Nag-alala siya ngunit kailangan niyang kalmahin muna ang sarili. Kagigising niya lang at alam niyang inatake siya kahapon dahil nandito siya ngayon sa ospital. Kung ano man ang nangyari kaninang wala siyang malay ay hindi na niya muna aalalahanin. May mas importanteng bagay siyang pinaglalaanan ng lakas. Kailangan niyang harapin ang galit ni Majz at pipilitin niyang maging matatag sa kung ano ang maging desisyon nito dahil alam niyang nagkamali siya.

"Makai, nawawala si Majz, gising!" Paggising ni Leland sa pinsan ni Majz. "Alexa! Wake up. Your new BFF is missing!" Nagulat man si Lance sa isang pangalang nasambit ni Leland pero natuwa ang puso niya sa pagtukoy ng relasyon nito kay Majz.

Isa sa mga bagay na gusto niyang alamin mamaya pagkatapos ng lahat ng ito, pagkatapos siyang sintensiyahan ni Majz, ang tungkol kay Alexa at kung ano ang nangyari sa lamesa nila habang wala. Mapait siyang nakangiti.

"Anak ng tinapay naman talaga ang babaeng yan oh!" Galit na turan na lang ng naalimpungatang si Makai.

"Oh my God. She can't be that far." Sabi naman ni Alexa. " Wala pang isang oras tayong nakakatulog." Pupungas-pungas pa ito.

"Well, where is she? A lot of things could happen in one minute let alone one hour." Naaburidong saad ni Leland. "Damn, Samonte." Dugtong nitong gigil na gigil.

"You words, Scott." Malamig na saway ni Makai. "Baka nakakalimutan mo, Samonte din ako." Dugtong ni Makai. Masama itong tinitigan ni Leland.

"I know. Kaya nga nilakasan ko ang boses ko para marinig mo." Mukhang magkakainitan pa ang dalawa. Sasawayin na sana niya ang dalawa pero naunahan siya ni Alexa.

"You two need to stop bickiring like old grumpy people in the nursing homes!" Saway ni Alexa sa dalawa. "Samonte, Scott, you two are the same! Majz is not here, I get that you are frustrated, but will it help in finding her?! Let's get out and look her." Tumayo na ito. Itinali ang buhok ng pabara-bara na lang. isinuot ang sneaker at handa na ito. Napangiti si Lance.

"I'll go to the security room to ask for the CCTV. Somebody has to stay here and watch that idiot before he unplug everything that is attached to him and go on a search mission alone."  Pahayag ni Leland at matiim itong nakatitig sa kanya. Itinaas niya ang kamay.

"I know I am crazy but I am not stupid. Kung hindi ako mamatay sa sakit sa puso, for sure, I'll die in her hands. Mas gusto ko pa yun. So yeah, I think I'll stay here till she comes back and see what will happen to me later." Seryoso niyang turan. Hindi na siya magkakamali pa ngayon.

Napatda ang tatlo sa ipinahayag niya. Matagal na nakatunghay lang sa kanya ang mga ito bago niya narinig na tumikhim si Leland. Pero bago pa ito nakapagsalita ay may nagsalita sa pintuan.

"Sir." Sabay-sabay silang napalingon sa pinto. Si Mang Kadyo, driver ng Mommy nila. "Tumawag po si Mang Jose. Okay lang daw po si Ma'am Majz." Dugtong nito. Nagkatinginan sila.

"Paanong..." hindi natuloy ni Lance ang sasabihin dahil naputol yun boses ng dalawang dalaga.

"Thank God." Sabay na sambit ni Makai at Alexa at sabay ding napaupo.

"Ibig mong sabihin, magkasama sila?" Tanong ni Lance. Mas lalo siyang nakampante dahil kasama nito si Mang Jose.

"Nasaan sila ngayon?" Tanong ni Leland.

"Nasa Divisoria po." Sagot nito. Nagkatinginan silang apat.

"Divisoria?"


TAHIMIK siyang umiinom ng kape nang may umupong dalawang babae sa kabilang lamesa na di kalayuan sa kanya. Umorder ang dalawa ng dalawang kape at dalawang guto na may utak at isang tokwa't baboy.

"Girl, bakit ba ang init ng ulo mo? Nangbulahaw ka eh. May trabaho pa tayo mamaya at ngayon ay nandito tayo sa gotohan ni Aling Caring." Sabi ng isang babae.

"Shei, hindi mo kasi naiintindihan eh." Napahampas ito sa lamesa. "Ikakasal na kami, Bes eh. Baka nakakalimutan mo, ikaw pa nga ang maid of honor ko, di ba?" Paharabas nitong inipon ang bihok palikod at itinali ng basta-basta na lang. Tahimik namang nakikinig si Majz sa usapan ng dalawa.

"Alam ko yun, bakla." Mabilis na lumingon si Majz. Pasimpleng sinisipat ang babae kung babae nga ito, pero itinigil din niya dahil naalala niya ang grupo ni Taser. Bakla ang tawagan ng mga ito sa isa't isa.

"Alam mo pala, eh. Pero bakit siya pa ang pinapanigan mo, ha Sheila?" Mataray na sagot nito sabay bato ng tissue doon sa babaeng Shei ang pangalan.

"Gaga! Wala akong pinapanigan sa inyong dalawa." Singhal ni Sheila. "Nasa gitna lang ako." Dugtong nito.

"Shei, ganito kasi yun eh. Marami siyang oras at panahon para masabi sa akin na may anak na pala siya. Apat na taon kaming naging mag-boyfriend at isang buong taon kaming mag-fiance, anim na taon yung bata. Sa palagay mo hindi pa ba sapat na panahon yun para ipakilala niya sa akin ang anak niya? Kelan pa niya ipapakilala sa akin yung bata, pagkatapos ng honeymoon namin? Paano ko pakikisamahan yung bata na hindi ko man lang nakikilala habang nagde-date pa lang kami ng siraulo niyang ama." Hindi man kalakasan ang pagsasalita nito, hindi rin naman ito sumisigaw.

"Alam ko na yan, Wilma. Paulit-ulit eh." Saway nito sa kaibigan. "So, anong plano mo? Pakakasal ka pa ba kahit na may issue-ng ganyan o tatapusin mo na lang para wala nang issue?" Tanong ni Sheila. Natahimik ang babae. "Look Wil, tanungin mo ang sarili mo. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Randy, sasabihin mo rin ba sa kanya gayung nakikita naman na malayo ang loob mo sa mga bata? At kahit na ganun ka, willing pa rin siyang pakasalan ka dahil mahal na mahal ka niya kahit ikaw ay may pagkamakasarili." Mahaba nitong litanya.

"Ay grabe siya. Ano naman yang pinagsasabi mo, Sheila?" Nakakunot ang noo nito. Mukhang galit sa kaibigan. "Nakakasakit ka na huh!" Dugtong nito.

"Wilma, wag mo akong artehan na parang hindi kita kilala. Nasa lawit pa lang tayo ng mga Tatay natin habang nagtotong-its sila, magkaibigan na tayo." Pinuwesto nito ang upuan paharap sa kaibigan. "Noon pa man napansin na namin na ni minsan ay hindi mo man lang inalam o kinilala si Randy, kung sino talaga siya, sino ang pamilya niya, basta mo na lang siya tinanggap. Siya ang pumupunta sa iyo, siya ang nag-a-adjust sa iyo. Dapat palagi siyang ready kapag tumawag ka. Dapat siya ang nanunuyo sa tuwing mag-aaway kayo kahit kasalanan mo pa. Kahit na noong nag-propse siya sa iyo, takot siyang dalhin ang pamilya niya kasi natatakot siyang hindi yun magustuhan." Pahayag ni Sheila. Tahimik lamang si Wilma na nakatitig sa baso ng tubig sa harapan nito.

"Alam mo ba na ni minsan ay hindi mo man lang pinaunlakan ang mga imbitasyon niya sa iyo? Yung birthday celebration niya sa bahay nila, hindi ka pumunta. Marami kang excuses kaya wala siyang choice kundi magcelebrate uli na ikaw lang kasama. Kapag siya ang hindi nakapunta sa kahit na anong maisipan mong pakulo dahil bored ka lang, nagagalit ka." Napapailing itong nagsasalita. LMahal ka nga siguro ng gagong yun kasi kahit na napakamakasarili mo, nagpropose pa rin siya sa iyo." Dugtong nito. Nakikinig lang si Majz.

"Kanino ka ba talaga kampi, ha Sheila? Kanina ka pa eh." Inis na tanong nito. Ngumisi lang ang kaibigan. "Punyeta naman, ako ang kaibigan mo dito, 'no?" Halatang gigil na gigil ito.

Napapaisip siya. Ang selfish naman ng babaeng ito. Puro na lang siya, one-sided. Naisip niya si Lance. Kahit magkaiba sila ng sitwasyon ng babae sa kabilang lamesa ay masasabing hindi pa rin malayo ngunit napakalayo ng ugali nila Lance kumpara kay Wilma.

Give and take sila ni Lance. Kilala nilang pareho ang kani-kanilang pamilya. Kilala nila ang kanilang mga sarili, mga gawi, trabaho, mga empliyado nito, mga kaibigan nila, pati ang mga maliliit na bagay katulad ng weird na mga habit ng isa't isa na sila lang ang nakakaalam, maliban sa sakit nito. So what...

Naisip niya na baka nga naghahanap lang ng tyempo ang fiance para sabihin sa kanya ang tungkol sa karamdaman nito. Alam niyang mahal siya ni Lance, ganun din naman siya dito at siguradong hindi nito sadyang hindi ipaalam sa kanya. Pero bakit parang ang pakiramdam niya ay katulad siya ni Wilma, ang babaeng nakaupo sa kabilang lamesa, madamot. Makitid ang pang-unawa at walang pakundangan sa damdamin ng iba.

"Wilma! Umaandar na naman ang kakitiran ng utak mo!" Napalakas ang boses nto. Napatingin siya dalawa na walang pakialam sa mga tao sa paligid.

"Ako pa ang makitid ang utak? You're unbeliavabale." Napipikong sagot ni Wilma.

"Yan, diyan ka magaling. Hindi ka na naman nakikinig eh. Palagi naman di ba? If it doesn't go with what you think and what you want and you don't benefit from it, then it wasn't a good idea and it's not worth listening to. Hindi mo tatanggapin kasi gusto mo puro ikaw lang." Tumayo ito at dumukot ng pera sa bulsa. "Ayan, bayad na ang in-order mo. Nawalan na ako ng ganang kumain. Magmula ngayon, you're on your own. At sana kahit na ganyan kakitid ang utak mo pakasalan ka pa rin niya. And if not, you just lost a good man. Good luck." Dugtong nito at lumakad na. Naiwan si Wilma sa lamesa na nagmamarakulyo.

Umalis si Sheila namumula ang mukha at mata. Naawa siya sa babae, naiinis naman siya kay Wilma. Kahit naman siguro hindi na sabihin sa kanya ni Lance ang tungkol sa sakit nito ay mamahalin niya pa rin ito dahil wala itong ginawa kundi isipin ang kapakanan niya.

Sinipat ni Majz ang cellphone niya. Nandilat ang mga mata niya nang makitang alas siete na ng umaga. Inilibot niya ang paningin sa paligid, umaga na nga, may araw na. Inubos niya ang ilang lagok ng malamig na niyang kapeng natira sa tasa na nasa harapan niya. Nag-iwan siya ng limang daan sa lamesa, inipit sa ilalim ng tasa at tumayo na.

Kailangan niyang makabalik sa ospital bago magising at magwala si Lance. Nakangiti siya sa naisip. Mas lalo siyang napangiti at kinilig nang maisip ang fiance. He's going to pay a dear price for making me worried about him.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid na sa ospital. Haharapin na niya si Lance. Hindi na siya galit dito, nagtatampo lang siya.

Hindi naman kalayuan ang hospital at Divisoria, pero dahil umaga na, naipit siya sa traffic kaya inabot din ng halos isang oras ang biyahe niya.

Halos alas nueve na siya ng umaga  nakabalik sa ospital. Nag-aalala na siya para kay Lance. Paniguradong gising na ito at naghuhuramintado na dahil wala siya ng magising ito... kung gising na mga ito.

Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng taxi. Pero bago pa siya tuluyang nakabihis, nagsalita ang driver.

"Maraming salamat Kuya." Ngumiti siya sa driver. Yumukod lang ito.

"Sukli n'yo, Ma'am." Saad nito.

"Okay na po yun, Kuya. Magandang umaga po." Mas lalong lumapad ang ngiti nito.

"Maraming salamat po." Sabi uli ng driver. Ngumiti siya uli at tuluyan ng umibis.

Tiningala niya ang gusali ng hospital at humugot muli ng malalim na paghinga. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanila ni Lance pero isa lang nararamdaman niya, mahal na mahal niya ang binata. Ang mga nangyari sa mga nakalipas na oras ay balewala na, hindi na importante. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay makita si Lance at masigurong maayos na ito.

Napakahupa ng paligid pero parang binagyo ang isip at puso niya. Hindi niya alam kung paanong haharapin ang fiance niya. Magiging katulad ba siya nung Wilma na sakim o magiging katulad siya ni Sheila na maunawain o magiging si Maria Jaise lang siya na tapat na nagmamahal kay Lance?







--------------
End of LCIF 55: Realization

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
11.10.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Continue Reading

You'll Also Like

350K 7.2K 57
Sofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the s...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
16.6K 475 30
For a 17 years old Stacey Santos, party and alcohol is the life for her--including her bestfriend Cleo Shawn Martinez. Not until she felt something t...
10.1K 573 30
Winter Claque did nothing but search for his beloved Leona, who had been missing for nearly 6 months. When he found her, she claimed she wasn't Leona...