Nocturne Academy: School For...

By suneowara

4.1M 192K 41.7K

GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke... More

Author's Note
PUBLISHED UNDER PSICOM
SELF PUB
Prologue
1. Sickness
2. Nocturne
3. Athena's Heiress
4. First day of Classes
5. Her Familiar
7. 'What's your gift?'
8. Guilds
9. The uninvited
10. Venus
11. Fire and Wind
12. Deities
13. First Mission
14. Stick to the Mission
15. Find the little girl
16. 'The house was haunted?!'
17. Twins
18. As a Team
19. The queen of the seas
20. Tsunami
21. Waves
22. King
23. Fools
24. Hard Headed
25. S Mission
26. Plan B
27. Bet
28. Survive
29. Someone from the past
30. Consequences
31. Save their Ass
32. Trejon
33. Reunion?
34. Reason
35. His Mission
36. Her Identity
37. Back to the Academy
38. Training
39. Her Gift
40. Intruder
41. Trap
42. Change of Plans
43. Thief
44. The Best Team
45. Saving the Raven
46. The Bitch Heiress
47. Mastermind
48. Sacrifices
49. Lost
50. Mourning
51. Hope
52. Change
Epilogue
Familiars
SPECIAL CHAPTER PART 1
SPECIAL CHAPTER PART 2
Author's Note // Announcement//

6. Hephaestus' Heir

78.5K 4.3K 1.2K
By suneowara

SUMABAY sa paggalaw ng hangin ang mga puno dulot ng paghampas ng mga pakpak ng nilalang na nasa harapan namin.

Flying in the blue sky, her white scales made her the center of our attention. Nang makarating siya sa puwesto namin ay nangingibabaw siya sa lahat ng asul na puno rito sa gubat.

My eyes slowly flickered with excitement, and my lips curved into a smile. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko habang nakatingin sa puting wyvern.

She's beautiful!

"I-Is that a d-dragon?" nauutal na sambit ni Risca.

Napunta ang tingin ko rito na hindi makapaniwala sa nakikita niya. I heaved a sigh before shaking my head.

"I thought you're smart? She's a wyvern," sagot ko sa kaniya.

Wyverns are different from dragons. It only has two legs, while dragons have four or more. Muli kong tiningnan ang asong tatlo ang ulo at laking tuwa ko nang huminto ito sa pagsugod sa amin.

"Nice," rinig kong sambit ng isang lalaki. Napasipol pa siya.

Napunta ang atensyon ko sa amo nitong may pakana ng lahat. Nakatingin ito sa familiar ko habang nakangiti. He's still fixing his loose necktie. Nalipat ang tingin niya sa akin na agad kong sinamaan ng tingin.

Ano ba talaga ang gusto niya? Muntik na niya 'kong mapatay!

"Are you happy now? Nakuha mo na ang familiar mo," nakangising sambit niya.

Kasunod n'on ay ang pagtalikod niya sa akin at nagsimula na itong maglakad na parang walang nangyari. Hindi agad ako naka-react sa ginawa niya.

That's it? He's just leaving

Natauhan ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa akin bago nito i-summon ang familiar niya.

"Want my help?"

Malalim akong napaisip at doon ko napagtanto ang balak niya. Agad ko siyang sinundan at pinahinto. "Hey, wait!"

He stopped walking without looking back at me.

"Inaasahan mo bang mangyayari 'to? Kaya mo 'yon ginawa?" marahang tanong ko rito.

I heard him chuckle before shaking his head. "Nah, I'm just interested. Ikaw pa rin ang nakapag-summon niyan."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng uniporme ko. Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko pa rin. "Thanks."

Huminga ako nang malalim matapos kong magpasalamat sa kaniya. Siya pa rin ang tumulong sa akin na i-summon ang familiar ko . . . and I should thank him for that.

He didn't waste his time answering me. Muli itong humakbang paalis nang nakarinig ako ng pahabol niyang sinabi.

"You're really special."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Tatanungin ko dapat siya kung ano ang ibig niyang sabihin, pero nagpatuloy lang siyang maglakad papalayo sa akin.

Guniguni ko lang ba 'yong huli niyang sinabi?

Ipinilig ko ang ulo ko. Baka guniguni ko nga lang.

Muli kong binalikan si Risca na nakaupo sa lupa at ang familiar ko.

My familiar leaned over to me. Her scales look like pearls because they're pure white. Halos kasinlaki ko lang din ang mga mata niya.

"You should name her," sabi ni Risca sa akin.

Napunta ang tingin ko sa kaniya habang nanatili naman siyang nakatingin sa familiar ko. Naramdaman ko ring hinihintay nito ang pagpapangalan ko sa kaniya.

I looked at the white wyvern that is close to me.

Hinawakan ko ang ulo nito at inilapit ko ang noo ko rito. Hindi ko mapigilan ang saya ko at kusa akong ngumingiti.

"I guess waiting for you was worth it."

"Thank you for saving our lives . . ."

"I'm looking forward to working with you, Angel."

Naramdaman ko ang paghampas ng malakas na hangin sa direksiyon namin at tila nakaramdam din ako ng panghihina.

And just like that, she roared as she soared to the sky.

Matapos ang pangyayari at kahit labag sa kalooban ko at iritang-irita na 'ko ay akay-akay ko ngayon si Risca pabalik ng kastilyo. It looks like summoning my familiar requires a huge amount of strength as well. Mabilis akong nanghina sa pagdating ni Angel.

Napagdesisyonan naming dalawa ni Risca na sabihin na napilay siya dahil sa kaeensayo namin. Alam naming pareho lang kaming mapagagalitan kapag nalaman nilang galing kami sa gubat.

"Cleofa, ano'ng nangyari?! Saka bakit mo kasama 'yong Risca na 'yon?" bungad sa akin ni Luxxine nang makarating ito sa clinic.

Malalim akong napabuntonghininga sa tanong niya. "Mas mabuti pang hindi mo na lang alam," sagot ko.

Naguguluhan man ay hindi na siya nagtanong pa kahit bakas sa mukha niya na gustong-gusto niyang malaman ang nangyari. Sinamahan ako ni Luxxine na bumalik sa dorm namin. Agad akong nahiga sa kama nang makarating kami sa kuwarto. Sobra akong napagod sa mga nangyari.

But it's all worth it. I finally summoned my familiar. Hindi ko mapigilan ang saya ko ngayon.

"Ay, Cleofa! Natandaan mo ba 'yong naikuwento ko sa 'yo? Iyong estudyanteng na-summon si cerberus?" biglaang sambit ni Luxxine.

Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. Sumagi sa isipan ko ang lalaking kakikita ko lamang kanina.

Napaismid ako sa sinabi ni Luxxine. Yeah, right! I remember him.

"So, ano'ng meron do'n?" walang-gana kong tanong dito.

Luxxine immediately flashed a smile. "OMG! Cleofa, ang guwapo niya! Nakita ko siya kanina, and he's Hephaestus, god of fire's heir!"

May pahampas pa sa kama ang babaeng kasama ko. Parang sira na kinikilig si Luxxine sa pagkukuwento sa akin. "Pero wala pa ring mas popogi kay Papa Alvis," dagdag niya.

I heaved a sigh while shaking my head. Napatingin ako sa kisame habang nakahiga sa kama.

"Ano'ng pangalan niya?" wala sa sarili kong tanong. Well, I don't know his name.

Tiningnan ako ni Luxxine na parang may mali sa sinabi ko. Then she looked at me with a grinning look on her face. "Oh, Cleofa is interested?" nakalolokong sagot nito na ikinasinghap ko.

"Eh 'di 'wag."

Wala akong intensyon na alamin ang pangalan niya. Ilang beses lang naman kasi kaming nagkikita at hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. At isa pa, he helped me summon my familiar.

"Sus, kunwari pa! He's Helix!" masiglang sagot sa akin ni Luxxine.

Nanatili akong nakatingin sa taas. Helix, huh? Paniguradong magkukrus uli ang landas namin.

Kinabukasan ay tinipon kami ni Sir Saremo sa grounds. Lahat kaming magkakaklase ang nandito at nakahilera sa labas.

"Okay, class! It's been five days since pinag-summon ko kayo ng mga familiar n'yo. I want to see the results," sambit ni Sir Saremo.

Doon ako nakaramdam bigla ng kaba. Hindi ko mapigilang magduda na naman sa kakayahan ko. Paano kung hindi lumabas ang familiar ko?

Paano kung

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. Masyado na naman akong napapraning.

No, Cleofa, darating siya. She's already yours.

Pinakalma ko ang sarili ko habang nagsisimula na si Sir.

"Okay, simulan natin sa naunang nakapagpa-summon. Alvis, summon him," sambit nito.

Isang tango ang isinagot ni Alvis sa kaniya. "Rio!" Alvis' shouted. Then a flying horse appeared in the sky and flew toward his owner.

"Very well," komento ni Sir.

Sunod-sunod na nag-summon ang mga kaklase ko hanggang sa umabot kay Luxxine na kinakabahan para sa akin. Hindi ko pa pala nasabi sa kaniya na na-summon ko na ang familiar ko.

"Okay, next!"

Lumapit na sa akin si Sir at doon ko na naman naramdaman ang pagbigat ng pakiramdam ko. I started overthinking again.

Paano nga kung hindi uli siya sumipot? Paano kung nakatsamba lang ako kahapon?

"Relax, Cleofa, summon her," pagpapakalma sa akin ni Sir nang mapansin na kinakabahan ako.

Nakangiti sa harap ko si Sir Saremo. Kahit nagdududa, tumango ako rito. Huminga muna ako nang malalim bago ko tinawag ang pangalan niya.

"Angel!"

I shouted with all my strength and waited.

A roar came from the sky as she flew toward me. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla at pagkamangha sa familiar ko. Hindi sila makapaniwalang napatingin sa nilalang na nasa harapan ko ngayon.

"A wyvern," nakangiting sambit ni Sir Saremo. "A job well done."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.4K 53
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING | "Lives in exchange of one life." Every year, the Olympus Gates opens for mortals who dreams to become a Semideus...
447K 1.2K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
943K 48.2K 64
COMPLETED | "She who was literally born as a mystery." Melizabeth de Vera has been cruel to the world. She was a murderer, an assassin, a thief, but...
116K 8.8K 40
VOLUME 2 1 out of 4 chess pieces. 3 more left. New areas and Game Generals. New teams and players. Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Ea...