Pregnant By The Young Mafia L...

By angelvsdevel07

1.2M 23.7K 1.6K

šŸŒŸ#1 action-romance šŸŒŸ#1 mafiaprincess Gawing madali sa akin, Paki-usap. Hawakan mo ako ng malumanay tulad ng... More

Prologue
PBTYML-1
PBTYML-2
PBTYML-3
PBTYML-4
PBTYML-5
PBTYML-6
PBTYML-7
PBTYML-8
PBTYML-9
PBTYML-10
PBTYML-11
PBTYML-12
PBTYML-13
PBTYML-14
PBTYML-15
PBTYML-16
PBTYML-17
PBTYML-18
PBTYML-19
PBTYML-20
PBTYML-21
PBTYML-22
PBTYML-23
PBTYML-24
PBTYML-25
PBTYML-26
PBTYML-27
PBTYML-28
PBTYML-29
PBTYML-30
PBTYML-31
PBTYML-32
PBTYML-33
PBTYML-34
PBTYML-35
PBTYML-36
PBTYML-37
PBTYML-38
PBTYML-39
PBTYML-40
PBTYML-41
PBTYML-42
PBTYML-43
PBTYML-44
PBTYML-45
PBTYML-46
PBTYML-47
PBTYML-48
PBTYML-49
PBTYML-50
PBTYML-52
PBTYML-53
PBTYML-54
PBTYML-55
PBTYML-56
PBTYML-57
PBTYML-58
PBTYML-59
PBTYML-60
PBTYML-61
PBTYML-62
PBTYML-63
PBTYML-64
PBTYML-65
PBTYML-66
PBTYML-67
PBTYML-68
PBTYML-69
PBTYML-70
PBTYML-71
PBTYML-72
PBTYML-73
PBTYML-74
Epilogue
PBTYML-Book 2?
The Obsession Of The Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)
TOMBOY Change BEAUTIFUL And the Playful Playboy (PBTYML- 5 ' Anthonette Rose)
The Brat And The Famous Gangster (PBTYML- season 3 'Abigail Hanna')

PBTYML-51

9.8K 203 12
By angelvsdevel07

~(Butler Jhon) Ken's POV~

"Lola Kara, Lolo Rowen! we are here"sabay sabay na sigaw ng dalawa kung ina-anak.

Samuel Alexander Parker at Anthonette Rose Parker.

Agad kung pinarking ang aking sasakyan at dali daling sinundan ang dalawa dahil tumatakbo ito papasok ng mansion ng mga Parker.

"Anthon! Dahan dahan baka madapa ka"sigaw naman ni Linda sa anak, nakadungaw siya sa bintana at tiningin si Anthonette na tumatakbo papasok.

"Yohoooo! Lola Kara?"sigaw pa ni Anthonette.

"Lolo Rowen, Lolo kong pogi, lumabas kana dyan"sigaw naman ni Samuel.

Natatawa akong naglalakad papasok habang pinagmasdan ang kambal. Sa akin kasi sila sumabay ng sasakyan dahil trip lang nila.

Malawak at malaki ang mansion na ito, para siyang hotel dahil sa desenyo ng paligid, nakakarelax ang inirhiya dito sa paligid, fresh na fresh ang hangin.

Nakangiti lang ang mga maid, bodyguard at iba pang tauhan na nandito sa mansion habang naka line sa pintuan ng pumasok ako. Yumuko ang mga ito sa akin, ganun din ang ginawa ko at tumango, ganito din ang ginawa nila nong agad na pumasok ang kambal sa loob ng mansion kanina.

"mga apo koooo"rinig kung masiglang sigaw ni donya Kara sa loob.

Napangiti naman ako at dumeretso sa sala nila.

Ngumiti ako kay Donya Kara at Don  Rowen, yumuko ako sa kanila.

"Donya Kara, Don Rowen"bati ko sa kanila.

"Maligayang pagdating sa aking bahay butler Jhon, long time no see"nakangiting bati sa akin ni Don Rowen.

Ngumiti lang ako sa sabi nito, mga ilang taon narin ang lumipas simula nong huli kung nakita si Don Rowen, yun yung panahon na, palaging pumunta dito si Linda(lady Hanna) at Hanson nong nag-aaral pa sila ilang taon na ang lumipas.

"Kelan ka mag-aasawa butler Jhon, malaki na mga ina-anak mo hindi kapa rin mag-aasawa"nakangiting bati sa akin ni Donya Kara, ngumiti lang ako sa kanila at hindi nalang sinagot.

Naalala ko sandali ang mahal ko.

Huminga ako ng malalim, sobrang namiss kuna siya.

"happy 60th birthday po lola"sabay sabay na bati nina Anthonette at Samuel sa kanilang Lola Kara at hinalikan nila pareho ang kanilang Lola na tuwang tuwa sa kanila.

"Ibibigay namin ang regalo namin mamaya Lola, nandon pa kasi sa kotse"masiglang sabi ni Anthonette sa Lola niya, tuwang tuwa naman ang Lola niya at tumango.

"Thanks apo ko, nasan ang papa at mama niyo?""tanong naman ni Don Rowen sa mga bata.

"We're here mommy"napatingin kami pareho sa nagsalita, si Hanson.

Magkaabay ang dalawa habang palapit dito, nakasunod nito ang mga bagahe na dala ng maids at bodyguards na kasama namin galing sa cebu.

"My son"sabay sabay na sambit nina Don Rowen at Donya Kara, nagyakapan silang tatlo at nakakamustahan.

"Hanna, anak! Kamusta ka?"pormal na tanong ni Don Rowen kay Linda na nakangiti lang.

"Ayos lang po ako daddy"sagot ni Linda sa tanong ni Don Rowen.

Isang beses lang kasi nagkita sina Linda at Don Rowen, apat na taon na ang lumipas simula nong una silang nagkita, kaarawan din yun noon ni Donya Kara, doon sa cebu kasi palaging magcelebrate ng kaarawan si Donya Kara.

Pero ngayon dito na magcelebrate ng birthday nila dahil dito na kami mamalage sa maynila.

Seguro panahon na para harapin namin ang iniwan namin dito sa maynila.

Nag-usap usap muna sila habang ako ay tahimik lang at inaalala ang nakaraan na hinding hindi ko makakalimutan past years, past 13 years.

In the years that we have lived in the province of Cebu, it has been several years since the unexpected tragedy of my life.

Umabot sa punto na kailangan ko mamili, umabot sa punto na lumayo at magpanggap na isang patay para sa isang importante tao sa buhay ko, pareho silang importante sa buhay ko, pero nangingibabaw ang isa na hindi ko piniling makasama.

13 years ago, ang akala nila patay na ako, ang akala nila patay na si Linda(lady Hanna)  pero ang totoo? Buhay na buhay, parehong araw na nawala kami, pareho kaming na comatose, pero mas malala ang nangyari kay Linda(lady Hanna).

4 months ang tinagal ko bago ako nagising, gusto kung bumalik sa mahal ko, gusto kung magpakita sa kanya at sabihing buhay ako, gusto ko siya alagaan habang pinagbubuntis niya ang magiging anak namin, pero hindi ko magawa dahil kailangan ako ni Linda(lady Hanna), kailangan ako ng mga anak niya, 13 years ago, nagising akong tulog si Linda(lady Hanna), tulog ang kambal dahil sa natagalan ang paglabas nila sa sinapupunan ni Linda, muntik na silang mawala, muntik na silang mamatay sa araw na manganak si Linda(lady Hanna), muntik nadin silang masabugan sa sinasakyang Van noong kinuha siya ni Harold, mabuti nalang ay nailigtas si Linda (lady Hanna) ni Hanson, nandon si (boss)Hanson ng panahon nayon, na akala koy isang patay na, pero isang malaking buhay si (boss) Hanson, tinago lang siya ng mga magulang niya at pinalabas na ito ay patay na, yun ang pinaniwalaan noon ni Linda(lady Hanna) na patay na si Hanson kaya siya nag trabaho sa isang bar na pag-mamay-ari nito at nagsasayaw gabi gabi para makalimutan ang lahat ng pinag-dadaanan niya, para makalimutan niya ang pagkamatay ni Hanson noon, kaya sila nagkakilala ni lord Carlo dahil sa pagiging dancer sa club.

Anim na buwan bago naging maayos ang kalagayan ni Samuel Alexander, lumpas ang dalawang buwan bago nagising si Samuel ay muntik nang mawalan ng buhay si Anthonette dahil may sakit ito sa puso, pero isang milagro ang nangyari, nabuhay ito matapos mawalan ng buhay ng ilang minuto, hindi namin alam kung ano ang gagawin namin sa panahon nayon, isang milagro ang narinig namin na umiiyak si Anthonette pagkatapos mawalan ng buhay ng ilang minuto, nabuhay ulit siya.

Hindi ko sila maiwan, gusto ko mangagpakita kahit sandali sa mahal ko pero pinigilan ako ni (boss) Hanson, na kapag malaman ng lahat na buhay kami, ay muling magkakagulo, yun ang pinaniwalaan namin, na kapag babalik o magpapakita kami ay gugulo muli, lalo nat nabalitaan namin na isang malaking buhay ang masamang damo na si (boss) Harold, oo buhay siya, nalaman namin ni Hanson yun dahil pina-imbestegahan ni Hanson ang nangyari at na komperma namin na buhay si Harold, kaya kami lumapat sa Cebu at doon nanirahan ng higit labing tatlong taon.

Lumpas ang dalawang taon bago nagising si Linda(lady Hanna) pero wala na siyang maalala sa nangyari, ni hindi niya alam na may anak mga siya, hindi niya alam na may asawa siya, nagising siyang takot sa amin, pati sa mga doctor.

Marami na ang nagbago sa buhay ko, pero isa lang hindi nagbago.....

"Lutang si Tyong tol, anong gagawin natin? umabot na kaya siya sa ibang planeta?"napatingin ako sa harap ko, nag-uusap ang kambal sa harap ko.

Napakamot sa ulo si Samuel at nag-alalang tumingin sa akin.

"Tol ang lalim ng iniisip niya, tanungin mo kaya?"sabi naman ni Samuel kay Anthonette na umiling-iling.

"Nako tol ayaw ko, baka naging Ale na yang si Tyong, kakatakot kaya yung mga ale(ailen), kasi nga diba? baka umabot na siya sa ibang planeta dahil sa lalim ng iniisp niya?"sagot naman ni Anthonette, seryoso silang nag bulung bulungan sa harap ko na kinangiti kulang.

"Tyong ayos kalang?"tanong sa akin ni Anthonette habang nagtago sa likod ni Samuel, para siyang natatakot dahil baka daw nakaabot ako sa ibang planeta, palage kasing tumitingin sa mga palabas na ailen, kaya ayan.

Umiling-iling ako at natawa.

"May iniisip lang ikaw talaga Anthonette...." / "Correction tyong Anthon"putol nito sa sasabihin ko.

"mga anak magbihis na kayo pupunta na tayo sa resort doon sa batanggas, doon tayo mag celebrate para sa birthday ng Lola niyo"salita ni Linda sa mga anak, kaya excited silang tumakbo sa at pumunta sa kanya-kanyang kwarto para magbihis.

Linda ang tawag ko kay lady Hanna dahil ayaw niya noon na tawagin kung lady Hanna, Hanson narin ang tawag ko kay boss Hanson dahil Yan ang gusto nilang itawag ko sa kanila.

Pinili ko si lady Hanna kesa sa taong mahal ko, malaki ang utang naloob ko sa kanya, maraming taon akong nagsilbi sa kanya bilang butler niya at hanggang ngayon isa parin akong butler, binabantayan ko parin siya gaya ng aking sinumpaan noon akoy labing lima pa lamang, siya ang nagsalba sa buhay ko, minsan na niyang niligtas ang buhay ko, at para kuna siyang nakakabatang kapatid, mahal ko siya bilang kapatid, patunayan ko sa kanya ang pagiging loyal butler ko, kahit na gusto kung balikan ang mahal ko na si Aika(lady Aika) pero naunang dumating sa buhay ko si Linda(lady Hanna), at isa pa kailangan niya ako noon at ng kambal, kaya pagnagkataon na magkita ulit ang landas namin ay si Aika na ang pipiliin ko, Alam kung maintindihan ito ni Linda (lady Hanna).

"kuya Ken ayos kalang? kanina kapang tulala? Ready na kami, sasabay daw sayo si Anthonette at sa amin sasabay si Samuel"salita ni Linda sa akin, ngumiti ako at tumango.

Hinalikan ako sa pisngi ni Linda bago siya naglakad palabas, tinapik ako sa balikat ni Hanson.

"kung gusto mo siyang puntahan ngayon, gawin mo, Alam kung namimiss muna siya Jhon, kina Mommy nalang sasabay si Anthonette, sunod kanalang sa amin pagkatapos mo siyang puntahan, oras na para magpakita kana kay Aika, matagal muna siyang gusting makita diba?"tumango ako sa sinabi ni Hanson sa akin.

"Wag kang magdalawang isip na magpakita sa kanya, alam kung doon ka maging masaya, bigyan mo ng kalayaan ang sarili mo, patawad dahil pinigilan kita noon, sadyang hindi kulang alam kung ano ang gagawin ko, seguro kung wala ka hindi ko ito makakaya, Salamat sa lahat Jhon, oras na para balikan mo ang mga taong iniwan mo, huwag mo muna ipagsabi ang tungkol kay Hanna, hayaan natin ang tadhana na magkita sila ng hindi sinasadya"huminga ako ng malalim at tumango.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa mga sinabi ni Hanson pero hindi ko parin iiwan si Linda (lady Hanna).

"Salamat Hanson, pero sususnod ako sa party"tanapik ko rin sa balikat si Hanson, tumango lang ito at ngumiti saka tumakbo palabas at mabilis na hinawakan sa bewang si Linda.

Napangiti nalang ako, alam kung mahal na mahal ni Hanson si Linda, Alam kung sinusulit ni Hanson ang natitirang panahon na magkasama sila ni Linda dahil alam niyang mapupunta rin ito kay lord Carlo sa asawa nito.

•••

Inayos ko ang sout kung itim na sumbrero habang pinagmasdan ang mag-ina ko, nasa isang village ako ngayon, kung saan sila nakatira, nasa unahan ng village na ito ang mansion ng mga Fernando, parte ito ng Fernando Village, ang kaibahan lang ay malapit sila sa malaking gate ng Village.

Nasa itim na kotse ako habang palihim na pinagmasdan ang mag-ina ko na busyng busy sa inayos nitong gamit kasama ang dalawang maid na tumulong sa mag ayos ng mga gamit sa isang puting Van seguro may lakad sila ngayon, lalaki ang anak ko at kamukhang kamuha ko ito, napangiti nalang ako sa nakikita, gusto ko silang lapitan at siilin ng yakap at halik kaya lang nagdalawang isip ako.

Nagdalawang isip man ako pero gusto ko na silang mayakap at mahalikan.

Huminga ako ng malalim at lalabas na sana ng kotse ngunit napahinto ako nf may bakita akong nakangiting lalaki na lumabas ng bahay nila at hinalikan sa labi si Aika na siyang kinakunot ng noo ko at siyang magkirot ng puso ko, nakita ko ang reaction ni Aika na inis na inis sa ginawa ng lalaking nakangiti parin, nakita ko rin ang reaction ng anak ko na matalim lang na nakatingin sa lalaki at padabog itong sumakay sa puting Van.

Parang nadurog ang puso ko na nakikita.

Mahinang hinampas ang manubela ng sasakyan ko at lumabas ng village at saka pinahururot ang kotse ko.

"Babalik ako at babawiin ko ang dapat sa akin"naramdaman kung may luhang pumatak sa mga mata ko, paano kung hindi ko sila mabawi? paano kung hindi na ako ang mahal ni Aika?.

"Sh*t" mura ko habang mabilis na nagmamaneho.

Hahanap ako ng timing para magpakita sa kanila, hindi seguro ngayon ang tamang oras. Pupunta nalang muna ako sa batanggas at dumalo sa  kaarawan ni Donya Kara dahil doon gagawin ang party nito.

Dinail ko ang number na binigay sa akin ni Hanson, numero ito ni Aika, gusto kulang marinig ang boses niya kahit sandali.

Maga ilang ring bago ito sinagot ang tawag ko.

"Hello Aika Fernando speaking?....who is this?....hello?.... Babe sino yan?"salita ni Aika sa kabilang linya, ngunit parang kumirot ulit ang puso ko sa narinig.

Babe? fucking that guy.....

"shut up idiot....Hello?...."salita pa ni Aika sa kabilang linya, agad kuna itong pinatay at huminga ng malalim.

Sa tamang oras, sa tamang timing maging sa akin ulit ang mahal ko.

( ꈨຶ ˙̫̮ ꈨຶ )

•••

To be continued: O ano? Kamusta? Buhay si pareng Jhon mga bruh😂😂.

Enjoy reading guys, don't mind my typos ang grammars haha..

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23K 54
[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got perfect features and his charm can make an...
7.7K 214 50
Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for...
335K 6K 46
Iyakin nga siya,At di perfect na asawa.Pero lahat gagwin niya upang maging isang Mafia's Wife.She's Mae Black,The wife of a Mafia Boss. Enjoy reading...
103K 2.2K 32
Camille Ayala isang babaeng reketera ng Manila, tindera ng isda sa palengke tuwing umaga at waitress naman sa gabi... Spencer Kurt Dawson isang lalak...