The Lost Soldier (Savage beas...

Galing kay Maria_CarCat

6M 234K 49.2K

A battle between love and service. Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 22

79.7K 3.4K 893
Galing kay Maria_CarCat

No Mercy



(Tadeo's Pov)

Ramdam na ramdam ng aking katawan ang lamig ng gabi. Mula sa kapirasong puting sandong suot ko ang pantalon ay binalot kaagad ako ng lamig ng hangin. Mariin ang aking pagkakapikit dahil na din sa nararamdamang pagod. Pagod di dahil sa madami akong ginawa kundi dahil sa matagal na pagkakaupo at pagkakatali ng aking mga kamay sa aking likuran. Ilang sugat na din sa mukha ang malapit ng matuyo. Mabuti na lamang at ginamot iyon ni Castel nitong mga nagdaang araw.

Masakit ang aking katawan dahil sa mga natamong bugbog kasama ng pangangalay. Pero buo ang aking loob na makaalis sa lugar na ito kasama si Castel. Isasama ko siya pabalik sa syudad kahit anong mangyari.

Nakaramdam man ako ng matinding galit laban sa kanya at sa kanyang pagsisinungaling sa akin ay mas nangibabaw ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Importante si Castel para sa akin, mahal ko siya.

Muli sa malalim na iniisip ay mariing pagkakapikit ay napamulat ako ng marinig ko ang pagdaing ni mang dante na para bang mayroon siyang sakit na ininda. Pagkamulat ng aking mga mata ay nagulat ako sa aking nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay lily ng makita kong may hawak itong malaking kahoy. Sa gilid niya ay ang wala ng malay na si mang dante.

Mabilis niyang inihagis sa kung saan ang hawak na kahoy at tsaka siya tumakbo patungo sa akin. "Ililigtas kita, kailangan na nating makaalis dito" nagmamadaling sabi niya sa akin habang kinakalagan ako.

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa mga nangyayari. "Ano mang oras ay darating na ang hukbo, siguradong hindi ka na bubuhayin pa ni pinuno sa oras na makita ka niya" seryosong paliwanag nito sa akin.

Hindi nagtagal ay nagtagumpay siyang makalagan ako. Mabilis akong tumayo at humakbang patungo sa daan pabalik sa nayon pero mabilis na humarang si lily sa akin.

"At saan ka pupunta?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kukuhanin ko si Castel. Hindi ako aalis ng hindi siya kasama" desididong sagot ko sa kanya.

Kaagad na nagiba ang timpla ng mukha ni lily dahil sa aking sinabi. "Nababaliw ka na ba? Mas lalo mo lang ipapahamak ang sarili mo. Wag mo ng intindihin ang makasariling batang iyon. Umalis na tayo dito" pagpupumilit niya sa akin at hinawakan pa niya ako sa aking kamay ng mahigpit para hilahin sa kung saan.

Hindi ko siya pinansin. Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak. Hindi ako nagpapigil at kaagad akong mabilis na naglakad pabalik sa nayon. Makailang beses pa akong tinawag ni lily para pigilan pero hindi ko siya pinansin. Kahit pa ganuon ay batid ko pa din ang kanyang pagsunod sa akin.

Abot tanaw ko na sana ang tahanan nila Castel ng mapahinto ako sa aking nakita. Nakita kong pumasok duon si Franco. Dahil sa aking pagkabato ay naabutan na ako ng hinihingal na si lily.

"Aziel umalis na tayo dito" giit pa din niya sa akin.

Nang mapansin niya ang aking tinitingnan ay natahimik din siya. "Normal na iyan. Tutal naman ay sila talaga ni franco ang para sa isa't isa" sabi niya pa sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Nuon pa man ay alam na buong nayon na walang ibang gusto si pinuno na maging kabiyak ni Castel kundi ang kanyang kanang kamay na si Franco" sagot niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa narinig.

Mas lalong kumulo ang aking dugo ng maramdaman ko nanaman ang paghawak sa akin ni lily. Mabilis kong tinabig ang kanyang kamay.

"Yun ang hindi mangyayari" matigas na sabi ko sa kanya at tsaka ako mabilis na naglakad patungo sa tahanan nito. Nang tuluyan akong makalapit ay mas lalo akong nanigas sa aking narinig.

Ilang mga ungop at pagdaing ang aking narinig mula sa dalawang taong nagtatalik. Parang huminto ang aking paghinga. Hindi ko gustong sumagi sa aking isipan ang ideya na si Castel iyon kasama si franco. Tinatagan ko ang aking loob at pinilit kinumpirma ang mga nangyayari.

Mula sa maliit na siwang sa kanilang pader ay nakita ko ang dalawang taong magkapatong sa may hapagkainan. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng tuluyan ko ng makita ko sino ang mga iyon. Si franco at si wena.

Dahil sa ginhawang naramdaman ay hindi ko na malayang natamaan ko na ang kulungan ng alagang ibon ni Castel. Dahil sa pagkakahulog nuon ay lumikha iyon ng malakas na tunog na nagpahinto kina franco at wena. Dahan dahan akong humakbang pabalik ngunit nagulat ako ng makita ko si dante sa gitna ng gubat na nagmamadaling tumatakbo patungo sa aming gawi.

Nawalan na ako ng ideya kung ano ang susunod kong gagawin. Hanggang sa hinila na ako ni lily patungo sa kung saan. Mabilis kaming tumakbo pababa sa bundok. Pareho kaming hingal na dalawa pagkalabas namin sa paanana ng bundok ng maranat.

"Kailangan kong balikan si Castel" hiningal na sabi ko kay lily at pipihit na sana ulit pabalik ng mabilis niya akong pinigilan.

"Pwede mo siyang balikan, pero hindi ngayon Aziel. Kailangan mayroon kang plano" pagpapaliwanag niya sa akin.

Kahit papaano ay naisip kong tama din si Lily. Kailangan ko ng plano para makuha si Castel at mailabas siya sa bundok ng maranat. Labag man sa aking loob ay umalis kami sa Bayan ng norzagaray bulacan. Sumakay sa bus byaheng papuntang maynila.

Sa terminal ng bus ay nanduon na sina mang istong at aling doray. Una palang talaga ay naihatid na sila duon ni lily. Isa lang ang ibig sabihin nuon. Planado na ito ni lily. Matalim ang tingin ko sa daanan. Ni ang umimik ang hindi ko magawa, naiwan ang aking isip sa nayon, naiwan iyonkay Castel.

"Bakit kasama natin si Aziel?" Rinig kong tanong ni aling doray sa kanyang apong si lily.

Hindi ko na nadinig pa ang sinagot ni lily sa kanila ngunit muling nagsalita si mang istong. "Alam ba ito ni Castel?" Nagaalalang tanong niya.

"Naku, baka umiyak ang batang iyon" nagaalalang segunda pa ni aling doray kaya naman mas lalong lumalim ang aking iniisip.

Nakahinga man ako ng maluwag ng pumasok na ang bus na sinasakyan namin sa north luzon express way ay parang naiwan ko ang kalahati ng aking sarili sa nayon. Sa bilis ng takbo ng aming sinasakyan ay sigurado na akong wala ng makakapigil pa sa aking pagbalik sa amin, ngunit hindi ako kumpleto. Alam kong may kulang, at alam kong si Castel iyon.

Pagbaba sa terminal ng Bus ay kaagad akong nakitawag sa maliit na tindahan sa may gilid. Una akong tumawag sa kampo para ipaalam ang nangyari. Sunod kong tinawagan ang aming bahay ngunit kasambahay lamang ang sumagot sa akin. Nagulat pa ito ng mabosesan niya ako.

Ilang minuto kaming naghintay sa may terminal ng bus. "Uminom ka muna ng tubig" pagaabot sa akin water bottle ni lily. Nanatili akong nakahalukipkip ay matalim ang tingin sa kung saan. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin kaya naman sumuko na lamang din siya.

"Hindi ka ba masaya na makakabalik ka na sa inyo?" Malumanay na tanong pa niya sa akin na wala din naman akong balak sagutin. Ayoko siyang kausap.

Mataas na ang sikat ng araw kaya naman paniguradong alam na ni Castel na wala na ako sa nayon sa mga oras na ito. Unti unting bumibigat ang aking dibdib sa bawat pagpatak ng oras na malayo ako sa kanya. Hindi ko ginustong iwanan siya duon o umalis ng walang paalam.

Napatayo ako ng makita ko ang dalawang military vehicle. Sa likod nito ay ang pamilyar na sasakyan ni Daddy. Napatigil halos lahat ng tao dahil sa biglaang pagdating ng mga ito. Naglakad ako para salubungin ang mga ito. Unang bumaba si Major General Josefino Ponce. Sumaludo ito sa akin kaya naman sumaludo din ako pabalik.

"Captain Herrer" pagtawag niya sa akin.

Hindi man makapagsalita ay kita ko ang saya sa mukha nito at sa iba pang sundalong kasama nila dahil sa aking pagbabalik.

"I'm sorry sir, 1st lieutenant Miguel Castor didn't make it. Isa siyang bayani, hindi niya kailanman tinalikuran ang tungkulin para sa bayan" sabi ko dito. Napayuko ito at ang ilang mga sundalong nakarinig sa akin.

Maya maya ay kaagad na may kung anong bumara sa aking lalamunan ng makita ko si Daddy. Humahangos ito papunta sa akin at namumula ang kanyang mga mata. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.

"Son" madiing sambit niya kasamabay ng mahigpit na pagkakayakap niya sa akin.

Emosyonal si Daddy sa aming muling pagkikita. Pero nagtaka ako ng makita kong hindi niya kasama si mommy.

"Si mommy dad, si sachi?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan niya lamang ako at tsaka huminga ng malalim.

"Iniuwi ko muna siya sa bahay, baka magbreakdown siya dito, sa bahay na lang kayo magkita. Anduon na din ang mga kapatid mo" sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Mabilis akong nagpaalam kay Major general ponce. Nagconvoy pa ito patungo sa amin para masiguradong ligtas kaming makakarating sa aming tahanan.

Sila na din muna ang bahala kina lily, aling doray at mang istong. Tahimik si daddy sa buong byahe kaya naman nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam.

"Miss na miss siguro ako nina mommy at sachi ano?" Tanong ko sa kanya. Pero sandali lang niya akong nilingon.

"Sobra anak..." sambit pa niya.

Mas lalo akong naexcite na makauwi na kaagad para makita na sila. "I lost my memory. Binihag ako ng mga rebelde sa bundok maranat. Pero don't worry dad...mababait ang ibang tao duon" kwento ko sa kanya pero nakita ko ang mahigpit na pagkakakapit ni dad sa kanyant manibela.

"Walang mabait na rebelde tadeo. Alam mo iyan" matigas na sabi niya sa akin.

Sobra sobra ang pagtataka ko dahil sa tagal ko sa serbisyo bilang sundalo ay ngayon ko lamang narinig si dad na magsalita tungkol sa mga rebeldeng nakakasagupa namin. "Dad, hindi naman ito ang daan pauwi" nagtatakang sabi ko sa kanya.

"May iba tayong pupuntahan" seryosong sabi niya sa akin kaya naman nagpaubaya na ako.

Pumasok kami sa loyola memorial park kaya naman mas lalong hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. "Dad what's happening?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi ako sinagot ni dad hanggang sa huminto kami sa musileyo ng pamilya herrer. Bumaba siya kaya naman bumaba na din ako.

"Sino nandito?" Tanong ko sa kanya.

"They killed her" sagot niya sa akin habang nakatingin sa isang lapida.

Dahan dahan kong nilingon iyon ay halong mahigit ko ang aking hininga ng mabasa ko ang nakaukit na pangalan duon.

Sachi Althea Arenas Herrer
August 28, 2001- August 3, 2019

Kaagad na namuo ang luha sa aking mga mata. "Hindi ito totoo!" Giit ko kay daddy.

Pero nanatili siyang nakayuko at emosyonal na din. "Sinagasaan siya, sa labas ng kanilang school" kwento niya sa akin.

Sobrang higpit ng pagkakakuyom ng aking kamao. Ano mang oras ay gusto kong manakit ng tao. Gusto kong ibuso lahat ng galit ko sa pader o sa kung ano mang bagay na akong mahawakan.

"Sinugod pa siya sa Hospital, pero dead on arrival" emosyonal na kwento pa din ni daddy sa akin.

"Bakit si Chichi? Sinong gumawa nito?" Nanggigigil na tanong ko.

"Lumabas sa imbestigasyon na isang pinuno ng hukbo mula sa bulacan ang utak sa pagpatay. Mukhang ganti ito para sayo..." sagot ni dad, kaya naman mas lalong bumigat ang aking pakiramdam.

"Anong hukbo?" Galit na tanong ko.

"Hukbo ng Norzagaray. Ang kanilang pinuno na si Castillo Hermosa" sagot ni dad sa akin.

Umakyat ang dugo sa aking ulo kaya naman hindi ko na napigilan mapasigaw ng malakas kasabay ng paulit ulit kong pagsuntok sa pader ng musileo. Maging ang mga bulaklak na mahawakan ko ay hindi ko pinatawad. Walang nagawa si dad kundi ang hayaan lamang ako ilabas ang aking galit.

Halos mapaos ako sa pagkakasigaw. Sobra sobra ang galit na nararamdaman ko kaya naman kahit dumudugo na ang aking kanang kamao ay nagpatuloy pa din ako sa pagsuntok.

"Tama na iyan, tama na iyan Tadeo" pagsuway ni daddy sa akin.

Napuno ng galit ang aking puso. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang gumanti. Gusto kong kumuha ng barili ay magpaulan ng maraming bala. Wala na akong pakialam kung sino ang matamaan, damay damay na ito.

Naramdaman ko na lamang ang paghinto ng sasakyan sa harap ng aming bahay. Bago kami tuluyang bumaba ay hinawakan ako nito sa aking balikat.

"Be strong for your mom. Hindi na niya kakayanin pa ang sobrang emosyon. Atleast make her see that we're still strong for her and for our family" paalala nito sa akin na kaagad ko namang tinanguan dahil na din sa kalagayan ni mommy.

Pagkabukas na pagkabukas ng aming front door ay siya kaagad ang sumalubong sa akin. Mahigpit niya akong niyakap habang umiiyak.

"Shhh. Mom...nandito na ako. I told you babalik ako sayo" pagaalo ko sa kanya kahit pa ang totoo ay gusto na ding bumuhos ng aking emosyon.

Iyak ito ng iyak habang paulit ulit na sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung paanong halos araw araw siyang hindi makatulog at makakain kakaisip sa akin. Mabilis siyang nagpahanda ng mga paborito kong pagkain. Pero bago pa magkainan ay inaya muna siya ni daddy umakyat para makapagpahinga sandali.

"Wag ka ng aalis please anak. Mangako ka sa akin" giit niya. Umiiyak ito at nagmamakaawa na para bang hindi niya na ulit kakayanin pa pag umalis ako at nawala.

Tipid kong ngitian si mommy at hinalikan siya sa noo. "Promise, hindi na ulit ako aalis" pagaalo ko sa kanya.

Naiwan ako sa may living room kasama ang aking tatlong kapatid. Sina Cairo, piero at kenzo na masama ang tingin sa akin.

"What's your plan?" Tanong ni Cairo sa akin.

"Gaganti ako" maiksing sagot ko sa kanya.

Nanatiling tahimik na nakikinig sa amin si Piero. Ganuon naman kasi talaga ang isang iyon. Hindi palasalita. Pero mas lalong tumalim ang tingin sa akin ni kenzo at hindi na siya nakapagpigil pa at tumayo na siya para harapin ako. Galot na galit ito na para bang ano mang oras ay kayang kaya niya na akong suntukin. Pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanya. Matapang ko siyang hinarap habang nakapamewang.

"Gaganti? Dahil diyan sa trabaho mo kaya namatay si sachi!. Ikaw ang nagpapahamak sa pamilyang ito" madiing paninisi pa niya sa akin.

"Buhay ang nawala, buhay din ang kukuhanin ko" matapang pa ding sabi ko.

"Nangako ka kay mommy na hindi ka na aalis!" Giit naman ni Cairo sa akin.

"Yes, but i will seek justice for sachi" laban ko sa kanya.

"Es tu culpa" matigas at galit na sambit ni Kenzo sa aking pagmumukha bago niya ako tinalikuran.

Hinawakan ni Cairo ang aking balikat. "Me voy" pag eespanyol din niya bago siya umakyat.

Napatingin ako kay Piero pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"Necesito ayuda" sabi ko sa kanya.

Nginisian niya ako. "Cualquier cosa por ti" sagot niya sa akin na ikinatango ko.

"Gracias" pasasalamat ko sa kanya.

Wala na akong pinalipas pang oras. Kinaumagahan ay kaagad akong nagreport sa Kampo. Ilalagtag ko sa kanila ang lahat ng nalaman ko tungkol sa hukbo ng norzagaray. Wala akong ititira, wala akong isisikreto.

"Wag kang magalala Captain herrer, ilalagay ko ang pinakamagagaling na sundalo natin para sa assignment na ito" paninigurado sa akin ni major general.

Inilingan ko siya. "I want to lead this task Sir" seryosong sabi ko na ikinagulat niya.

"Pero kakabalik mo lang kahapon, you should atleast take a leave, matagal kang nawala at binihag ng mga rebeldeng iyon" pagaalala niya sa akin pero nanatili akong matigas.

"Gusto kong ako mismo ang papatay sa hukbo na iyon" giit ko.

"We need Castillo Hermosa alive..." pagpapaalala niya sa akin.

Napatayo ako. "That i can't promise you sir" sabi ko bago ako sumaludo sa kanya at tsaka lumabas na para ihanda ang aking grupo na sasabak sa paglubos.

Sa huli ay hindi ako ang itinalaga ni major general na manguna sa paglubos. Ngunit hindi naman niya ako pinigilang sumama. Kaya naman sa closed door meeting ng mga opisyal. Nakatayo lamang ako sa gilid habang nakahalukipkip. Nasa harap si major Ruiz Villaluna para ilatag sa amin ang plano. Isa isang isinulat sa white board ang mga agenda. At nang matapos na ay kaagad akong nagsalita.

"Kailangan din nating maiuwi ang katawan ni 1st lieutenant Miguel Castro" sabi ko sa kanila.

Napatango ito. "We will, Captain" paninigurado niya.

Wala kaming sinayang na oras dahil kinahapunan din nung araw na iyon ay bumyahe ang limang military vehicle patungo sa norzagaray bulacan.

Unang agenda, huhulihin si Castillo Hermosa kasama ang kanyang buong hukbo. Ang mga inosenteng pamilya ay kukuhanin, ang kung sino mang manlaban ay hindi sasantuhin.

Huminto ang mga military vehicle hindi kalayuan sa paanan ng bundok maranat. Kaagad na naghiwahiwalay ang mga grupo na inatasan. Naituro na din kasi sa kanila ang mga pwedeng gawing lagusan.

Tumunog ang dala nitong radio. Galing sa iba pang mga sundalo. Ilang metro na lamang ang layo namin mula sa nayon ay nagkaroon na kaagad ng putukan sa hilagang bahagi ng bundok. Mahigpit akong napahawak sa aking dalang armalite. Handang handa ng lumaban.

Muling tumunog ang radio ni major villaluna. "Positive major, nasa nayon si Castillo Hermosa" pagrereport sa kanya.

Dahil sa aking narinig ay mabilis akong humiwalay sa grupong kinabibilangan ko at naghanap ako ng mas mabilis na daan. Hindi na ako makapaghintay na makita si Castillo, pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa aking kapatid na si Sachi.

Nagkabarilan na, ilang pamilyar na mukha ng hukbo ang aking napatay. Wala na akong nararamdamang awa para sa mga ito, nandito ako para sa bayan, sa aking serbisyo at para sa aking pamilya.

Habang mas lalo akong napapalapit sa gitna ng Nayon ay narinig ko na ang sigaw ng mga taga nayon. Gusto kong maawa, alalahanin ang naging buhay ko dito pero masyado na akong kinain ng aking galit.

Ilang pagsabog mula sa bazooka ang narinig ko. Galing iyon sa mga rebelde. Hindi din tuloy naiwasan na magpasabog ang militar. Ilang bahay ang nasusunog na ngayon dahil sa palitan ng bazooka at granada. Nagtatakbuhan ang mga tao sa kung saan saang direksyon.

Nanghihina ako sa aking nakikita na kinahinatnan ng nayon. Pero mas lalo akong naginit ng makita ko ang ilang kasamang su dalo na bumagsak na dahil sa tama ng bala.

Sumigaw ako kasabay ng sunod sunod na pagputok ng aking hawak ng armalite. "No mercy!" Galit na sigaw ko sa mga kasamang sundalo sa aking likuran.

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa tahanan ni Castillo hermosa. Pero kalahating parte nito ay nasusunog na din.

"Castillo!" Galit na sigaw na tawag ko sa kanya ng hindi ko siya makita duon.

Halos lahat ng bahay ay nasusunog na. Muli kong iginala ang aking paningin at duon ay nakita ko si Castillo kasama ang kanyang ilang hukbo na tumakbo papunta sa gubat.

"Castillo!" Malakas na sigaw ko at kaagad na tumakbo para habulin siya.

Hindi pa man din ako nangangalahati ng takbo ay kaagad na silang nagpasabog ng bazooka sa aking daraanan kung bakit kaagad na lumaki ang apoy sa lagusan patungo sa gubat.  Halos mapamura ako sa paghahanap ng pwede kong malusutan ngunit masyadong mataas at malakas ang apoy. Mukhang napaghandaan talaga nila ito.

Sa kabilang bahagi ay napatigil ako ng makita ko si Castel. May dugo ito sa gilid ng kanyang mukha. Galing marahil sa sugat mula sa kanyang ulo. Umiiyak siya habang nakatingin sa akin.

"Tama na Aziel...tama na" umiiyak na pakiusap niya sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay kumalma ang buong pagkatao ko. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. May malaking apoy ang  pumapagitna sa amin.

"Sira na ang nayon namin" umiiyak na sabi pa niya.

Hindi ko mapigilang hindi lumuha dahil sa nakikita. "Pinatay ng ama mo ang kapatid ko!" Sigaw ko sa kanya.

Mas lalo siyang umiyak. "Alam ko, patawarin mo ako" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Alam mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko pero tumango lamang siya.

"Bilang kapalit ng buhay ni Sachi. Patayin mo na lang din ako. Sa ganuong paraan, makakaganti ka na kay ama" umiiyak na pakiusap niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Walang sabi sabi kong itinaaa ang hawak kong armalite at itinutok iyon sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Habang nakatutok iyon kay Castel ay umiiyak din ako.

"Ayos lang sa akin...sige na barilin mo na ako" umiiyak na utos niya.

Muli kong inayos ang pagkakatutok ng armalite sa kanya. "Mahal na mahal kita Aziel!" Pumiyok na sabi niya bago siya pumikit para tuluyang tanggapin ang pagbaril ko sa kanya.

Pero mabilis kong ibinaba ang aking hawak na armalite. Magsasalita pa lang sana ako ng kaagad na may bumaril sa akin mula sa kanilang gawi. Tumama iyon sa aking kanang braso. Nang makita ay kaagad kong nakita si franco na palapit kay Castel para kuhanin siya.

"Captain!" Sigaw ng isa sa mga sundalong nasa likuran ko.

Nilingon ko ito, at kaagad nanlaki ang aking mga mata ng mabilis siyang nagbato ng granada patungo kila castel.

"WAG!" sigaw na pagpigil ko.

Pero kaagad din akong tumilapon sa kung saan dahil sa lakas ng pagsabog nuon.


















(Maria_CarCat)



Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something
7.1M 229K 65
His Punishments can kill you
1.5M 62K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...