This Annoying Girl 25

30.2K 501 94
                                    

•THIRD PERSON's POV•

Panibagong araw nanaman para kela Kath, Julia, Miles at Albie. Hindi masaya sila Julia, Miles at Albie dahil namimiss na nila ng sobra sobra yung masayahin na Kath. Yung kahit di parin siya nagugustuhan ni Daniel ay sobrang masayahin parin siya. Pero hindi.



Ngayon, nasaktan siya, natamaan ng sobra. Kaya di niya magawang ngumiti. Masyadong mabigat.



Kahit rin naman si Kath hindi nagugustuhan yung sitwasyon niya eh. Sinusubukan niya naman ngumiti pero hindi talaga niya magawa. Magiisip siya ng masaya na memorya pero yung mga masasayang memorya na naiisip niya ay yung panahon na kasama niya si Daniel kaya ang bunga, naiiyak siya.



Ayaw niya sana pumasok kaso napilit siya nung dalawang girls. Wala din siyang magagawa dahil president siya eh.



Magkakasama sila ngayong apat. Papasok na ng school. Si Kath naka-sweater para matakpan yung mga cut niya.



Naka-cling ngayon sa arm ni Kath si Julia dahil si Kath nakakabangga na ng mga tao dahil tulala siya. Kaya inaalalayan to ni Julia.



"Umayos ka nga, Kath." Sabi ni Julia. Pero si Kath ay nanatiling tulala at walang naririnig.



Pinagtitinginan na si Kath ngayon, di dahil sikat siya kundi, dahil bakit ganyan ang inaasal niya. Bakit nakakabangga siya ng mga tao, bakit tulala siya, bakit pugto ang mata niya, at kung bakit mukha siyang namatayan ngayon.



Hindi maialis ng mga ibang estudyante ang pagalala kay Kath. Ibang iba kasi siya ngayon. Maraming tanong ang mga nasa isip ng mga nakakakilala sa kanya pero hinayaan nalang ito dahil ayaw nila makielam sa problema ni Kath.



Nagpunta sila sa fountain para tumambay muna. Walang ginawa yung tatlo kundi tumingin lang kay Kath. Nagiintay sila na magsalita siya o kung may plano man gumalaw pero, wala. Nakatingin lang siya sa kawalan.



"Ano na ang plano mo sa buhay?" Tanong ni Albie kay Kath. Pero si Kath wala paring naririnig.



Napahawak sa noo si Albie at napabuntong-hininga. Di na niya alam ang gagawin kay Kath.



"Kathryn! Huwag ka namang ganyan. Nagaalala na kami sayo!" Inaalog na ni Miles si Kath pero ang ginawa lang naman ni Kath ay tignan siya ng matagal at umiwas na uli.



Nakatingin lang siya uli sa kawalan.



***

Tahimik lang nilang pinagmamasdan si Kath nang may biglang dumating sa fountain.



Si Daniel.



Si Daniel lang. Wala yung mga kaibigan niya.



Nakita niya si Kath. Di alam kung ano gagawin.



'Bakit ganyan itsura niya?'



Tanong ni Daniel sa sarili. Pero nasagot na ang tanong niya. Dahil lang naman 'to sa kanya eh. Gusto niya ito lapitan at sabihan ng maraming sorry pero di niya magawa dahil hindi niya alam kung paano.



Iniisip niya ang puwedeng mangyari pag nagsorry siya dito. Wala namang mababago, salita lang naman yun at di na ata siya papatawarin nito.



Umalis na si Daniel sa fountain dahil di na ito magandang tambayan lalo na't magkaaway sila na Kath.



Nasaan ang dalawa niyang kaibigan? Well, nagalit ito sa kanya dahil nagbitaw siya ng masakit na salita sa isa pa nilang kaibigan na si Kath. Mas nagalit naman si Khalil dahil hindi maganda na sabihin 'yon sa kapwa mo na babae.



Wala na'ng makakampihan si Daniel kundi yung babae. Ay. Hindi rin pala. Dahil yung babae ay may malasakit sa nararamdaman ni Kath kaya hindi parin ito nagpapaligaw kay Daniel.



Wala nang gagawin ang mga estudyante kundi maghanda para sa gaganapin na Prom, 2 weeks from now.



Lahat sila naghahanda sa loob ng auditorium. Yung iba naman nagp'practice dahil may song/dance number silang gagawin. Yung iba naman, dahil tamad nakatambay nalang sa classroom.



Tulad ng gagawin ni Daniel ngayon. Tatambay lang siya sa classroom. Wala naman siyang maitutulong dun eh. Malaki problema niya ngayon at kailangan niya ng kakampi.



'Pero mas malaki ang problema na hinaharap ni Kath. Kesa sa akin. I'm sorry, Kath.' '



Sabi niya sa sarili niya. Mayroon siyang kakampi, si God lang.



Walang tao sa classroom nila Daniel kundi siya lang. Marami ang bumabagabag sa isip niya ngayon. Tila, hindi na alam ang gagawin kay Kath.



Nung nakita niya si Kath. Nanlumo siya. Naawa siya. Naguilty siya. Siya ang nagdala kay Kath sa sitwasyon na gano'n.



Hindi siya sanay. Hindi siya sanay na walang nagte'text sakanya ng 'Goodmorning, Dj! :)'. Hindi siya sanay na walang bumabati sakanya ng 'Hi Dj!'. Hindi siya sanay sa walang nangungulit sakanya sa loob ng classroom. In short,



Hindi siya sanay na wala si Kath.



Posible kayang may feelings na si Daniel kay Kath?



'Wala.'



Deny niya sa sarili niya. Umalis nalang siya sa classroom at pumunta sa mga benches na malapit sa Highschool office. Dun siya tatambay.



"Bro.." Tinawag siya ni Diego. Tumingin nalang siya.



"Hindi naman ako galit eh. Nainis lang din. Kasi si Kath yun eh. Bestfriend ng babaeng gusto ko. Siya yung tulay ng pagiging magkaibigan namin ni Julia. Kaibigan ko na rin.. Hindi naman kasi dapat siya sabihan ng mabibigat na salita eh." Nakatingin parin si Daniel kay Diego.



"Nararamdaman ko na may feelings ka para kay Kath, dinedeny mo lang sa sarili mo. Sabihin na nating nakilala mo yung babae na hindi mo man lang pinakilala sa amin.. gaano na kayo katagal magkakilala?" 1 month palang sila magkakilala ng babae. "Hula ko, mas matagal kayo magkakilala ni Kath, ano? Pero mas pinili mo yung babae na nakita mo lang. Samantalang si Kath matagal na kayong magkakilala.."



"Wala nga sabi akong nararamdaman kay Kath.." Sabi ni Daniel.



"Sige deny pa. Eto na nga yung chance mo. Baka mamaya mawala pa yan.." Sabi ni Diego at umalis na.



'Wala akong nararamdaman kay Kath.'



***

Nasa meeting ngayon sila Kath, Julia at Miles. Remember? Nagvolunteer ai Miles dahil kulang. Nasa loob sila ng Highschool office ngayon at nakaupo sa pinaka-likod.



Dapat sa harap si Kath eh. Kaso lang ayaw.



Nagdidiscuss ngayon si Julia at ang isa pang co-organizer niya sa harap tungkol sa theme na gagawin nila sa prom. Maganda ang napili ng mga organizers. Alam niyo kung ano yung theme?



Enchanted.



Kung ipipicture niyo sa isip niyo, napaka-engrande nito. Sabi ng mga organizers na Gold at light Yellow lang ang puwedeng suotin sa Prom.



Lahat ng officers ay natutuwa sa naisip na theme dahil para ka nang nasa palasyo sa araw na 'yon. Lahat ng mga tables, chairs, lights, walls basta lahat ng bagay ay gold lang at yellow. Sobrang liwanag kung iimaginin mo.



Pero isip pa lang yan. Di pa yan nagagawa sa auditorium. Lahat sila excited maliban sa isa. Sino pa ba? Si Kath.



"Kath, ano masasabi mo sa theme? Bigay ka naman ng comment diyan, ikaw president oh." Tanong ni Julia kay Kath. Lahat ng officers nakatingin kay Kath nagiintay ng sagot pero si Kath nakatulala lang. Kaya siniko to ni Miles at binulungan.



"Tinatanong ka kung ano masasabi sa theme." Bulong ni Miles.



"A-ah. Y-yung theme. A-ano. Maganda. M-memorable. Paniguradong maaalala m-mo to pagtanda mo. D-dahil nga m-maganda." Sabi ni Kath na halatang wala sa sarili.



"Okay! So it's settled! Ipapahanda na natin yung mga materials bukas. At the day after tomorrow na tayo magsisimulang magayos sa auditorium." Sabi ni Julia. "Sa ngayon, bawat isa sa atin ay gagawa ng design na ilalagay sa auditorium. So kuha nalang kayo ng paper dun sa gilid. Excited na ko!" Sabi naman nung co-organizer ni Julia.



Nagsitayuan na lahat ng officers at kumuha na ng papel. Pero si Kath nakatingin lang sa sahig.



"Kath, ayos ka lang?" Tanong ni Janella, isa sa mga organizers. Napatingin naman si Kath sakanya.



"O-oo.." Sabi ni Kath. Di nakumbinsi si Janella sa sagot. Pero kahit gano'n, di na niya pinilit si Kath sa kung ano man ang kinikimkim niya. Kaya ngumiti nalang si Janella at umalis na sa harap ni Kath.



Pumikit saglit si Kath. Sa pagpikit niyang 'yon, lumabas nanaman yung mga masasayang alaala nila ni Daniel.



Di na niya kaya.



Tumakbo siya palabas ng office at sumandal sa pader at umupo sa katabi ng pinto nung office.



Niyakap niya ang mga tuhod niya at tinago ang ulo niya.



Wala na. Sumabog na siya. Naiyak na siya. Bakit ba lahat ng bagay si Daniel palagi? Lagi nalang siya. Nasasaktan na siya eh.





***

Nakaupo parin si Daniel do'n sa benches. Napalingon siya dun sa office kasi may lumabas.



Nagulat naman siya sa nakita niya na lumabas.



Si Kath.



Tinignan niya lang kung ano ginawa nito.



'Ba't siya nagkakaganyan?'



Tanong agad ni Daniel sa sarili nung nakita niya si Kath na umupo at umiiyak, ata?



Tinitignan parin ni Daniel si Kath nang may lumabas uli do'n sa pinto. Si Miles pala. Lumuhod siya para maka-level si Kath. Pinaharap niya ito sakanya. Umiiyak nga.



Mukhang may sinasabi si Miles kay Kath pero si Kath iling nang iling at sabay no'n ang pagagos ng mga luga mula sa mata niya.



Niyakap ni Miles si Kath at si Kath naman sobrang naiyak nung niyakap siya ni Miles. Sinuklian ni Kath ang yakap ni Miles at dun na binuhos ang iyak niya sa balikat niya.



Bumitaw na si Kath sa yakap at tumalikod kay Miles. Pinagpapalo niya ang pader. Si Miles naman pinipigilan ito.



Si Daniel naman naaawa kay Kath. Gusto niyang lapitan pero di niya magawa. Hanggang tingin nalang muna siya.



'I'm sorry, Kath..for everything..'



Sabi ni Daniel na pabulog habang nakatingin parin kay Kath na humahagulgol na.



Iniwan na muna ni Miles si Kath at pumasok uli sa office. Habang si Kath naman ay niyakap uli ang tuhod niya at umiyak nalang uli do'n.



*****************

Magkakabati parin ba si Kath at Dj?

Abangan!

Sayang malapit na mag 10 comments eh! Pero oks lang. Dito? Kaya ba? :( PLEASE

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon