This Annoying Girl 19

33.3K 601 35
                                    

DJ'S POV

Maguusap si Kath at yung Albie ngayon.



Di ako mapakali dito sa kama. Ano kaya mangyayari? Fck. Dj! Bat nagkakaganyan ka?!


Maguusap lang naman sila ah.



Bakit ako nangengelam?! Aish. Wala lang. Walang basagan no!







KATH'S POV

Saturday na! ang bilis ng panahon 'no? Naghahanda na ko ng sarili ko sa paguusap namin ni Albie mamaya.



Pagkatapos ng araw na to. Wala na kong problema. Everything will be clear after this day. Parang tanga lang trinanslate sa english. Hahaha.



Kasama ko ngayon si Juls sa kwarto. Pinipigilan nga niya ko makipagusap kay Albie eh. Kasi daw baka kung ano gawin ni Albie na hindi maganda.



"Baks, wag mo na kausapin si Albie! Nakamove on ka na kaya di mo na kailangan malaman kung bakit ka niya iniwan." Sabi ni Juls.



"Eh Baks, nakamove on na nga ako. Pagbibigyan ko lang naman yung tao makapagexplain para wala nang problema." Sabi ko naman.



"Sabagay, pero nagaalala lang ako baka kung ano gawin ni Albie sayo." Concerned lang naman pala eh.



"Salamat sa concern Baks, pero keri ko to. Di na ko magpapadala 'no! Nakamove on na nga ako diba? Walang mangyayari, okay?" Nagthumbs up ako sakanya.



"Gusto mo sumama ako?" Sabi niya.



"Hmm. Puwede rin."



"Sige magbibihis lang ako ha. Wait lang." Umalis na siya ng kwarto.



Biglang nagring iphone ko.





Nung nakita ko kung sino yung caller ID, halos tumalon ng yung puso ko. Nagtaasan yung balahibo ko.



Alam niyo kung sino?





Si Dj.



Feeling ko talaga mamamatay na ko sa kilig.



Sinagot ko naman yung tawag.



"Hello?"



|| Kath! || nailayo ko yung phone ko kasi sobrang lakas at ang sakit sa tenga.



"Aray naman! Puwedeng hinaan yung boses?"



|| Ay sorry. Haha. Anong oras kayo maguusap ni Albie?||



"Uhm. Maya maya pagkatapos namin kumain ng lunch. Bakit mo natanong?" Bat nagtatanong? Tatay ko? Hahaha.



|| H-ha? W-wala naman. || Ewan ko pero napangiti ako. Kinilig? Shems.



"Ah ganun ba. Sige. Bye na." Sad to say pero kailangan na iend yung call. Drama lang eh 'no?



|| Hehe. Ingat ka mamaya ha. Bye || Tapos wala na. Fck. May ingat pa? :') Kinikilig ako ng todo.



Please lang, Dj wag kang ganyan. Pero kung ginaganyan mo ko, sana naman saluhin mo ako. Hindi yung nahuhulog ako tapos walang tagasalo.



"Kath, dadalhin kita sa mental.." Pumasok na si Juls ng kwarto. Hala anong mental? "Pano ba naman ngiti abot langit. Ano meron?" Tinabihan niya ko sa corner ng kama.



"Ay sira. Wala lang. Tumawag kasi si Dj. Tas tinanong niya kung ano oras kami maguusap ni Albie, at sabi rin niya ingat daw ako." Tumalon talon ako sa kama.



"Hoy. Kalma lang naman, Baks! Huwag masyadong umasa, nakamamatay. Huwag masyadong mahulog baka di masalo.." Sabi niya at umupo na uli ako sa tabi niya. Grabe naman to. Words of Wisdom lang?



"Alam ko yun pero di mo naman mapipigilan yung nararamdaman diba?"



"Oo nga naman. Pero Kath? Tandaan mo to. Alam kong paulit ulit kong sinasabi to sayo pero tandaan mo na nandito lang ako palagi para sayo kahit anong mangyari ha?" At sinide hug niya ako.



"Thank you, Juls."







****************

Nakakain na kami ng lunch at on the way na kami ngayon sa isang cafe para makipagkita at makipagusap kay Albie.



Kasama ko rin pala si Miles at Juls. Sabi nila back-up daw sila eh. Mga sira talaga tong mga kaibigan ko. Nakamove on na nga diba? Keri ko itey!



Nakarating na rin kami sa café at nakita ko na si Albie nakaupo sa sulok na parte ng cafe. Kahit nasa kotse palang ako kita ko na siya.



"Good luck, Baks." Sabi ni Miles.



"Alam niyo? Mga sira talaga kayo! Anong goodluck? Hahahaha. Intayin niyo nalang ako dito ah." Sabi ko at bumaba na ng van.



Pagpasok ko sa cafe tumayo na si Albie at ngumiti ng malungkot. Lumapit na ko sa table at umupo sa chair.



This is it.



"Kath.." Simula niya. Tinignan ko lang siya. Signaling na magsalita na siya.



"Kaya kita iniwan kasi.. nadiagnose ng cancer si mom and dad.." Napatingin ako sakanya nun. Seryoso? Both?



"Pumunta kami ng U.S para ipagamot sila. The first 9 months, the treatment was effective to both of them pero the tenth month came.. Mom got weaker. But Dad, binawi na ng Diyos ang buhay niya.." Naiyak si Albie sa pageexplain niya. Kahit ako naawa. Pero hindi rin maganda ang pagiwan sakin ng walang paalam!



"Sobrang nadepress ako nung nawala si Dad.. Pero going back to the story, the eleventh month came, she became very weak because of depression of losing dad. Pero nagpapatreatment parin siya. But for her acting depressed? It doesn't make her feel well. Buhay nga siya, pero naghihirap naman.." Humagulgol na si Albie kaya tinabihan ko siya.



"Mom had her treatment for 2 years. Pero dumating yung oras na di na niya talaga kaya, so binawi na rin siya ni Lord sakin. Kaya ngayon, I live with my cousins. I'm already abandoned. No parents." Pinunas niya luha niya.



"Kaya kita iniwan, Kathryn. Kasi mas mahal ko ang mga magulang ko. Nung iniwan kita may pagasa ako na may mababalikan pa ko pero wala na pala. Kala ko mababalikan pa kita kaya iniwan nalang kita ng basta basta. Pero ang mga magulang ko, they were old already and alam ko na di sila mags'stay dito palagi sa tabi ko kaya sila ang pinili ko. And ikaw, alam ko matagal pa kita makakasama.. dati. Pero ngayon, I'm letting you go." Medyo teary eyed na rin ako dahil wala na pala siyang magulang.



"Albie, I know you deserve someone better than me.. And I'm sorry for hearing that you lost your parents.." Niyakap ko siya.



"Thank you, Kathryn. So, friends?" Inoffer niya kamay niya.



"Friends." Sabi ko. Niyakap uli namin ang isa't isa.



Everything is clear now.



"Kathryn, salamat sa pagiintindi mo sa akin ha?" Sabi ni Albie.



"You're welcome. Ngayon, alam ko na kung bakit nawala ka agad.." Sabi ko at ngumiti ng totoo.



"Sana huwag kang mailang kahit.. alam mo na, may past tayo. We're friends already right?"



I smiled at him, a genuine one.



"Ofcourse."



"Sorry nga pala sa inasal ko nung Party niyo noong Valentines. Nung nakita kasi kita nagulat lang ako kasi ibang iba na itsura mo kaya nasabi ko yung mga ganung bagay. Sorry uli."



"Ah yun ba? Okay lang yun 'no. Hahaha. Teka nga lang! Puro sorry nalang ba paguusapan natin? Hahaha." Tumawa ako.



"Hahaha. Kumusta ka naman? Laki ng pinagbago mo!" Sabi niya at ginulo buhok ko.



"Okay lang naman. Masaya na hindi. Malamang sa malamang malaki ang pinagbago ko 'no! Duh! After 5 years kaya!" Sabi ko at nagmake face.



"Hahahaha. Teka. Masaya na hindi? What do you mean?" Napagdesisyunan ko na mamaya ko sasabihin sakanya dahil naalala ko na naghihintay pa pala sila Miles at Juls sa kotse.



"Mamaya ikukwento ko sayo. Naghihintay kasi sila Juls at Miles sa kotse eh. Hehe." Sabi ko.



"Ganun ba? So pupunta ako sainyo?"



"Oo. Tara na sa bahay ko ikukwento." Tumayo na ko at lumabas sa cafe.



Pagpasok ko sa kotse nilakihan nila ko ng mata.



"Ah-eh teka lang Albie diyan ka muna sa labas ha. May sasabihin lang ako kela Juls. Hehehe." Pumasok ako ng van.



"Nagexplain na si Albie. Kaya niya ko iniwan kasi yung parents niya nagkacancer. Tapos namatay both." Nanlaki mata nila.



"Seryoso?! Namatay?" Gulat na tanong ni Juls. Tumango nalang ako.



"Sige, papasukin mo na sa kotse." Sabi naman ni Miles. Binuksan ko na yung kotse.



"Albie, sige pasok ka na hehehehe." Pumasok na siya at sa likod ng van umupo.



"Albie, we heard about your parents. Sorry about that." Sabi ni Juls. Aba't umeenglish ang bakla ah.



"Ah okay lang. Sorry din pala dahil iniwan ko basta basta yung kaibigan niyo."



"Okay lang yun. At least okay na ang lahat diba?" Sabi ni Miles.



"So balik na ang barkada dati?" Masayang sabi ni Juls.



"Oo naman! Namiss ko kayo 'no" Sabi ni Albie.



Napangiti naman ako. Okay na ang issue tungkol kay Albie. We're friends again.





***************

Nagkamustahan lang kami sa buong biyahe.



Nakarating na kami sa bahay at sinabi ko kanina kela Juls na maguusap kami ni Albie.



"Albie, dun tayo sa may likod ng bahay." Tumango siya at sumunod na sakin.



Umupo ako sa may swing at siya naman umupo sa harap ko.



"So ano na? Bakit masaya na hindi?" Parang tatay kung makapagtanong ah.



"Alam mo yung feeling na may mahal ka tapos inamin mo sakanya yung nararamdaman mo. Pagtapos ng pagamin na yun naging masungit siya sayo. Tapos after 4 years naging mabait na siya sayo. Ngayon naman na naging mabait siya sakin, mas nahulog pa ko nang lubusan.. Ewan ko kung sasaluhin niya pa ko.." Nilabas ko na yung nararamdaman ko kay Albie.



"Nako naman dalaga ka na talaga.." Pangaasar niya sakin. "Joke lang. Eh sino ba yang mahal mo?"



"Si Daniel.."



"Yun ba yung lalaki na humila sayo nung party niyo?" Tumango naman ako.



"Kath.. wag kang masyadong mahulog kasi sa huli baka masaktan ka lang.." Sabi naman niya.



"Alam mo pareho kayong sinasabi ni Julia! Hahaha." Sabi ko.



"Ganun naman talaga eh." Sabi niya.



"Alam ko na yun. Sana palagi kayong nandyan para mag-advice sa akin ha.." Sabi ko.



"Siyempre. Kahit anong problema pa yan. Nandito lagi kami." Sabi niya at niyakap ako.







****************

Oh sinong galit kay Albie? Wala na diba. Nandiyan siya para tumulong kapag down si Kath!



Salamat sa comments niyo sa previous chapter! Napangiti ako ng sobra.



More comments and suggestions please please please! :(



ComVo? :(

Be a fan?



P L E A S E

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Where stories live. Discover now