This Annoying Girl 5

39.7K 641 22
                                    

[ KATHRYN's POV ]
     
     Papasok na kami ng school at hulaan niyo kung anong oras na? Syempre third day ng school at career na namin ang pagpasok ng maaga, 5:30 pa lang. Early birds talaga eh. Dumaan muna kami sa Starbucks para bumili ng kape dahil medyo inaantok ang diwa namin.

**~

Nakatambay na kami ngayon sa school fountain, syempre ang tambayan namin. Nauna nga si Miles sa amin eh. Syempre dahil maaga kami, at ilang oras pa ang kailangan intayin, kanya kanya na kaming gawain.

Pero mukhang idol ako ng mga kaibigan ko dahil nang makita nila akong humiga at nag-earphone, nakigaya na rin ang mga lokang 'to.

[ DANIEL's POV ]

Nabulabog ako nang biglang gisingin ako ni Diego ng sobrang aga. Oo, gusto kong maaga sa school pero hindi 'yung ganito kaaga! Alam niyo kung ano oras? Ginising ba naman ako ng 5:30 at sinabing may thirty minutes lang ako para maghanda.

**~

At 'yun nga thirty minutes ako nakapaghanda at nakabusangot ako ngayon. Pikon na pikon ako kasi dapat tulog pa ako ngayon. Bwisit.

"Diego, tignan mo nga kung anong oras pa lang?! Six!! Anong pumasok diyan sa kokote mo at naisipan mong pumasok ng ganito kaaga? Tulog pa dapat ako nito eh." Kanina pa ako nagrereklamo at tinitignan niya lang ako.

"Puwede ba, Dj, ang aga aga daig mo pa bunganga ng madaldal." Mas sumimangot naman ako.

"Sagutin mo nalang 'yung tanong ko!" Nakita ko naman na papasok na kami sa parking lot ng school kaya mas nainis ako. Wala pang katao tao!

"Bro, sinasanay lang kita ng maaga pumasok. Bahala ka gagawin ka naming wallet sa buong school year." Aba't nang-block mail pa! Magsasalita na sana ako pero bumaba na siya ng kotse. 

Lumabas na ako ng kotse, "Bago mo pa maimbento 'yang pagiging wallet ko sainyo, talagang sinabi ko na sa sarili ko na aagahan ko na kasi ayokong mapahiya!" Tapos hinabol ko siya kasi ang bilis bilis niya maglakad.

"'Yun naman pala eh, edi huwag ka ng magreklamo diyan." Hindi ko pa siya nahabol ng tuluyan kasi ang bilis talaga ng gunggong na 'to.

"Hintayin mo nga ako!" Mabuti naman at inintay ng ako ng gunggong. 

Sa school fountain kami dumiretso at may mga tao na rin. Ayos ah sleeping place ba 'to para matulog sila? Pero teka.. 

Sila Kath ba 'yun?! Tinignan ko ng mabuti, oo nga sila nga. Ano ba naman 'yan. Nakakairitang tignan. Gawin ba namang tulugan 'tong school fountain. Tch, mga walang magawa sa buhay.

Nakita kong gumagalaw 'yung kamay ni Kath, sus naglalaro naman pala or nagtetext. Aba, paki ko kung ano ginagawa niya sa phone niya.

Umupo kami malapit sakanila. Nakakainis, bakit ba dito malapit sakanila eh ang laki laki ng lugar na 'to? Badtrip.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon