This Annoying Girl 35

30.4K 571 51
                                    

ANG SUSUNOD NA TEMA AY RATED SS. SOBRANG SWEET. KAYA KAPIT DIN. IWASAN MAGWALA.

**********************

•KATHRYN's POV•

[Tuesday. 4 days before prom.]

Isa na yata sa pinaka-masayang araw ko kagabi. I mean, kanina? Ewan. 3AM nangyari eh.



Dinalhan niya 'ko ng pagkain. Dahil sobrang gutom ako. Masaya ako. Pero mas sumaya ako dahil 3 AM siya bumiyahe para sakin. Sobrang effort niya.



Umaasa ako na sana yung gesture niya na gano'n ay di lang bahagi ng pagpapatawad ko sakanya. Sana may nararamdaman siya sakin. Pero let's not keep our hopes high. Mahirap masaktan.



Kakadating lang namin sa school kasama ko si Juls at Miles na kakarating lang sa harap namin.



"Hi mga Baks! Let's go na sa auditorium?" Bati ni Miles at tumango naman kami ni Juls.



Pagdating namin sa auditorium. Nakaset na yung curtains, carpets, chairs at tables. Pero wala pang table cloth yung table kasi baka madumihan kaya sa Thursday nalang ilalagay.



Kulang nalang yung yellow christmas lights at table cloth. Konti nalang at handa na yung venue.



Pero.... hindi pa rin ako nakakapag-decide kung pupunta ako.



Umupo muna kami sa stage. Oo, sa stage talaga. Trip namin eh.



Tumingin tingin ako sa paligid. Lahat ng tao dito talagang inaayos yung bawat parte ng venue. Ayaw nila ng may mali. Well, sino ba namang may gusto ng may mali, diba?



Sa pag-explore ko ng paligid may nahagilap yung mata ko.



Si Dj.



Nando'n siya sa isang sulok ng auditorium at kitang kita ko na nakatingin siya sa akin.



. . when you loook me in the eyes . .



Biglang nagplay sa buong auditorium yung When You Look Me In The Eyes.



Napatigil mundo ko. Parang kami lang yung tao. Kahit malayo, siya lang nakikita ko. Biglang bumagal yung paligid.



Habang tumutugtog pa rin yung music, nakatingin parin kami sa isa't isa. Kami lang ba tao dito? Parang wala na kong nakikitang iba.



Nakita kong ngumiti siya nung patapos na yung music. Kaya ako, nginitian ko rin siya.



'Attention, 4th year seniors.'



Bumalik ako sa tamang pagiisip nung may magsalita. Napatingin ako sa iba. Pero binalik ko yung tingin ko kay Dj. Nakatingin parin siya sakin, nakangiti.



'4 days. 3 nights. Prom is nearly approaching. All of you know that for every prom, there will be a cotillion. So here in the audio room, I have selected 10 seniors to join the cotillion. Please listen carefully.'



Nagingay yung mga tao.



'I will mention the ladies who are joining. First, ofcourse is the most popular girl here in this department which is Ms. Kathryn Bernardo.'



Nagpalakpakan at naghiyawan yung mga tao. Ugh. Nakakahiya naman. Pero tinignan ko si Dj. Nakangiti at pumapalakpak.



'Okay okay. Next Julia Montes, Miles Ocampo, Janella Salvador, and Aria Clemente.'



Hay salamat kasama yung dalawang baklita.



'Now, for the guys. Listen. Daniel Padilla, Marco Gumabao, Diego Loyzaga, Jerome Ponce, and Khalil Ramos.'



So kasama si Dj. At yung mga crush ng kaibigan ko. Haha. Joke.



'For the 10 seniors I called, please see Ms. Ortega at the dance studio. For you to learn the steps for the cotillion number. Thank you.'



Ugh. I hate my life. Tumayo na kami at naglakad papunta sa dance studio. Napatingin ako kay Juls na tumatawa. Hala. Siraulo na.





"Tawa ka dyan?" Irita kong tanong.



"Haha! Baks, pano ba yan? Makaka-attend ka ng prom dahil part ka ng cotillion number! Haha! Yes makakapunta ka na! Woo!" Tapos tumalon talon sila ni Miles at nagapir.



"Aattend ako ng prom para sa cotillion number. At pagkatapos na pagkatapos no'n uuwi na agad ako." Ako.



"Ha? No way! Di ka namin paaalisin." Miles.



"Hay. Bahala na. Ipagdasal niyo na sana magbago isip ko." Sabi ko.



"Sana.." Sabi nung dalawa.





//



Nasa dance studio na kami. Nando'n na yung mga tinawag.



Pati si Dj. Kasama niya yung mga boys pero mukhang di siya interestado sa pinaguusapan nila kasi di siya nakatingin dahil . . . . . . nakatingin siya sakin. (__ __)"



Umupo na kami sa floor. Imaginin niyo ang isang dance studio na puro mirror basta gano'n. Hirap explain eh. Bahala kayo.



"Hi guys! So all of you are part of the cotillion number. Huwag kayong mag-alala madali lang ang steps. Dahil slow dance at di nakakapagod." Ms. Ortega.



What?! Slow dance?!



"So, Ms. Bernardo you are partner with Mr. Padilla." Nagulat ako. What?! Awkward.



//



Sinabi na yung partner nung apat pang natira.



"Okay. Please stand ang we'll teach you the steps with my dance partner."



Nakapwesto na si Ms. Ortega at yung partner niya. Yung lalaki nakahawak sa bewang ni Ms. At si Ms. naman nakahawak sa balikat nung lalaki.



Nakita ko lahat ng part ng cotillion number at nakaposition na. Ako nalang hindi. Ahhh! Sht.



"Ah. K-Kath.." Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Dj. "May I?" Sabi niya at inakma yung kamay niya na parang hahawakan yung bewang ko.



Tumango ako. Ah. Hoo.



Humawak naman ako sa balikat niya. Tumingin kami kay Ms. Ortega na tinuturo na yung steps.



Ang awkward lang kasi parang nakayakap siya sakin. Gawd. Help.





//



Naituro na yung steps. Well, super dali lang nito. Ngayon, kanya kanyang practice by partner. So malamang si Dj kasama ko.



"Yun! K-Konti nalang map'perfect na natin!" Sabi ni Dj habang nagpupunas siya ng pawis.



"Oo nga eh! Galing talaga natin! Haha!" Sa sobrang galak ko inapir ko siya. Nagulat siya pero ewan gano'n yung mukha niya e.



"Ah-eh. Kath, punasan mo yung pawis mo.." Nilapit niya mukha niya sakin at pinunasan yung pawis ko sa noo.



Uh. Ang lapit.



Patuloy parin siya sa pagpunas.



"Oh. Ayan. Punasan mo pawis mo sa susunod. Uhm. . . Dali p-practice na uli." Hinila niya ko palapit sa kanya. Magkadikit na nga katawan namin eh.



Habang nagsasayaw kami, may oras na nagkakatinginan kami ng matagal tapos biglang iiwas. Awkard.



"Uh. K-Kath, ano. Nagp'progress b-ba ko?" Tanong niya.



Konti nalang, Dj. Konti pa. Meron paring gasgas eh.



"O-oo. Konti nalang, Dj. Meron pa k-kasing sakit na nararamdaman 'to eh." Tinuro ko dibdib ko.



"Sorry talaga, Kath. A-alam kong kulang pa 'tong sorry ko sa mga pag babalewala ko at p-pagsabi ng masasakit na salita sayo... sobrang kulang k-kaya sinusubukan kong bumawi sa paraang alam kong m-makakabawi ako sayo.." Patuloy parin kaming sumasayaw.



"A-ang pagiging sincere mo ang gusto ko makita sa mga pagbawi mo, Dj.. yun lang." Sabi ko.



"S-sige." After nun tahimik na uli. Walang kibuan. Nagcoconcentrate kami sa pagsasayaw.





//



Patuloy lang namin ginawa yung nga steps hanggang sa nagbreak time si Ms. Ortega.



Si Juls umalis dahil kailangan siya saglit sa mga organizers. Si Miles naman sabi niyaya siya ni Marco kumain kaya loner ako ngayon.



Umupo ako sa isang sulok at nilabas yung dinala kong snack. Parang bata, ano?



Ako lang tao dito sa dance studio. Hay.



"U-uy. Ba't mag-isa ka?" Si Dj. Kakapasok lang ng studio.



Ramdam niyo ba yung awkwardness? Tch.



"A-ah. May inasikaso yung mga kaibigan ko." Sagot ko.



Di na siya muling sumagot. Ay malamang ano ba dapat niyang sagutin?



Life is so complicated. Ang labo. Natanong ko sa sarili ko, ba't ko ba kinakausap si Dj? Well, siguro unti unti ko na siyang napapatawad? Unti unti lang.



Siguro 50% na ang nagprogress? At 50% na rin ang kulang.



S i l e n c e



Nandito pa ba si Dj? Tahimik eh. Mukhang umalis na.



[Play youtube video on the side]



. . . you're a falling star, you're the get away car. you're the line in th sand when I go too far . . .



Napatingin ako kung san nanggaling yung music. Yun yung cotillion song namin.



"L-let's practice?" Tanong niya sakin.



Nilagay ko na yung kamay ko sa balikat niya at siya naman sa bewang ko.





•DANIEL's POV•

. . you're the swimming pool, on an August day. and you're the perfect thing to say. .



Tinitignan ko siya sa mata habang ginagawa yung mga steps. Siye medyo naiilang ata.



. . and you play it coy but it's kinda cute. Ah, when you smile at me you know exactly what to do. .



Mas hinila ko siya papalapit sakin para tignan niya rin ako sa mga mata.



Haay Kath. Mahal na mahal kita, alam mo ba yun? Sorry ngayon ko lang narealize.



. . baby don't pretend that you don't know it's true. 'cause you can see it when I look at you. .



Ngayon, nakatingin na talaga kami sa isa't isa. Buti walang tao. Moment namin 'to.



. . and in this crazy life, and through these crazy times It's you, it's you, you make me sing . .



Ikaw lang, Kath. Prinsesa ko. .



. . you're every line, you're every word . . . . you're everything. .



Last turn. Di ko makontrol ang sarili ko kaya nahalikan ko siya sa noo.



"D-Dj.."



Niyakap ko lang siya. Di ko siya sinagot. Tinago ko ulo sa leeg niya at pumikit.



Mas hinigpitan ko ang yakap sakanya. Puwede ko na ba sabihin yung mga katagang na gusto ko sabihin matagal na?



Huwag. Di pa ito yung tamang lugar.



Hindi niya tinanggal yung yakap. Hinigpitan ko pa.



//



Ilang minuto ko siyang niyakap at gano'n lang yung pwesto namin.



"A-ay. Ah. Kath. S-sorry. Sorry. Di ko sinasadya." Bumitaw ako sa yakap. Siya nakatingin lang sakin.



"Okay! Last practice for today!" Pumasok si Ms. Ortega sa studio at nagdatingan na rin yung ibang kasama.



Nagsayaw na uli kami ni Kath. Gano'n parin, tinginan tapos iiwas. Hay. Dibale, sa prom itotodo ko na.



Di matatapos yung prom hangga't di pa nac'clear lahat. Seryoso 'to.



Akin lang siya. At ang akin ay akin. Prinsesa ko siya. Walang agawan.







***********************

EHH. KILIG. :') ALAM KONG PANGIT PERO PAGBIGYAN NIYO NA KO.



What's your reaction?

10 COMMENTS? KAYA? PLEASE.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon