This Annoying Girl 1

57.7K 746 12
                                    

[KATHRYN'S POV]

"Hoy, Baks, si Miles baka nag-iintay na 'yun. Dalian mo at maligo ka na aat excited na ako pumasok!" Sabi ni Julia habang niyuyugyog ako sa kama. And guess what? Bihis na ang loka. Hindi halatang excited eh. Psh.

"Oo na, Baks! Grabe atat na atat ka ah." Natatawa kong sabi at umupo muna sa kama.

"Super!!" At tumalon talon pa siya na parang shunga. Ang harot bwisit. Hahaha!

"Pero..," Napatingin ako sakanya kasi nagseryoso ang mukha niya. "Ahh.. 'di mo parin ba titigilan si.. Daniel?" Tumabi siya at nginitian ko nang malungkot.

"Baks, alam mo ang sagot diyan.. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yung lalaking 'yun eh." Tumango siya at tinapik ang braso ko. Tumayo na ako at kinuha ang towel ko pero bago pa ako makapasok sa CR, nagsalita siya.

"Baks, Naaawa na ako sa'yo.. Maraming iba diyan na mas deserving sa'yo, ba't 'di nalang sila 'yung pagtuunan mo ng pansin? Malay mo may matipuhan ka. Hindi na maganda ang ginagawa mo sa buhay mo Kath, ilang years ka na naghahabol sa lalaking walang ginawa kundi saktan ka.. Oras na para sumuko, Kath.." Niyakap niya ako. 

Paano ako susuko? Ang hirap pigilan ng nararamdaman ko. Masyadong malalim. Paano ako aahon?

"Mahal ko siya, Baks.. sobra sobra, sagad kamo. Siguro.. magkakaron ng time na susuko ako pero sa ngayon, magpapaka-martyr muna ako. Hindi pa ako nagsasawa eh. Ang araw araw na panunuyo ko kay Daniel ay kasiyahan ko na.. kahit tinatanggi niya ako harap harapan, oo, nasasaktan ako pero mahal na mahal ko pa rin siya." Nagbuntong hininga siya pero tumango na rin. "Sige na, maliligo na ako." Dagdag ko.

Habang naliligo ako, napaisip ako. Paano kaya pag hindi ko na kinaya at sumuko na ako? 

**~

Pagtapos ko maligo lumabas na ako ng CR at nakita si Julia naka-hilata sa kama. Aba, chill chill lang ang bakla ha.

Nagbihis na ako at nagpowder sa mukha, maraming powder para mukhang espasol. Hahaha! De joke, syempre konti lang, 'no.

"Huy Baks, tara na! Kala ko ba excited ka? Ba't nakahilata ka diyan?" Hinila ko siya at buti naman tumayo na siya. "Pero loko ka rin eh, narerelealize mo bang 5:40 pa lang at ang klase natin ay 8:30?"

"Oo, narealize ko 'yun pero excited lang talaga ako. Hehehe. Tsaka ano ba, may travel time pa kaya  kailangan maaga!" Binatukan ko siya.

"Shunga! Travel time? Sa pagkakaalam ko ay hindi gano'n kalayo ang school natin para manggising ka ng 5AM at wala pa kayang isang oras ang biyahe! Baliw ka, kahit kelan!" Napailing-iling ako sakanya.

"Sorry naman! Pero may isa pa akong rason, duh, 'yung paghahanap ng section natin!" Napailing na naman ako sakanya.

"Ano ka ba! Nasa panahon ng bato ka ba? Anong ginagawa ng technolgy sa school? Puwede naman ipasearch nalang! 'Kaw talaga, Juls," Nginitian niya lang ako.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon