This Annoying Girl 6

45.2K 666 31
                                    

[ DANIEL's POV ]

Nauna na maglakad si Kath. Ako, naiwang tulala parin. Masyadong unexpected ang mga nangyayari. Biruin mo, biglang nakuha na 'yung first kiss ko? Bakla man pakinggan pero big deal parin naman sa'kin ang bagay na 'yun. Hayaan niyo muna akong kumontra kasi nabigla lang talaga ako. Kakasabi ko lang kay Diego tungkol sa the one pero bigla nalang nagka-first kiss ako sa hindi naman dapat. Hindi si Kath ang the one! Urgh.

Hay nako, hayaan na nga. Aksidente lang 'yun. Walang may kasalanan at walang may gustong mangyari 'yun. Tch, makabalik na nga sa classroom.

**~

Pagdating ko sa classroom, wala pa naman ang teacher namin. Nakita ko si Kath na nakababa ang ulo.. tapos naalala ko na naman. Tch, sabing kalimutan na eh.

Pagkaupo ko, sinamaan ko ng tingin ang katabi kong isa ring gunggong na si Khalil. Hindi siya nakatingin sa'kin pero binatukan ko siya.

"Aray naman! Ano bang problema mo?!" At ang gunggong, minasahe pa 'yung parte na binatukan ko.

"Problema ko? Aba tanungin mo sarili mo! Tama ba naman 'yung iwan niyo ko do'n sa fountain ng natutulog?" Inis kong sabi.

"Bro, 'di naman sa iniwan ka namin. May naiwan kasi kami sa locker kaya kinuha namin. Babalik sana kami kaso 'yun nga.. nakita namin na si Kath na ang gumigising sa'yo kaya 'di na kami bumalik."

"Tss."


Ilang minuto narin at dumating teacher namin.

"Good morning, class. So first thing to do this morning is to make a survey by partner.. madali lang ito and I'm sure you'll finish this for just several days. Pero dahil mabait ako, you have two weeks to finish this in case you need more time." Nagsigawan naman 'yung iba,

"Tungkol sa'n po 'yung survey?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Your survey is about.." Umakyat siya ng platform at sinulat 'yung mga information na kakailanganin.  "Copy this on your notebook."

Nakalagay : In a bond paper, survey 3 family members, 3 strangers, and 1 school personell. This is for each pair.
     > If you are able to express or tell something to our President (PNoy), what will you tell him?

Madali lang naman pala. Pero ang tanong, sino nga ba ang partner ko?

Narinig ko namang nagmemention na ng mga pangalan 'yung teacher namin kaya nakinig ka ako at inintay ang pangalan ko. Sana matino partner ko.

"Bernardo and Padilla." Halos mabingi ako nung marinig ko na kung sino ang partner ko. Tama ba ang rinig ko?

"Huy, Khalil, sino daw sa'kin?" Naninigurado pa ako.

"Si Kath ang partner mo.." Tapos umiwas siya ng tingin. Malamang nagseselos siya. Tinanguan ko nalang siya. Hay nako, 'pag minamalas nga naman, oo.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon