Chapter 35

85K 3.5K 2.4K
                                    

Shut up Lily.



Nang mapansing kong wala ng balak pang magsalita si Franco ay kaagad na akong nagpaalam sa kanya.

"Una na ako, baka hinahanap na ako nila teacher ana at nanay pilar" sabi ko sa kanya.

Sandali itong napabuntong hinga bago siya tumango sa akin. "Basta at palagi ka lang magiingat" paalala pa niya sa akin na mabilis ko na lamang tinanguan.

Malalim ang iniisip ko habang naglalakad ako papasok ng tenement. Hawak hawak ko pa din ang paper bag na may laman na dress na binili ni Aziel para sa akin. Walang takot niyang kinalaban si lily para maibigay ito sa akin, kahit pa nanduon sa harapan namin si Lady henrietta ay hindi ito sinukuan ni Aziel.

"Magandang gabi Castellana" pagbati sa akin ni kiko kaya naman kaagad akong napabalik sa aking wisyo.

Huminto ako sa aking paglalakad at tsaka ko siya nginitian. "Magandang gabi din sayo Kiko" balik na pagbati ko sa kanya.

Nakita ko ang pamumula ng tenga nito, napaiwas din siya ng tingin at tsaka nahihiyang napakamot sa kanyang batok. Akala ko ay hindi na ulit siya magsasalita ng kaagad niyang punahin ang dala dala kong paper bag.

"Mabigat ba iyang dala mo? Gusto mo tulungan kita?" Tanong pa niya sa akin.

Napangiti ako. "Naku hindi, damit lamang ito" sagot ko sa kanya kaya naman kitang kita ko ang kanyang pagngiwi. Mas lalo siyang nahiya.

"Si...sige, una na ako" nauutal na paalam niya sa akin at tsaka siya mabilis na tumalikod sa akin.

Nagawa ko pang sundan ng tingin si kiko na bagsak ang balikat na sinalubong ng kanyang mga kaibigan. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

"Magandang gabi po teacher ana" bati ko dito ng makasalubong ko pa siya sa may tindahan.

"Oh nakauwi ka na pala Castel" puna niya sa akin.

Nakita ko ang hawak nitong Yelo. Hindi ko na sana pupunahin ng siya na mismo ang nagsalita.

"Napaaway si Ducusin sa may kabilang kanto. Napagdiskitahan ng mga nagiinuman" problemadong kwento nito sa akin na ikinagulat ko.

"Kamusta na po siya? Ano pong nangyari?" Tuloy tuloy na tanong ko sa kanya.

Imbes na sagutin pa niya ako ay mabilis na lamang kaming pumanik patungo sa aming tahanan. Naabutan ko si Ducusin na nakahiga sa aming naliit na upuan. Humihikbi pa ito habang iniinda ang kanyang putok na labi at ilang mga pasa sa mukha.

"Sinong may gawa sayo nito?" Galit na tanong ko.

Muli siyang napaiyak. "Yung mga lasing kanina, inabangan ako sa kanto. Yung sinipa mo sa mukha" sagot niya sa akin.

"Sinipa mo sa mukha? Nagawa mo iyon Castel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Teacher ana sa akin. Maging si nanay pilar ay nakatingin din sa akin naghihintay ng sagot.

Napanguso ako. "Susuntukin po kasi niya si Ducusin, kaya inunahan ko na" malumanay na sagot ko dito.

Napaawang ang bibig ni Teacher ana. "So totoo nga" sambit pa niya. Kitang kita ko sa kanyang mukha na hindi talaga siya naniniwala na kaya kong gawin iyon.

"Grabe nga po iyan teacher ana eh, umiikot sa ere parang hindi babae kung sumipa" kwento at pagmamayabang pa ni Ducusin sa mga ito.

Hindi na lamang nagsalita pa sina teacher ana at nanay pilar. Pero ramdam ko ang tingin nila sa akin, ramdam ko na hindi pa din nila iyon matanggap. Na kaya ko iyong gawin.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon