This Annoying Girl 18

38.8K 595 37
                                    

KATH'S POV

Paggising ko ang sakit ng ulo ko. Di naman masakit. Hangover? Di naman ako naglasing ah!



Pagtingin ko sa paligid ko hindi black and yellow yung walls. Hindi ko kwarto to!!



AY TANGA.



oo nga pala nandito ako kela Dj.



"O Kath, gising ka na pala.." Nagulat ako sa nagsalita kaya nahulog ako sa kama. Grabe mamamatay na ko sa gulat.



"Jusme naman nakakagulat ah!" Tas tinulungan niya ko tumayo.



"Hahahaha. Sorry sorry." Tinignan ko siya habang tumatawa, bakit ang lakas ng impact ni Dj sakin? Bakit sakanya ako naattract, eh ayaw niya naman sakin.. </3

Natulala ako sa mukha niyang tumatawa. Ang gwapo pag ngumingiti!



Ako nalang kasi! Ano bang kulang saken para magustuhan mo ko?



Nyeta. Drama ko.



"Ba't ganyan ka makatingin?" Kasi sobrang nahuhulog na talaga ako sayo at yung mga mata mo sayo may sparks.



"Ha? Sorry. Ano kasi. Uhm. Ano bayun. Nakalimutan ko na sasabihin ko.." Wala akong masabi e!



"Ano? Hahaha." TANGNA TAWA KA NANAMAN.



Ayaw mo sakin pero bakit parang mas nahuhulog ako sayo?



"Hehe. Ano. Dj, uuwi na pala ako." Teka anong oras na ba? 9AM.



"Ha? Mamaya na. Breakast muna tayo." At eto naman ako may naramdaman sa puso. Bakit ganyan siya saken?!



Mas ginusto ko pa yung dati na sinusungitan niya ko eh. Well, di naman sa ayaw ko talaga. Kasi mas nahuhulog lang ako sakanya.



"Alam mo Kath, para kang statwa. Kanina nakatinin ka lang sakin. Tas ngayon nakatingin sa kawalan. May problema ka ba?" Tas lumapit siya sakin. Shems.



"H-ha. Ano. Wala. Tara na nga breakfast na tayo." Tas tumayo na ko at iniwan siya. Lumabas na ko ng kwarto. Baka makita pa niya yung mukha kong namumula at yung itsura kong mukhang naiihi.



Paglabas ko naamoy ko yung pancake. Sarap naman.



"Andyan na pala yung breakfast na pinadala ko." Sabi ni Dj. "Tara kain na!" Dagdag niya, at kumain na kami. Ang sarap grabe.



"Dj, pagtapos ko kumain alis na ko ha?" Sabi ko.



"Bakit ba nagmamadali kang umalis?" Hala nakatingin siya nang seryoso.



"Ah-eh. W-wala baka hinahanap na ako sa amin eh." Tas umiwas ako ng tingin at tinuloy yung pagkain ko.



"Mamaya ka na umuwi." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya pero tinuloy na niya pagkain niya.



"B-bakit mamaya pa?"



"Wala lang. Gala tayo." Simpleng sabi niya.



"Ha? Tayong dalawa lang?"



"Oo" Sabi niya.



O k a y



"Wag ka magalala dadaan tayo sainyo para makapagpalit ka." Sabi niya.



"Okay.." At kumain na uli ako.





***

Natapos na ko kumain at maligo pati rin si Dj.



Nandito kami ngayon sa elevator.



*TING*



Pagbukas ng elevator door may lalaki na pumasok. Palabas na sana kami ni Dj kaso nabangga ako nung lalaki.



Di ako nahulog kasi sinalo ako ni Dj.



"Sir, sa susunod po tignan niyo yung dinadaanan niyo." Sabi ni Dj sa lalaki habang hawak parin ako.



"Sorry sorry." Sabi nung lalaki.



"Ok ka lang, Kath?"



"O-oo okay lang. Tara na nga." At pumunta na kami sa parking kung san nakapark kotse niya.





*****

Nakarating na kami sa bahay para makapagpalit ako ng damit.



Pagpasok namen si Juls nakatingin sa macbook niya.



"Juls!!" Kaya napatingin naman siya.



"O Kath! Buti nakauwi ka na." Tapos ang sama ng tingin ng Dj.



"Actually, aalis ako. Sasamahan ko si Dj e."



"Ha? San kayo pupunta? Hoy Daniel san mo nanaman dadalhin tong si Kath?" Tas binalin na niya tingin niya kay Dj.



"Sa mall lang. Magpapasama ako. Pwede ba?" Sabi ni Dj.



"Okay okay. Basta ingatan mo to." Sabi niya. Bat di ba sila maging magkasundo ni Dj?



"Dj, wait lang. Magbibihis na ko." Tas umakyat na ko sa taas para magbihis.





***

Bumaba na ko. Nandun parin si Dj kung san siya nakatayo kanina. Si Juls naman nagl'laptop na.



"Juls! Alis na kami ah." Tas lumapit ako sakanya para bumeso.



"Sige. Ingat ka ha. Huwag masyadong mahulog baka masaktan ka, Baks." Bulong niya sakin at pinat yung likod ko.



"Opo. Alam ko yun. Sinusubukan ko na nga na di masyadong mahulog pero sa mga ginagawa niya ngayon, nahuhulog ako nang lubusan." Bulong ko pabalik.



"Hay nako, Kath. Basta pag kailangan mo ng sandalan pag masakit na yan.." Tas tinuro niya puso ko. "Maraming nandito para sayo.." Tas niyakap niya ko.



"Kaya dabest ka talaga eh! I love you, Baks!" Tas niyakap ko din siya.



"Oh alis ka na. Baka kung ano pa sabihin ni Daniel dito sa dramatic scene natin. Hahaha." Natawa naman ako.



"Loka! Hahaha. Sige na. Bye, Juls." Tinanguan nalang niya ko.



Pagtalikod ko naman, si Dj nakatingin samin. Baka nainip na.



"Tara na." Sabi ko at lumabas na kami ng bahay.





*****



"Kaaath. Gising." Naramdaman kong may yumuyugyog sakin.



"Kaaaaaath. Nandito na tayooo." Ingay naman oh.



"Tulog mantika ka talaga. Kahit saan natutulog. Walang pinipiling lugar." Tas kinurot kurot niya yung pisngi ko. Sakit ah.



"Ouch. Oo na eto na oh. " Tas inayos ko na sarili ko.



"Gigising rin naman pala eh. Tara na." Tas bumaba na siya ng kotse. Pati rin ako.



"Ano ba gagawin natin dito sa mall?" Tanong ko.



"Ewan ko rin eh. Ikaw? Ano ba gusto mo gawin?" Nak ng. Ewan ko rin eh.



"Ewan ko rin eh." Tas natawa siya. Umiwas naman ako ng tingin. Remember? Yung sabi ni Juls. 'Huwag masyadong mahulog. Baka masaktan lang.'



"Dun nalang tayo sa may park. May park tong mall na to eh." Ano naman meron sa park?



"Ano gagawin natin dun?" Tanong ko.



"Kwentuhan and some stuff. Tara na." Tas hinila na niya ko papunta sa so called park sa mall na to. Shems. Yung electrifying feeling pag hinahawakan niya ko.



Dinala niya ko sa may ilalim ng puno at umupo siya dun kaya tinabihan ko siya.



"Ay teka lang." Napatingin ako sakanya. "Bibili lang ako ng pagkain. Dito ka lang ha. Bibilisan ko." Sabi niya at tumayo.



"Sige." Sabi ko.



"Huwag ka aalis dito ha." Sabi niya.



"Oo na." At umalis na siya.





Pumikit naman ako.



Hay Dj. Bakit mo ba ko ginaganito? Please lang naman. Kailangan ko ng taga-salo! Pero kaibigan lang ang turing mo sakin eh. Wala bang hihigit pa dun?



Ginagawa ko naman lahat para magustuhan mo ko eh.



Noon, nung nalaman mong mahal kita nagbago pakikitungo mo sakin. Pero a few months ago, kinaibigan mo ko kasi sabi mo walang mapapala kung susungitan mo lang ako. Ang saya saya ko.



Pero ngayong magkaibigan na tayo, yung mga ginagawa mo sakin tulad nito. Minsan, naga'assume ako na baka sakali nagustuhan mo na ko. Pero ayoko magassume ng sobra kasi baka sa huli masaktan ako.



Dj, mahal na mahal kita. Alam kong sobrang pangit tignan na yung babae nanghahabol sa lalaki pero anong magagawa ko?



Sabihin niyo nang mukhang tanga pero pagmamahal nga naman.



Di ko alam kung kelan ako titigil eh. Pero wala naman sa punto na yun eh. Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal. Kaya ko magpakamatay para sakanya.



Martyr na kung martyr ganun talaga!



Andami kong naiisip tungkol kay Dj hanggang sa dumating na siyang may dala na malaking cup na may juice ata sa loob tas yung food na binili niya dalawang malaking pack ng gummy bears. Take note! DALAWA. MALAKI.



"Eto lang nakita kong malapit na bilihan eh. Hahaha." Tinawanan niya sarili niya.



"Oks lang. Magpakabata muna tayo. Hahaha." Tas inabot na niya sakin yung pack ng gummy bears at juice.



Umupo siya sa tabi ko at kumain.



"So eto lang pala gagawin natin. Kakain ng gummy bears. Hahaha." Sabi ko at sumubo ng dalawang gummy bears.



"Sorry naman. Ayoko ng nasa bahay lang eh. Gusto ko umaalis tas may kasama." Sabi niya.



"Mga kalokohan mo! Ang aga aga pa oh. 11:08 palang nagyayaya ka na gumala." Sabi ko.



"Hehehe. Wala lang." Sige magpacute ka pa!



"Kulit mo!" Tas kinurot ko yung magkabila niyang pisngi.



Ngumiti naman siya. Or should I say yung nagpapacute na ngiti nung kinurot ko siya.



"Picture nga tayo, Kath. Post ko sa instagram." Napatingin ako sakanya. Feeling ko namumula na mukha ko. Nangiinit talaga mukha ko ngayon. Grabe.



"Ha? S-sige." Nilabas na niya iPhone niya tas. Sinet yung camera sa harap.



"Game. 1, 2, 3!" Ngumiti ako tas pinakita yung isang yellow na gummy bear.



"Patingin nga." Sabi ko.



Ang ganda tignan nung picture naming dalawa. Di naman sa pagiging feeler, pero kung titignan mo yung picture, mukha kaming magkasintahan. Pero hindi eh.



"Post ko na. May internet naman dito eh." Tas yun nga pinost na niya kasi tumunog yung notifications ko at nandun yung username ko sa caption.



Binalik na ni Dj yung iphone niya sa bulsa niya at kumain na uli ng gummy bear.



Humiga ako sa grass kasi gusto ko. Hahaha.



Humiga din si Dj. So magkatabi kami.. Fck. Ang awkward kase diba?



Pero hayaan na. Cherish this moment together with Dj.



"Picture uli tayo yung nakahiga. Dali" sabi niya tas nilabas nanaman iphone niya.



"Hilig mo magpicture! Hahaha." Tumawa nalang din siya.



Yung pose ko nakanguso.



Nung pinakita niya, yung pose niya nakanguso din. Mukha kaming couples. But a big NO.



'Ang cute nung mag-on dun oh!'



May narinig kaming nagsalita. Pero hindi kami mag-on! Sana.



Nagkatinginan lang kami tas tumawa.



Nagpapasalamat ako kasi magaan na loob niya sakin at wala nang galit.



Tinignan ni Dj yung phone niya tas tumawa. Bakit?



"Uy ano meron?" Chismosa ko eh.



"Hahahaha. Ang cute mo dito. Hahaha. Nakanguso." Tas kinurot niya yung gilid ng bibig ko kaya nagmukha akong isda.



"Teka lang Kath wag kang gagalaw. Pipicturan kita." Hala ang pangit ko.



"1, 2, 3!" Tas tumawa siya. "Hahahhahaha. Cute!!" Sabi niya. Fck nangiinit mukha ko sa sinabi niya.



"Halaaaa. Wag mo ipost yaaaan!!" Kasi pinakita na niya yung picture ko na mukhang bibig ng isda yung bibig ko. Sinubukan kong agawin yung phone niya pero di ko maagaw.



"Ipopost ko to! Hahahaha. Cute naman eh!" Nakita ko na tinap na niya yung 'Share' button sa instagram.



OMG PINOST NIYA NGA.



"OMG. DJ!!!! Delete mo yun. Huhu." Pero tinago na niya phone niya.



"Di naman pangit eh." Tas ngumiti ng pang asar.



"Nangaasar kaya yang mukha mo!" Nagpout ako.



"Cute nga yun! Di pangit swear." Sabi niya. Nanginit nanaman mukha ko. Fck you Dj.



"Hay. Oo na." Iniwas ko tingin ko at kumain na uli ng gummy bear.



"Oy galit ka ba." Tinusok niya tagiliran ko.



"Hindi." Sabi ko at ngumiti sakanya.



"Okay. Hahahaha." Hala tawa nanaman siya.



'Ang sweet nung lovebirds oh!'



May narinig nanaman kaming nagsalita. Nagkatinginan uli kami tas tumawa.



Hindi kami lovebirds! Wag kayong paasa.



Kumain nalang uli ako ng gummy bears at tumingin sa langit.



Ano na ba mangyayari sa buhay ko. Masyadong maraming nangyayari. Umeksena nanaman si Albie. Hay buhay.





*****

Di ko namalayan na ubos na pala yung gummy bears ko. Ang bilis naman.



"Gusto mo na ba kumain ng lunch?" Tanong ni Dj.



"Ah oo. Medyo gutom na rin kasi ako eh." Umupo na ako at sumandal sa puno habang nakahiga parin si Dj.



"Sige. Dito tayo maglunch sa puno na to. Magt'take out nalang ako." Sabi niya at tumabi sakin.



"Lakas din ng trip mo 'no?" Sabi ko.



"Hahaha. Dito ka lang bibili na ko." Tumayo na siya at iniwan ako.





Biglang nagring phone ko. Pagtingin ko sa caller I.D, di nakaregister. Unknown. Pero sinagot ko.



"Hello? Who's this?" Sabi ko.



||I miss you.."|| Nabitawan ko yung phone ko. Nak ng puta. Si Albie. Kinuha ko yung phone ko.



"A-ano kailangan mo." Matigas kong sabi.



|| Ikaw. Kailangan kita. || kapal nito ah.



"Kapal rin ng mukha mo! Di ako nakikipaglaro sayo, Albie." Umiinit ulo ko!



|| Di rin ako nakikipaglaro, KC. Kelan na tayo maguusap? ||



"Ba't nagmamadali ka makipagusap?! Pwede kang maghintay diba?" Kumukulo na talaga dugo ko sa lalaking to.



|| Please, KC. || humina yung boses.



"Huwag mo kong tawaging KC. Kinalimutan na kita."



|| Please, Cha. Magusap na tayo..|| GAAHH. Kung hindi 'KC' naging 'Cha' naman.



"Huwag rin Cha! Pwede ba?! Kathryn ang itawag mo dahil hindi na kita kilala!" Galit kong sabi.



|| Huwag ka namang ganyan.. ||



"Ako pa sasabihan mo ng ganyan? Eh ikaw nga nangiwan. IKAW! Ikaw ang huwag maging ganyan!" Sigaw ko.



|| Okay okay! I'm sorry.. ||



"Walang mababago sa 'sorry' mo, Albie."



|| Can we just talk? Parang awa mo na. ||



"Hindi ngayon, Albie." Sabi ko.



|| Pero kailan? ||



"On Saturday." Sabi ko. Thursday ngayon eh.



|| Really?! Thank you, Ch-- Kathryn. || Naramdaman ko yung saya ng boses niya.



"I need to go. Bye." Sabi ko at inend na yung call. Wala akong paki kung may sasabihin siya. Basta kakausapin ko na siya sa Saturday to clear things up.



"Sino yung kausap mo?" Napatalon ako sa gulat kasi dumating na si Dj na may dalang paper bag na may pagkain.



"H-ha. Si ano. Si Albie." Nakita ko nanlaki mata niya.



"Albie?! Yung EX mo?! Bakit?" Tumabi siya sakin.



"Gusto niyang makipagusap sakin. At sabi ko naman sa Sabado kami maguusap.."



"M-maguusap? Ahh okay.." Sabi niya. Nilabas na yung pagkain at may nilatag na place mat.



"Kain na tayo!" Sabi ni Dj.







***************

Sorry for the late update! Next chapter ang paguusap ni Kath at Albie.



Abangan!

Favor puwede? Pakicomment naman kung pumapangit na ba yung flow na story. I can make solutions to it. Or any suggestions or dedications? Please please please comment below :(

ComVo? :)

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon