Lights! Camera! I've Fallen...

De TheLadder89

61.3K 4.7K 3.4K

Lance Muriel Scott is one of the Scott triplets, full-time CEO, stand-in model. He's smart, handsome, and cha... Mai multe

Introduction
LCIF 1
LCIF 2
LCIF 3
LCIF 4
LCIF 5
LCIF 6
LCIF 7
LCIF 8
LCIF 9
LCIF 10
LCIF 11
LCIF 12: It's Not Time.
LCIF 13: Let's Go
LCIF 14: Wagas Magmahal
LCIF 15: Outreach
LCIF 16: Habilin
LCIF 17: Nakaraan
LCIF 18: Ampon
LCIF 19: I Love You
LCIF 20: One-sided
LCIF 21: I Love You
LCIF 22: Bahala Na
LCIF 23: The Goddess
LCIF 24: Diyosa
LCIF 25: Mr. Possessive
LCIF 26: Kamusta Na, Kuya?
LCIF 27: Ama
LCIF 28: Relax
LCIF 29: Sementeryo
Owtor's Nowt
LCIF 30: Gentleman
LCIF 31: Blessings
LCIF 32: Sleepover
LCIF 33: Justice
LCIF 34: Kasal
LCIF 35: Munisipyo
LCIF 36: Feeling at Home
CLIF 37: Destiny
LCIF 39: Huli Na
LCIF 40: Secret's Out
LCIF 41: Sundo
LCIF 42: Charizard & Pikachu
LCIF 43: Hospital
LCIF 44: Trust
LCIF 45: Babies
LCIF 46: Where?
LCIF 47: Pamilya
LCIF 48: Discovery
LCIF 49: Which
LCIF 50: DNA
LCIF 51: Alaala
LCIF 52: Hospital
LCIF 53: Fool
LCIF 54: Young Heart
LCIF 55: Realization
LCIF 56: The Death Of Me
LCIF 57: Can't Help It
LCIF 58: Future
LCIF 59: It's Time
LCIF 60: The Plan
LCIF 61: Model
LCIF 62: Stress
LCIF 63: Get-away
LCIF 64: Ginhawa
LCIF 65: Pictorial
LCIF 66: Finally
LCIF 67: The Pale Moonlight
Coming Soon
A Very Special Chapter
Coming Soon!

LCIF 38: Singapore

698 60 54
De TheLadder89

Owtor's Nowt: Last update for this week. Hope you liked it. Magiging busy uli ako kaya wag hihingi ng update. 😁😁😁 Thank you po. 😊😊😍









"DORAY, patawarin mo ako kung isa ako sa naging dahilan kung bakit hindi kayo nagkatuluyan nitong si Roman. Pero maniwala ka sa akin, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya, parang Kuya na. Panimula ni Lagring na umagaw ng atensyon ng lahat. "Noong nakita mo sila ni Belinda sa terminal ng bus, ako ang may kagagawan nun. Naisip ko kasi na kung makikita ni Tomas na may kasamang iba si Belinda lalo pa't kaibigan niya ay mawawalan na siya ng gana sa babaeng yun. Hindi ko naman akalain na talagang nahulog pala ang loob ni Tomas sa kanya." Kwento ni Lagring. Nanlaki ang mga mata nila Doray at Bebeng. Nagkatinginan ang magkapatid.

"Ako nga ang asawa pero mas malala pa pala ako kesrida. Itinali ko si Tomas sa akin nang ganito katagal. Akala ko kasi magbabago ang isip at ang nararamdaman niya lalo na nung kinuha ko na si Beatriz sa nanay nito. Minsan kapag nagagalit siya o naiinis dahil hindi niya makausap o makita si Belinda ako ang pinagbubuntunan niya. Pinipilit niya akong sumiping sa kanya hanggang sa kahit na nasasaktan na ako at wala na siyang pakialam makapagparaos lang." Panimula nitong pagsiwalat ng mga pangit na nangyari sa pagitan nila ng asawa.

"Noong una ay ayos lang sana pero nung bandang huli na parang nawawalan na ako ng respeto sa sarili ko, kasi pagkatapos niya akong gamitin at umiiyak ako dahil sa sakit ng mga giangawa niya ay sasabihin pa niyang kaslaan ko ko naman daw ang lahat kaya pagtiisan ko. Simula noon palagi na akong nakikiusap kay Romano na samahan ako o tulungan ako, pero hindi ko naman masabi kay Romano ang lahat dahil natatakot ako sa maaari ninyong gawin na magkaibigan kay Tomas." Humugot ng malalim na paghinga si Lagring.

"Hindi ko naman matawag si Sepring dahil ayokong kunin ang oras niya kay Soling at kahit na nung wala na ito, ayaw kong mawalan siya ng oras sa mga anak niya. Alam ko mga kaibigan ko kayo, dapat sa inyo ako tumatakbo sa oras ng kagipitan ko, pero kahihiyan ko na kasi ang nakasalalay." Masagana ang pag-agos ng luha ni Lagring. Hindi rin makaimik ang mga kaibigan sa mga naririnig. Tanging paghaplos na lang sa likod nito ang nagawa ng anak dahil maging ito ay parang nalunok na ang dila. Ang sama pala ni Tatay.

"Aling Lagring, panggagahasa po ang tawag doon." Wala sa loob na naibulalas ni Makai ng makahuma ito.

"Pwede po kayong magsampa ng kasong pang-aabuso laban sa asawa n'yo." Inis na sabi ni Majz. Nahindik si Lagring sa narinig.

"Tapos ano? Ipahiya ang anak ko? Kakaladkarin sa korte ang baho ng pamilya ko. Hindi na bale. Aalis na lang ako total tapos naman na yun. Nangyari na at hindi na rin naulit simula nung magbalik si Belinda at magpakilala kay Beatriz." Malungkot na tugon ng ginang. "Lihim silang nagkikita sa kung saang lupalup kaya hindi ko na rin sila ginagambala."  Umiiyak na dugtong ni Lagring.

"Hon, Aling Lagring doesn't have to take him to court for spousal abuse, but she can use that for her advantage as the grounds for immediate annulment, spousal abuse by rape." Sabat ni Lance. Napatingin ang lahat sa kanya.

"Wala akong malaking halaga para tustusan ang isang abogado." Nag-aalalang saad ni Lagring. Napalingon siya kay Sepring. "Ano ba ang pinagsasabi nitong manliligaw ng anak mo, Sepriano? Hindi ba nito naiintindihan ang tintawag na kahihiyan? Mapapahiya si Korina!" Napangiti si Sepring dahil sa pagkatarantang nakikita sa mukha ni Lagring.

"Pwede naman kaming mag-ambag, di ba?" Hikayat ni Sepring sa mga kasama. Ngumit naman tumango ang ito.

"May kilala akong family lawyer." Sagot ni Martin.

"Ako din." Sabat naman ni Niel.

"I can talk to my friend Cleo, her father is Atty. Gaines. Wala po kayong babayaran. He always do a pro bono and he never lost any pro bono cases. He can help you with your annulment proceedings. Walang magagawa si Mang Tomas kundi ibigay yun sa inyo ang lahat ng gusto n'yong hingiin kasama na ang bahay at lupa at pati na ang hindi pagpapakita sa inyo kahit kelan." May himig ng galit sa boses nito.

"Ayoko. Hindi pwede." Matapang na saad ni Aling Lagring.

"Pumayag ka na, Nay." Sumamo ni Korina. "Para din naman sa inyo yun. Para kung sakaling makahanap ka ng taong magmamahal sa iyo ay pwede pa kayong magpakasal. Hayaan n'yo nang makasal si Tatay sa taong talagang mahal niya. Panahon na Nay para kayo naman ang sumaya." Mqhigpit ng pinisil ni apKorina ang kamay ng ina. Napatingin si Majz at Lance kay Sepring.

"Bakit ayaw n'yong pumayag, Nay?" Tanong ni Manuel. "Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa inyo." Hindi pakiusap ang maririnig sa tono nito kundi utos na may paggalang pa rin naman kahit na papaano.

"Ayoko dahil ayaw kong makaladkad ang pangalan ni Korina sa kahihiyan. Nakakahiya na nga na inamin ko sa inyo na sinasaktan ako ng asawa ko habang pinagsasamantalahan tapos ilalatag ko pa sa korte?!" Naluluhang saad ni Lagring. Ginagap ni Sepring ang kamay ng ginang mula sa ilalim ng lamesa. Napapitlag ito ngunit hindi naman nagreklamo.

"Bakit si Kotina ang mapapahiya? At bakit ka mahihiya, Lagring? Ginusto mo ba?" Naaburido na si Bebeng. Pareho din ito ni Aning at Doray, mga pabebeng hindi mo maintindihan.

"Aling Lagring, meron pong close court at private hearing. Pwede po ninyong hingiin yun na kayo lang, ang abogado n'yo, si Mang Tomas, ang abogado niya, court clerk at ang judge. Meron din pong mga pulis. Pwede n'yo ring ipakiusap na sa isang pribadong lugar ganapin ang hearing n'yo. Meron pa ngang sa conference room lang nagaganap ang annulment proccedings eh. Kayo po ang masusunod, Aling Lagring. Just ask."  Paliwanag ni Lance.

"Pwede rin pong ang abogado n'yo na lang sisipot sa lahat ng hearing dahil sa takot n'yong humarap kay Mang Tomas. Mas magiging effective yun para sa annulment case n'yo." Sabat ni Majz. Tumango si Korina, Manuel at Makai.

"Ano sa palagay n'yo, Nay?" Tanong ni Korina sa ina. Hindi ito sumagot. "Nay, mas nakakahiya pong malaman na may ibabahay nang iba ang Tatay at sa mismong San Nicolas pa, yun po siguro ang mas magpapahiya sa akin, pero hindi dahil sa ginawa sa iyo Tatay." Pahayag ni Kotina. Napatingin si Lagring sa anak at malaungkit na napangiti dito.

"Ewan ko, anak, pag-iisipan ko." Sagot nitong naguguluhan.

"Wag mo nang pag-isipan pa, Lagring. Nahihiya ka para sa ank mo pero ang anak mo mismo ang nagsasabi na sumige ka na. Ang gulo mo rin eh." Aburidong pahayag ni Bebeng. Napatingin si Lagring sa asawa ng amo na kaibigan din niya. Bunato niya ito ng matalim at naniningkit na tingin.

"Teka lang, bakit sa akin napunta ang usapan. Yan ang harapin n'yo ang dalawang yan dahil malapit nang umalis ang last trip ng bus. Baka maiwanan na talaga sila." Itinuro nito sila Romano at Doray na hindi man lang naisip na nakahawak pa rin pala si Sepring sa kamay niya.

"NAY??!/TAY??!" Pag-chorus nila Korina, Manuel, Lance at Majz.

"T'YONG??!" Si Makai.

"KUYA??!" Sabay na sambit ni Martin, Niel, Doray at Bebeng.

"Ano yan?" Nakangiting tanong ni Romano.

Isang nakabibinging katahimikan ang pumagitna sa lahat dahil sa paghihintay ng isasagot ng dalawa ngunit walang may kumibo. Namumula si Sepring at Lagring. Hindi alam ang sasabihin hanggang sa binasag na lang ni Romano ang katahimikan para maiiwas na lang ang parehong kaibigan.

"Siguro naman Doray, pwede na kitang pakasalan ngayon, I could court you for the rest of our lives?" Natawa si Bebeng sa sinaad ng lalaki. Talagang naiba na ang usapan pero buo sa isip nito na babalikan niya nag hawakan ng kamay na kaganapan. Napalingon siya kay Majz, nakita din niya sa mga mata ng pamangkin na pareho sila ng iniisip.

"Wow! English, Ninong?" Sabat ni Korina na may pang-aasar.

"Dios mio, Pulgoso! Dalawampu't apat na taon nang ligawan, ideretso mo na yan sa kasal, tapos honeymoon agad para makabuo na ng tagapagmana si Romano." Napaubo si Doray sa tinuran ng mahaderang kapatid. Namula tuloy ito. Napatawa naman ang lahat. Para namang napahiya ito kaya kinabig siya ni Romano. Napangiti ang lahat.

"Lolo just texted me. He said that his meeting just got finished and he is on his way to see Judge Jose Mari de Leon. Pwede pa nating mahabol yun?" Panunuksong saad ni Lance. Napalo tuloy ni Majz ang kamay ng nobyo.

"Umayos ka nga!" Inirapan ni Majz ang binata. Natawa si Sepring sa simpleng kulit-tampo ng dalawa.

"Hindi pwede, Kuya, sukob sa taon." Saad ni Doray.

"Hindi na uso ang sukob sa taon sa tanda ninyo." Singhal nito sa nakababatang kapatid. "Pinaglipasan na kayo ng panahon. Baka hindi na kayo biyayaan ng Diyos ng anak at kung sukob sa taon ang problema n'yo, eh di magbayaran na kayo, kasi ang totoo niyan, kaya sinasabi ng mga nakakatanda sa atin ang sukob sa taon ay dahil sa respeto naunang nagplano at sa laki ng ginastos ng parehong pamilya sa kasal. Alam kong may mga ipon na kayo at alam ko rin na may respeto kayo sa isa't isa, kaya nga nagkakainisan kayo dahil sa taas ng mga respeto meron kayo sa isa't isa at kaya nakaka-frustrate kapag nagkakamali ang isa sa inyo dahil sa tinatawag na expectation." Paninermon ni Sepring.

"Sa totoo lang, Pareng Sepring, kahit anong araw at oras na gustuhin ni Doray na magpakasal ay papayag ako. Dalawampu't apat na taon na akong naghihintay. Siguro naman maaawa na sa akin ang Diyos at hahayaan na niya kami ni Doray na magkatuluyan. Yun ay kung ako pa rin ang tinatangi niya o sadyang wala na talaga ako sa puso niya." Mahabang pahayag ni Romano. Napalunok si Doray. Pakiramdam niya ay napi-pressure siya ng lahat.

"T'yang Doray, alam kong ayaw n'yo sa akin para kay Jaise dahil na rin siguro sa dating ko o sa yaman na meron ang pamilya ko o baka iniisip n'yo na dahil galing ako sa mayamang angkan ay mamatahin lang nila si Jaise, pero maniwala man kayo sa hindi, hindi ganyan ang pamilya ko." Sabat ni Lance. Hindi na rin kasi makatiis pero hindi yan ang pinupunto niya.

"Ang sa akin lang ho, you don't have to decide right now and be pressured by everyone kung ayaw n'yo pa pong makasal ngayon. Pwede naman po sa ibang araw na lang kung hindi kayo makapagdesisyon ngayon. But I assure you, you may regret it though. My mom and my dad almost regretted the time they were apart because they thought the other one was dead, mabuti na lang at hindi totoong patay ang daddy ko, same as hindi rin totoong patay ang Mommy ko. Ganun din sa parents ng Daddy ko before them because of some circumstances." Nagkatinginan ang mga ito.

"Ano ba ang nangyari sa mga parents mo?" Lakas-loob na tanong ni Doray. Bahagyang nagulat si Lance na si Doray pa ang nagtanong.

Humugot muna ng malalim na paghinga si Lance bago pa isinalaysay ang kwento ng buhay ng mga magulang sa mga kaharap. Hindi naman mapuknat ang mga mata at tenga ng mga ito sa kanya. Masyadong nakatutok ang mga ito sa takbo ng kwento ng buhay ng mga magulang niya. Tanging "Ooh", "Aah" at "Wow" ang maririnig sa mga ito. Nagpatuloy lang si Lance sa pagsalaysay ng nakaraan ng sariling pamilya, ang pagmamahalan ng parents niya at ng mga apuhan niya sa isa't isa na palaging ipanapaalala at ipinapakita sa kanilang magkakapatid at magpipinsan. Hindi rin niya nakalimutang ikwento ang ang nangyari tungkol sa Tita Quinn at Tito Luis niya na nawalay sa isa't isa. Ang pagkawala ng tiyahin at lumaki sa ibang tao dahil sa kakagawan ng mga naiinggit sa pagmamahalan ng Lolo Aaron at Lola Marge nila. Mabuti na lang at nagkrus ang landas ng mga ito sa hindi sinasadyang pagkakataon. Simula noon ay wala na silang inaksayang panahon.

"Majz, pasensiya na ha. Hindi ko naman sinadyang maging masungit sa inyo lalo na sa iyo Lance. Hindi ko lang kasi alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung bakit nahulog sa pagtataray sa inyo ang nangyari nung gabing yun, pero pangako, hindi ko sinasadya." Panimula ni Doray na nakayuko lamang. "Pasensiya ka na talaga Lance, Maria Jaise. Hindi ko gustong ganun ang lumabas sa bibig ko, nataranta lang ako." Pinakatitigan ni Doray si Majz na nakatitig lang sa tiyahin. Bahagya pa siyang napatda dahil sa pagmamahal na nakikita niya sa mga mata ng pamangkin.

"Ayos na yun, T'yang. Tapos naman na eh. Naiintindihan ko naman yun. Naisip ko rin na baka nga nagulat ka lang sa bigla naming pagsulpot na hindi n'yo inaasahan sa ganung oras ng gabi." Ngumiti si Majz sa tiyahin. Nakita ng dalaga ang pamumula ng tungki ng ilong ni Doray na nagpapakita ng nagbabadyang luha. Tumikhim si Doray.

"Romano, pasensiya ka na rin at inabot ng dalampu't limang taon ang paghihintay mo." Hindi ito makatingin ng diretso sa lalaki dahil sa sobrang hiya. "I'm sorry." Halos pabulong nitong dugtong.

Minsan kasi ang tao kahit na saan pang henerasyong nanggaling, ano pa man ang edad at katayuan sa buhay, nagkakamali din sila dahil nandiyan yung takot na masaktan kaya imbes na makapag-isip ng maayos at sumugal para malaman kung hanggang saan sila dadalhin ng desisyon nila, kung saan sila dadalhin ng pagmamahalan nila ay mas minabuti pang umiwas na lang para hindi na masaktan. Yun nga lang, malamang sa malamang, pagsisisihan din nila ang lahat sa bandang huli. Sabagay, wala namang pagsisisi ang nauuna.

Napahugot ng malalim na paghinga si Romano at maragsang ibinuga ang inipong hangin sa baga. Tinitigan ng mabuti ang nakayukong sinisinta. Napapailing siyang napapangiti—ngiting may inis at pagkabigo ngunit puno ng pagmamahal. Tumuwid ng upo si Romano at hapong sumandal sa silya. Natakot tuloy sila Manuel, Makai at Majz na kung kelan humingi ng paumanhin si Doray at mukhang lumalambot na ay tsaka pa maisipan ni Romano ang umatras. Makikita din sa mga mata at hitsura nila Sepring at Bebeng ang pagkabahala.

Ngayon pa ba siya aatras?

Ngayon pa ba siya susuko?

Ngayon pa ba siya hihindi?

Ngayon pa ba niya pahahabulin si Doray?

Ngayon pa ba niya pahihirapan ang kapatid ko?

Mahirap na kalaban ang katahimikan. Ang hindi pagsasalita ni Romano ang nagbibigay kay Doray ng mas matinding takot at sakit sa puso. Mas masakit pa nung makita niyang yakap-yakap ni Romano si Belinda sa terminal ng bus sa bayan nila. Mas masakit pa doon sa panahong gustong niyang aminin na mahal niya pa rin ang lalaki pero palagi itong umaalis para tulungan ni Lagring. Mas masakit pa doon sa dapat sana ay magkikita sila ni Romano para sana sa date na sinasabi nito pero hindi siya nito sinipot dahil may energency si Lagring kay Korina noong bata pa ito. Mas masakit pa nung mamatay si Aning at Soling na kailangan niya ng masusulingan at balikat na iiyakan ay umalis ito para daluhan si Lagring. Mas masakit pa sa wala siyang paliwanag na nakuha mula sa lalaki.

Gustong nang magsalita ni Doray para magtanong kung ano ang tumatakbo sa isip ni Romano pero hindi niya magagawa dahil natatalo siya ng pag-aalanganin at takot at matingding pakapahiya sa lalaki. Hindi na niya alam kung tama nga ba itong nagpabuyo siya sa mga kapatid at pamangkin para sumuko at tanggapin ang lalaki. Parang hindi na siya humihinga dahil sa takot na baka biglang tumulo na lamang ang kanyang mga luha.

Mahina siya, oo... pinipilit na nga lang niyang maging malakas at matapang sa pamamagitan ng pagtataray, parang defense mechanism na niya yun. Pero kapag siya na lang ang naiiwan ay ibinubuhos na lang niya ang pagluha habang naliligo, nagpapatugtog siya ng malakas na musika habang naliligo para hindi marinig ang mga pag-iyak niya.

Pina-soundproof niya rin ang kanyang kwarto na lingid sa mga kapatid dahil sa mga gabing hindi na niya kaya ang sakit ay nagbabasag siya ng kung ano-anong babasagin na nabibili niya sa palengke at garage sale para lang may outlet siya, para lang may pagbuntunan siya ng sakit at galit na nararamdaman.

Pigil ang hiningang tumuwid siya ng upo para magbanyo na lang dahil ilang sandali pa ay tutulo na ang kanina pang pinipigilang luha. Hindi na niya kayang magtagal pa dahil konting-konti na lang ay hahagulgol na siya at yun ang ayaw niyang makita ng lahat lalong-lalo na ni Romano.

"Excuse me." Pumiyok ang tinig ni Doray. Hindi na niya hinintay pang may magsalita ang mga ito. Tumalikod na siya at may kabilisang nilisan ang lamesang sakop nila. Ang hindi niya alam ay tahimik din lang na sumunod si Romano sa kanya. Agad na pinihit ni Doray ang seradora ng banyo at mabilis pumasok at ipininid ang pinto at doon sa loob nito ibinuhos ang impit na iyak.

Sa labas ng restroom, hindi na nahabol ni Romano si Doray dahil sa bilis nitong pagsara ng pinto. Narinig niya ang pagtangi nito kaya parang sinaksak ang puso niya. Hindi niya intensyong wag sumagot kaagad. Hindi din niya intensyong saktan ang minamahal ngunit paulit-ulit na nangyayari. May pahanmig-hamig pa siya ng nararamdaman na nalalaman, ayan tuloy. Baka inisip ngayon ni Doray na baka gaganti siyang pahirapan ito. Ang gago lang, Romano!

Ang totoo niyan ay gusto niyang magtatalon sa tuwa, dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa matagal na panahon, nakita niyang muli ang Rhodora Samonte na mahal at minamahal pa rin niya simula pa noong bago pa sila magkolehiyo sa Malolos.

Sabay-sabay silang pumapasok at umuuwi na lima; siya, si Bebeng, si Doray, Sepring at ang kaibigan nilang judge na ngayon ay sa kabilang bayan na si Peping. Magkakaiba man ang kanilang taon sa kolehiyo at kurso ay hindi sila nagkakahiwalay na lima. Kasama sana si Tomas pero hindi na ito nagtuloy ng kolehiyo dahil mas ginustong tumulong sa mga magulang nito sa pagsasaka kaya nakilala nito si Lagring na taga-kabilang ibayo, gayun pa man ay nagsasama-sama sila tuwing weekends.

Bahagya siyang napaatras nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doray na namamaga ang mga mata. Hindi yata siya napansin ng babae kaya mabilis niya itong hinila at bahagyang itinulak sa fire exit. Sa gulat ni Doray hindi ito kaagad nakakibo. Siya namang dating ni Majz.

Nakita ni Majz ang pagkabig ni Romano sa tiyahin palabas ng fire exit, kung saan man nito dadalhin ang tiyahin ay hindi na niya inalam kaya tahimik na lang siyang bumalik sa lamesa nila.

"Oh. Nasaan ang T'yang mo?" Tanong ni Sepring. Ngumiti muna si Majz bago parang kinikilig na umupo sa tabi ni Lance.

"Palagay ko Tay, matutuloy na po ang kasal ngayon kahit gabi na." Nagkatinginan ang mga ito. Napangiti sila sa isiping iyon. Napatingin si Lance sa kanyang relo.

"Ano, Tay, tatawagan ko na ba si Lolo?" Nakangiting tanong ni Lance. Napapailing na lang si Sepring.

"Mga konsintidor din kayo 'no?" Sita niya sa dalawa. Natawa na ang lahat sa lamesa. "Puro kayo kalokohan." Dugtong ni Sepring. Hindi na nawala ang magandang aurang pumalit sa kaninang makapal na tensyon.

"Naku, Tay. Nagsalita ka diyan. Ikaw nga itong ora-orada nagpapatawag ng judge para maikasal ang T'yang." Hirit ni Manuel. "Hindi ka nga konsintidor, mamimikot ka naman." Natawa si Martin at Niel sa sinabi nito kaya natawa na rin si Sepring.

"Ganyan talaga yan si Kuya kahit na noon pa. Kunwari galit yan sa iyo pero ang totoo niyan malambot ang puso niya." Saad ni Niel. "Kung hindi lang nagmatigas si Aning noon baka kasama pa rin natin siya ngayon." Malungkot niyang dugtong. Hinaplos na lang ni Makai ang likod ng Tatay niya.

"Totoo yan. Di lang nakikita ng mga kapatid niyang babae kasi natatakot silang magkwento sa kanya." Sang-ayon ni Martin sa bilas. "Hindi lang talaga ako nakalusot noon sa Tatang Manolo nila. Talagang galit siya sa akin." Dugtong pa nito.

"Sorry nga pala, Kuya. Siguro kung hindi ako naunahan ng takot at  noon ko pa ikinuwento sa iyo ang tungkol sa amin ni Martin siguro noon pa ay nakabuo na kami ng pamilya." Puno ng pagsisising pag-amin ni Bebeng.

"At maaaring noon pa man nalaman na natin ang totoong nangyayari kay Aning, Lagring at Tomas." Malungkot na sang-ayon ni Niel.

"Ayos na yun, Bebeng. Sabi nga nila, huli man daw at magaling ay naihahabol din. Kaya humabol na lang kayo ng septuplets." Tugon naman ni Sepring na naghatid ng nakahihindik na titig mula sa kapatid. Nagtawanan sila Martin at Niel.

"Pito kaagad? Ano naman ang palagay mo sa kapatid mo, Sepring? Inahing baboy?" Walang kagatulo-gatol na singhal ni Lagring sa kaibigan sabay palo sa braso nito na ikinangiti ng lahat.

"Eh ang dami pa kasing drama. Makakahabol din naman sila kahit isa lang." Saad naman nitong parang nahihintakutan na mabaril ng masamang salita mula kay Lagring.

"Eh Kuya, paanong kaming makakahabol kahit isa lang? Puro first base lang ako palagi simula ng ikasa kami." Reklamo ni Martin. "ARAY naman mahal!" Sigaw nito, sabay haplos sa brasong nahampas ni Bebeng.

"Bastos ka kasing matanda ka!" Singhal naman ng asawa sa kanya. "Maharot yang bunganga mo, dapat sinusibuan ng siling labuyo, pagmumugin ng clorox, pinipitpit ng palo-palo at kinukula!" Hahampasin pa sana uli ni Bebeng ang asawa pero mabilis nitong nasalo sabay halik sa kamay at pisngi niya.

"Sorry na. Hindi na mauulit." Napaihit ng tawa ang limang kabataan dahil sa kakulitan ng mga nakatatanda. Naging tahimik silang panandalian bago muling may nagsalita.

"Kuya." Panimula ni Niel. Nilingon nila ito at napakaseryo ng mukha nito.

"Ano yun?" Simpleng sagot ni Sepring na bahagyang sumeryoso. Humugot ng malalim na paghinga muna si Niel nagsalita.

"Gusto ko sanang isama si Kaila sa Singapore para makita niya ang takbo ng negosyo ko doon na magiging kanya rin balang araw." Pagpapaalam ni Niel. Nagkatinginan ang magpipinsan. Maging si Korina at Lance ay napatingin sila sa isa't isa.

"Singapore? Agad-agad?"







--------------
End of LCIF 38: Singapore

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
09.17.19

Lights! Camera! I've Fallin…
©All Rights Reserved
March 15, 2016

Continuă lectura

O să-ți placă și

981K 31.3K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
78K 1.8K 33
(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay? ...
431K 6.2K 24
Dice and Madisson
2.7K 79 33
How far would a cheating change one's life?