End Game 37
"We'd always go into it blindly"
Sheliah Santibañez
Pilit na prinoproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Art. How on Earth is this stuff happening? I don't believe him.
"Anong ikaw?" tanong ni Monica. "It can't be Art."
"It already did." tugon ni Art sa kaniya. Tulala lang ako sa harapan ng lahat. So my life is a lie?
"Hindi naman porket sinulat mo 'to, you can't quit. Come on hun, you can still be on credits. You don't have to act."
"I'm sorry Monica... Just this one, please? This could be your early gift." Art pleaded. Bumalik ako sa katinuan, how sweet. Pinagmasdan ko silang dalawa, I never thought that I'd see them like this again. It's been years, is this a cycle?
Monica pouted and she crossed both of her arms. "Early gift for what?"
"For our wedding."
Tila kumirot ang puso ko sa nadinig, their wedding Liah. Their wedding. Bakit ka ba nasasaktan ha? Hindi mo naman na mahal... Hindi na hindi ba?
It's over, the chapter of you and him already closed months ago. Kaya magtigil ka diyan, be strong. Huwag kang magpapakita ng kahinaan, this is your time, this your show. Don't let others to outshine your light and blind them more than the way they blinded you.
Especially your plans are all now coming together.
Napahawak si Monica sa kan'yang dibdib and she smiles. "Aww, how cute. Pero... Pilitin mo muna ako."
Hindi niyo alam kung gaano katinding pagpipigil ang ginagawa ko. Gustong-gusto kong irapan silang dalawa but I can't.
Art did not replied anything, tumingin lang siya sa akin. I can read his looks, asking for help. This time... Kailangan ko muna ibaba pride ko para mapunta ka sa akin... Kahit ngayon lang.
Ew Sheliah, no.
Do this for yourself. What the hell are you saying?
I clapped thrice, slowly. "Well, well..." Maleficent, thanks. I cleared my throat. "Wedding gift naman pala e, go give it to your future husband Monica. Don't act like a juvenile, that's a big no-no for a future bride. Diba guys?" Lumingon ako sa mga tao sa paligid. Akala ko walang sasagot pero madami ang sumang-ayon sa sinabi ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa. "See?"
Monica rolled her eyes. "H'wag mo nga akong pangunahan. I know what I'm doing, papayag naman talaga ako na mag-stay si Art dito eh, I'm just testing him. And p'wede ba. Stop giving me your shitty quotes, hindi bagay sa two-faced, plastic, ahas, traydor, at manloloko na kagaya mo."
I coughed. "Oh my God, don't describe yourself." nagtawanan ang ilan, tinignan sila nang masama ni Monica at natahimik sila.
"I'm right! Gano'n ka naman diba Sheliah? Since we were on highschool?"
I pointed my finger at her and I moved it side to side. "Honey, walang angkatan nang nakaraan. I've got pages of your bad traits to read outloud."
"Sumosobra ka na!—"
"Monica, you should go home. Magpahatid ka na kay Lio, I'll check you out later and thank you for this." hinaplos ni Art and pisngi ni Monica. "I l-love you, see you later." sasagot pa sana si Monica pero hinawakan ni Art ang kamay niya at hinatak na siya pasakay ng kotse, wala nang nagawa si Monica.
I love you.
Wowers, parang dati...
Nakasunod ang tingin naming lahat sa kanila. Ayoko pa sanang umalis si Monica dahil hindi pa ako tapos sa pagpapahiya ko sa kaniya. This is unexpected but I already expected this. Na babalik ka in a most unusual way.
Nang makaalis na ang sasakyan nila Monica at Lio, naglakad pabalik si Art sa akin. Hindi ko siya tinignan at bagkus, tinalikuran ko siya and I flashed a smile at the people around us.
"Pasensya na po sa live scene kanina, did you caught that on cam kuya?" tanong ko sa camera man at nagtawanan sila. "But kidding aside, I'm so so so embarrassed right now. This day is too much to handle for all of us. We didn't saw that coming... Her specifically. Pero you all witnessed it, I don't have to explain that much."
"Liah..." rinig kong pagtawag sa akin ni Art. Hindi ko siya liningon.
"Si ayon, uhm... I'm the new producer? Hooray!" nagpalakpakan sila. "I promise na hindi kayo manghihinayang sa gagawin natin, we can actually save those scenes that we've already taken pero it's better to start all over again, since halata naman na TINIPID tayo sa production."
"Oo nga! I really don't believe that Monica na mahigit 60 million ang nagastos para sa movie na 'to. Ni-hindi nga tayo nakalabas ng bansa!" sagot ng isang crew member. Sumang-ayon ang ilan sa kaniya.
"Precisely! At isa pa, I don't like her attitude."
"Me either! I can't stand her. Buti na lang talaga Ms. Liah nandito ka."
Napatango na lang ako sa mga feedback nila. Glad Monica didn't caught them.
"So ayon, everyone could go home after maligpit ang buong set na 'to. Ako na ang bahala sa inyo, I promise na it'll be all worth it. Magkikita ulit tayo, but for now... Everyone rest. Again, thank you!" nag-bow ako sa kanila at lumapit ako kay Josephine.
"Director..."
Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin.
"Thank you Liah, thank you for saving us. I promise, I'll work harder." hindi ako nakasagot kaya naman yumakap na lang ako pabalik. "We'll fix this." bumitaw kami sa yakap at tumango ako.
"Thank you... Pasensya na talaga sa nangyari, sa mga nangyari. This is too exhausting, kailangan kong bumawi sa inyo. I'm gonna throw a vacation for the whole set of this NEW movie. Bawal tumanggi." sasagot pa sana si Josephine pero kinindatan ko lang siya at nag-bow ako. "I gotta go." ngumiti lang siya at tumango.
Lumapit naman ako kay Felicia. "Ikaw na ang bahala dito... Please?"
Napailing ito na siyang ikinabahala ko. "Tsk..." at bigla siyang ngumiti. "You don't have to ask for my permission Ms. Liah. It's my job, at tsaka I know you're tired. You can go peacefully now and I'll take care of this. Goooo! Shooo!" pagtataboy nito sa akin at natawa lang ako. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya.
I need to go home, ayokong mag-mental break down dito.
Bumalik ako sa trailer truck ko para kunin ang mga gamit. Hinawakan ko ang handle ng pinto pero may pumigil sa akin. I didn't bother to look behind, I can smell his scent and the heat his body produces.
Bakit ganito, bakit ang bilis nang tibok ng puso ko? I'm not comfortable, I'm... Why am I like this?
"Hobby niyo din bang huwag mamansin?"
Napapikit ako sa sinabi niya. The acting is done, what the hell is this?
Tinulak ko ang pintuan para makapasok ako at nagulat ako nang sumunod sa akin si Art kaya inis ko itong hinarap. "Get out!"
Imbis na sundin niya ako he just stared at me for like 5 seconds then he closes the door behind him. Dear Lord, please help me.
Sumandal siya sa pinto, his eyes are locked into mine.
"Aren't you gonna say anything about me being the writer of this story?"
Madami akong gustong sabihin, first of all. F*ck you.
Umiling ako. Bahala kang manigas diyan.
Bigla siyang umalis sa pagkakasandal at may kinuha siya sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na hawak niya ang susi ng trailer. Linock niya ang pinto at ibinalik niyang muli ang susi sa bulsa niya.
Wala akong masabi sa mga pinaggagawa niya.
"Since I am the author of this story, it's rude to watch my work about this woman without me being his man."