This Annoying Girl 3

42.8K 667 23
                                    

[KATHRYN'S POV]

Nandito na kami sa mall at hinihintay pa rin si Miles. Medyo naiinip na rin ako. Nasaan na kasi ang babaeng 'yun.

"Baks, nasaan na si Miles? Medyo matagal na tayo nag-iintay at sa pagkakatanda ko, nung nag-aya ka kanina sa bahay, sabi mo papunta na 'yung babaeng 'yun. Ba't ang tagal?" Naiinis kong sabi sabay kamot pa sa ulo ko.

"Bulaga!" Napatalon naman kami ni Julia sa gulat kay Miles. Loko 'tong babaeng 'to.

"Ka-heart attack naman, Baks. Pero ang tagal mo, ha." Umiling iling pa ako sakanya. Pero  eto naman siya nagp-peace sign lang samin.

"Sorry naman. Nandito na ako, oh, huwag ng magalit." Inirapan ko lang siya. Syempre fake fake lang 'yung kunwari galit. "Pero alam mo matutuwa ka sa balitang nasagip ko!" Tapos nagcling siya sa braso ko.

"At ano naman 'yun?" Sungit mode parin ako. Hahaha.

"Nandito sila Daniel mo." Kaya lahat ng kunwaring galit ko kay Miles ay nawala na at napalitan ng ngiting tagumpay!

"Talaga?!" Ngiti ngiti ko pang sabi sabay alog sakanya.

"Yup, oh kalma ka na. Kahit kelan talaga basta si Daniel, oo." Pinipigilan na niya ako kasi mukhang hilo na siya sa akin. Hahaha! "Teka.." Sabi pa niya sabay tingin nang maigi sa mata ko para bang scanner ang peg niya sa mga tingin niya ngayon.

"Huy, tingin mo naman." Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Baks, umiyak na, 'no?" Halata bang umiyak ako? Tapos bigla ko na naman naalala 'yung mga bulong ni Dj kanina nung kausap ko siya sa phone. Nalungkot na naman ako dahil masakit parin naman pag ganonin ka ng tao.. lalo na't 'yung tao na 'yun ay 'yung mahal ko pa.

"Pa'no kung bumulong ba naman 'yung Daniel na 'yun eh, naririnig pa ni Kath. Bulong pa nga ba 'yun eh rinig naman pala?" Singit ni Julia at medyo galit na.

"Teka ano ba nangyari?" Kaya kwinento ko 'yung nangyari kanina. Kung paano ko mahalata na naiinis siya sa akin at kung paano siya bumulong na pagka-lakas lakas.

Nang matapos ko na ikwento, 'yung itsura ni Miles parang naaawa sa akin pero may halong galit rin akong nakikita.

"Bakit siya ang nagustuhan mo, Kath? Gano'n kasama na tao ang type mo? Baka masapok ko 'yun, ha. Over na siya. Sana man lang naisip niya 'yung salitang 'feelings' kahit yung nararamdman mo lang naman bilang isang babae. Konti nalang talaga at ako ang haharap do'n.. susugudin ko na talaga 'yun. Ayoko ng nakikita kang umiiyak, Kath." Sabi ni Miles kaya napayuko ako.

"Nako, Miles, mahihirapan tayo diyan. Lagi kaya 'tong umiiyak." Sabi ni Julia.

"Ayaw ko man makita 'tong babaeng 'to na umiiyak pero sana iwasan mo, Kath," Baling sa akin ni Miles. "Mas maganda siguro kung isheshare mo sa amin 'yung nararamdaman mo. Para kahit papano, may mailalabas kang sakit. It works, Kath.. swear." Niyakap ko silang dalawa dahil sobrang swerte ko sa friendship naming tatlo. 'Di man ako masyadong swerte sa love life, 'yung friendship life ko naman swerte.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Where stories live. Discover now