Is This Love?

By Fluffyderella

36.6K 776 38

Sa laro ng pag-ibig, sino ba ang mas matimbang? Ang taong una mong minahal o ang taong natutunan mo ng mahali... More

Copyrights
Innocent Love
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-Isang Kabanata
Ikalabing-Dalawang Kabanata
Ikalabing-Tatlong Kabanata
Ikalabing Apat na Kabanata
Ikalabing Limang Kabanata :
Ikalabing Anim na Kabanata
Ikalabing-Pitong Kabanata
Ikalabing-Walong Kabanata
Ikalabing-Siyam na Kabanata
EPILOGUE (Unang Bahagi)
EPILOGUE (Pangalawang Bahagi)

Ikadalawampung Kabanata

1.4K 36 3
By Fluffyderella

"U-umalis kana, Zeus." Kahit nahihirapan na ako at gusto ko na lamang magkulong sa kuwarto, nasabi ko ulit ang mga salitang yun.

Hindi ko siya tinignan. Nakabaling sa ibang direksyon ang paningin ko sa takot na makita niya ang tunay kong emosyon.

He laughed pero hindi yung tawang alam mong masaya. Iba. Iba ang tawa ni Zeus. Kung anong klase man yun, ayoko ng malaman.

"Come on, Caleila. Again? You are choosing him over me?" Natatawa ang tono ni Zeus na para bang nakakatawa ang sinabi ko.

Hindi ko siya masagot. Tahimik lang ako at gayundin ang mga taong nakapaligid. Hirap na hirap na akong huwag pumiyok at umiyak. Ugh!

"Damn! Look at me, Caleila!" Galit at seryoso na ang kanyang tono pero hindi pa rin ako nag abalang lingunin siya. Ayoko. Natatakot ako.

"Just fvcking leave, Yuchengco! Hindi pa ba klaro sayo ang lahat? Caleila chose me!" Si Night ang sumagot.

"You, shut up fvcking asshole!" Ngayon galit na lamang ang mahihimigan sa tono ni Zeus.

Akmang susugurin siya ni Night pero pumagitna na naman ako. Palihim kong pinunasan ang mga luhang hindi ko napigilang tumulo.

Ngayon, inipon ko ang natitirang lakas na meron ako para mag-angat ng tingin kay Zeus. Ugh! Masyadong madilim kaya hindi ko maaninag ang kanyang mga mata.

"I'm sorry, Zeus. I'm sorry because I used you. Yes, it's true. Ginamit lang kita para may inspirasyon ako sa pagsusulat. And Night.... He's the real one I-I l-love." Letsugas! Hindi ko na napigilang pumiyok sa huling salita. Maging ang pagkalas ng mga luha ko ay hindi ko na napigilan. Ito lamang ang tanging paraan para maitaboy ko siya, ang saktan siya.

Umiling si Zeus at ngumisi. "No. You don't mean that, don't you? Come on, Minnie, di ba pinatawad mo na ako? O gusto mo pa bang masaktan pa ako nang sa ganon makaganti ka sa akin? It's okay, Caleila. It's alright. Tatanggapin ko. Go. Hurt me. But promise me, sa akin ka pa rin. Ako pa rin ang mahal mo."

Akmang hahakbang siya patungo sa akin ngunit humarang si Night.

"Don't you have pride, Zeus? CALEILA CHOSE ME! SHE CHOSE ME! And you? You fvcking leave before I call a police and the media now." Mariing singit ni Night.

Hindi siya sinagot ni Zeus bagkus ay tumama ang kamao nito sa mukha niya.

"Fvck!" Night cussed at akmang gaganti kay Zeus nang pigilan siya nina Papa gayundin si Zeus na pigil ng mga lalaking pinsan ko.

"Shut up, asshole! You fvcking snake! Hindi ka kasama rito so don't you fvcking come in between us!" Nagwawala si Zeus para sugurin si Night.

"Stop!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahan ng tumulo bago hinarap si Zeus. "I know this is all my fault. Ako ang nagsimula kaya ako rin ang magtatapos. So, please Zeus. If you really love me. Please, let go of me. Please, leave. Si Night ang gusto ko. Si Night ang mahal ko. At ikaw. Ginamit lang kita..... I'm ... Sorry." Matatag ko siyang tinignan at nagbingi-bingihan sa bulong ng puso kong bawiin ang mga sinabi ko at yakapin na lamang siya.

Umiling siya na para bang hindi makapaniwala."Fvck! Let go of me!" Pahiklas siyang kumawala sa mga pinsan ko at naglakad papuntang gate ng bahay.

"Zeus!" Hinabol ko siya. Hindi ko alam kung bakit hinahabol ko pa siya gayung gusto ko siyang itaboy.

He stopped. Umiiyak na ako pero wala na akong pakialam. Bahala na!

Nakatalikod siya mula sa direksyon ko. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid. Ni wala na akong pakialam kung pag-usapin kami ng mga pinsan ko o ipagkalat nila ang tungkol rito.

"I-im sorry." Humarap siya sakin. Naaninag ko ang mukha niya pero ang nakikita ko ngayon ay isang malamig na ekspresyon.

"Don't worry, Ms. Dela Santos. I'm not going to beg. Never again! But don't expect me to do nothing. One day, you'll regret for not choosing me and when that day comes, you'll be the one begging for me." He said bago lumabas ng gate. Narinig ko na lamang ang harurot ng kotse niya.

Nawalan ako ng lakas bago napaluhod. Letsugas! Hindi ko na napigilan ang pagpiyok. Naramdaman kong may yumakap sa akin.

"I'm... I'm sorry, La~La." Si mamu!

Marahan akong humiwalay sa kanya at humarap."Its okay, M-Mamu... Just give me an hour. I need to cool myself." I said bago pumasok ng bahay.

Akmang hahabulin rin sana ako ng mga kaibigan ko at Night but I stopped them. "I'm going to be... alright. You continue the party." Nanginginig ang mga labi kong ngumiti.

Nang makapasok ako ng bahay, deretso agad ako sa kwarto. Nang malock ko ang pinto, nanghihinang napasandal ako roon at nagsimula ulit umiyak.

"Caleila... Anak...." Si Mama!

"Open the door, Caleila." Si Papa.

Tinakpan ko ang sariling bibig. I compose myself para di pumiyok. "I'm okay, Ma, Pa. You entertain our guests."

"Pero anak..." Si mama ulit.

"Ma.. I'm alright. Please... Give me an hour." Pumiyok na naman ako. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Papa bago ko marinig ang papalayong yabag nila.

Letsugas! Peste!

Napahawak ako sa dalawang tainga ko. Nagre-rewind lahat ng mga sinabi ni Zeus. Ugh!

Numb... Keep yourself numb from now on, Caleila!

Nakatulog ako ng umiiyak. Maaaring bunga rin ng pagod sa pag-iyak kaya ako nakatulog agad. Hindi ko alam kung paano napauwi nina Mama at Papa ang mga bisita basta paggising ko kinaumagahan, umuwi na ang mga tao at bukas na ang nakalock kong pinto. Maaaring nakita nina Mama at Papa na tulog na ako kaya hindi na nila ako dinusturbo.

Direktang napatingin ako sa cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko yun. Five messages received. Night... Timmy... Shana... Mimah... Pearl... Binalik ko ulit ang cellphone nang mabasang wala siyang message sa akin.

"Ma, Pa... Alis na po kami." Walang ganang paalam ko nang matapos makapagbihis at kumain. And as usual, sinundo na naman ako ni Night.

"Are you alright?" Tanong niya nang makapasok kami sa kotse niya. Tumango lang ako. Tumingin ako sa labas. Umuulan na naman. Peste! Naalala ko na naman siya.

Nabaling ang tingin ko kay Night nang maramdaman kong inangat niya ang kamay ko at may malamig na bagay siyang sinuot sa daliri ko. Napatingin ako roon at oo, sinuot niya sa akin ang sinasabing singsing ni mamu.

"Thank you for choosing me, Caleila." Tamad na tumango ako at nag-iwas ulit ng tingin. I heard his loud sigh before he start the engine.






"Caleila! Caleila!" Humahangos na tumatakbo patungo sa akin ang mga kaibigan ko. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

Hinila ako nina Mimah at Pearl. "You have to come with us. You must watch the live interview of Zeus."

Nanlaki ang mga mata ko at nagwala pero mahigpit ang pagkakahila nila sa akin. "Ano ba? I don't want to watch him! May gagawin pa ako!"

Buwisit! Pangalan pa lang niya, gusto ko ng umiyak!

Hila-hila nila akong papuntang canteen kung saan may tv. Maraming estudyante ang nagkukumpulan roon at ang karamihan ay umiiyak. Why are they crying? Don't say, may nangyaring masama kay Zeus?! Oh God!

Dahil sa realisasyong yun, malakas kong hiniklas ang mga braso ko sa pagkakahawak nila bago mabilis na tumakbo papasok ng canteen.

"Bakit mo papalitan si Night bilang guitarista ng grupong Devils, Zeus? May kinalaman ba rito ang relasyon mo sa'yong non-showbiz girlfriend?" Iyon ang mga salitang unang narinig ko mula sa telebisyon na naroon sa canteen. Natigilan ako at napatutok sa tv. Naroon si Zeus. Nakaupo kasama ang isang host sa isang showbiz balita.

Ngumisi si Zeus at hindi nagsalita.

Nagbulungan ang nasa paligid. Hindi ko alam kung ano'ng dapat maramdaman. Galit? Inis? Takot? Sakit? Ugh! Is this what he told me? His revenge?

"Okay, Zeus. We respect your decision kung ayaw mong magsalita tungkol sa tunay na dahilan ng pagtanggal mo kay Night sa grupong Devils. Anyway, we're very happy and your fans are over excited sa pagbabalik ng Devils lalo na ng isang Zeus Yuchengco sa stage. What do you want to say to your fans?"

Tumingin si Zeus sa camera. Letsugas! Pakiramdam ko nakatingin lamang siya sa akin. Pakiramdam ko nanunumbat ang kanyang mga tingin, puno ng galit at sakit.

"Thank you everyone for still supporting me and the Devils. Lalo na sa mga nag-abang ng pagbabalik ko. But I hope you will still support me and the group with our new guitarist. And to all interested out there to be the new member of Devils, open ang audition sa mga lugar na nababasa niyo sa inyong mga screen." Lumapad ang ngisi niya. "Again, thank you."

Nang matapos ang palabas na naroon si Zeus. Nanghihinang nabitawan ko ang mga librong dala ko dahilan para matuon ang atensyon sa akin ng lahat. Naningkit ang kanilang mga mata nang makita ako.

"Stupid slut! What did you do? You ruined the Devils!" Galit na sigaw ng isang babaeng naroon. Nasundan pa yun ng mga mur hanggang sa sumabat ang nasa tabi ko na palang mga kaibigan ko.

"Shut up, bitches! Walang kasalanan ang kaibigan namin kaya kung ayaw niyong ipadala sa infirmary. Shut the fvck off!" Hindi ko na alam kung sino'ng nagtatanggol sa akin basta ang naiisip ko lamang ay si Night. I'm worried about Night.

Wala sa sariling tumakbo ako palabas habang patuloy akong pinagmumura ng mga estudyante at pinagtatangol naman ng mga kaibigan ko. Hahanapin ko si Night.

Tumigil ako at tumingin sa paligid. Hinihingal na ako at pinagpapawisan nang walang sabi-sabing may humila ng buhok ko. At hindi lang isa ang humihila ng buhok ko kundi marami. Pinagsasampal pa nila ako.

"You fvcking wench! Two-timer! Dahil sa'yo matatanggal si Night!" Mura at sisi ang naririnig ko mula sa kanila.

"Fvck! Let go of her!" Sunod naman ang boses ni Night. Naghawasan ang lahat nang marinig nila si Night samantalang ako ay naiiyak na nakatayo roon. Nahihilo ako dahil sa kirot na nararamdaman mula sa sampal at kalmot.

"Damn!" Bago pa ako bumagsak sa lupa, sinalo ako ni Night. Napapikit ako at ang huling taong nakikita ko ay si Zeus.

"Z-Zeus...." Bulong ko.

Namulatan ko ang isang puting kisame. Dahan-dahan akong napabangon ngunit napabalik ako ng higa dahil sa kirot sa kabilang braso ko.

"Thank God, you're awake. May masakit ba sayo? Ano'ng gusto mong kainin?" Si Night na nasa gilid ko.

Mataman ko siyang tinignan. Letsugas! Naalala ko ang interview ni Zeus. Zeus kicked him out of the group.

Nag uulap ang mga mata ko.

"Hey, baby! Asan ang masakit?! What do you want me to do?" Natataranta na naman siya. Umiling ako.

"I'm... Sorry, Night."

"What? Why?"

"Dahil sa akin tinanggal ka ni Zeus sa grupo. I ruined your career."

Ngumisi siya at payak na natawa. "It's alright, baby. Hindi importante sa akin ang career ko. Ikaw lang ang mahalaga. Kung yun ang makakasaya kay Zeus, let him be. Sa kanya na ang Devils. Kunin niya na lahat ng meron ako pero hindi kita ibibigay sa kanya." May diin na wika niya.

Nagsisinungaling si Night. Alam ko may panghihinayang sa parte niya. Being in stage is half of his life. At nawala lang yun dahil sa akin.

"Cheer up, baby. Don't worry about me. I'm alright. I will always be okay as long as you're beside me." He said bago hagkan ang noo ko.

"Oh my God! What happen to you, Caleila?!" Natatarantang ininspect ng Mommy ni Zeus ang mga sugat at kalmot ko sa braso nang makarating ako ng Yuchengco Estate at salubungin niya.

Ngumiwi ako nang hindi sinasadyang mahawakan niya ang sugat ko sa siko.

Lumayo ako ng konti sa ginang. "Uhh... Okay lang po ako."

Nandito ako sa Yuchengco Estate para tuparin ang pinangako kong pupunta rito para ipaghanda ng ginang sa birthday ko. Tumakas pa ako kay Night dahil alam kong hindi niya ako papayagan na pumunta sa teritoryo ni Zeus. Ayaw ko rin namang siyang dalhin rito dahil paniguradong magkakagulo na naman.

Hinawakan niya ang pisngi ko na may mga kalmot at maliliit na sugat rin pero hindi yun mahahalata dahil sa concealer na nilagay ko. "May kinalaman ba rito si Zeus?"

Nagbaba ako ng tingin. "Wala po. Kasalanan ko po ang lahat."

"He's too much already! Kakausapin ko siya mamaya." Galit na pahayag ng ginang nang mapansin na rin ang mga nakuha kong sugat sa mukha.

Mabilis akong napahawak sa braso nito. "Huwag po! Ako naman po talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Parati po talaga akong binubully sa school."

Piniksi ng ginang ang pagkakahawak ko rito. "No, Caleila! I should----"

Hinawakan ko ulit ang braso niya at binigyan siya ng nagmamakaawang tingin. "Please po, Mommy... I-ito na lang po ang magagawa ko para kay Zeus. Ang magtiis. Please po..."

Katahimikan... Mataman na pinag-aralan ng ginang ang ekspresyon ko bago napabuntonghininga.

"Alright! Alright! Oh God! You're too much for my son. Hindi ko alam kung ano'ng magandang ginawa ng anak ko para may magmahal na katulad mo sa kanya." Aniya.

Napailing ako. "No. I'm the one who don't deserves him, Mommy. He's kind, sweet at minahal niya ako nang higit sa alam ko, nang higit sa fairytales na nababasa ko at higit sa lahat nang higit sa mga sinusulat kong kuwento."

Napangiti si Mommy.

"Uhh.. Asan na po ang birthday cake ko?" Pag iiba ko ng paksa.

Napahawak sa sariling noo ang ginang. "Let's go inside first Caleila." Inakay niya ako papasok ng estate. Doon kami pumirmi sa engrande at malawak nilang sala.

"Don't be mad, Iha but..... Can you wait for an hour or two?" Simula ulit ng babae.

"B-bakit po?"

Huminga ng malalim ang ginang bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Everything is well prepared. Papupuntahin ko na lang sana ang mga bisita ko at ikaw but .... Zeus ruined everything. The cake, the food, and decoration pinatapon niya ang lahat. I wasn't there when he did that dahil nasa meeting pa ako."

I sighed at ngumiti nang malungkot. "Ganoon po ba."

"Did something happen?" Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Nagbaba na naman ako ng tingin. Hindi na ako magtatanong kung magagalit sa akin ang mommy ni Zeus kung malalaman niyang pinahiya at sinaktan ko na naman ang anak niya.

Maikling katahimikan muna bago ako nagsalita."Pinahiya ko siya, M-mommy. I hurt him, again." Hindi ko na napigilan mapahikbi. Pinunasan ko ang luha ko. "I chose Night over him. I told him na si Night ang mahal ko at ginamit ko lang siya."

Inaasahan ko ng sasampalin ako ginang pero sa halip na malakas na sampal ang matanggap ko mula rito, niyakap niya ako.

"Hush, daughter. It's okay. I know you love my son. And I know there's a reason behind your decision at gusto kong malaman mong naiintindihan ko yun."

Napahagulgol na ako sa iyak. Letsugas! Bakit napakabait sa akin ng mommy ni Zeus? I deserves a slap pero niyakap niya pa ako.

Hinarap ulit ako ng ginang at may ngiti sa labi niya. "You stop crying, okay?" Tumango lang ako kahit na napapahikbi pa rin. "Can you wait for a couple of hour para ipahanda ko ulit ang birthday party mo?"

Mariin akong umiling. "Huw-wag na po, Mommy. A-aalis na po ako. A-ayoko pong maabutan ako ni Z-Zeus. Ayoko pong gumawa na naman ng gulo."

"You sure?"

Tumango ako.

She sighed. "Okay. Wait me here. I'll just get my gift for you. Anyway, I'm sorry Caleila, I already forgot my manners. What do you want to eat and drink?"

"Ahh. Hindi na po. Busog pa po ako."

Nang maiwan niya ako roon, inilibot ko ang paningin ko sa malaki nilang sala. Ngayon ko lang lubos na napagtuunan ng pansin ang motiff ng estate. Moderno at puti. May mga painting na alam mong mga tanyag ang mga puminta. Simple pero elegante.

Tumayo ako at naglakad-lakad. Nadaanan ko ang malaking kusina at naroon ang karamihan ng mga katulong. Busy sila na para bang may ihahandang party para mamaya.

Bigla akong natulala nang may maalala akong isang magandang alaala roon.

"Okay na ba? Papasa na kaya ako sa mommy mo?" Kinakabahan kong tanong nang ipatikim ko kay Zeus ang niluluto kong Chicken Kari-Kari.

Naroon ako sa bahay dahil gusto raw umano akong makabonding ng mommy niya at matikman ang luto ko. Letsugas! Gusto kong batukan at sampalin ang sarili ko kung bakit di ako nag-aral magluto. Abot-abot ang kaba ko. Halos di na nga ako nakatulog sa sobrang pag iisip kagabi. Iniisip ko na baka madissapoint ang mommy ni Zeus sa akin.

"Pwede na..." Simpleng kometo niya nang matikman ang luto ko.

Napasimangot ako. "Puwede ng pagtyagaan? Tss!"

Pinisil niya ang ilong ko at tumawa. "Puwede na tayong magpakasal. Puwede ka ng mag asawa. Ang sarap ng luto ng girlfriend ko." Napapikit pa siya para i-emphasize na masarap daw talaga ang luto ko.

"Ikaw! Bolero mo!" Nakasimangot pa ring saad ko at tinalikuran siya. Letsugas! Nag-iinit ang pisngi ko. Wala sa sariling napangisi ako at kinilig. Geez! Kainis na Yuchengco!

"Uyy! Hindi, ah! Masarap talaga luto mo. Dito ka na lang, Minnie. Ipagluto mo ako araw-araw." Niyakap niya ako mula sa likod.

"Ano ba, Zeus? May makakita sa atin. Makita tayo ng mommy mo." Pahayag ko pero hindi naman ako nag-abalang baklasin ang pagkakayakap niya.

"Ehem!" Naitulak ko si Zeus nang wala sa oras nang marinig namin ang fake cough ng mommy niya. "Baka magkaapo na ako niyan bukas, ah." She said while grinning. Namula naman ako.

"Mum!" Nakasimangot na apila ni Zeus.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang araw na yun. I sighed. Those were only memories now. At mananatiling alaala na lamang ang mga yun.

"Babe... " Naagaw ang pansin ko ng malanding boses. Para akong napako nang makita kong papasok si Zeus ng estate but his with someone. A girl na pang beauty pageant ang katawan.

Nakaakbay si Zeus sa babae pero sa tingin ko lasing siya. "Manang!" Sigaw niya.

"Come on, babe. Ako na ang aalalay sa'yo papunta sa kwarto mo. Maraming ginagawa ang manang niyo." Malanding pahayag ng babae at pinaghahalikan ang leeg ni Zeus.

Letsugas,Caleila! Just close your eyes! Don't look!

Sigaw ko sa sarili.

Hindi sinasadyang nagtama ang paningin namin si Zeus. Nakatulala lamang ako sa kanya. Letse! I miss him. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya. Gusto kong umiyak sa dibdib niya at sabihing namimiss ko na siya. Gusto kong ibalik yung dating kami.

Bigla siyang ngumisi habang patuloy na hinahalikan ng babaeng kasama niya ang kanyang leeg. "Yes, babe. Let's go upstairs." He said habang nakatingin sa akin bago bumaling sa babae at naghalikan sila sa harapan ko.

Hindi ko namalayang basa na pala ang pisngi ko. Buwisit! Tumalikod ako at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.

"Let's go, babe." Wika ng babae sa umuungol na tono. Letsugas!

"Wait, babe. I have a guest." I compose myself bago humarap sa kanila nang sa tingin ko ako ang pinag-uusapan nila.

Nanlaki ang mga mata ng babae nang makita ako. Marahil kilala niya ako bilang girlfriend ni Zeus. Well, Ex pala.

"Hi, Caleila! What brought you here?" Tumayo ng matuwid si Zeus kahit mukhang lasing na siya at hinapit ang beywang ng babaeng katabi.

Matapang naman akong lumapit sa kanila.

Show what you've got, Caleila! Remember, you're strong! Be strong kahit sa harap na lang niya!

Pagche-cheer ko sa sarili.

Ngumisi ako. "Hello, Zeus and to your new girlfriend."

Hindi nakalagpas saken ang pagkawala ng ngisi ng lalaki.

"I'm just here to thank your mom. But don't worry, I'll leave soon. Magpapaalam muna ako sa kanya. Umm.. Can I excuse myself? Lalabas muna ako. Dun na lang ako sa garden maghihintay sa mommy mo." I said bago sana umalis roon dahil nangangatog na ang mga paa ko nang walang babalang hawakan ni Zeus ang braso ko.

"Aray!" Napasigaw ako dahil mismong sa sugat niya ako nahawakan. Napabitaw siya at napatingin sa braso ko.

"Damn! Who did this to you?" Para siyang nagising mula sa pagkakauntog at nawala ang kanyang pagkalasing nang tanungin yun.

Marahan kong hinawakan ang parteng nasaktan niya. "Wala kang pakialam!"

"Babe! Let's go! Let her go!" Maarte namang sumingit ang babaeng dala niya pero hindi niya pinansin ang babae.

"Damn it, Caleila! Who did that to you?!" Napaatras ang babae nang tumaas ang tono ni Zeus.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang ininspect niya ang dalawang braso ko at pati na rin ang mukha ko kung saan siya nagtagal. Kumunot ang kanyang noo.

"Ano ba, Zeus?! Puwede ba?!" Lumayo ako sa kanya.

"Babe... Come on..." Lumapit ulit ang babaeng dala niya sa kanya at umabrisete pa ito sa braso niya pero galit na piniksi niya ang braso ng babae at hinarap ako.

"You tell me who did that to you or I'll find it on my own and kill whoever bitches and son of the bitches are they?!" Nakakuyom ang kanyang kamao habang sinasabi yun.

Payak akong natawa. Letsugas! "Why, Zeus? This is none of your business.Tapos na tayo. Wala kang karapatan para magpakita ng concern sa akin dahil hindi na kita boyfriend!" Mataas ang tonong sagot ko sa kanya.

Natigilan siya na para bang nagising sa katotohanan. Maging ako ay natigilan rin. Well, siguro dala na rin ng selos nang makita ko siyang may ibang babae kaya ko yun nasabi.

He grinned. "Yeah, right. I guess you're right."Huminahon at naging malamig ang boses niya bago umakyat sa hagdanan. Hindi ko inaasahan na naroon na rin pala ang mommy nito. She's wearing a sad face. Sumunod ang babae ni Zeus sa kanya.

"You... Go home. Magpahatid ka nalang sa driver." Mariing utos niya sa babae bago nagpatuloy sa pag-akyat.

Matagal akong nakatayo roon hanggang sa mawala si Zeus sa paningin ko. Napaluhod ako sa marble na sahig ng Yuchengco Estate nang mawala siya sa paningin ko. At umiyak.

"Caleila!" Galit na humarang si Night sa daraanan namin. Kasama ko ang mga kaibigan ko at katatapos lang ng first subject namin.

"Oh Night?" Si Timmy!

Hindi pinansin ni Night si Timmy at nakatuon lang ang atensyon ng lalaki sa akin. Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

"Where have you been yesterday? At kanina hindi mo man lang ako hinintay. Alam mong susunduin kita!"

Napuno ng bulungan ang paligid. Huminga ako nang malalim at tamad na tinignan siya. "Kailangan kong pumunta nang maaga sa school para sa group presentation namin. You can ask my friends about it if you don't trust me. At kahapon, pumunta ako sa Yuchengco Estate para bisitahin ang mommy ni Zeus."

"What?! You went to his home. Damn it, Caleila! Why didn't you tell me?!"

Humarang ang mga kaibigan ko sa pagitan namin. "Puwede ba, Night. Chill lang. Mag-usap kayo sa pribadong lugar at hindi rito." Si Shana.

"Huwag mong sigawan ang bestfriend namin. Hindi siya bingi at mas lalong hindi siya bata para imonitor mo oras-oras." Si Pearl naman.

"Will you just mind your own business?! Relasyon namin 'to ni Caleila at wala kayong pakialam!" Patuloy na sigaw ni Night ngayon naman sa kanila.

"Putcha! Eh, gago ka pala Night! Bestfriend namin si Caleila kaya may pakialam kami sa kanya! Huwag mo kaming pagtataasan ng boses at baka hindi mo magustuhan ang gagawin namin sa'yo!" Galit na segunda ni Mimah.

Galit na ngumisi si Night at bago pa may masabi siyang hindi maganda, pumagitna na ako. "Enough" Mahinahong wika ko. Bumaling ako sa mga kaibigan ko. "Girls, hintayin niyo na lang ako sa classroom." Binigyan nila ng masamang tingin si Night bago tumango at naglakad palayo sa amin.

Naglakad naman ako papuntang park. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong sumunod si Night pero may mga usisera at usiserong sumusunod na kaagad na binulwayan nito. Napailing na lamang ako. Goodbye, fake Night!

"You shouldn't say those words to my bestfriends, Night." Yun agad ang panimula ko.

Nag-iwas siya ng tingin. Alam naman niya kasing mali siya at naunahan lamang siya ng selos.

"Pumunta lamang ako roon dahil nangako ako sa mommy ni Zeus na dadalo ako sa party na hinanda niya for me but unfortunately sinira yun ni Zeus. Zeus hates me already." Nag angat siya ng tingin.. "So, rest assured na wala kang dapat ipagselos. Wala na kami ni Zeus. Ikaw ang pinili ko."

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Pero siya ang mahal mo."

Ako naman ang nag-iwas. "Hindi na yun importante. Ang mahalaga ikaw ang pinili ko." Sagot ko bago lumayo sa kanya. "Papasok na ako. Hihintayin na lang kita mamaya sa parking lot." Sagot ko bago naglakad palayo roon.

"Its weekend tommorow. What are your plans?" Tanong ni Night nang tumigil kami sa harapan ng bahay namin.

Nagkibit balikat ako. "Mag-aaral, matutulog at manonood ng TV. As usual."

He groaned. "Magdate tayo." Nakangising anyaya niya.

"Kaw bahala." Tamad na sagot ko bago lumabas ng kotse.

"I'll pick you up tommorow at 9:00 am." He said.

Tumango lang ako bago isinara ang pinto ng kotse.

Nang makapasok ako ng gate ng bahay. Narinig ko na ang harurot ng kotse nito. Napabuntong hininga ako na para bang halos hindi ako makahinga kanina.

Napatingin ako sa ulap nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Malungkot akong napangiti.

Those memories when we first met, he left and back. Naging saksi roon ang ulan.

"Zeus..." Malungkot kong bulong.

Nagsisimula ng lumakas ang patak ng ulan kaya pumasok na ako.

Matapos kong makapagbihis at kumain, naisipan kong matulog na since masarap matulog kapag ulan pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, mukha ni Zeus ang nakikita ko.

Napatalon ako nang magring ang cellphone ko...

Unknown number calling...

Nakatingin lang ako sa LCD ng cellphone ko. That familiar unknown digits. Letsugas! It's Zeus new number!

Bago ko pa mapigilan ang sariling sagutin yun, nanginginig ang mga kamay kong sinagot ang tawag.

"H-hello?" Pati boses ko nanginginig.

"I... Miss you so d*mn much." Ugh! That familiar voice!

"Z-Zeus..." Naririnig ko ang patak ng ulan sa kabilang linya na para bang malapit lang siya sa akin. Busy tone na ang sumunod kong narinig.

"M-miss na miss na rin kita." Naiiyak na sagot ko kahit na wala na siya sa kabilang linya.

Hindi sinasadyang mapadungaw ako sa bintana ng kwarto ko and then there I saw him. Nakatayo sa labas at harapan ng gate namin, basang basa ng ulan. Napatayo ako at mabilis na lumabas ng kwarto at bahay dala ang payong saka tinalunton ang gate kahit na ang lakas-lakas ng ulan. Pagbukas ko ng gate, wala na siya roon.

Pakiramdam ko ng mga oras na yun iniwan ako nang nag-iisa. Letse! Nakakainis! Gusto kong magpakaselfish pero naisip ko ang mga taong masasaktan ko. Napaiyak na lamang ako roon. Doon sa gitna ng ulan.

Nagising ako dahil sa nagriring kong cellphone. Tamad kong sinagot yun.

"Baby..." Si Night!

"Hmm... Night, its too early. I'm sleepy." Reklamo ko. Halos hindi ako makatulog kagabi kaya para akong may hangover nang disturbuhin ni Night ang tulog ko.

He chuckled. Nairita naman ako. "Puwede ba, Night! Kung tumawag ka lang para mang-inis at mangdisturbo, sa susunod hindi na kita sasagutin."

"Sorry, baby. Its just that its already quarter to 9." Nanlaki ang mga mata ko at napabangon. Napatingin ako sa orasan, mag ni-nine na nga. Napatingin naman ako sa bintana, umuulan pa rin kaya medyo madilim pa. "I think, you're too tired at nasarapan ka sa tulog mo since umuulan at masarap matulog. So, let's just postpone our date. Maybe tommorow. What do you think?"

Napahawak ako sa noo ko. "Okay." Nang pinatay ko ang tawag ni Night. Dumungaw ako sa bintana ko. Ugh! Why am I expecting na baka naroon siya ulit?! Wake up, Caleila! He's not coming back!

Biglang may kumatok sa pinto ko at pumasok si Mama na may dalang breakfast.

"Ma, bat pa kayo nagdala rito?" Kinuha ko ang tray ng breakfast.

"Alam kong pagod ka kaya dinalhan na kita ng breakfast." Napabuntong hininga na lamang ako.

"Kagabi pa po ba ang ulan?"

"Tumigil ng isa hanggang dalawang oras tapos umulan ulit." Sagot ni Mama. Napatango na lamang ako.

Nang iniwan na ako roon ni Mama, akmang magsisimula na akong kumain nang magring ulit ang cellphone ko.

Sinagot ko agad ang tawag nang makitang mommy ni Zeus ang tumatawag.

"Hello, Mom?" Sagot ko.

"Caleila! Si Zeus, nagkasakit at ayaw niyang magpadala sa ospital." Umiiyak na sumbong ng ginang.

"Po?! Sige po, mom. Pupunta na po ako dyan." Mabilis akong nag ayos at nagbihis. Ni hindi ko na nagalaw ang breakfast ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Papa.

"Kina Zeus po, Pa. Sige po." Hinabol ako nina Papa at Mama pero mabilis akong tumakbo palabas ng gate dala ang payong. Sakto namang may dumaang taxi na kaagad kong pinara.

"Pakibilisan po, Manong." Kinakabahan ako habang hawak ko ang cellphone ko. Kainis na Yuchengco! Siguradong nagkasakit siya dahil nagpaulan kagabi.

Nang tumigil kami sa harapan ng gate ng Yuchengco Estate, mabilis akong nagbayad at lumabas ng taxi. Hindi ko na alintana ang ulan.

"Thank God you're here, Caleila!" Naiiyak na salubong sa akin ni Mommy.

"Nasan po si Zeus?" Kaagad na tanong ko.

Dinala niya naman ako sa kuwarto ng lalaki. There, I saw him balot na balot ng makapal kumot at hindi nakalagpas sa akin ang panginginig niya. Ugh! Letseng Yuchengco! Ang tigas ng bungo!

"Umm... Pakikuha po ng palaggana na may malamig na tubig at ice, Mom saka po face towel. Nagpunta na po ba rito ang doctor?"

"The doctor's coming." Napangiwi ang ginang. "Nauna kasi kitang tawagan kaysa sa doctor because I know you are his medicine. Sige, Iha. Ikaw na ang bahala sa anak ko. I'll send the things you ask. Kung may kailangan ka pa, pwede kang tumawag sa intercom."

Tumango ako kahit namumula ang mukha ko. Nang iwan ako roon ng mommy, natuon ang pansin ko sa nanginginig na si Zeus. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya sa akin.

"Z-Zeus..." Geez! Nangangatog ang tuhod ko.

Lumapit ako sa gilid ng kama niya at umupo roon. Hinawakan ko ang noo niya. Letsugas! Sobrang init niya!

Akmang tatayo na ako ulit dahil natataranta na naman ako nang walang pasubaling hinawakan ng mainit niyang palad ang kamay ko sa kanyang noo.

"Caleila..." Mahinang tawag niya saken..

Madilim sa silid na iyon at tanging lampshade sa bedside table ang nagbibigay liwanag sa kwarto pero hindi yun naging hadlang para hindi makita ko ang pamumutla niya. Nakapikit siya nang mariin na para bang tinitiis niya ang sakit.

Magsasalita sana ako nang may kumatok sa pinto at pumasok roon sina Mommy, ang doctor at isang katulong na may dalang maliit na palaggana.

Binawi ko ang kamay kong hawak ni Zeus at tumayo. Lumapit naman rito ang doctor. He checked on him habang hinahanda ko ang sponge bath para kay Zeus.

Hindi naman gaanong nagtagal ang doctor. Nag iwan lang siya ng gamot at may mga sinabi.

"Ako na po ang magpapakain at magpapainom kay Zeus, mom." Tumango ang ginang at iniwan na ulit kami roon.

"Zeus... Get up. You need to eat in order for you to take your medicine."

He groaned. "I'm... Not starving." Hirap niya pang sagot.

"But you have to eat...please." I said pleading.

Hindi siya sumagot pero bumangon na. Tinulungan ko siyang makaupo at napagtanto kong shirtless siya. Basang basa na rin siya ng pawis.

"God, Zeus! Basang basa ka na ng pawis! You should have told your mom or the maid! Mamamatay ka dyan sa ginagawa mo!" Napatayo ako at natatarantang naghanap ng towel.

He coughed.

"Why do you care so much? Di ba mas lalo kang dapat magsaya dahil mamamatay na ako. Wala ng hadlang sa inyo." Napahinto ako sa pagpupunas ng pawis niya.

"I'm not that evil." I answered saka nagpatuloy sa pagpupunas ng pawis niya. Nang matapos kong punasan ang pawis niya, kinuha ko ang bowl ng porridge. Hinipan ko muna yun at akmang isusubo sa kanya pero natigilan ako nang magtama ang mga mata namin at mataman siyang nakatitig saken.

"E-eat..." Kinakabahang utos ko. Marahan naman niyang binuka ang bibig at tinanggap ang subo ko. Hindi pa nakakalimang subo, umiling na siya.

"I'm full..." Aniya.

"But you've just eaten----"

"Please..." He said

Huminga ako ng malalim bago binaba ang bowl ng porridge na hindi pa nangangalahati. Kinuha ko ang gamot niya at tubig. Pati sa pag inom niya ng gamot ay nakaalalay ako.

"W-wait. Pupunasan muna kita ng malamig na tubig. Sponge bath." Namumulang saad ko bago nagsimula siyang i-sponge bath. Tahimik lang kami habang ginagawa ko yun. Alam ko nakatitig siya sa akin kaya ayokong bumaling sa kanya.

"You rest. Dito lang ako kung may kailangan ka." Malamig na pahayag ko habang inaalayan siyang humiga ulit.

"Why are... you here? Magagalit siya kapag nalaman niyang nandito ka."

"Puwede ba, Zeus. Just rest. Nandito ako because... because I care for you." Inayos ko ang makapal niyang kumot.

"I thought you don't care about me already. Thank you, Minnie." Napabaling ako sa kanya at may ngiti sa labi niya bago napapikit.

Ugh! Why Zeus? Di ba galit ka sa akin? Hate me, Zeus! Hate me!

Nanghihinang umupo ako sa malaking sofa na naroon. Marahil sa sobrang pagod at kulang na tulog, nakatulog na ako.

Nagising akong may kumot na at unan. Direktang bumaling ang paningin ko sa king sized bed ni Zeus. Naroon siya at natutulog. Napatingin ako sa orasan. 2pm na. Marahil nagising siya kanina.

Anyong lalapit ulit ako sa kanya para i-tsek kung mainit pa ba siya nang maagaw ang pansin ko ng nakabukas niyang tab sa bedside table. Naka on yun dahil sa video na nakapause. Marahil pinanood ito ni Zeus kanina. Siya ang nasa video at may hawak na guitara.

Hindi ko alam pero may nag uudyok sa akin na iplay ang naturang video. Nang iplay ko ang kanta. Napagtanto kong ginawa niya ang video nung araw na may kasama siyang babae at napagsalitaan ko siya nang hindi maganda.

Nakangisi siya sa video habang nags-strum ng guitara pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.

~~

Di na muling luluha

Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin

Hanggang sa walang hanggan

Di na makikinig ang isip ko'y lito

Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko

Letsugas! Bakit sa unang play at sambit pa lang niya ng linya ng kanta, naiiyak na ako?

~~

At kung hindi man para sa akin

Ang inalay mong pag-ibig

Ay di na rin aasa pa

Na muling mahahagkan

Dahan dahan mong bitawan

Puso kong di makalaban

Dahil minsan mong iniwan

Labis na nahihirapan

Ugh! Pakiramdam ko, kinanta niya ang kantang ito dahil mismong mga linya ng kanta ang nararamdaman niya.

~~

Di na papayag na ako'y iyong saktan na muli

At malimutan ang ating nakaraan

Di mo ba naririnig pintig ng aking dibdib?

Lumalayo na sa'yo ang damdamin ko

Napahikbi na ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya. Paulit ulit ko na siyang sinasaktan pero patuloy niya pa rin niya akong minamahal

"Caleila..." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Zeus sa tabi ko.

Hindi sinasayang nabitawan ko ang tab niya dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Basa na ang pisngi ko ng luha.

"Letse ka talaga, Zeus Asher Yuchengco! Bakit nagpaulan ka kagabi?! Huwag kang magdeny! Alam kong nasa harapan ka ng bahay namin kagabi!" Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko.

Hirap siyang bumangon at umupo. Mataman niya akong tinitignan habang umiiyak.

"Ano?! Magsalita ka! Ang sama mo talaga! Alam mong makokonsensya ako pag nagkasakit ka diba?! Kaya nagpaulan ka kagabi. Napakasama mo! Alam kong nasaktan kita pero hindi mo alam na doble ang sakit na bumabalik sa akin kapag nasasaktan kita. Ugh!" Pinunasan ko ang mga luha ko but its useless patuloy ang pagkalas ng mga luha ko.

Lumuhod ako at pinulot ang tab saka nilagay sa bedside table. Letsugas! I need to leave! Nagiging transparent na naman ako sa harapan ni Zeus! Aish! Peste! Ayokong malaman niyang mahal ko pa rin siya! Magiging back to zero na naman ang mga pananakit ko sa kanya.

Akmang aalis na ako nang mahigpit niya akong pinigilan sa braso.

"Damn it, Caleila! Kung dobleng sakit ang balik sayo. Then, tripleng sakit naman ang balik nun saken. No, make it 4 times, or 5. Ugh! Fck! Higit pa sa iniisip mo ang balik na sakit nun sakit!" Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng timbre ng boses ni Zeus. Paos ang boses niya.

"Why, Caleila? Kung nasasaktan ka sa nangyayari sa atin. Kung nasasaktan ka dahil nasasaktan mo ako? Then, why are you doing this to us? Bakit mo pinahihirapan ako at ikaw?" Tumigil siya at mataman na inangat ang mukha nang sa ganon magtama ang paningin namin dahil nag iwas ako ng paningin rito para punasan ang luha ko. "Mahal mo ba ako? Please... Sabihin mong tama ang nararamdaman ko. Please stop hurting me, Caleila. Kasi kahit paulit-ulit mo akong saktan, its useless. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo."

Marahan niyang kinalas ang pagkakahawak sa akin na para bang nanghihina.

"Nangako ako sa sarili kong gaganti sa pananakit mo sa akin. I told myself many times that you don't deserve me. You don't deserve my love dahil ginamit mo lang ako. Naging instrumento mo lang ako. Hindi pagmamahal ang dapat ibigay sa'yo kundi galit at sakit. Halos itatak ko yun sa isip at puso ko. But you know what, para lang akong namamangka sa daan. I can't move. Its useless. Dahil kung masasaktan kita, para ko na ring kinatay ang sarili kong buhay." Tinakpan niya ang mukha gamit ang braso bago ulit nag-angat ng tingin sa akin. Mapula na ang kanyang ilong at mga mata. Letsugas! He's crying!

Napahikbi ako. "I'm... I'm sorry, Zeus."

Napayuko ulit siya. "I just wish your sorry will take me back as I am before." He gave me a big sigh.. Nakangisi siya. "Pero nandito na 'to eh. Minahal na kita. Mahal na kita. Nasaktan na ako. Maybe all I can do is accept the fact that you didn't love me and----"

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, bumukas na ang labi ko para putulin ang sinasabi niya. "Mahal kita!" Humihikbing pahayag ko.

Natigilan siya at maging ako.

"Come again,Caleila? Nabibingi na ba ako?" May hope sa mga mata niya.

Umiling ako. "Mahal din kita Zeus but we can't be----" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Hinila na niya ako at niyakap.

"God! I thought nabibingi na. Akala ko nababaliw na ako at gumagawa na lamang ng hallucination. But you really told me that you love me."

Malakas akong kumawala sa yakap niya kahit na taliwas yun sa gusto ko.

"We can't be together, Zeus."

Kumunot ang noo niya. "Why? Dahil ba mahal mo rin si Night?! Fvck! Hindi ko isusuko ang pagmamahal mo sa akin, Caleila. Kahit mas lamang pa si Night sa puso mo."

Umiling ulit ako."You don't understand, Zeus!"

"Then, make me understand, Caleila!" Sigaw niya."Kahit gaano pa yan kahirap, maiintindihan ko. Kahit masaktan na naman ako. Pipilitin ko ang sarili kong maintindihan ka. Because I don't have a choice, Caleila. Lunod na ako sayo. Its either mahal kita o mahal kita."

I shoke my head."Nalilito na ako, Zeus. Hindi ko na alam. Ayokong may masaktan para lang maging tayo." May pagsuko sa boses ko.

"Would you rather choose to hurt me and yourself?"

Napatingin ako sa kanya. May pagsuko na rin sa kanyang mga mata. "Ewan ko. Hindi ko alam"

"I love you, Caleila. Mahal na mahal kita. Kung hindi mo pa kayang pumili sa amin. Kung nalilito ka pa kung sino'ng mahal mo. Kung hindi mo pa siya kayang bitawan. I can wait. Atleast I can learn to wait. Kahit walang katiyakan sa huli, maghihintay ako. Kahit na sa loob ng 100%, 10% lang ang chance ko. Damn it! Susugal ako."

Umiiyak ako. Hindi rin nakalagpas sa akin ang pagkislap ng mga luha sa mga mata ni Zeus.

Unti-unting bumabalik sa akin ang mga alaala kung paano kami unang nagkita at nagkakilala. Kung paano naging kami. At kung paano napasok si Night sa buhay namin. My dream, the past, the pain, the present and the hatred. May koneksyon ang lahat.

"Give me time to think, Zeus. Gulong...gulo na ako." Huling pahayag ko bago tumakbo palabas ng kwarto niya.

Wala akong tigil sa pagtakbo kahit nakalabas na ako ng Yuchengco estate at basang basa na ng ulan.

Ugh! Naalala ko ang mukha ni Night, ang mukha ni mamuwhile begging. Hindi ko kaya silang masaktan. Pero naisip ko si Zeus at ako. We're both happy and love each other. Sa pgmamahal ba, kailangan magsakripisyo? Love is sacrifice.

No! Sigaw ng isip at puso ko. I can't sacrifice Zeus.

Iyon ang huling konklusyon ng utak ko nang masilawan ako ng dumarating na kotse at mabingi sa busina nito. Ang sunod na mga pangyayari ay para akong namanhid.

"Diyos ko! Nasagasaan ang babae!"

"Dalhin na natin sa ospital!"

Iyon ang mga salitang huli kong narinig bago nagdilim ang lahat.

Madilim at manhid ang pakiramdam ko but then I saw Zeus. He's smiling at me. Naglakad ako palapit sa kanya. Animoy automatic na nakaramdam ako. I'm happy.

"Zeus..." Tawag ko. "Hindi na ba tayo maghihiwalay?" Naiiyak na tanong ko.

"No. We will always be together from now on, Minnie." He said bago ako niyakap.

Napangiti ako. Biglang nag-iba ang kinaroroonan namin. Napunta kami sa isang dalampasigan.I run towards the sea shore. Hinabol niya ako. We were just playing there. Masaya ako. Kami. Habang naghahabulan. This is the world I dream of. Kami ni Zeus. Masaya at kontento. Hindi na ako nalilito o nasasaktan. Walang tanong. Basta mahal ko siya at mahal niya ako. This is what happy ending I dream of.

0���$�5

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
33.9K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
182K 8.2K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...