This Annoying Girl 21

32.7K 515 105
                                    

•KATH's POV•

[Fast Forward]

Friday na at di parin pumapasok si Dj. Pero oks lang kasi nagrereply siya sa text ko at nagtatawagan kami. Medyo masaya na ko dun. Medyo lang. Mas nangingibabaw yung lungkot eh.



Pag tinatanong ko kasi yung bakit siya absent iibahin niya yung topic. Minsan nga nauutal pa siya pag kausap ko siya eh.



Miss na miss ko na siya. Oo, wala nga akong karapatan pero anong magagawa ko?



Uwian na pala namin and thank God it's Friday! Kasalukuyan akong nasa van pauwi. Oo ako lang kasi may ginawa pa akong report at pinauna ko na sila Juls umuwi.



Nakatingin ako sa bintana at may nakita akong babae at lalaki naguusap, mukha silang couples. Pero nung nalapit yung van sa may couples nanlaki mata ko.



Si Dj ba yon?! Kinusot ko mata ko pero pagtingin ko dun uli, malayo na yung van namin.



Hindi. Hindi si Dj yun 'no. Di niya naman siguro gagawin sakin yun diba? Kahit alam niya na mahal ko siya, di niya naman siguro sasaktan yung feelings ko, diba?



'Pero Kath diba nasasaktan ka na nga?'



Sabi ng isip ko. Aish! Medyo?



Gusto ko pumunta sa park. Pero this time gusto ko may kasama ako, so isasama ko sila Juls and Miles. Girls lang!



Nakarating na ko sa bahay at naabutan kong kumakain si Juls habang si Miles naman nanonood ng .. cartoons?! Aba isip bata tong baklang 'to ah.



"Hangin lang ba 'ko?" Sabi ko kaya tinigil nila yung ginagawa nila , tumayo at lumapit saken.



"Hi, Baks!" Sabay nilang sabi.



"Duet? Haha. Alis tayo." Sabi ko.



"Sa'n pupunta?" Tanong ni Miles.



"Uhm. Sa park. Oks lang ha? Ayaw niyo ba 'ko samahan? Ah kung gano'n, sige ako nalang mag-isa.." Okay lang naman kung ayaw nila ako samahan eh.



"Hindi 'no! Malamang sasamahan ka namin sa adventure mo! Magbibihis na kami." Natawa ako sa adventure. So ayun, umalis sila sa harap ko. Ako rin di pa nakakabihis eh, kaya umakyat na ko at dumiretso sa kwarto ko.



Nagshower. Ako saglit dahil sobrang lagkit ko na. Nagsuot ng v-neck na white at maong shorts.



Ano ba gagawin ko sa park? Wala lang naman. Magmumuni muni ako at gusto ko may kasama ako. Sana di nanaman ako sermonan ni Juls tungkol sa pagiging emo ko nang dahil kay Dj. Ewan ko kung bakit kami naging best friends eh hindi niya nga ako sinosoportahan sa feelings ko para kay Dj. Well. dati. Pero ngayon malaki ang galit niya kay Dj dahil nasasaktan daw ang feelings ko kahit walang ginagawa si Dj. Okay na rin yun, at least concerned si Juls sa nararamdaman ko. Kaya mahal ko yan eh! bilang kaibigan!



Si Miles naman gano'n din. Dati sinoportahan ako pero ngayon galit din kay Dj.



Konting weeks nalang matatapos na ang pagiging 4th year high school ko. Nasabi ko na ba sainyo? Prom na 2 weeks from now. So may pagkakaabalahan nanaman ang mga 4th year students.



Sa loob ng dalawang linggo na yun, puro preparations lang ang gagawin para sa Prom. How exciting?



Lumabas na rin ako ng kwarto dahil baka iniintay na 'ko nung dalawang baklita. Hahaha!



Tama nga. Naghihintay na sila.



"Kanina niyo pa 'ko hinihintay?" Tanong ko habang bumababa ng hagdan.



"Hindi. Kabababa lang rin namin eh. So, tara na?" Tumango ako kay Miles at lumabas na kami.



********

Nagpahatid kami sa driver sa park. Konti lang ang tao. Di kasi kilala tong park na pinuntahan namin.



"Ano naman gagawin natin dito?" Tanong ni Juls habang bumababa sa van.



"Wala. Hehe. Tambay tambay." Sabi ko. Umiling iling naman siya.



Pumunta kami sa benches at umupo duon.



"Tama rin 'tong naisip mo, Baks ah. Ang sarap magmuni-muni sa ganitong araw. Wala masyadong tao, tahimik." Sabi ni Miles at nilanghap ang hangin.



"Oo nga. Okay 'to." Pagsang-ayon ni Juls.



Nginitian ko lang silang dalawa.



"Uy may cotton candy oh! Teka bibili ako." Sabi ko at pumunta sa lalaki na nagbebenta ng cotton candy.



"Kuya, tatlo na po'ng cotton candy." Pink lang yung binebenta niya. Binigay ko naman yung bayad ko at inabot sakin yung tatlong cotton candy.



Nung pabalik ako sa benches. Nakita ko nanaman yung nakita ko kanina, yung dalawang mukhang couples tas yung lalaki na kafigure ng likod ni Dj. Nakatalikod sila eh kaya di ko makita yung mukha.



Nagpatuloy na ko sa paglalakd at nakatingin parin dun sa magcouples. Biglang nagside-view yung lalaki at naluwa yung mata ko. Si Dj? Kafigure niya talaga.



Hindi, hindi siya yun 'no! Tumalikod uli yung lalaki at inakbayan yung babae. Hindi si Dj yun. Hindi!



"Uy Kath, napatagal ka yata sa pagbili ng cotton candy. Ano ba pinagkakaabalahan mo? Tara na dun." Sinundo ako ni Juls.



"Ah-eh. Sorry." Yun nalang nasabi ko. Tinignan ko uli kung sa'n naroroon yung couples pero wala na sila sa pwesto nila. Hindi nga si Dj yun.



Nakabalik na kami sa benches at binigay ko na yung cotton candy sa kanila.



Umupo ako sa sahig, sa baba nila Miles. Di parin mawala sa isip ko yung lalaki na nakaside-view na kamukha ni Dj. Ahhh. Nakakabaliw. Pero imposible.



"Uy Kath, iba ata mukha mo ah. May problema ba?" Tanong ni Miles kaya si Juls tumingin sakin.



"Eh kasi.. Nung bumili ako ng cotton candy pabalik na sana ako pero may nakita akong dalawang couples--" naputol yung pagsalita ko.



"Ano naman kung may dalawang couples?" Teka lang kasi di pa ko tapos magsalita eh!



"Teka! Di pa ko tapos magsalita! Ayun nga, yung lalaki kafigure ni Dj yung likod kaya napatigil ako. Pero di ko pinansin kaya naglakad na ko pero nakatingin parin dun sa couples. Tas biglang nagside-view yung lalaki, kafigure talaga ni Dj!" Pagexplain ko.



"Oh my god.." Sabi ni Juls kaya napatingin ako sakanya, kala ko yung pinagsabihan niya ng 'Oh my god' ay yung pag hallucinate ko. Pero nakatingin siya sa iba.



"KATH WAG KA TITINGIN SA TINITIGNAN KO!" Sumigaw si Juls. Si Miles tinakpan mata ko. Teka?! Anong nangyayari?



"Ha? Ano meron?" Tinatanggal ko yung kamay ni Miles sa mata ko pero mas malakas siya.



"Tangina'ng yan ah." Narinig kong sabi ni Juls. Lutong naman nun! Ano ba nangyayari?



"Oy anoba Miles! Alisin mo kamay mo. Bat nagmumura-mura yan si Juls?" Tinanggal naman ni Miles.



Tinignan ko yung tinitignan nila Juls kanina pero wala naman. Ano ba yun! Parang tanga lang nago-'oh my god' at 'tangina' nang walang dahilan?



"Hoy Juls! Nagmumura-mura ka ng walang dahilan?! Anyare sayo? Sinapian?"



"H-ha? Ah-eh. Ano. Hehe. W-wala lang." Napansin kong nauutal siya. May tinatago 'to eh.



"Di nga? Eh ba't nauutal ka?"



"Wala talaga, Kath! Hahaha." Tunawa siya pati si Miles.



May iba dito sa dalawang 'to at kailangan ko malaman.



"Uhm ano. Tara na, Kath. Sa ibang park nalang tayo. Di na masarap hangin dito eh. Diba, Juls? Hehehe." Sabi ni Miles at tumayo na. Hinila niya ako kaya napatayo din ako.



"Oo nga, Kath. Tara na. Hehehe." Hinila nila ako at pupunta sa .. Ewan.



Ang bilis ng paghila nila sakin kaya may natamaan akong lalaki at natumba ako.



"Miss, sorry.." Napatigil ako. Kilala ko tong boses na 'to.



Inalis ko ang pagkakayuko ko at tinignan yung nakabangga sakin. Tama nga ako.



Si Dj.



"KATH?!"



Nanlaki mata ko. Isigaw ba naman eh. Sinong di magugulat? Tinignan ko si Juls at Miles, nagkatinginab silang dalawa at binalik tingin sakin. May tinatago to.



"Ang sakit sa tenga!" Tumayo na ko at nagpagpag ng dumi sa pwet.



"A-ay sorry sorry. A-anong ginagawa mo dito?" Tinignan ko siya. Namiss ko yung mukha niya.



"A-ah, Kath nakakatakot yung tingin na ganyan." Bumalik ako sa realidad. Nakakamiss kasi siya eh. Kung puwede lang yakapin ginawa ko na. Kaya lang baka maweirdohan siya saken pag ginawa ko yon.



"Ah-eh. Sorry. Uhm. Wala lang masama ba tumambay dito?" Sabi ko.



"A-ah hindi naman. H-hehe. S-sige. Alis na ko ha. Huwag ka magalala p-papasok ako n-na ko. Bye, Kath." At agad siyang tumakbo.



Nalungkot ako.



"Oh ano? Sa'n na tayo pupunta baka makabangga nanaman ako ng tao." Sabi ko kela Miles.



"Parating na driver natin. Magintay nalang tayo sa parking lot.." Sabi ni Juls. Mukhang naninigas siya na ewan.



Pumunta na kami sa parking lot. Nakita ko dun si Dj nakasandal sa kotse niya. Mukhang may iniisip.



Di naman masama kung lalapitan ko siya diba? Magkaibigan rin naman kami at puwede siya magshare ng problema.



Agad akong pumunta sa kinaroroonan niya. Mukhang di niya ako napansin kaya nagsalita ako.



"Dj.." Lumingon naman siya. Halatang gulat sa presence ko.



"Kath.. sorry wala akong time makipagkulitan. Iwan mo muna ako.." Sabi niya at tumalikod. Medyo nanlumo ako sa sinabi niya.



"Pero nandito ako para pakinggan ka.."







•DJ'S POV •

Ako nga pala si SOMEONE. Yes you've read it right.



"Pero nandito ako para pakinggan ka.." Sabi ni Kath. Aish. Pano ako magsasabi ng problema kung ikaw mismo?



"Kath...not now. Iwan mo na ko." Sabi ko nakatalikod parin.



"Makikinig ako.." Sabi niya.



"Kath, please. Sakin na muna to, okay? Di naman masyadong mabigat.." A lie! Sobrang bigat! Kasi pag nalaman mo 'to siguradong masasaktan ka!



"Pero Dj--"



"SABI NGANG IWAN MO KO DIBA? DI KA BA MAKAINTINDI?! AKO NA BAHALA SA PROBLEMA KO! YAN DIYAN NA KO NAIINIS! SA SOBRANG KAKULITAN MO! IWAN MO NA NGA AKO, KATH! DI KITA NANAY O KAPATID O KUNG ANO MAN! PLEASE! NAKAKASAKAL NA RIN KASI! KAHIT MEDYO MATAGAL NA TAYO MAGKAIBIGAN NGAYON DUMATING NANAMAN YUNG INIS KO! HINDI SA LAHAT NG BAGAY NANDYAN KA PARA SAKIN! KAYA KO SARILI KO! TSAKA KAHIT KONTI NAMAN KATH HUWAG KANG MASYADONG OBSESSED! UGH! ALIS NA!"



Nagulat ako sa sinabi ko. Fck. Nasobrahan na ata.



Nakita ko na may tumulong luha mula sa mata ni Kath. Shit Dj! Nasobrahan na yung sinabi mo! Fck!



"K-Kath.." Hahawakan ko na sana siya sa braso pero tumakbo siya. Shit. Dalawa na problema ko.



Eto na sasabihin ko na yung una.



Una. May nagustuhan akong babae. Di ko intensyon na magustuhan siya per nagising nalang ako na gusto ko na siya. At ang problema dun, alam kong sobrang masasaktan si Kath pag nalaman niya ang tungkol dito. Hindi ko sinasadya. I'm sorry.



Pangalawa. Nasigawan ko siya. Nasobrahan ata yung sinabi kong masasakit na salita.



Ginawa ko lang naman yun para umalis muna siya pansamantala. Pero nasobrahan ata sa sakit yung salita. I'm sorry, ulit.



Bakit ako absent this week? Kasama ko yung babae. Taga-ibang paaralan siya. Ayaw pa niya magpaligaw kasi sinabi ko ang tungkol kay Kath. Ayaw niyang makasakit ng feelings ni Kath pero sabi ko itago natin ito. Ang sabi naman niya pagiisipan niya.



Oo, alam kong mali. Pero biglang dumating na ang 'The One' ko.

[A/N : Pero di siya yung 'The One' mo! si Kath!]



Bakit ako nauutal at tumakbo agad nung nagkita kami kanina? Kase natatakot ako na baka makita niya kami nung babae.



I'm sorry, Kath. Mahal kita pero bilang kaibigan lang. Sorry. Sana mapatawad mo ko pag nalaman mo na to.







•KATH's POV•

Ang sakit.



Masyado ba akong naging makulit? Okay naman na kami ah. Ganito nanaman? Ayaw niya nanaman sakin? Bakit?



Ang sakit sakit na. Pinapatay yung puso ko.



Tumakbo ako kela Juls na kasalukuyang naghihintay parin. Mukhang alam nila yung nangyari dahil kita sa mata nila na nagaalala sila.



Pagdating ko dun agad nila akong niyakap.



"Juls, Miles, bakit gano'n? Nairita nanaman siya sakin.." Sabi ko at binuhos na yung luha ko.



"Baks, siguro sinasabi na rin sayo ng tadhana na hindi talaga kayo puwede sa isa't isa.." Sabi ni Juls habang hinahagod likod ko.



"Pero naniniwala ako na puwede parin kami! Puwede kami!" Sabi ko at tuluyan na nagbreakdown.



"Baks, tadhana na ang gumagawa ng move... Hindi talaga eh.." Si Miles naman ang nagsalita.



"Ang sakit lang kasi.. Sobra na. Pero kahit gano'n mahal ko pa rin siya." Sabi ko.



"Siguro, dapat ka na rin tumigil.." Sabi ni Juls.



"Hindi." Matigas kong sabi.



"Ikaw ang may choice, Baks. Nandito lang naman kami para maging sandalan mo." Sabi ni Miles.



Dumating na yung van at agad kaming sumakay. Sumandal ako sa balikat ni Miles. Dahil nasa harap si Juls.



Hinawakan lang ni Juls kamay ako. At ngumiti. Sinubukan kong ngumiti, nagawa ko nga pero mahina.



*****

Nakarating na kami sa bahay at dumiretso kaming tatlo sa kwarto ko. Pabagsak ako dumapa at umiyak nang umiyak.



"SABI NGANG IWAN MO KO DIBA? DI KA BA MAKAINTINDI?! AKO NA BAHALA SA PROBLEMA KO! YAN DIYAN NA KO NAIINIS! SA SOBRANG KAKULITAN MO! IWAN MO NA NGA AKO, KATH! DI KITA NANAY O KAPATID O KUNG ANO MAN! PLEASE! NAKAKASAKAL NA RIN KASI! KAHIT MEDYO MATAGAL NA TAYO MAGKAIBIGAN NGAYON DUMATING NANAMAN YUNG INIS KO! HINDI SA LAHAT NG BAGAY NANDYAN KA PARA SAKIN! KAYA KO SARILI KO! TSAKA KAHIT KONTI NAMAN KATH HUWAG KANG MASYADONG OBSESSED! UGH! ALIS NA!"



Naalala ko yung sinabi niyang masasakit. Sobra na talaga eh.







•JULIA's POV•

Naaawa na ako kay Kath. Pero kaya ako nag-'Oh my god' at 'tangina' sa park dahil may nakita akong di maganda. Ano yun?



Isang babae lang naman at si Dj magkayakap.



Sinong di mapapamura? Masasaktan nanaman si Kath. Ayoko ng gano'n.



Kaya ngayon, lagi na namin sasamahan si Kath. Kailangan nandyan kami ni Miles palagi sa tabi ni Kath. Dahil baka umiyak nanaman siya.



Lalo na ngayon na nasabihan siya ni Daniel ng masasakit na salita, dapat nandyan kami lagi sa tabi ni Kath para maging sandalan.







****************

Kilala niyo na si SOMEONE? Duh! Obvious na nga yung line niya na :

•••There's this girl, Sobrang kulit nya, at ayaw na ayaw nya ako tigilan. Ewan ko ba kung may sayad tong babaeng to 'o sadyang naka-drugs lang eh. Mahal nya daw ako? Tss! Di ako magkakagusto sa isang katulad nya na may sayad at mukhang nagd'drugs!•••



Nasa description nga yan eh tas magtataka pa kayo? Hala isip isip rin!



P L E A S E. Do comment your reactions sa story na 'to. Kahit negative pa yan basta may comment! P L E A S E

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon