This Annoying Girl 13

32.7K 539 12
                                    

SECOND WEEK OF JULY

[ KATHRYN's POV ]

     Ako na ata ang pinaka-malungkot na tao sa buong mundo. Nawawalan na ako ng pag-asa para magkaroon na ka-date sa Heart's Day Party. Okay na sana eh, na-yaya na ako ni Khalil pero biglang sinabi niya na 'di na siya makakapunta. May family matters ata siya sa araw na 'yun kaya 'di na niya ako masasamahan.

Ano ng silbi ng bonggang preparation ko kung wala naman akong ka-date? Ang theme ay Hearts at Valentines Day, at syempre, expected na may mga date ang pupunta. Ugh.

"Huy, baks, anyare sa'yo? Paiyak na na oh!" Nagulat nalang ako kay Julia.

"Wala na.. wala na! Sayang lahat, walang kwenta ang Heart's Day Party ko!" Mangiyak-iyak kong sabi.

"Anong wala na? Umayos ka nga, Kath! Anong inaarte mo?"

"Wala na akong ka-date!" Sigaw ko.

"Ha, eh si Khalil?" Tanong niya.

"'Yun nga eh. Kakatawag niya lang sa'kin kagabi ta's sabi niya may family matters siyang kailangan pagtuunan ng pansin sa araw na 'yun." Malungkot kong sabi.

"Hayaan mo na 'yun, baks, ako rin naman walang ka-date kaya magdamayan tayo!" Natawa ako.

"Pero, duh, sayang rin 'yung bonggang preparation natin kung wala tayong kadate. Ano 'yun, nagpaganda para sa wala? Maglalakad sa red carpet mag-isa? Ugh, ang loser tignan."

"Edi tayong tatlo nalang magkaka-date!" Natawa kaming tatlo. Baliw talaga 'tong si Miles.

Magsasalita na sana si Julia pero biglang may nag-announce,

"Paging the SC Officers, please proceed to the HS office now. I repeat, paging the SC officers, please proceed to the HS office noe. Thank you."

Nang marinig na namin ang announcement, tumayo na kami ni Julia.

"Oh, Miles, kitakits nalang mamaya ah." Sabi ko.

"Loner na naman ako." At nagpout pa ang loka.

"'Kaw kasi, may nalalaman pang back-out sa pagiging officer, 'yan tuloy 'pag may meetings, iwan ka." Umirap siya kay Julia.

"Che, umalis na nga kayo!" Tinulak tulak pa kami.

Pumunta na kami sa office, naghiwalay kami ni Julia kasi may ginagawa na rin 'yung mga co-organizers niya sa isang table.

"Miss Bernardo," Tawag sa'kin ng principal. Lumapit naman ako. "Pumunta ka sa announcement room at i-announce mo 'to." Inabot sa'kin 'yung papel.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Where stories live. Discover now