Chapter 57

91.4K 3.4K 624
                                    

Nagseselos ako









Hanggang sa sumunod na araw ay hindi pa din maalis kina ama at ina ang pagkabigla dahil sa nalaman. Sa tuwing makikita nila kaming magkasama ni Aziel ay batid ko pa din na naiilang sila.

"Magandang umaga po ina" bati ko dito isang umaga. Kaagad ko siyang nakasalubong pagkalabas na pagkalabas ko sa aking kwarto.

Humalik ako sa kanyang pisngi kasabay ng aking pagbati. Matamis ang ngiti nito sa akin, kahit naninibago ay batid kong masaya si Ina para sa akin. Kaagad na nawala sa kanya ang aking atensyon ng marinig ko ang pagsigaw ng aking nakababatang kapatid na si Georgia. Kinukusot kusot pa nito ang kanyang mata habang hawak hawak ang feeding bottle niya.

"Good morning Georgia" nakangiting bati ko sa kanya.

Imbes na batiin ako nito pabalik ay nakanguso siyang tumingin sa akin at tsaka kaagad na nagunat ng kamay para magpabuhat. Napatawa kami ni Ina dahil dito pero walang pagdadalawang isip ko siyang kinarga papunta sa may dinning para makakain na.

Nagulat kami ng may biglang sumigaw pagkapasok na pagkapasok namin sa may dinning.

"I'm back!" Sigaw ni Franco na ikinagulat ko.

Hindi lang ako ang natuwa dahil sa kanyang pagbabalik dahil maging ang karga karga kong si Georgia ay kaagad ding nagpumilit na makababa para makalapit kay Franco.

"Paps!" Sigaw niya dito. Kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang ibaba pa. Kaagad itong tumakbo palapit kay Franco at tsaka yumakap dito.

Napanguso ako. "Hindi mo naman yan Papa" pangaasar ko kay Georgia pero sinamaan lamang ako nito ng tingin at tsaka mas lalong humigpit ang yakap kay Franco.

Bagsak ang aking balikat habang naglalakad ako paupo sa may dinning table. "Naku, binrainwash mo talaga yang kapatid ko eh feeling ko talaga" pagpaparinig ko kay Franco pero natawa na lamang siya.

Natigil ang pagtawa ni Franco kaya naman nilingon ko siya. Duon ko lang nakita na pumasok na din ang bagong ligo na si Aziel. Tanging plain na white tshirt lang ang kanyang suot at maong na pantalon. Medyo basa pa ang may kahabaan na niyang buhok na naka brush up. Kahit halatang bagong gising pa ay ang lakas talaga ng dating nito. Napanguso na lamang ako at tsaka nagiwas ng tingin.

"Bakit ka nandito?" Gulat at nagtatakang tanong ni Franco sa kanya. Bago pa ang lahat ay lumapit na si Ina kay franco para kuhanin si Georgia.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Nandito ako para sa asawa ko" sagot ni Aziel sa kanya kaya naman mas lalo kong narinig ang pagbibitaw ng mabibigat na paghinga ni Franco.

"Asawa mo, sino?" Medyo iritadong tanong niya kay Aziel. Pero bago pa man makasagot si Aziel ay kaagad ng dumating si Ama kasama si tito Napoleon.

"Welcome back Franco" salubong sa kanya ni tito Napoleon. Kaagad na nagbigay galang si Franco dito.

Napatingin ako kay Ama at tito Napoleon na mukhang napansin na din ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Tahimik ding pumasok si Ducusin sa may dinning.

"Magasawa na sila ni Castel, kaya Captain Herrer is part of tbe family now" sabi ni tito Napoleon sa kanya kaya naman kaagad na kumunot ang noo ni Franco at tsaka tumingin sa akin. Hindi ko kinaya ang tingin niya kaya naman bumaba ang tingin ko sa aking plato.

"Kumain na tayo, lalamig na ang pagkain" seryosong sabi ni Ama na nagpatigil sa aming lahat.

Tahimik na sumunod ang lahat, si Aziel naman ay kaagad ba umupo sa aking tabi. Sa aming harapan ay ang magkatabing si Ducusin at si Franco. Hindi na ako nakagalaw pa dahil si Aziel na mismo ang naglalagay ng pagkain sa aking plato. Nanatili na lamang ang aking buong atensyon sa plato sa aking harapan dahil ramdam na ramdam ko pa din ang bigat ng tingin ni Franco sa amin.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon