Is This Love?

By Fluffyderella

36.6K 776 38

Sa laro ng pag-ibig, sino ba ang mas matimbang? Ang taong una mong minahal o ang taong natutunan mo ng mahali... More

Copyrights
Innocent Love
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-Isang Kabanata
Ikalabing-Dalawang Kabanata
Ikalabing-Tatlong Kabanata
Ikalabing Apat na Kabanata
Ikalabing Limang Kabanata :
Ikalabing Anim na Kabanata
Ikalabing-Pitong Kabanata
Ikalabing-Siyam na Kabanata
Ikadalawampung Kabanata
EPILOGUE (Unang Bahagi)
EPILOGUE (Pangalawang Bahagi)

Ikalabing-Walong Kabanata

1.1K 26 2
By Fluffyderella

Z-Zeus... Long time no see." Simula ko.

Pakiramdam ko para akong nasa establado at umaarte. Umaarte na hindi nasasaktan at masaya na.

Ngumiti siya. Is he acting, too? O nakamove-on na siya sa amin? But it's been six months at hindi nakapagtataka kung mangyari man iyon.

"Kumusta?" Pag uulit niya ng tanong kanina.

He did not change. O kung nagbago man siya, mas lalong nadefine ang maganda niyang mukha at katawan.

"D-Doing good." Simpleng sagot ko na may nakapagkit pa ring ngiti. "You?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nag-iwas ng tingin paharap. He wear his wayfarers. Ugh! That wayfarers again.

"Are you mad at me?" He asked without looking at me.

Buwisit! How dare him to ask me that question?! Ofcourse, I'm mad!

"Bakit naman ako galit sayo?" Humarap ulit siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil nakasuot siya ng salamin.

Katahimikan ...

Hindi niya na naman sinagot ang binalik kong tanong sa kanya. Kaya ako naman ang nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang makipaglaban ng tinginan dahil pakiramdam ko mawawala ang anumang galit ko kung gagawin ko yun.

"Hatid na kita. It's raining." He said out of the blue na tila walang anumang nangyaring masama sa pagitan namin.

Napatingala ako sa madilim na ulap. "Titila din ang ulan. Don't bother."

Bakit ganun? Bukod sa umiyak gusto ko siyang yakapin. Bakit mas lamang ang pagnanais kong ikulong ang sarili ko sa yakap niya kaysa sumbatan siya?

Di ba galit ako sa kanya? Di ba nakamove-on na ako sa kanya? Letsugas! Akala ko lang ba ang lahat ng iyon?

Gusto kong pasalamatan ang sarili because I manage to control my voice. Pero ang sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil na huwag umiyak. Ang gusto ko lamang mangyari ngayon ay umuwi ng bahay. Magkulong at umiyak. Aish!

"I've watched the weather forecast a while ago. The rain will not stop. So, come on." Aniya.

May pumara namang black mercedez benz sa harapan namin. Bumaba sa kotse ang dalawang lalaking nakablack suit na mukhang foreigner at may hawak na itim na payong. Lumapit sila sa amin.

"Come on, Caleila. Ihahatid na kita. Kapag di ka sumama, iisipin kong galit ka nga sa akin." Nakangising anyaya niya.

Mukha ngang walang balak tumila ng ulan. At sa halip na tumila ito, nagsisimula ng bumaha sa sulok na yun.

I smirked. "Okay." Napilitang sagot ko. Ayokong bigyan ng katotohanan ang sinabi niya kaya sasama ako.

"Ipapahatid ko na lang ang bike mo sa school. Give me your bag."

"Okay lang. Hindi naman mabigat ang bag ko." Malamig kong sagot sa kanya at sumabay sa lalaking nakablack suit. Pinayungan niya ako hanggang sa makasakay ako ng kotse habang naiwan roon si Zeus.

Nang makapasok ako ng kotse. Nangilid ang mga luha ko na para bang nagbabantang tumulo kaya bago pa yun mangyari. Napaangat ako ng ulo. Letsugas! Not now! I'm strong! Hindi puwedeng maging mahina ako sa harapan niya! NEVER!

Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mga mata ko nang makitang palapit na si Zeus sa kotseng kinalulunalan ko matapos mkipag-usap sa isa pang tauhan niya. Thank God! Tinted ang kotse kaya di niya nakita ang pagpunas ko ng luha.

Hinanap ko ang headset sa bag ko para magpatugtog sa cellphone ng masayang kanta nang sa ganun di ako maiyak. Ngunit bago ko pa yun magawa, namutla ako nang makita ang pangalan ni Night sa LCD ng phone ko.

Night calling...

Napatingin ako sa kakapasok lang na si Zeus. Napatingin rin siya sa nag-iingay na cellphone ko. At bago niya pa mabasa ang pangalan ng tumatawag, I answered Night's call.

"H-hello?" GEEZ! Why am I nervous?

"Where are you?" Hindi ko alam pero may nahihimigan akong takot sa boses ni Night.

"On my way to school. Why?" Napatingin ako kay Zeus. Nakatingin rin siya sa akin kaya nag-iwas ako.

"C-Caleila..." Nahihirapan si Night. Kumunot ang noo ko dahil nag-aalala ako sa kanya.

"May problema ka ba, Night?" Hindi ko napigilan ang pag-aalala.

"N-Nothing. Namiss lang kita." Aniya pero may clue na ako kung bakit siya tumawag.

Hindi ko alam kung okay at dapat bang sabihin ko kay Night na magkasama kami ni Zeus o mas mabuting itago ko na lang yun pero ayoko nang maglihim pa. Night's a good bestfriend to me at nangako ako sa mga bestfriends ko na wala akong itatagong sekreto and Night belongs to my bestfriends.

"N-Night..." Napaharap ulit ako kay Zeus. Wala na siyang suot na salamin. Nakakunot ang noo niya habang nasa labas ang paningin. "I'm with Z-Zeus." Nanghina ang boses ko. Napaharap si Zeus sa akin kaya nagtagpo ang paningin namin.

"What?!" Tumaas ang timbre ng boses niya. I already expected this.

"Chill, Night. Ihahatid niya lang ako."

"Damn, Caleila! How can I relax kung magkasama na naman kayo ng gagong 'yan! What is he doing there?! Fvck! Dapat talaga sinundo na lang kita!"

Akmang sasagutin ko siya nang walang babalang inagaw ni Zeus ang cellphone ko.

"Zeus!" Pigil ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Caleila has nothing to do with you, Monteverde. She has no duties in explaining herself kung bakit kami magkasama. Hindi kayo at girlfriend ko siya. Akin siya mula simula pa at sisiguraduhin ko na akin siya hanggang huli." He said bago pinatay ang tawag.

"Why did you said, you liar?!" Namumula na ako sa galit at sa inis. Napigtas na ang mahinahon kong boses kanina.

Humarap siya sa akin at natawa ng pagak. " What lies are you talking about, Caleila? Those aren't lies, my dear. Wala akong matandaang naghiwalay tayo." Malamig ang boses niya.

Napailing ako. Hindi ako makapaniwala sa mga inaasal ni Zeus. Now, he's acting as if kami pa at may karapatan pa siya sa akin.

"Stop the car." Malamig kong utos sa driver.

Now, he's really back! The same Zeus I knew! Ang mapang-angking Zeus!

"No, you continue driving. Ihatid mo kami sa isang pribadong lugar." May diin na utos niya.

At dahil si Zeus ang boss ng driver, he continue driving na mas nagpakulo ng dugo ko.

"I said, stop the car!" Mataas na ang boses ko.

"No!" Sigaw din niya.

"Kapag hindi mo inihinto ang kotse, babasagin ko 'tong salamin ng kotse!" May determinasyon sa boses ko. Ngunit mukhang hindi naniniwala ang driver na kaya kong gawin yun dahil nagpatuloy siya sa pagd-drive.

And because I'm desperate at naiinis na rin ako, nagwala nga ako. I punched the windshield beside me. Masakit pero walang epekto ang ginawa ko. Made of bullet troop ata ang salamin pero wala akong makialam! Inulit ko ang ginawa ko.

"Stop it, Caleila! You're hurting yourself." Hinila niya ako pero nagpilit akong kumawala sa pagkakahawak niya. Letsugas! That familiar electricity again!

"No! Open the freakin door and let me go. This is kidnapping." Ngayon naman pinaghahampas ko na siya.

"This is not kidnapping. Sumama ka sa amin ng kusa." Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. Inangat ko naman ang mga paa ko at sinipa ulit ang winshield.

Nagkakaroon na ng crack ang salamin. Siguro sa sobrang inis at galit ko. Doon ko na naibuhos.

"Fvck! Stop the car!" Sa wakas utos niya.

Patuloy pa rin ang buhos ng malakas na ulan nang tumigil kami.

"Why with the stubborn head again, Caleila? I just want to talk." Hawak niya pa rin ang braso ko.

Pilit kong binabawi ang braso ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Open the freakin' door!" Sigaw ko sa driver. Umiling si Zeus samantalang naghintay naman ng utos ang driver mula sa amo niya at nang walang makuhang utos, he unlocked the door beside me.

Kaagad akong lumabas kahit pa umuulan.

"Caleila!" Sigaw ni Zeus. Ngunit hindi ako nag abalang lumingon.

Nabasa agad ako ng ulan. Pinakawalan ko na rin ang pinipigilan kong mga luha kaya naghalo na ang tubig ulan at mga luha ko sa aking pisngi.

"What the fvck, Caleila?!" Biglang hinablot ni Zeus ang braso ko.

Basang basa na ako pero ni hindi ko maramdaman ang lamig. Ang alam ko lang, nararamdaman ko na naman ang pamilyar na sakit.

De javu...

Umuulan nung una kaming magkita pero umuulan rin nang iwan niya ako. Letsugas! Pati ba naman ang muli naming pagkikita.

"Pakawalan mo ako, Zeus! Pakawalan mo ako!" Nagwala na ako. Hindi ko na napigilan ang paggaralgal ng boses ko.

Galit ako kay Zeus kasi iniwan niya ako then babalik siya kung kailan okay na ako. Pero okay ba talaga ako? Ugh! Buwisit! Naiinis rin ako sa sarili ko dahil may lihim na saya roon nang makita ko siya. At natatakot ako na mahalin siya. Natatakot akong malaman na mahal ko pa rin siya.

"Stop being sharp-witted, Caleila Naveen! I don't want you to get sick because of this fvcking rain! Get in the car or I'll carry you!" Basang-basa na rin siya ng ulan.

Hindi ko siya pinakinggan. Instead, I pulled my hand with all the force I have. Marahil hindi niya yun inaasahan kaya nakawala ako mula sa kanya. Then, I run.

Letsugas! Sana nga may magagawa ng pagtakbo ko! Sana puwede kong takbuhan ang nararamdaman ko sa kanya. Sana pwede kong takbuhan ang lahat!

Ramdam ko ang mainit na mga luha sa pisngi ko habang tumatakbo. At sa kamalas-malasan naman, napatid ako.

"Ugh! Peste!" Humagulgol na ako sa iyak. Puno na ng putik ang puting uniform ko. Naitakip ko sa pisngi ko ang aking mga palad.

Para akong batang iniwan ng mga magulang sa gitna ng ulan. Ngunit, sa di inaasahan naramdaman ko ang pag angat ko.

"Put me down, Yuchengco!" Para akong isdang nagpapalag habang buhat ni Zeus.

"Damn! Ang bigat mo, Caleila! Ilang kilo ba ang idinagdag mo?!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko. Letsugas! Pareho na kaming basang basa. Higit sa lahat, umiiyak na ako at nasasaktan. Nakuha niya pang punain ang bigat ko. Letsugas!

"Peste ka! Buwisit ka, Yuchengco!" Pinaghahampas ko na siya pero ang demonyo tumawa lang.

Ipinasok niya ako ulit ng sasakyan kahit pa basang basa pa ako. Naramdaman ko ang lamig mula sa aircon ng kotse. Ugh! Saka ko palang naramdaman ang lamig.

Niyakap ko ang sarili ko. Nanginginig na ang labi at mga kamay ko.

"Look what you've done to yourself. Tss! Ang tigas kasi ng ulo." Sermon niya. "Hinaan niyo nga ang aircon!" Galit niyang sigaw sa driver. "Tss! Dumaan tayo sa boutique!" Utos na naman niya.

Napaharap ako sa kanya. "Iuwi mo na ako. Naiirita na akong makita ka!"

He chuckled. "Ikaw pa lang ang kauna-unahang tao na nagsabi na nakakairita ang mukha ko."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin at ni hindi niya alintana na basang basa rin siya.

"Stop staring at me!" Pinunasan ko ang pisngi ko. Letsugas! Sa kabila ng lahat, bakit ata mas natutuwa ako ngayon kaysa mainis sa kanya?

Tumigil nga kami sa isang boutique.

"Don't let my wife escape." Utos niya sa driver. I gasped habang nanlalaki ang mga mata. Ang kapal ng pagmumukha!

Bago pa ako umapila sa kanya, nakababa na siya ng kotse.

"Huwag kang maniwala sa kanya, kuya. Hindi ko siya asawa. Wala kaming relasyong ng baliw na 'yan." Paliwanag ko sa driver. Pero wala akong nakuhang sagot at ekspresyon mula rito. Tss!

Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka automatic lock yun.

"Kainis!" Hinampas ko na lang ang pinto.

Maya-maya lang bumalik na siya. Iba na rin ang damit niya. Kasama niya ang tatlong sales lady na may bitbit na shopping bags at payong pero hindi ata alintana ang ulan dahil nagtwi-twinkle ang mga mata nila habang nakatingin kay Zeus. Ugh! Pesteng Yuchengco! Naglandi na naman siguro sa loob.

Nang pumasok na siya. Hindi ko siya pinansin at nakahalukipkip lang ako habang yakap ang sarili. Nakita ko naman ang paglagay ng mga pinamili nito sa compartment ng kotse.

Maya-maya lang naramdaman kong may makapal na jacket siyang itinampal sa akin.

"Uuwi tayo sa estate. Doon kana magpalit."

Hinarap ko siya.

"Iuwi mo na lang ako sa bahay namin." Madiin kong utos sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, bumaling siya sa driver.

"Sa estate tayo." He commanded.

"Zeus!" Angal ko na naman.

"What, Caleila? Namimiss kana ni Mama. Matagal na niya akong kinukulit na makita ka." Hinarap niya ako.

"Huwag mong gamitin ang Mama mo rito. Wala ng dahilan para magkita pa kami dahil wala na tayo at----

"Wala siyang alam. Walang alam ang parents ko." Pinutol niya ang sasabihin ko. "Hindi alam ng mga magulang ko na may nangyaring hindi maganda sa atin. Ang alam lang nila ay mag-aaral ako sa New York. Ni hindi nila alam na umuwi ako ngayon."

Napailing ako na para bang hindi makapaniwala. "Then, why didn't you told them?"

"It's because we didn't broke up. Last time I check, Caleila wala kang sinabi at lalong wala akong sinabi na naghiwalay tayo."

Natawa ako ng pagak. Letsugas! Yung tawang naiinis.

"Nagtatanga-tangahan ka lang ba o sadyang hindi mo lang makuha at matanggap na mula nang iwan mo ako, we already broke up." Nag iwas ako ng tingin. Nangingilid na naman ang luha ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pagkatapos niya akong iwanan without explaining myself, sasabihin niya sa akin na ang pagkakaalam ng mga magulang niya ay kami pa. And worst para sa kanya, kami pa. Wow ha!

Hinarap ko siya ulit matapos kong punasan ang mga luha ko. "You left me, Zeus! You left me without letting me explain my side. Hindi mo alam kung ano'ng klaseng sakit ang naranasan ko nang iwan mo ako. Ah! Hindi pala! It's opposite. Hindi pala ako nakaramdam ng sakit because I became numb. Numb of too much pain. Tapos babalik ka at sasabihin na tayo pa. What do you think of me, some cheap baggage thing you just left in the baggage counter na puwede mong balikan kahit kailan mo gusto? Damn you!"

Finally! Naisumbat ko na sa kanya ang mga salitang matagal kong kinimkim. Ni hindi ko na alintana ang presensya ng driver na kasama namin. Hindi ko na makita si Zeus dahil sa mga pesteng luha ko. Pinunasan ko yun at tumingin sa labas ng kotse. Papuntang estate na nga kami.

"I'm sorry..." Yung boses niya para siyang nanghihina. Hindi ko inaasahan ang paghila at pagyakap niya sa akin. Gusto kong kumawala sa yakap niya dahil parang pinapalis nito ang galit ko. "I'm sorry.." Pag-uulit niya habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Letsugas! Nakakainis! When will I be strong infront of him?

"I'm sorry, Caleila. Kung alam mo lang.. Kung alam mo lang how much I regret that day. How much pain and guilt I have. Kahit kailan hindi ako naging masaya. Kahit kailan hindi ako magiging masaya without you by my side. I'm sorry, Minnie. Please give me another chance. Last third chance. I'm so sorry." Aniya.

Pesteng 'sorry' na yan. Sana nga pwedeng punan ng sorry niya ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon pati ngayon pero hindi eh.

"Oh my God, I miss you, Iha!" Salubong sa akin ng Mama ni Zeus nang makapasok kami sa Yuchengco Estate. Nahihiyang ngumiti ako. Hindi ko alam kung namumula o namumugto ang mga mata ko. "What happen to you, iha? Bakit basang basa ka ng ulan?" Tinignan niya ako tapos bumaling siya kay Zeus na nasa likod ko. "Zeus Asher! What did you do to Caleila?! At bakit mo hindi ipinaalam na uuwi ka ngayon!"

"Mum... I'll explain everything. Let Caleila change her clothes first."

Tinawag ng ginang ang tatlong katulong roon.

"Okay lang po ako. Kaya ko na pong magbihis mag isa." Apila ko nang utusan ng ginang na tulungan akong magbihis.

"Huwag ng matigas ang ulo, Caleila. Let them do their work." Singit na naman ni Zeus at bumaling sa mga katulong. "Sige na. Ihatid niyo siya sa kwarto ko."

Nanlaki ang mga mata ko. Napahagikhik naman ang Mama ni Zeus.

"Teka, bakit sa kwarto mo?!" Apila ko.

"Oo nga naman, anak. Sa guest room na lang." Pagsang-ayon ng mama niya.

"Tsk! Eh, sa gusto ko sa kwarto ko. Sige na, ihatid niyo na siya roon."

"Pero---" Hindi na ako nagkaroon ng chance na umapila dahil kinaladkad na nila ako.

Nang makapasok ako ng kwarto ni Zeus. Bumugad agad sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon. Malinis at malaki ang kanyang kuwarto. Pinaghalong black and white ang motiff. May sariling sofa at ref sa loob. At tanaw ang pool ng estate mula sa veranda nito. Sa isang sulok naman, naroon ang mga guitar, drum, at kung anu-ano pang gamit niya sa pagkanta. Tsk! Typicak ultra rich kid's room!

"Tss! Naka-on ang aurcon kahit wala siya rito." Komento ko. Napaharap ako sa tatlong katulong. "Puwede niyo na akong iwan." Kinuha ko ang mga shopping bags na pinamili sa akin ni Zeus at siyang ipangpapalit ko sa basang damit ko.

Nanatili sila roon. Ngumisi ako. "Wala akong nanakawin rito kaya huwag kayong mag-alala." Dagdag ko ulit.

"Pasensya na po Ma'am. Ang utos po kasi ni Young Master Asher, bihisan namin kayo." I rolled my eyes at tinulak sila palabas.

"M-ma'am.. Papagalitan po kami."

"Akong bahala sa inyo." Pinagsarhan ko sila ng pinto.

"M-ma'am... Buksan niyo po ang pinto." Katok ng mga katulong.

"Okay lang ako! Sige na." Sigaw ko naman mula sa loob.

Nang maiwan ako sa loob, nilibot ko ang paningin ko. Napalapit ako sa side table ng king sized bed ni Zeus. Napangisi ako nang makita na may picture ako roon. Picture ko yun nung highschool pa ako. Ang natatandaan ko, picture ko yun na tanging mga kaibigan ko lang ang meron. So, therefore isa sa kanila ang nagbigay nun.

Nalipat naman ang tingin ko sa pillow na nasa gitna ng kama na siyang monthsary gift ko sa kanya. Nangilid ang mga luha ko habang akmang hahawakan ang unan nang biglang may kumatok.

"Caleila!" Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ang boses ni Zeus mula sa labas.

"What?!"

"Are you alright? Bakit pinalabas mo ang mga katulong?"

"Puwede ba, Zeus. Hindi ako bata. Kaya kong bihisan ang sarili ko. Umalis ka na nga!" Naiinis kong sigaw

"Alright. By the way, what do you want to eat?" Dagdag na tanong niya.

"Wala. Uuwi na ako."

Hindi siya sumagot. Siguro, umalis na.

I sighed.

I hate you, Zeus Asher Yuchengco...

Iyon ang itatanim ko sa puso at isipan ko. Hindi na kita hahayaang makapasok sa buhay ko ulit. Third Chance is too much to give.

"Uuwi na po ako, M-Ma'am." Paalam ko sa ginang nang sa wakas makapagpalit ako at makababa na. Hinatid ako ng katulong rito sa malaking dining area ng estate.

"Caleila... Ihahatid kita. Eat first." Singit naman ni Zeus pero di ko siya tinignan.

"Yes, Iha. Why in a hurry? Ngayon lang tayo nagkita ulit then uuwi ka na agad. And one more, bakit Ma'am ang tawag mo sa akin?"

Napangiwi ako. Ugh! Buwisit ka, Zeus! Kasalanan mo 'tong lahat!

"I'm sorry po... But I and Z-Zeus are..." Bumaling ako kay Zeus.

Binigyan niya ako ng nagmamakawang tingin.

"You and Zeus, what daughter?" Kinabahan ata ang mommy niya.

Hindi ako makasagot. Alam ko gusto ako ng mommy ni Zeus at siguradong malulungkot siya kapag nalaman niyang wala na kami ni Zeus.

"Did you two fight again?" Kumunot ang makinis na noo ng ginang.

Napatayo si Zeus at mabilis na lumapit sa akin.

"Nagkatampuhan lang, Mum. Umuwi kasi ako nang hindi nagsasabi kay Caleila."

Matalim ko siyang tinignan habang nakaakbay siya sa akin.

"Thank God... I thought nag-away kayo. Anyway, let's eat daughter. I miss those days eating with you." Parang nakahinga nang maluwag ang ginang at napangiti. Siya na mismo ang umakay sa akin papuntang mesa.

Nasa tabi ko si Zeus. At kulang na lang ay subuan niya ako nang nasa harapan na kami ng hapagkainan. Ugh! I remember again those old days. Ganito rin siya.

"Uhh... Hindi talaga ako magsasawang tignan kayo. I didn't know my son's very sweet." Comment ng mama nito.

"Mum!" Angal naman ni Zeus.

"What, anak?" She laughed. "Too shy to admit that you're very much inlove with your girlfriend? Look, ni hindi ka umabot ng isang taon in New York. I'm very much sure na namiss mo talaga si Caleila."

"Whatever, Mum. Just tell your secretary that I'm going back to school again." Seryosong sagot nito samantalang tahimik lang ako at namumula na.

"Alright. By the way, what about your career in singing? Babalik ka pa ba?"

He looked at me.

"I don't know yet." He answered.

"I hope you and Night are okay." Napaangat ako ng tingin sa mama ni Zeus. She's looking at me also. "Kung ako ang tatanungin, ayoko ng bumalik ka sa pagsho-showbiz. You see ank, naaapektuhan si Caleila. Inaaway siya ng mga fans mo. Thank God, media can keep their silence through money. Of all the people, pinag ugnay pa nilang may relasyon sina Night at Caleila." Nabitawan ko ang kubyertos ko sa sinabi ng ginang.

So, that's it. Nawala ang isyu sa amin ni Night dahil sa pera ng mga Yuchengco. And Zeus's mom doesn't know everything including my relation to Night.

"Mum! Stop bringing those issues!"

" I was just stating the fact, anak. Dapat iwanan mo na 'yang pagsho-showbiz. I'm pretty sure, you don't want Caleila to be hurt by your fans and the media. Right?"

Napailing siya.

"Where's dad?" Pag iiba nito ng paksa. Her mom sighed.

"Ofcourse, working again. Kung alam ko lang na darating ka. I should have prepare a party for you."

Napangisi siya."Reserve it, Ma. Prepare a party for Caleila." Napatingin ako sa kanya. "Its her birthday on Friday."

Nanlaki ang mga mata ng ginang. "Really? Oh my God! Why didn't you told me, Caleila?"

Oh my God! Tiyak na magtatampo si mamu kapag ang mama ni Zeus ang nagprepare ng birthday ko.

"Sa bahay po ako magce-celebrate."

"No! You'll have your party in a five star hotel."

"Pero----"

"No buts! Oh God! I'm too excited to prepare a birthday party for you. What do you want for a motiff, daughter?"

Hindi na ako nakasagot nang makuha ang atensyon ko ng lumapit na katulong.

"Mawalang galang na po, Senyora. Narito po si----" Hindi na natapos sa pagsasalita ang katulong nang walang babalang pumasok ang di namin inaasahang bisita.

"N-Night!" Napatayo ako.

"Let's go home, Caleila!" Mabilis na lumapit sa akin si Night nang makita niya akobago hinawakan ang kamay ko pero siya namang hawak at pigil ni Zeus sa kabaling braso ko.

"Let go of my girlfriend, Monteverde!" Galit na sigaw ni Zeus.

"Night... Zeus... " Palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Night, don't bring trouble inside my house!" Nabaling ang tingin ko sa Mama ni Zeus. Ngayon ko lang siya nakitang magalit.

Ngumisi si Night at binalingan ang ginang.

"Mawalang galang na, Tita. I don't want to make any trouble especially in your territory. But I can't help myself if someone tries to steal what's mine."

Katatapos lang magsalita ni Night nang lumipad na ang kamao ni Zeus sa mukha niya.

"Oh my God! Asher!" Sigaw ng Mama ni Zeus.

Hindi ko alam kung sino ang babalingan ko. Nakatingin lamang ako kay Night na nakasalampak sa marble na sahig ng estate. Nakangisi siyang tumayo at pinunasan ang dugo na nasa gilid ng kanyang labi.

"Satisfied, dude? Pagbibigyan kita ngayon hindi dahil nasa teritoryo mo ako pero dahil masasaktan ka namin ni Caleila."

Nanlaki ang mata ng mama ni Zeus. Namutla ako sa ekspresyon niya. Napatingin siya sa akin. Samantalang hinila naman ako ni Zeus patungo sa likod niya na tila pinoprotektahan mula kay Night.

"Hell! I will never give Caleila to you! Never!" Namumula na sa galit si Zeus.

Hindi ako makapagsalita. Nawala ang boses ko. Hindi ko alam kung sino na naman ang kakampihan sa kanila. Just like before... Letsugas!

Sarcastic na tumawa si Night. "Wala akong kinukuha, Zeus. Sa akin si Caleila, simula pa lang. Sumingit ka lang sa pagitan namin."

Akmang susugurin na naman ni Zeus si Night ngunit napigil siya ng kanyang mama.

"You have to kill me first bago mo makuha si Caleila, gago!"

"You don't have to tell me that Yuchengco because I will really kill for her. I can do everything kung si Caleila ang kapalit." Dahan-dahang lumapit si Night kay Zeus nang may ngisi sa kanyang labi. Hindi ko gusto ang sinabi niya lalo na ang kanyang ngisi.

"Oh my God! Guards!" Natatarantang sigaw ng mama ni Zeus. Nagsilapitan naman ang mga escorts ng naturang estate.

Hinawakan nila si Night.

"Damn! Let go of me, bastards! Hindi ako aalis rito without Caleila!" Nagwawala na si Night.

Marami ng escorts ang nakahawak kay Night para pigilang magwala.

"Let go of him!" Sigaw ko. Saka ko palang nahanap ang boses ko. Natigilan silang lahat at tumingin sa akin.

Lumapit ako kay Night pero natigil ako nang hawakan ni Zeus ang braso ko. Umiling ako sa kanya pagkatapos ay piniksi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Tumingin ako sa mama ni Zeus at yumuko.

"Sorry po sa gulo. Sorry po dahil hindi po ako nagsabi ng totoo."

"Caleila!" Galit na singit ni Zeus pero nagpatuloy ako.

"Pero totoo po ang tungkol sa amin ni Night. Hindi po kami pero naging mas higit pa sa kaibigan ang pagtingin ko sa kanya noon. He's... He's my first love."

Napaawang labi ng ginang. Nag-angat ako ng paningin.

"Maiintindihan ko po kung galit kayo sa akin..... Thank you, mommy." Huling sinabi ko bago akmang hihilahin si Night palabas nang marinig ko ang pagtawag ni Zeus sa pangalan ko.

"Caleila..." Nilingon ko siya. May pagmamakaawa sa boses at titig niya.

Hindi ko na napigilan ang pagkalas ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya. Gusto ko siyang yakapin para palisin ang sakit na nararamdaman niya. But I know Its not right. At bago pa ako makapag isip pa, hinila na ako ni Night.

Tahimik kami habang nagd-drive siya. Habang nakatingin ako sa labas pinupunasan ko ang bawat luha na kumakalas mula sa mga mata ko. Pero halos mapasubsob ako nang bigla siyang nagpreno.

"Damn!" Hinampas niya ang manibela.

Hindi ako tumingin sa kanya. Ayokong makita ang sakit, galit at lungkot sa mga mata ni Night. Ayokong makita na nasasaktan ko na naman siya.

"Damn it! Damn!" Patuloy lang siya sa pagmumura habang umiiyak ako.

Katahimikan... Bago niya ulit pinaandar ang kotse. Tumigil kami sa harap ng bahay namin. Tahimik lamang ako. At nang hindi ko na natagalan ang katahimikan sa pagitan namin, binuksan ko ang pinto sa side ko pero natigil ako nang magsalita siya.

"Ano, Caleila? Siya na naman ba?". Simula ni Night matapos ang katahimikan sa pagitan namin. "Mawawala na naman ba ako sa paningin mo? Masasaktan na naman ba ako? Sinaktan ka rin niya at iniwan pero ngayong nagbabalik siya you'll accept him with open arms while me, I'm a shit again!" Puno ng galit at lungkot ang boses niya.

Umiling ako at hinarap si Night. I met his eyes. His eyes na puno ng lungkot at nasasaktan.

Hindi ko inaasahang may kumalas na mga luha sa mga mata ni Night. Bumagsak na naman ang mga luha ko dahil roon.

"I'm sorry, Night. I'm sorry." Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi yun ang gusto kong marinig, Caleila. Please... Please Caleila. Tignan mo naman ako. Love me again.." Mahinahon at may pagmamakaawa sa boses niya.

Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'to. Ito ang sinasabi ng isip ko pero iba ang inuutos ng puso ko. Nag-angat ulit ako ng tingin kay Night bago marahang tumango.

(4

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
33.9K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...