This Annoying Girl 29

28.9K 550 131
                                    

•DANIEL's POV•

Inayos ko na yung carpet at umupo muna sa isang mono block na nakita ko. Ano na ba nangyayari sa buhay ko. May nararamdaman ba talaga ako para kay Kath? Kailangan ko maikumpirma sa sarili ko. At kailangan sigurado ako dito.



Pero paano? Paano ko malalaman? Mayroon nga ba talaga? Kailangan ko ng tulong. Pero kung hihingi naman ako ng tulong sa iba, hindi nila ako matutulungan dahil ako lang mismo ang makakapag-kumpirma sa sarili ko.



Ayun si Kath, kasalukuyang nagkakabit ng curtains. At ang nakapagtataka lang ay kung bakit siya naka-sweater. Eh ang init. At di pa naka-bukas yung aircon dito sa venue. Huwag mong sabihin na nilalamig siya eh napaka-init ng panahon ngayon.



Kung hindi ako nagkakamali. May nakita akong parang gauze do'n sa pulso niya. Dahil naitaas yung sleeves niya sa pagkakabit ng curtains.



Gauze? Ba't siya maglalagay ng gauze sa pulso niya? Maliban nalang kung may sugat siya do'n. Pero kung mayroon man, saan naman manggagaling yung sugat na 'yon? Tsaka bakit sa pulso pa niya?



Aish. Maiba ako. Natapos na magkabit si Kath ng curtains at nakaupo rin siya sa isang kono block. Gano'n din yung dalawa niyang kaibigan. Nakita kong parang may sinasabi si Julia kay Kath. Ilang minuto na ang lumipas at tumango tango si Kath sa sinabi ni Julia.



Nagulat nalang ako nung biglang umiyak si Kath. Hala. Ba't naiyak? Ano na naman ba ang sinabi ni Julia kay Kath. Siguro tungkol sa akin na naman yun. Ako lang naman ang dahilan kung bakit na sa ganitong sitwasyon si Kath eh. Kaya di na ko nagtataka. Ako nanaman ang dahilan sa pagiyak nya kanina. At ngayon.



Huwag ka magalala, Kath. Magiging maayos rin ang buhay mo. Magiging masaya ka na.Tayo. Ako nalang kasi ang kulang diba? Kaya gumagawa ako ng paraan kung paano ko maikukumpirma tong nararamdaman ko para sa iyo. Konting tiis nalang, Kath. Para sa iyo to.



Naniniwala ako na mayroon na akong nararamdaman para kay Kath. Konting signs pa. Konti nalang at makikita ko na muli ang totoong ngiti mula sa labi ni Kath.



"Uy Dj, problemadong problemado ka ata diyan ah." Si Jerome. Vice president siya ng High School Dept. Classmate ko rin. Medyo close kami dahil minsan na rin kami naipagsama sa isang group work.



"Ah medyo? Haha." Sabi ko. Totoo naman eh.



"Si Kath ano?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Mind reader ba siya? "Oh! Gulat ka diyan? Huwag ka magtaka! Sikat kayo dito sa school. At nakalimutan mo na ba? Marami ang nakakaalam na may gusto-- ay mali, na mahal ka ni Kath! At isa na 'ko do'n sa maraming nakakaalam."



Nakalimutan ko. Di naman sa pagmamayabang. Pero diba sikat kami? "Oo nga pala 'no?" Sabi ko.



"Oh so tungkol sa'n na yang pinoproblema mo? Ishare mo na! Matagal rin naman tayong magkaibigan diba? Tsaka mapagkakatiwalaan ako 'no!" Daldal talaga. Ba't siya naging vice president eh may pagkakulit din tong isang to. Joke haha.



"Oo na! Tungkol kay Kath tong dinadala ko." Sabi ko at napatingin ako kung saan siya nakaupo. Boom. Nagtama ang tingin namin. Shet. Sinong dapat umiwas? Napapatigil ako. Tulong please.



"Di na nga ako nagkamali. Bakit? Ano nangyari?" Tanong niya. Nagkakatinginan pa rin kami ni Kath. Pero bigla nalang siya umiwas.



"Ewan ko eh. Pano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?" Subukan ko lang humingi ng tulong. Baka sakali.



"Sa totoo lang? Hindi ko rin alam eh. Wala din kasi akong lovelife. Pero ang alam ko at base sa mga nakikita ko na kakilala ko pag tinatanong ko sila, ang sasabihin lang nila ay 'paggising ko nalang isang araw, mahal ko na siya at di ko kaya kung wala siya'. Yun lang ang alam ko.. Eh ikaw ba bro, kaya mo ba kung wala si Kath sa buhay mo?" Jerome.



"Hindi. Hindi ko kaya." Yan ang biglang lumabas sa bibig ko.



"Eh hindi mo naman pala kaya kung wala siya eh! Edi mahal mo siya!" Sabi niya at siniko ako ng pabiro. "Dj, witness ako sa 4 years na panunuyo ni Kath sayo. At diba pag may nagtatanong sayo lagi mong sinasabi na wala kang nararamdaman sakanya?" Tumango ako. "Siguro nasanay ka lang sa pagdedeny kaya hindi ka sigurado ngayon." Dagdag pa niya.



Siguro nga. Siguro nga nasanay ako sa pagsabi ng "Wala nga akong nararamdaman sa kanya!" kaya nahihirapan ako ikumpirma ngayon.



"Konting signs pa ang kailangan ko Jerome para maikumpirma na mahal ko talaga siya. At ang gusto ko, pag sinabi ko na mahal ko si Kath, yung siguradong sigurado ako." Sabi ko.



"Kailangan mo pa ng signs? Di pa ba sapat yung di mo kaya kung wala siya?" Jerome.



"Hindi pa eh."



"Sige. Goodluck nalang. Wala na rin akong mai-advice eh. Paano ba yan, may aasikasuhin pa ako. Alis muna ako ha?" Sabi niya at umalis na.



Hindi ko patatapusin tong araw na to hangga't di ko nakukumpirma na mahal ko si Kath. Nasan na ba yung mga signs? Lumabas na kayo please lang. Gusto ko kasi pag nakausap ko na si Kath masasabi ko nang mahal ko siya. Kaya please lang maglabas na ng signs!



Wala naman na akong gagawin kaya pagmamasdan ko nalang si Kath baka sakaling pag titignan ko lang siya ay masabi ko nang mahal ko siya.



Sa nakikita ko, nagaayos siya ng mga gold ribbon. Di ko alam kung para saan pero baka para dito sa venue yung inaayos niya. Nakita kong papalapit si Khalil kay Kath. Di ko alam kung bakit pero naginit ang dugo ko.



Gusto ko manipa. Kelan pa sila maging ganyan kaclose? Langya yan oh.



TEKA.



SIGN ITO!



SHET! SIGN ITO! WOOO!



Hindi ko kaya kung wala siya. Nagseselos ako pag may kasama siyang iba. Sapat na yan! At isa nalang ang kulang..



....Ang masabi kong mahal ko siya.







************************************************

Kinikilig ako habang tinatype to hihi. Sorry late ulit. Ano masasabi niyo? Galit pa ba kayo kay Daniel? Comment your reactions to this chapter. Kinilig ba kayo nang konti? Kung oo comment naman diyan oh!

10 comments? Kaya niyo?

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon