This Annoying Girl! [KathNiel...

By fangirlforevah

1.6M 25.4K 2.4K

Subaybayan ang istorya ni Kathryn kung paano niya suyuin ang matagal na niyang minamahal na si Daniel. Ilang... More

Prologue
This Annoying Girl 1
This Annoying Girl 2
This Annoying Girl 4
This Annoying Girl 5
This Annoying Girl 6
This Annoying Girl 7
This Annoying Girl 8
This Annoying Girl 9
This Annoying Girl 10
This Annoying Girl 11
This Annoying Girl 12
This Annoying Girl 13
This Annoying Girl 14
This Annoying Girl 15
This Annoying Girl 16
This Annoying Girl 17
This Annoying Girl 18
This Annoying Girl 19
This Annoying Girl 20
This Annoying Girl 21
This Annoying Girl 22
This Annoying Girl 23
This Annoying Girl 24
This Annoying Girl 25
This Annoying Girl 26
This Annoying Girl 27
This Annoying Girl 28
This Annoying Girl 29
This Annoying Girl 30
This Annoying Girl 31
This Annoying Girl 32
This Annoying Girl 33
This Annoying Girl 34
This Annoying Girl 35
This Annoying Girl 36
This Annoying Girl 37
This Annoying Girl 38
This Annoying Girl 39
This Annoying Girl 40
This Annoying Girl 41
Epilogue
READ! [IMPORTANT]
Surprise! Hello, BOOK 2

This Annoying Girl 3

42.8K 667 23
By fangirlforevah

[KATHRYN'S POV]

Nandito na kami sa mall at hinihintay pa rin si Miles. Medyo naiinip na rin ako. Nasaan na kasi ang babaeng 'yun.

"Baks, nasaan na si Miles? Medyo matagal na tayo nag-iintay at sa pagkakatanda ko, nung nag-aya ka kanina sa bahay, sabi mo papunta na 'yung babaeng 'yun. Ba't ang tagal?" Naiinis kong sabi sabay kamot pa sa ulo ko.

"Bulaga!" Napatalon naman kami ni Julia sa gulat kay Miles. Loko 'tong babaeng 'to.

"Ka-heart attack naman, Baks. Pero ang tagal mo, ha." Umiling iling pa ako sakanya. Pero  eto naman siya nagp-peace sign lang samin.

"Sorry naman. Nandito na ako, oh, huwag ng magalit." Inirapan ko lang siya. Syempre fake fake lang 'yung kunwari galit. "Pero alam mo matutuwa ka sa balitang nasagip ko!" Tapos nagcling siya sa braso ko.

"At ano naman 'yun?" Sungit mode parin ako. Hahaha.

"Nandito sila Daniel mo." Kaya lahat ng kunwaring galit ko kay Miles ay nawala na at napalitan ng ngiting tagumpay!

"Talaga?!" Ngiti ngiti ko pang sabi sabay alog sakanya.

"Yup, oh kalma ka na. Kahit kelan talaga basta si Daniel, oo." Pinipigilan na niya ako kasi mukhang hilo na siya sa akin. Hahaha! "Teka.." Sabi pa niya sabay tingin nang maigi sa mata ko para bang scanner ang peg niya sa mga tingin niya ngayon.

"Huy, tingin mo naman." Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Baks, umiyak na, 'no?" Halata bang umiyak ako? Tapos bigla ko na naman naalala 'yung mga bulong ni Dj kanina nung kausap ko siya sa phone. Nalungkot na naman ako dahil masakit parin naman pag ganonin ka ng tao.. lalo na't 'yung tao na 'yun ay 'yung mahal ko pa.

"Pa'no kung bumulong ba naman 'yung Daniel na 'yun eh, naririnig pa ni Kath. Bulong pa nga ba 'yun eh rinig naman pala?" Singit ni Julia at medyo galit na.

"Teka ano ba nangyari?" Kaya kwinento ko 'yung nangyari kanina. Kung paano ko mahalata na naiinis siya sa akin at kung paano siya bumulong na pagka-lakas lakas.

Nang matapos ko na ikwento, 'yung itsura ni Miles parang naaawa sa akin pero may halong galit rin akong nakikita.

"Bakit siya ang nagustuhan mo, Kath? Gano'n kasama na tao ang type mo? Baka masapok ko 'yun, ha. Over na siya. Sana man lang naisip niya 'yung salitang 'feelings' kahit yung nararamdman mo lang naman bilang isang babae. Konti nalang talaga at ako ang haharap do'n.. susugudin ko na talaga 'yun. Ayoko ng nakikita kang umiiyak, Kath." Sabi ni Miles kaya napayuko ako.

"Nako, Miles, mahihirapan tayo diyan. Lagi kaya 'tong umiiyak." Sabi ni Julia.

"Ayaw ko man makita 'tong babaeng 'to na umiiyak pero sana iwasan mo, Kath," Baling sa akin ni Miles. "Mas maganda siguro kung isheshare mo sa amin 'yung nararamdaman mo. Para kahit papano, may mailalabas kang sakit. It works, Kath.. swear." Niyakap ko silang dalawa dahil sobrang swerte ko sa friendship naming tatlo. 'Di man ako masyadong swerte sa love life, 'yung friendship life ko naman swerte.

"Thank you mga baks.. for everything."

**~

Sa Ice Cream House kami dumiretso dahil sabi ni Miles na nakita daw niya sila Daniel dito. Kaya syempre bilang mahal nila ako, sinoportahan nila ako sa pagkain dito sa napiling lugar.

"Huy mga baks, huwag tayo pa-obvious na sinusundan natin sila. Nako, 'pag makita tayo ni Daniel mapipikon 'yan at siguradong kung ano ano na naman ang lalabas sa bibig niyan tungkol kay Kath." Tama si Julia. Nako, mamaya tuluyan na 'yun magalit sa akin.

"Sige, magpatay malisya nalang tayo. Kunwari 'di natin alam na nandito sila. Tsaka kung makita man tayo ni Daniel, bahala siya sa iisipin nya. 'Di ba puwedeng pumunta tayo dito dahil gusto nating kumain? Wala rin siyang karapatan magalit ng sobra, 'no!  Isa rin pala siyang dakilang assumero kung iisipin niya agad na sinusundan natin siya!" Nag-apir kaming tatlo, oo posible 'yun sa amin. Hahaha!

Pagpasok namin, kunwari nagtatawanan kami. Syempre best actress tayo diyan at talagang 'di kami magpapahalata. Umupo na kami ng medyo malapit sakanila. At dahil ang grupo ni Daniel at grupo ko lang ang tao dito sa Ice Cream House, medyo kinilabutan ako dahil baka mahalata na nila.

'Di naman sila tanga para 'di kami makita. Kaya sana 'di naman magalit si Daniel.

[ DANIEL's POV ]

Nandito kami sa Ice Cream House dahil gusto namin magpalamig at sobrang init ng panahon. Good combo nga ang naisip namin dahil Ice Cream House + may air condition pa 'to. Chill lang kami.

Habang nagkekwentuhan kaming tatlo, may pumasok na tatlong babae at kung 'di ako nagkakamali, sila Kathryn 'yun. What the? Napanganga ako sakanya.

Si Kath nga ba talaga 'yan? Ow, shit. Define nga ang sizzling hot at sexy. Kung ako magdedefine, aba may sagot na ako. One word, seven letters. Kathryn.

Nanlaki mata ko sa mga iniisip ko ngayon. Hindi, hindi! May sayad 'yan, Daniel. Wala kang gusto diyan!

P-pero kasi.. ang sexy niya sa simpleng suot niya. Hindi naman fit ang damit niya. In fact, medyo malaki pa nga 'to sakanya eh. Pero kahit medyo malaki ang damit niya, talagang masasabi ko na may curves siya. Pinagpapawisan na ako.


"Huy, bro, ba't ka nagdadabog?" Nabalik ako sa reyalidad nang kausapin ako ni Khalil. Habang iniisip ko kasi 'yung.. 'yung ka-sexyhan ni Kath, pinupukpok ko 'yung table namin. Aish.

"H-Huh? Wala 'yun. Sorry sorry." Gusto kong batukan ang sarili ko. Kasi totoo naman eh. Ugh! Wala joke lang 'yun. Pero wala akong gusto do'n. Wala. 

"Siraulo, para ka kasing baliw kanina. Pero maiba ako, nandito pala sila Kath oh, ang ganda niya.. sobra." Napatingin ako sakanya. Nakatulala siya kay Kath at nilulusaw na ata ng tingin. Tss, lagi naman eh. Ba't 'di niya ligawan?

"Tss, anong maganda diyan? Parang ang landi nga eh! Tignan mo naman ang laki laki ng t-shirt tapos ang iksi ng shorts, 'di bagay! Tsaka bro, imbis naman na hanggang tingin lang ang ginagawa mo, pormahan mo na kaya!" Sabi ko.

"Hindi mo lang talaga na-aappreciate ang ganda niya. Tsaka ano, pormahan? Edi Talo na agad ako! Alam naman natin na ikaw lang ang gusto niya.. or should I say, mahal niya. Diba, Diegs?" Tas siniko niya si Diegs.

"Oo nga, bro, ba't 'di mo i-try? Mabait siya sa lahat ng tao lalo na sayo kahit ipagtabuyan mo lang na parang dumapong lamok sa pagkain mo eh hindi ka parin iiwan, magaling sa academics at syempre maganda siya kahit walang makeup! Ano pa hanap mo?" Nakita ko naman na umiwas ng tingin si Khalil.

"Oh sige sabihin nating lahat nasakanya pero may sayad siya! May sayad 'yang babaeng 'yan!" Sabi ko.

"Lagi mo naman sinasabing may sayad si Kath eh. Isipin mo naman sana 'yung nararamdaman niya kasi bihira.. sobrang bihira ang taong gano'n, na ilang years ang kinakaya para lang maghabol sa'yo." Medyo napasigaw na si Kahlil kaya napatingin sila Miles sa amin. Buti nalang at wala si Kath.. aba ewan ko kung nasaan 'yun.

"Naiisip ko naman 'yung nararamdaman nita eh. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko talaga kayang mahalin siya." Umiling si Khalil.

"Kahit konti lang, Dj? Sa limang taon kahit konting pagmamahal.. wala?" 

"Wala talaga." Nagkatinginan sila Khalil at Digeo at sabay silang nagbuntong-hininga.

[ KATHRYN's POV ]

Bumalik na ako sa table namin dahil galing akong comfort room at nakita ko na galit na galit 'yung mukha nila Julia. Nakakatakot.. parang gusto nilang pumatay ng tao. Anong nangyari?

"Huy mga baks, kulang nalang umusok mga ilong nyo sa galit. Ano meron?" Nagtataka kong tanong.

"Kasi.. 'di naman sa nakikinig kami sa usapan nila Daniel pero napasigaw kasi si Khalil kanina kaya narinig namin at lalo kami naging interestado nang marinig namin ang panglan mo." Sabi ni Julia.

"A-anong narinig niyo?" Mahina kong sabi.

"I think they were talking about your panunuyo kay Daniel.. and 'di mo na kailangan malaman bawat detalye kasi ayaw ka naming umiyak." Miles.

"Naiinis lang kami kasi para bang wala syang pakielam. Sa loob ng five years wala parin kahit konti? Grabe ah, hard as bato? Kairita!" At may hand gestures pa si Julia. "Kath, ako na nag-uutos sa'yo.. please, give up." Hinawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko silang dalawa.. naaawa sila sakin.

"I'm sorry.. I can't." Bago ulit magsalita si Julia ay dumating na ang orders namin kaya napatigil muna kami sa drama.

"Kath, matagal na namin gusto magsalita.. noon pa man gusto ka na namin pigilan pero kita namin na talagang pursigido ka at nagmamatigas pero ngayon na siguro 'yung pagkakataon para pagsabihan ka na tama na. Sobra na 'to, Kath. Limang taon? Sumuko ka na, please.." Tuloy ni Miles nang makaalis ang waiter.

"Sorry kung ang tigas ng ulo ko pero hindi ko pa kaya ngayon.. Oo, nasasaktan ako pero kaya ko pa. Kahit gaaano pa kasakit 'yan, kakayanin ko.. hindi ako susuko. Makukuha ko rin siya.. kailangan lang 'yan ng tiwala." Pagmamatigas ko.

"Sa'n ka kumukuha ng tiwala? Sa pinapamukha niyang ayaw niya sa'yo? Ano pinanghahawakan mong pag-asa? 'Yung pinagtatabuyan ka niya at sabihan ng masasakit na salita? 'Yung wala siyang pakielam sa nararamdaman mo? Kath, wake up from this not-so-fantasy dream!" Sabi ni Julia ng mahina, buti at napipigilan niya ang sarili niya na di sumigaw.

"Sorry.." 'Yun nalang nasabi ko at nakita kong napailing nalang silang dalawa. 

Sabi nila kung mahal mo, ipaglaban mo.. kaya eto ako pinaglalaban siya.

[ JULIA's POV ]

Naaawa na kami kay Kath. Buwis buhay na ang ginagawa niya para kay Daniel. Ewan ko ba kung bakit ganyan si Kath.. kung bakit si Daniel ang nagustuhan. 'Di naman nakakaturn on ang pagsusungit niyan. Pero si Kath, nagayuma ata.

Kitang kita naman kung paano mahirapan at masaktan 'tong kaibigan namin, kaya nga 'di na namin mapigilan kaya nagsalita na kami na sumuko na siya.

Habang kumakain kami, may narinig kaming nagsisitsit. Wala naman ibang tao kaya napatingin kami sa table nila Daniel. Do'n nanggaling yung sitsit tapos bigla namang lumapit si Khalil kay Kath. Tinignan ko silang dalawa.. bagay sila, I must say. Kung malaman kong may gusto 'tong si Khalil kay Kath, aba ako mismo ang tutulak agad kay Khalil para gisingin si Kath sa kahibangan niya.

Ewan ko kung ano pinag-uusapan nila kasi mahina pero napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Tara do'n sa table kanina pa siya nangungulit eh. Ah, excuse lang girls, hiramin ko lang si Kath.." 'Yun lang ang narinig ko. Ano meron at kinuha niya si Kath? Huhu, ang cute lang, hinihila ni Khalil si Kath. Bagay talaga.

[ KATHRYN'S POV ]

Lumapit na ko sa table nila Khalil at nakita si Diego naka-praying position sakin. Nakakairita talaga, mukha ba akong tulay? 

"Diego, sabi ko bukas ko ipapakilala si Julia, 'diba? Alam mo 'yung bukas?" Sungit kong sabi at inirapan siya.

"Kath naman eh! Total, nandyan naman si Julia, ngayon nalang! Please, please." Ang pangit pangit pa niya pag naka-pout. Bugbugin ko 'to eh.

"Ang pangit mo, bugbugin kaya kita?" Sumimangot naman siya. 

"Ngayon nalang!" Umirap uli ako at nagbuntong hininga.

"Tss, oo na. Kung 'di lang kita kaibigan eh. Tara do'n." Nang sabihin ko 'yun para bang may liwanag sa mukha niya na nabuo. Tinalikuran ko na siya at iniwan do'n. Hahaha! "Bilis." Sungit kong sabi.

Kumakain si Julia nang makarating kami sa table at napalingon na samin nung lumapit na kami. 

"Julia Montes, meet Diego Loyzaga." At dahil formal 'tong baklang 'to, tumayo siya at nakipaghsake hands kay Diego. Tapos 'to naman si Deigo ngingiti ngiti pa.



"It's nice meeting you, Diego." Yapos ngumiti si Juls. Nakita ko natulala si Diego kaya siniko ko siya.



"A-ah. Nice meeting you rin! Hehehe, o-oh sige punta muna ako sa table namin ah." Nagkamot pa ng batok ang loko kaya natawa ako ng konti. Bago siya makaalis, may binulong siya sakin.


"Thank you, Kath. At ako na magsosorry sa attitude na nilalabas ni Dj sayo." Ngumiti ako ng malungkot at tuluyan na siyang umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

38.8K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
259K 7.4K 51
Is it worth the fall?
95.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
12.4K 706 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...