This Annoying Girl 22

29.7K 469 93
                                    

•KATH's POV•

Iyak parin ako nang iyak dito sa kwarto ko. At iniwan muna ako nila Juls saglit dahil maghahanda daw sila ng pagkain. Ayoko kumain.



Nakakawalang gana, lalo na sa ganitong nararamdaman ko.



Ganun ba talaga ako kakulit? Sobra na ba ako magmahal? Masakit pero mahal ko parin siya. Baket gano'n? Dapat galit ako sakanya pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sakanya?



Tumatak talaga sa isip at puso ko yung mga sinabi niya. Hay.



Isa lang ang paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Tumayo ako mula sa pagkakadapa ko at binuksan ang drawer.



Kinuha ko ang blade.



Tama, blade. Maglalaslas ako.



Di ko rin naman mararamdaman yung sakit ng blade dahil masakit na nga ang puso ko eh. Diba nga sabi nila pag naglaslas ka at nasasaktan ka, di mo mararamdaman ang sakit.



Kaya nilock ko muna ang pinto, baka kasi naglalaslas ako tapos makita ako nila Juls.



Umupo ako sa sahig at nagsimula na.



Unti unti ko nang nilapit ang blade sa pulso ko. Naglaslas na ako. Tama nga, wala kang nararamdaman na sakit.



Unti unti nang tumulo ang dugo sa sahig. Namamanhid talaga ako. Ang sakit ng puso ko. Pero yung pulso, walang nararamdaman.



Umiyak ako dahil naalala ko nanaman yung sinabi ni Dj sakin kaya naglaslas uli ako. Sobrang sakit na talaga lalo na't naalala ko nanaman.



Pumunta ako sa CR para hugasan ang dugo sa pulso ko. Binuksan ko ang first aid at kumuha ng betadine , gauze at white tape.



Agad ko nang nilagyan ng betadine ang laslas ko. Nilagay ko na yung gauze at yung tape.



"Kath? Nasan ka?" Shit si Miles. Pano siya nakapasok?



Kinuha ko ang sweater ko, buti nalang nasa CR. Para matakpan lang nung sleeves yung cut.



"Kath? Sa'n ka? Kakain ka ba ng dinner?" Nagsalita ulit si Miles kaya lumabas na ko mula sa CR.



"Oo kakain ako." Mahina kong sabi. Naluha ako.



"Oh huwag ka na umiyak.." Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko. Pero mas naluha ako.



"Ay nako! Wrong move! Mas napaiyak kita! Sorry sorry." Sabi ni Miles pero nginitian ko na lang siya.



"Tara na kain na tayo. Bawal paghintayin ang pagkain!" Sabi ko at nagkunwaring masaya pero hindi e. Malungkot parin ako.



Bumaba na kami at nakahanda na ang pagkain.





***

Patapos na ko kumain nang nagsalita si Juls.



"Baks, bat naka-sweater ka? Di naman masyadong malamig ah." Hala.



"Ah a-ano kasi. Malamig sa kwarto ko kaya naka-sweater ako." Sabi ko naman.



Nakumbinsi ko naman siya. Hay buhay.



Natapos na ko kumain dahil wala talaga akong gana ngayon. Sobrang nakakatamad gumalaw. Hay Dj! Ganito ba talaga epekto mo saken? Nahihirapan din ako..



Pumunta ako sa backyard namin at humiga sa duyan kasi may duyan kami.



Susuko na ba ko?



Hindi. Hindi ako susuko. Marami pa namang pwedeng mangyari sa pagsusuyo ko.



"Oy Baks, emo?" Si Juls. Tumabi siya sakin sa duyan.



"Di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Wala na talaga akong gana sa lahat ng bagay. Nakaka-hina ng loob pag ganito sitwasyon ko.." Sabi ko at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.



"Baks, alam mo namang sasabihin ko na sumuko ka na, diba? Pero di mo rin naman sinusunod.." Tama nga siya.



"Tama ka nga. Pero hindi ko magawa, Baks. Di ko magawa.." Sabi ko at sumandal sa balikat niya. Hinimas niya naman likod ko.



"Wala na rin kasi akong maipayo sayo eh. Ang alam ko lang, pag sobrang sakit na .. tama na."



"Pero hindi naman sobrang sakit eh." Sabi ko.



"Talaga? Hindi? Nako Baks, sinong niloko mo? Umiiyak ka nga ngayon eh tapos di masakit? Hala!" Sabi niya ng may tono na medyo nagpapatawa.



"Siyempre masakit, Baks. Pero sabi ng puso ko na huwag parin tumigil eh.."



"Hay. May magagawa pa ba ko? Desisyon mo yan, Baks. Nandito lang naman ako para tumulong kung may problema kang di mo kayang ayusin ng mag-isa mo. Sige na, matutulog na ko. Goodnight at sana malagpasan mo yang problema mo. Nandito lang kami ha." Sabi ni Juls. Niyakap niya muna ako bago umalis.



Tinignan ko yung cut sa wrist ko. Masyadong malalim. Pero ba't ganun? Wala man lang akong nararamdaman na sakit. Namamanhid ako.



**

Ilang minuto na rin akong naglalabas ng luha. Nang biglang tumakbo papunta dito yung dalawang girls.



"Baks! Baket may dugo dun sa kwarto mo?!" Nagulat naman ako. Sht. Nakalimutan kong imop yung dugo! Aish.



"Ah ano. Tagos ko ata hehe." Sabi ko. Fck. Palusot gumana ka please.



"Tagos? Binibiro mo ba ko? Bat ang dami naman?" Hala tulong ano sasabihin ko. Hindi nila maaaring malaman na naglaslas ako.



"A-ano. O-oo tagos yun! Nakalimutan kong imo eh. Sorry." Tapos umalis na ko sa harap nila. Kaya lang nahawakan ni Juls yung wrist ko.



"A-araaayy!" Napasigaw ako. Pano ba naman? Hahawakan ng madiin yung laslas mo! Shet nahawakan niya.



"Huy? Anyare? Bat umaaray ka diyan?" Sobrang nagtataka na sila.



"Ah wala. Napadiin masyado yung hawak mo. Nagulat lang. Hehe."



"Kath, ano bang nagyayari sayo?" Si Miles naweweirdohan na ata sakin.



"Wala. Ano bang pinagsasabi niyo!" Sabi ko.



Tinanggal ni Juls yung pagkakahawak niya sa wrist ko.



"Ano yung nasa pulso mo ba't parang may nahawakan akong umbok na malambot?" Tanong ni Juls saken. Jusko lord! Ano na sasabihin ko.



"Wala! Baka yung tela lang nung sweater." Sabi ko.



"Patingin nga nung pulso mo, Kath." OH MY GOD. LORD HELP.



"Sige matutulog na ko. Goodnight!" Tatakbo sana ako pero nahawakan ni Juls braso ko. Buti nalang di sa wrist.



"Kathryn.." Hala whole first name na ang binanggit niya. "Naglaslas ka ba?" Oh shit. Di ako makasagot. Naninigas ako. Di ko alam ang sasabihin ko.





Unti unti niyang tinaas ang sleeves ko. At nanlaki mata niya.



"Bakit, Kath?" Tanong niya habang nakatingin parin sa cut. Si Miles gulat din. Wala akong maisagot.



Eto lang naman yung paraan ko para di masyadong masaktan eh. Pero wala ring epekto.



"Kath, Huwag mo naman saktan sarili mo. O'sige hahayaan ka namin gawin yan sa sarili mo pero huwag naman darating sa punto na mag-aagaw buhay ka. Please lang, Kath. Magiingat ka." Buti nalang hindi sila nagalit sakin.



"Salamat at hinayaan niyo akong gawin 'to. Oo, di darating sa punto na mag-aagaw buhay ako.." Sabi ko.



"Matulog na tayo.." Sabi ni Miles.



Sabay sabay kaming umakyat at pumunta sa kanya kanyang kwarto. Nilinisan ko na rin yung dugo na nanggaling sa pulso ko.



Humiga ako at tumingin sa kisame. Tumulo nanaman mga luha ko dahil naalala ko nanaman yung mga sinabi ni Dj. Hay.







• DJ's POV •

Iniisip ko parin kung bakit ko nasabi yung mga gano'n kabigat na bagay kay Kath. Sigurado akong sobrang nasaktan siya.



Hay! Nagsisisi na ko na sinabi ko yun! Sorry, Kath. Sobrang dami ko nang kasalanan sayo. Sana di kita masaktan ng sobra.



Siguro hindi ako yung lalaki para sayo. Tadhana na ang gumagawa ng galaw. Sorry talaga, Kath.



Ano na kayang nangyayari sakanya? Umiiyak siya, malamang. Ugh! Kath! Di ko sinasadya!









****************

Sorry mukhang minadali :(

Magkakabati pa ba sila Kath at Dj? Ano na mangyayari sa buhay nila?



Abangan!



ComVo? :(

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Where stories live. Discover now