Chapter 44

77K 3.1K 451
                                    

Ikaw at ako pa din





Mula sa bintana ng aking kwarto ay malayo na ang aking tanaw. Ang malamig na simoy ng hangin ay patuloy na humahaplos sa aking mukha. Nakakagaan ng loob ang kalmadong pagsayaw ng bawat dahon na matamaan nito. Halos hindi ko na mabilang ang araw simula ng tuluyan akong ikulong nila ama at tito napoleon sa kwartong ito. Ni ang magkaroon ng sarili kong telebisyon sa loob para makakuha ng balita sa labas ay hindi din nila pinagbigyan.

"Magandang umaga castel" bati sa akin ni franco pagkapasok niya sa aking kwarto.

Nakaiusap ako sa kanya na puntahan niya ako palagi dito dahil nakakabaliw ang katahimikan at ang pagiisa sa ganitong klase lugar. Kung minsan nga ay kung ano ano na ang pumapasok sa aking isip lalo na't hanggang ngayon ay mabigat pa din ang aking dibdib sa mga nangyari sa amin ni Aziel.

"Kumain ka na muna Castel" pagtawag ulit sa akin ni Franco.

Hindi ko pa din siya nilingon. "Wala pa akong gana, iwanan mo na lang diyan" sabi ko pa sa kanya.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Franco. Naramdaman ko pa ang tuluyan niyang paglapit sa akin. "Castellana hindi pwede yan, ilang araw ka ng walang maayos na kain" suway pa niya sa akin.

Napayuko ako at napanguso. "Franco hindi ako gutom, kakainin ko yan pag nagutom ako" paninigurado ko pa sa kanya.

Narinig ko pa din ang mabibigat na pagbuntong hininga niya. Ramdam ko ang pamomorblema ni franco dahil dito. Kaya naman dahan dahan ko siyang nilingon, binigyan ko ito ng maamong mukha para naman kumalma siya kahit papaano.

"Kakain ako pag nagutom ako" muling paninigurado ko pa sa kanya.

Inirapan na lamang ako nito. Tamad itong naglakad paupo sa may dulo ng kama. "Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?" Tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ganyan? Paanong ganyan?" Tanong ko sa kanya.

"Ganyan, nagpapakamatay" sagot pa niya sa akin.

Nagiwas ako ng tingin kay Franco. "Hindi ko naman na kailangan pang magpakamatay, para na din nila akong namatay nung nawala si Aziel sa akin" pagpapaliwanag ko pa sa kanya.

Mapanuya itong ngumisi. "Natuto ka na ding humugot ngayon" pangaasar niya sa akin.

Ilang beses kong pinilit si Franco na bigyan ako ng balita tungkol kay Aziel ngunit masyado itong matigas. "Franco..." pagtawag ko sa kanya, muli kong susubukang magtanong sa kanya.

Napangisi ito muli. "Alam ko na yang tawag mo na yan...hindi pa din, mas mabuti nang wala ka ng alam" sagot pa niya sa akin.

Nilapitan ko siya at tinabihan pa. "Please franco. Hindi na din kasi ako makatulog ng maayos kakaisip kay Aziel" pakiusap ko sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang batok. "Si castellana naman napakulit eh" pagrereklamo pa niya.

"Please franco" pakiusap ko pa ulit. Hinawakan ko pa siya sa braso at inalog alog para mas lalo siyang pilitin. Kita ko ang pagkairita nito kaya naman para tumigil ako ay nagsalita na siya.

"Oo na oo na, nasa hospital si aziel ngayon. Nabaril siya ng isa sa mga tauhan ni pinuno" sabi niya sa akin dahilan kung bakit parang biglang huminto ang pagtibok ng aking puso maging ang aking paghinga.

"Kamusta siya?" Parang maiiyak na tanong ko kay franco.

"Ayan na nga bang sinasabi ko..."

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon